“So, what went wrong?” “Nilait niya ang mga Koreano.” “What?” bulalas ng kaibigan. “Sabi kasi niya galing siya sa Korea last month. Excited pa naman ako na magpakwento sa kanya pero nilait-lait niya ‘yung mga kasamahan niyang Korean. Na kesyo daw akala mo kung sino. Siya kaya ang akala mo kung sino. SIyempre ipinagtanggol ko ang mga Koreano. Sabi ko di naman ganoon sa Korean drama. Tapos pinagtawanan niya ako nilayasan ko na lang.” “Gahd! Cheska!” bulalas ni Mikha at humalakhak. “Saang ilalim ng bato ka ba nabubuhay? Iba ang fiction sa realidad. What the hell are you thinking?” “Okay na sana siya kung hindi lang niya nilait ang mga Koreano,” nanghahaba ang ngusong sabi niya sa kaibigan. “Alam mo naman na may espesyal silang parte sa puso ko.” “Espesyal sila to the point na ang basehan mo ng realidad ay ang mga Koreanovela? What kind of logic is that? Experience niya iyon kung di niya nagustuhan ang mga Korean.” “May karapatan pa rin akong mag-decide kung gusto ko ang opinyon niya o hindi. Saka ipinahiya niya ako.” “Naipahiya ka niya sa realidad? At sa palagay mo ‘yung ka-date mo pa rin ang may problema.” Umingos si Cheska. “Sino ba ang gustong mapagtawanan? Kaysa awayin ko siya, umuwi na lang ako.” “Hindi ito ang unang beses na iniwan mo ang ka-date mo para lang manood ng Koreanovela habang umiiyak at kumakain ng ice cream cake.” Napabuga siya ng hangin. “I feel better this way.” “Do you really feel better this way? This is way beyond pathetic. Ito na lang ba ang realidad mo? Magtrabaho, manood ng Koreanovela at pag-usapan sila as if nag-e-exist sila sa totoong mundo,” anang kaibigan habang umiikot ang mga mata. “Dito ako masaya. Bakit ba marunong ka pa sa akin?” “Hindi lang naman ito tungkol sa Koreanovela. You are depressed. Gusto mo iyan dahil hanggang ngayon di ka pa rin nakaka-recover kay Doc Darryl. It has been seven years.” Uminit ang ulo ni Cheska. Ganoon na ba kababa ang tingin ng kaibigan sa kanya? “Seven years, ten years, twenty years, anong magagawa ko kung siya pa rin ang mahal ko?” “Ni hindi mo nga nakilala nang personal ‘yung tao. He is just an illusion.” “How dare you! Hindi siya ilusyon. Di dahil di na kami nagkita, di ibig sabihin di siya totoo. Minahal ko siya. Naramdaman ko na mahalaga ako sa kanya.” Naggiyagis ang ngipin niya. “Alam mo ba kung gaano kahirap na magmahal ng isang taong wala na? Sino ba ang gustong mabuhay sa nakaraan? Sinubukan ko naman makipag-date. Sinubukan ko talaga. Pero siya pa rin ang nagpaparamdam sa akin na espesyal ako. I-I won’t settle for something less. Aanhin ko naman ang isang tao na nandiyan nga at kasama ko pero di ko naman maramdam na espesyal ako at masaya?” “What you have is real. Something tangible. At sa totoong mundo, walang perpekto. Kailangan mo lang tanggapin ang mga tao kung ano sila.” Pagak na tumawa si Cheska at bumaba ng kama. “Ako ang mag-a-adjust? Kailangang masiyahan na lang ako kung ano lang ang meron? Tiyagain ko na lang kung sino ang ipa-date sa akin ng magulang ko para lang hindi ako mukhang kawawa?” “Ano ba ang meron ka kay Doc Darryl? Memories. That’s all you have. And these pictures.” Inilahad ito ang palad sa mga picture ni Doc Darryl na ipina-print niya, inilagay sa frame at isinabit sa dingding ng kuwarto niya. “And his stories. Ni hindi mo nga alam kung totoo ang lahat ng iyon. Akala ko ba itinapon mo na ang mga iyan?” Tangkang lalapitan ng kaibigan niya ang mga picture ni Doc Darryl nang harangan niya ito. “Please. Hayaan mo na iyan.” Kapag wala ang mga larawang iyon, nakakaramdam siya ng kahungkagan. At ang presensiya ni Doc Darryl sa buhay niya ang pumupuno sa kahungkagang iyon. “You have to move on,” anito sa malumanay na boses. “Kung alam ko lang kung paano, ginawa ko na.” Malungkot niyang pinagmasdan ang kaibigan sa basa ang luhang mga mata. “Nakipag-date naman ako tulad ng gusto ninyo. Sinubukan ko naman na maging normal pero si Doc Darryl pa rin ang hinahanap-hanap ko. Ano pa bang move on ang gusto ninyong gawi ko? Kasi pagod na pagod na rin ako.” “I’m sorry,” usal ng kaibigan at niyakap siya. Humagulgol siya sa balikat nito. Ngayon lang niya nagawang umiyak at ilabas ang saloobin sa kaibigan niya. Dati kapag sinesermunan siya ng kaibigan ay tango lang siya dito. Iniisip niya na siya ang may mali. Na dapat niyang kimkimin ang nararamdaman niya. Ngayon na lang siya sumabog. Kahit pa sabihing mababaw immature love to the nth power ang pagmamahal niya, iyon ang totoong nararamdaman niya. Who cares about mature or immature love? Love is love. Wala na siyang pakialam sa sasabihin ng iba.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (27)
WritesChanak
I was amazed. In that almost a week of staying in Seoul, ang daming nangyari. Parang hindi mo akalain na nangyari ang lahat ng iyon sa loob ng maikling panahon. Ang galing ni author.
Marami ring lessons na makukuha sa story. Thank you for a wonderful story, Ma’am.
By the way, Miss Sofia, tanong ko lang po. May story po ba si Elixir at si Eun Yong?
I was amazed. In that almost a week of staying in Seoul, ang daming nangyari. Parang hindi mo akalain na nangyari ang lahat ng iyon sa loob ng maikling panahon. Ang galing ni author. Marami ring lessons na makukuha sa story. Thank you for a wonderful story, Ma’am. By the way, Miss Sofia, tanong ko lang po. May story po ba si Elixir at si Eun Yong?
09/02/2022
1👌😊
17/11/2024
0Nice story author and I love it😍😍🫰🫰
14/05/2024
0Tingnan Lahat