Anong nangyari sa kanya sa loob ng taong nagdaan? Parang ngayon lang ulit siya nabuhay. And I must keep up. I want this feeling that I am living again. “Ikaw na ang umorder para sa akin. And order whatever you like. Walang problema sa budget,” sabi niya sa dalagita. She was a great shopping companion. Dapat lang siguro na bigyan niya ito ng reward. “I like that. Kung si Oppa Kuya ang kasama ko, oorder siya ng pinakamurang pagkain. Tipid na tipid siya sa akin,” nanghahaba ang nguso nitong sabi. “Tapos sa bahay na lang daw bumawi at doon kami kumain ng luto niya o ni umma. Killjoy!” “He is just practical. Sa mahal ng bilihin dito, kailangan ninyong magtipid.” Kung siya ang tatanungin, masaya na siyang mag-stay lang sa bahay nila Carter at titigan ito maghapon. Tutal ganoon din naman ang gawain niya dati kapag nasa bahay lang - tinititigan lang niya si Doc Darryl. Ang kaibahan lang ay nakikita niya ang gumagalaw at humihingang version nito. “Kapag may trabaho ka na, saka mo bilhin ang lahat ng gusto mo.” Napabuntong-hininga ito. “Pareho kayo ng sinasabi ni Kuya Oppa. Pero matagal pa akong magkakatrabaho. Gusto niyang mag-aral ako sa university.” “Ganyan din ako dati. Tinatamad mag-aral. Pero may pangarap ako para sa sarili ko at sa pamilya ko. Di ako tumigil hangga’t di ako nagiging CPA at nagkatrabaho. That is the reality of life.Kailangan mong mag-aral at paghirapan ang mga pangarap mo. What do you want in life?” Nangalumbaba ito. “Sana ipinanganak akong mayaman?” “Di lahat sa atin ganoon pero pwede mong pagsikapan para makuha mo ang gusto mo.” Ikiniling niya ang ulo. “Mabuti marunong kang mag-Tagalog.” “Gusto ni umma na masanay ako. Hindi kami kinakausap ni Kuya Oppa ng Korean o English kapag ka-chat namin siya. As if he hates Korea. You see, naghiwalay si umma at ang tatay niya nang ten years old siya. Gusto ni umma na magtrabaho dito. Parang wala daw kasing pangarap ang tatay ni Kuya Oppa. Nakilala ni umma si Abba.They fell in love. Kaya pakiramdam ko noon sinisisi ako ni Kuya Oppa dahil nasira ang pamilya niya at ako ang bunga.” “Hindi mo naman kasalanan iyon, Eun Young.” Pero malaki talaga ang impact sa mga batang naghihiwalay ang magulang, lalo na kapag nagkaroon na ng bagong pamilya ang mga ito. “Pero nandito siya ngayon. Kasama ninyo ng nanay mo.” “He is my English tutor. At di daw niya ako tuturuan mag-English kung hindi ko rin kayang I-translate sa Filipino. He is cruel.” Ngumiwi siya. “He really wants you to learn the language. Para sa isang English teacher, he is nationalistic.” Nagsalangng beef strip sa grill ang dalagita. Ito na ang nagsisilbi sa kanya. “Hindi niya hilig ang mga Koreanovela kung hindi lang Tagalog dubbed.” Natawa si Cheska. “Pareho pala kami.” Ibinalot nito ang inihaw na baka sa repolyo. “And he likes Pinoy telenovelas. Nanood din ako kasama niya. Iyon ang paraan ko para maintindihan siya minsan. Some of the tradition and culture is different in the Philippines.” “Nanonood siya ng Pinoy telenovela?” “Oo. Iyon lang daw nagpapawala ng pagka-homesick niya.” “Gusto talaga niya sa Pilipinas.” “Doon naman talaga niya gusto. Ayaw niya dito sa Korea. Nang maka-graduate siya at ipinadala ng kompanya niya sa Seoul, saka lang namin siya nakita. Twice a year siyang nagbabakasyon dito. Bumabalik din siya ng Pilipinas. Hanggang nang mapilitan siyang manatili dito nang iwan kami ni Appa para sa ibang babae. Iniwan ni Kuya Oppa ang trabaho niya sa Pilipinas pati na ang tatay niya. Dito na siya nagturo at siya din ang nag-suggest kay umma na gawing homestay ang bahay namin. Siya na ang naging appa ko.” Mas malapit pa ang magkapatid sa isa’t isa kaysa sa inaalala niya. Solong anak si Doc Darryl. Namatay pa ang mga magulang nito bago ito mag-graduate ng Medicine. Maliban sa pagkamay ng mga magulang nito, masaya ang buhay nito. Perfect. Almost perfect. “So, he is your hero?” “Nee,” sagot nito at tumango. “And tormentor. Malakas siyang mang-asar. Masanay ka na.” Tumikhim si Cheska. “Yung nililigawan ng kuya mo, maganda ba talaga?” “Maganda. Mukhang diyosa. Pero mas maganda ka pa doon noong di pa nareretoke. Sa palagay ko di siya liligawan ni Kuya Oppa kung nakita niya in her natural state. Nasuutan ata ng helmet si Kuya Oppa kaya di pa natatauhan.” “So, this is what girl bonding is like. You gossip about poor men when we are not around,” nakapamaywang na sabi ni Carter. He looked like a scary warrior. Nakangiti ito pero pinanlakihan ng mata si Eun Young nang lumingon. “Anneonghasaeyo, Kuya Oppa. You told me it is rude to eavesdrop in someone else’s conversation.” Saka bumaling sa kanya. “Mat ji? Right, Cheska?”
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (27)
WritesChanak
I was amazed. In that almost a week of staying in Seoul, ang daming nangyari. Parang hindi mo akalain na nangyari ang lahat ng iyon sa loob ng maikling panahon. Ang galing ni author.
Marami ring lessons na makukuha sa story. Thank you for a wonderful story, Ma’am.
By the way, Miss Sofia, tanong ko lang po. May story po ba si Elixir at si Eun Yong?
I was amazed. In that almost a week of staying in Seoul, ang daming nangyari. Parang hindi mo akalain na nangyari ang lahat ng iyon sa loob ng maikling panahon. Ang galing ni author. Marami ring lessons na makukuha sa story. Thank you for a wonderful story, Ma’am. By the way, Miss Sofia, tanong ko lang po. May story po ba si Elixir at si Eun Yong?
09/02/2022
1👌😊
17/11/2024
0Nice story author and I love it😍😍🫰🫰
14/05/2024
0Tingnan Lahat