Ipinitik ng binata ang daliri. “Ah! Iyon nga palang ibinayad mo kina Park Gung. Hindi ka pala makakaalis nang wala iyon.” “Hindi naman talaga ako aalis dito…” Ano bang di nito maintindihan? She was there to stay. Pinagkiskis ng binata ang palad. “Di ko maibabalik ang three hundred thousand won ngayon. Wala rin akong planong takbuhan ka dahil magbabayad ako. I will think of a way to return the money. Bukas na bukas din.” “At saan ka naman kukuha ng pera? Sa ibang loan shark? Tapos manggugulo na naman sila sa iyo kapag nabaon ka sa utang?” “Huwag mo nang intindihin. Problema ko na kung saan ako kukuha ng perang ibabayad sa iyo. Sa ngayon, intindihin mo muna kung saan ka mas ligtas. May kakilala naman ako dito na may-ari ng guesthouse. Pwede kang lumipat doon. Kami na ang bahalang mag-usap sa accommodation mo. Ibabawas ko sa utang sa iyo.” Humalukipkip siya. “Kailan ang balik ng mga gangster na iyon?” “Sa isang linggo pa. Nakabayad na kami ngayong linggo kaya sa susunod na ang balik nila.” Perfect! “Ibig sabihin safe akong manatili dito hanggang sa isang linggo.” “Pero paano kung hindi ko pa rin mabayaran ang utang ko sa iyo sa loob ng isang linggo?” tanong nito. “Hindi ba may usapan pa tayo na magiging guide kita habang nandito ako sa Seoul? Be my guide. Ayoko ng basta lang Seoul experience. I also want to experience where the locals go. I don’t want to be so touristy. Ang totoo ayoko nga ng masyadong mataong lugar.” “Saan naman kita dadalhin na hindi matao?” tanong nito. “This is Seoul. Walang parte nito ang hindi matao.” Nagkibit-balikat siya. “Surprise me. So, do we have a deal?” tanong niya at inabot ang kamay dito. Atubili pa ito noong una. Pero sa huli ay ginagap din ang kamay niya. “Deal.” “I AM so excited! Simula na ng tour ko sa Seoul bukas. Imagine, mapupuntahan ko na ang mga lugar na napapanood ko lang sa Koreanovela dati. Tapos kasama ko pa ang lalaki na tinititigan ko lang dati. How romantic,” kinikilig na sabi ni Cheska habang ka-chat ang kaibigang si Mikha sa Skype. Maghahatinggabi na pero di pa rin siya makatulog. Sigurado dahil mas maaga nang isang oras ang South Korea kaysa sa Pilipinas. Or she just had an exciting day ahead. Bandang alas onse ng gabi nang pilitin siya ni Carter na magpahinga na. Tiyak daw na napagod siya sa biyahe niya at sa pamamasyal nila ni Eun Young kanina. Isama ang trauma na dinanas niya dahil sa panggugulo nila Park Gung. “Cheska, are you out of your freakin’ mind? Hindi ka aalis sa bahay na iyan kahit na manganib ang buhay mo dahil lang sa lalaking iyan?” bulalas ni Mikha. “Naku! Kung pwede lang abutin kita sa screen ng computer at subunutan pabalik ng Pilipinas. Hindi ako nag-suggest na magpunta ka sa Korea para magpakabuwang nang ganyan.” Sinabunutan nito ang sarili. “Ano bang gagawin ko sa iyo?” Natawa lang siya habang pinagmamasdan ang kaibigan. She was always cool and composed. She was always in control even during the most trying times. Pero mukhang sa kanya lang ito masisiraan ng bait. And it was refreshing. “Sa isang linggo pa naman daw babalik ang mga gangster. Nasa Jeju Island na ako nang mga panahon na iyon. So, I am safe,” argumento niya na kapareho din ng argumento niya ka Carter. At alam niya na wala itong magagawa. “Halang ang kaluluwa ng mga gangster na iyon.” “Nah! Gusto lang nilang makuha ang pera nila sa napag-usapang oras. Basta nakuha nila ang bayad, di naman daw sila nanggugulo.” Bumuga ng hangin si Mikha. Kinakalma nito ang sarili. “Mas iniiintindihan mo pa ang salita ng gangster na iyon kaysa sa kaligtasan mo.” “Naibigay ko na ang pera kay Carter. Wala silang pambayad sa akin.” “Padadalhan kita ng pera! Just leave. Money is not an issue.” Hindi iyon sinasabi ni Mikha dahil mapera ito. She was also struggling as a young professional. Marami itong bayarin at pinag-iipunan. Hindi naman sila anak ng milyonaryo o bilyonaryo. Pero tiyak na ipapangutang siya ng kaibigan kung kinakailangan. “I am staying. Ayoko nang paproblemahin ka pa sa pera. Isa pa, kung ako mismo ang nasa panganib, aalis talaga ako dito.” Umingos ito. “Ang sabihin mo, di mo talaga maiwan ang Carter na iyan dahil kahawig siya ni Doc Darryl. You are crazy for him.” “I beg to disagree. Paalis na talaga ako dahil ayoko nang mabahiran ang alaala ni Doc Darryl dahil sa Carter na iyon. Tanggap ko nang magkaiba silang dalawa. Patay na si Doc Darryl at di na siya mabubuhay pa sa katauhan ni Carter.” “Then why involve yourself in their ruckus?”
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (27)
WritesChanak
I was amazed. In that almost a week of staying in Seoul, ang daming nangyari. Parang hindi mo akalain na nangyari ang lahat ng iyon sa loob ng maikling panahon. Ang galing ni author.
Marami ring lessons na makukuha sa story. Thank you for a wonderful story, Ma’am.
By the way, Miss Sofia, tanong ko lang po. May story po ba si Elixir at si Eun Yong?
I was amazed. In that almost a week of staying in Seoul, ang daming nangyari. Parang hindi mo akalain na nangyari ang lahat ng iyon sa loob ng maikling panahon. Ang galing ni author. Marami ring lessons na makukuha sa story. Thank you for a wonderful story, Ma’am. By the way, Miss Sofia, tanong ko lang po. May story po ba si Elixir at si Eun Yong?
09/02/2022
1👌😊
17/11/2024
0Nice story author and I love it😍😍🫰🫰
14/05/2024
0Tingnan Lahat