LIS 2

Umasim ang mukha ng kaibigan. “I will reserve my judgment. Gusto ko muna siyang makilala.”
“Bakit kailangan masyadong maraming requirement para malaman kung true love o hindi? May mature at immature pa. Ang hirap sa iyo puro ka kasi aral. Puro ka based sa libro. Subukan mo kayang mabuhay sa mundo naming mga ordinaryong tao, ‘no? Hindi ba sapat na basta naramdaman ko at alam ko na love iyon?”
“Because love and relationships are not as simple as they seem.”
“Na-in love ka na ba kaya mo nasasabi iyan?” Inilahad ni Cheska ang mga palad. “Subukan mo rin kasing makaramdam. Ewan ko lang kung magamit mo pa ‘yang psychology-psychology mo kapag nabaliw ka sa pag-ibig. Walang matino kapag na-in love. Walang logic-logic pero masaya naman. Kagagamit mo ng brain cells mo di ka na makaramdam kung paano maging masaya.”
Pagak na tumawa ang kaibigan. “Che, hindi mo ako kaaway. Worried lang ako sa iyo. And this is not about me. This is about you. Ikaw lang ang inaalala ko. Bilang kaibigan mo, ako ang pinakaunang magiging masaya kung talagang nagkakagustuhan kayo ng lalaking iyan at totoo sa iyo.”
Bumuga siya ng hangin. “Sorry. Ayoko lang ng kanegahan ngayon. Gusto ko lang maging masaya. Naiintindihan mo ba ako? Kung totoo na gusto rin ako ni Doc Darryl at may pag-asa kaming dalawa, kailangan ko nang magplano para sa future namin.”
It was silly. Pero nararamdaman niya na sila talaga ang para sa isa’t isa. Kaya naman naplano na niya ang buhay nilang dalawa. Pupunta siya sa South Korea kapag nakapasa na siya sa board exam at ganap nang CPA. Magpapakasal sila sa Pilipinas at sa Korea. Magkakaroon sila ng dalawang mga anak.
Pero para sa immediate future, sinabi ng binata sa kanya na tutulungan daw siya nito na makarating sa South Korea. Ipapasyal daw siya nito sa Jeju Island na siyang pinakapaborito nitong lugar sa mundo. Nakaplano na nga kung saan-saan sila pupunta at kung anu-ano ang gagawin nila. Habang siya naman ay nangako na ipapasyal ito sa pagpunta nito sa Pilipinas kasama ang pinsan nitong si Jaimee. Sembreak niya kaya naman wala siyang pasok. Sa halip na umuwi sa probinsiya ay inilaan niya ang bakasyon para makasama si Darryl.
This is it! Ito na ang simula ng forever nila ng binata.
“Basta gusto kong makausap ang Darryl na iyan isa sa mga araw na ito,” anitong diskumpiyado pa rin hanggang ngayon. “Ako ang pinagbilinan nila Tita Medy habang nandito ka sa Maynila. Gusto nilang matiyak na okay ka lang. Alalahanin mo na di mo pa rin lubusang kilala ang Darryl na iyan. Ni hindi nga kilala ng magulang mo ang Jaimee na iyan. Parating na ba siya? Gusto ko siyang makausap.”
“Oo na. Dadaanan niya ako dito. Paalis na sila ng Bataan,” aniya at inilabas ang cellphone. Matagal pa naman ang dating ng flight ni Darryl. Huling chat nila ng lalaki ay papunta pa lang ito sa Jeju International Airport. May limang oras pa bago lumapag ang flight nito sa Pilipinas. Siya lang ang excited na magpaganda.
“unnie….” unnie ang tawag nito sa kanya na “ate” sa Korean.
“O, Jammie! Ready na ako. Malapit na ba kayo?”
“Si Oppa Darryl kasi…”
“Bakit? Na-delay ba ang flight niya? Okay lang naman iyon.”
“H-Hindi na siya makakarating.”
“Oh!” malungkot niyang usal. “May emergency ba?”
“Naaksidente ang sinasakyan niyang kotse papuntang airport. Bumangga sa isa pang kotse. Dead on the spot si Oppa. Wala na siya, Ate. Patay na si Oppa Darryl. H-Hindi mo na siya makikita.”
Patay na si Darryl? Patay na ang lalaking pinapangarap niya. Hindi na niya ito makikita. DI na niya ito makakasama. “H-Hindi pwede. Di siya pwedeng mamatay. M-Magkikita pa kami. Hindi ko pa nasasabi sa kanya na mahal ko siya. Mamamasyal pa kami. Marami pa kaming plano.”
Humikbi ang kaibigan sa kabilang linya. “I’m sorry.”
“Hindi!Darryl!” sigaw niya at napaupo sa sahig. Nawalan ng kulay ang paligid. Napalitan ng kalungkutan ang saya sa puso niya. Gumuho ang mundo niya. Parang tumigil sa pagtibok ang puso niya.
Nagdilim ang lahat sa paligid ni Cheska.
“Bakit hindi mo sinabi na may taning ang buhay mo?” sabi ni Tristan Choi sa kasintahang si Emelyn Chang. Nakaupo ang babae sa wheel chair at namumutla habang nakapaligid ang mga puno na iba’t ibang shades ng brown ang kulay. Naglalagas na ang mga iyon. Kagaya ng buhay ng babae na malapit nang malagas.
Umubo ang namumutlang si Emelyn. May itim na bilog ang paligid ng mga mata nito. Iginugupo ito ng cancer at bilang na ang mga araw. “Natatakot ako na masaktan ka. Ayokong makita mo na nahihirapan ako.”

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    WritesChanak

    I was amazed. In that almost a week of staying in Seoul, ang daming nangyari. Parang hindi mo akalain na nangyari ang lahat ng iyon sa loob ng maikling panahon. Ang galing ni author. Marami ring lessons na makukuha sa story. Thank you for a wonderful story, Ma’am. By the way, Miss Sofia, tanong ko lang po. May story po ba si Elixir at si Eun Yong?

    09/02/2022

      1
  • avatar
    Cindy Pablo

    👌😊

    17/11/2024

      0
  • avatar
    Mateth Madelo

    Nice story author and I love it😍😍🫰🫰

    14/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata