LIS 30

Ipinapaliwanag sa kanya ni Carter ang kahalagahan ng village na iyon sa kultura ng Korea at kung anong klaseng effort ang ibinigay ng gobyerno sa preservation ng lugar nang isang grupo ng mga kababaihan ang lumapit sa kanila.
“Oppa! Oppa!” tilian ng mga ito nang lumapit kay Carter. “Johi sajinjom jjigodod wegenni.”
“Ah! I will take your picture?” sabi ni Carter at inilahad ang kamay para sa camera o cellphone ng mga ito.
“Anyo, dang sineu nuri wahamkke.” Itinuro ng babae ang sarili at si Carter.
“Magpapa-picture daw sila kasama ako,” sabi ni Carter at nag-aalalang tumingin sa kanya.
“Can she take our picture?” tanong ng isa.
“Ikaw daw ang kukuha ng picture namin,” anang binata at nahihiyang tumingin sa kanya.
Pinagsalikop ng mga ito ang palad at yumuko. “Please, ahjumma.”
Nahigit ni Cheska ang hininga. “Ahjumma. Tinawag niya akong ahjumma.” Sa ganda niyang iyon, tinawag siyang “manang” o “ale”. Nakakainsulto. Ni hindi man lang siya in-unnie o ate samantalang mas mukha pang matatanda ang mga ito sa kanya. Mga mapuputi lang.
“Sure. Three thousand won,” nakangiting sabi niya.
“Boh?” tanong ng mga babae.
“Anong three thousand won?” naguguluhang tanong Carter.
“If you want a picture with him, pay me three thousand won for five shots,” nakangiting sabi ni Cheska. Bumuka ang bibig ni Carter pero parang ayaw nitong I-translate ang sinabi niya para sa mga babae. Inilabas niya ang cellphone at nag-encode sa Naveh translation app na in-install ni Eun Young.
Wala siyang balak na maningil. Gusto lang niyang solohin si Carter. Baka sakaling tantanan sila ng mga babae kapag nalamang naniningil siya.
“Samcheon won,” sabi ng babaeng pula ang buhok nang mabasa ang translation na gusto niyang magbayad ang mga ito kung gustong magpa-picture kay Carter. “Ulineun samcheon won-i pil-yohabnida.”
“Aish!” anang iba pa pero kanya-kanya naman ng labas ng wallet. Kanya-kanya ring hugot ang mga ito ng one thousand won hanggang makabuo ng three thousand won. “Ahjumma, here!”
Hala ka! Nagbayad ang mga bruha. Gusto talaga ng mga ito na makapagpa-picture kay Carter.
Walang nagawa si Cheska kundi tanggapin ang camera at kuhanan ng picture ang mga ito. Ngitngit na ngitngit siya lalo na nang makita kung paanong idikit ng mga babaeng ang katawan kay Carter. Oppa pa nang oppa sa binata.
“Kamsahamnida,” pasasalamat niya sa mga babae nang matapos ang pictorial. Naghahagikgikan pa ang mga babae nang umalis.
“Bakit mo naman siningil ang mga iyon?” Nakakahiya,” sabi ni Carter.
“Ano naman ang nakakahiya doon? Sabi mo buong araw kang akin. Kung may ibang gustong kunin ang serbisyo mo, dapat lang akong bayaran,” nakaismid niyang sabi. “Saka nagbayad naman sila. Mura pa nga ‘yung three thousand won.”
“Ibang klase ka talaga,” iiling-iling nitong sabi. “Pati ako pinagkakakitaan mo.”
“Tayo din naman ang makikinabang dito. May budget tayo sa pagkain.” Kumaway siya nang makita ang isang pamilya ng mga blonde ang patingin-tingin. “Three thousand won for picture with this handsome man. Three thousand won!”
Lumapit sa kanila ang pamilya pero nagpa-picture na kasama siya. Nakakailang lang sa una pero naaliw siyang magpa-picture kasama ang mga bata. Hiniram pa ng isa sa mga ito ang sumbrero ni Carter. And they got another three thousand won.
Tinapik niya ang balikat ni Carter. “Good. May six thousand won na tayo. Kung tatambay kaya tayo dito maghapon, magkano ang kikitain ko sa iyo?”
“You are really enjoying this,” sabi ng lalaki.
“Of course. Masaya ako kapag nakakaamoy ng pera.”
“Ayyyy! I-try natin ang fafa na iyon,” anang isang bading na kulot ang mahabang buhok at tumuro sa direksyon ni Carter. “Pa-picture tayo, mga ‘te.”
“Bet ko siya,” anang kagrupo nito na pula ang buhok. Limang mga bading din iyon na naglapitan sa kanila ni Carter.
Kumaway ang kinky ang buhok pero blonde. “Hi! Can we have a picture then take you home later?”
“Pay five thousand won for each pax if you want a picture with him,” maagap na sabi ni Cheska.
“Five thousand won daw,” sabi ng orange ang buhok. Mukhang dismayado pa ang tono nito.
Good. Sabi na nga ba niya’t madi-discourage ang mga ito dahil minahalan niya ng presyo at per head pa ang bayaran. Wala naman sigurong baliw na magbabayad ng five thousand won para lang magpa-picture kay Carter kahit gaano pa ito kaguwapo.
Nanlaki ang mata ng may blue na buhok. “Five thousand won… lang? Sure. Gusto mo five thousand pesos pa.”
“Barya lang iyan sa ibinibigay namin sa jowa namin na di pakaguwapuhan,” sabi ng kinky ang buhok at kanya-kanyang labas ang mga ito ng pera.

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    WritesChanak

    I was amazed. In that almost a week of staying in Seoul, ang daming nangyari. Parang hindi mo akalain na nangyari ang lahat ng iyon sa loob ng maikling panahon. Ang galing ni author. Marami ring lessons na makukuha sa story. Thank you for a wonderful story, Ma’am. By the way, Miss Sofia, tanong ko lang po. May story po ba si Elixir at si Eun Yong?

    09/02/2022

      1
  • avatar
    Cindy Pablo

    👌😊

    17/11/2024

      0
  • avatar
    Mateth Madelo

    Nice story author and I love it😍😍🫰🫰

    14/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata