“Walang babaeng nakakatanggi sa dessert. There’s always a space for something sweet.” At saka parang nang-aakit na inilapit sa bibig niya ang honeybread na nakaipit sa metal chopstick. Ibinuka niya ang bibig habang di inaalis ang tingin dito. Nang bumaon ang ngipin niya sa malambot na tinapay ay napapikit siya. It was so good. Nang dumilat siya ay nakatitig sa mga labi niya si Carter. Itinuro nito ang sariling labi. Ano ang kailangan niya? Nagpapaalam ba siyang halikan ako? O gusto niyang halikan ko siya? Alumpihit siya sa upuan. Anong gagawin ko? Magpapakipot ba ako? “Oppa, baegopayo,” anang teenager na babae na mahaba ang tuwid na buhok at hinaplos ang sikmura. Nagrereklamo marahil ito na gutom na ito. “Anneonghasaeyo,” mariing bati ni Carter dito, na karaniwang courtesy kapag dumadating ng bahay. Para siguro idiin sa babae kung ano ang nakalimutan nito. “Anneonghasaeyo,” mahinang bati ni Cheska. Tinanguan siya ng dalagita pero awtomatiko namang inunat ang kamay para damputin ang tinapay na nasa harap niya. “Ah! Kkul-pang!” Tinampal ni Carter ang kamay nito. “Maghugas ka muna ng kamay.” “Ahhhh! Oppa,” angal nito at hinawakan ang kamay. “Ihaeka andoeyo.” “Anong hindi mo naiintidihan? Russian ba ang sinabi ko? May bisita tayo. Di ka na na nahihiya at basta ka na lang dadampot ng pagkain. Gusto mo pukpukin ko ulit ang kamay mo para maintindihan mo?” Nanlaki ang mata ng dalagita at bumaling ng tingin sa kanya. “Girlfriend mo? Ano na nang nangyari kay Retoke Girl? O magpaparetoke pa lang? Aish! Marami-rami ang babaguhin sa kanya kung . Baka pwede mo siyang I-recommend sa doctor ni Retoke Girl.” Ganoon ba siya kapangit na kailangang I-overhaul kapag niretoke? She was offended. “Respect please,” anang si Carter at mariing nagdikit ang labi. “Guest ako dito sa homestay. I’m Cheska,” pagpapakilala niya sa antipatikang kapatid ni Carter at inabot ang kamay. “Anneong! I am Eun Young. And if you like my brother he is all yours. Iuwi mo na sa Pilipinas, with my blessings. Di ako makakapag-boyfriend dahil sa sobrang higpit niya.” “Aish!” angil ni Carter. “Di ka pwedeng mag-boyfriend hangga’t di ka pa graduate ng college. Ipasa mo muna ang high school mo. Saka di mo ako pwedeng ipamigay.” “Bakit naman hindi? Ipinagmamalaki nga kita bilang kuya ko. Guwapo na, masipag pa,” pambobola ni Eun Young dito. “Nandito si Cheska para dalawin ang puntod ng boyfriend niya na nakalibing sa Jeju Island. Pero dito muna siya sa atin. Next week pupunta na siya sa Jeju,” kwento ng binata dito. Sinapo ni Eun Young ang dibdib. “Oh! Mianhamnida. I’m sorry. Bakit siya namatay?” “Naaksidente siya nang papunta na siya sa airport. Nabangga ang kotse niya. Papunta na sana siya sa Pilipinas noon at magkikita kami.” Kataka-taka na di mabigat ang loob niya habang ikinukwento si Doc Darryl. Ni walang kurot o bigat sa dibdib niya. “Oh! Geugeo seulpeuda.That is so sad.” At napapitlag ito nang may tumunog. Pinalo pala ni Carter ang kamay nito na inaabot ang kkal-pung. “Pasimple ka pa na nakikisimpatya. Maghugas ka ng kamay.” Susukot-sukot na sumunod si Eun Young na parang maamong tupa. “Nee.” “Pasensiya ka na sa kapatid ko. Pasaway siya. Sabihin mo lang sa akin kung pakiramdam mo nao-offend ka niya. Pagsasabihan ko,” sabi ng lalaki. “No harm done. She’s just being…. a teenager.” Bumalik si Eun Young sa tabi niya. Mas lamang ang dugong Korean dito mula sa maputla nitong balat hanggang sa mata nito na dalawa ang eyelid. “Anong planong mong gawin dito sa Seoul?” “Ahmmmm… hindi ko pa alam,” sagot ni Cheska at nagkibit-balikat. “Basta ka na lang pumunta dito nang walang plano?” “Kuya mo ang bahalang mag-tour sa akin. Kung saan niya ako gustong dalhin, siya ang bahala. Bukas ang tour namin. May English class pa siya ngayon.” “At maiiwan kang nagmumukmok sa kuwarto mo? Ako na lang ang magtu-tour sa iyo. Doon tayo sa Insadong o sa Myeongdong. Mag-shopping tayo. They have a sale. Ipakilala sa kuya ng kaibigan ko. May-ari ng restaurant iyon at masarap magluto. Walang-wala ang luto ng kapatid ko.” At saka nginisihan si Carter. “Di mo ba narinig na dadalawin niya ang namatay niyang boyfriend?” tanong ng binata. Bumaling si Eun Young sa kanya. “Gaano na ba siya katagal namatay?” “Six years,” sagot ni Cheska at sumimsim ng green tea. “Six years naman pala. Dadalawin lang niya, di naman sila magkakabalikan. Hindi niya bubuhayin. Pwede na siyang mag-boyfriend ulit. Huwag kang killjoy, Oppa Kuya.” Siniko siya ni Eun Young. “Ano ba ang itsura ng boyfriend mo?” “Matangkad, moreno saka magandang ngumiti. Doctor siya ng mga batang may cancer. Mabait siya at maalalahanin,” kwento niya at bahagyang ngumiti. Inilahad ng dalaga ang palad. “Nasaan ang picture? I want to see.” Tingnan mo na lang ang kuya mo. Ganyan na ganyan. “Nandoon sa phone ko na sira.”
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (27)
WritesChanak
I was amazed. In that almost a week of staying in Seoul, ang daming nangyari. Parang hindi mo akalain na nangyari ang lahat ng iyon sa loob ng maikling panahon. Ang galing ni author.
Marami ring lessons na makukuha sa story. Thank you for a wonderful story, Ma’am.
By the way, Miss Sofia, tanong ko lang po. May story po ba si Elixir at si Eun Yong?
I was amazed. In that almost a week of staying in Seoul, ang daming nangyari. Parang hindi mo akalain na nangyari ang lahat ng iyon sa loob ng maikling panahon. Ang galing ni author. Marami ring lessons na makukuha sa story. Thank you for a wonderful story, Ma’am. By the way, Miss Sofia, tanong ko lang po. May story po ba si Elixir at si Eun Yong?
09/02/2022
1👌😊
17/11/2024
0Nice story author and I love it😍😍🫰🫰
14/05/2024
0Tingnan Lahat