LIS 13

“Hay! Pati ba naman ang shower nila parang Korean din? Di kami magkaintindihan.”
Mas na-stress kaysa na-relax si Cheska matapos mag-shower. Mahirap makipagtantiyahan sa init ng shower. Konting pihit lang kasi niya ay nagiging sobrang init na ng shower kalaunan o kaya naman ay parang ice tubig sa lamig. Kailangan ng tamang timing at tantiyahan na di madaling ma-perfect. Pero napatunayan niya na sobrang absorvent nga ng tuwalyitang pinagamit nito.
Nang makabihis na at makapagpatuyo ng buhok ay pumunta siya sa kusina. Sinalubong ng masarap na amoy si Cheska ng sinabawang manok. Nang sumilip siya ay si Carter ang nakaharap sa kalan. Nakasuot ito ng red polka dots apron at pink bunny slippers sa paa. It was too girly, she supposed. Pero bumagay iyon kay Carter. Hindi nabawasan ang kakisigan nito.
“Ikaw ang nagluluto?” tanong niya. “Akala ko si Tita Selina.”
“May delivery siya ng kimchi at yellow radish sa isang restaurant dito. May bibilhin din siya kaya ako na lang muna ang bahala sa iyo. Don’t worry. She told me her secret. Maupo ka muna at malapit nang maluto ito.”
“Anong niluluto mo?” tanong niya at excited na umupo sa bakanteng mesa.
“Samgyetang. Chicken ginseng soup.”
“Mukhang masarap,” usal niya. Makalipas ang limang minuto ay ihinain na ng binata ang niluto nito kasama ang kimchi, pickles at yellow radish bilang side dish.
Nasorpresa siya nang matikman ang mga side dish dahil mas masarap kaysa sa natitikman niya sa Pilipinas. Di kasi siya nag-e-enjoy sa mga side dish na natikman na niya noon lalo na sa kimchi. She loved the crisp vegetables. Naglalaro din ang lasa ng spices sa dila niya.
“May kanin ba kayo diyan? Kasi mas masarap ang manok kapag may kanin,” sabi ni Cheska.
“May glutinous rice na iyan sa loob. Kahit di mo na lagyan ng kanin,” anang lalaki at kinutsara ang loob ng buong manok para ipakita sa kanya ang kanin sa loob.
“Kulang sa akin ‘yang kanin na iyan. Mas masarap pa rin kapag may totoong kanin. ‘Yung marami. Mapapakain ako nang marami nito,”excited niyang sabi at humigop ng sabaw. “Ang sarap! Parang dinala ako sa langit. Salamat kasi makakatikim din ako ng luto mo. Matagal ko nang pangarap na maipagluto mo.”
“Ha?” anang lalaki na naguluhan. “Pangarap mo na ipagluto kita?” Kung nandito si Mikha, baka pinaluguan na niya ako ng chicken ginseng soup. Napag-iisa ko na naman sina Doc Darryl at Mikha.
“HIndi. Ang ibig kong sabihin matagal ko nang pangarap na…. makarating dito sa Korea at makatikim ng authentic Korean food. Sabi kasi sa nabasa ko, mas masarap daw ang luto sa bahay kaysa sa restaurant. This is the food that locals serve to their family.”
“Mabuti na-appreciatte mo. Mas masarap si umma magluto. HIndi pa rin ako sanay sa traditional Korean food. Kapag nagluto ako, may Pinoy twist pa rin. Ten years na akong pabalik-balik dito sa Korea at nag-settle lang ako dito three years ago. Pero iba pa rin ang lutong Pinoy para sa akin.”
“Of course.” Papunta-punta na pala ito sa Korea nang mga panahong nakilala niya si Doc Darryl. “This is good. Sakto lang ang anghang. Nalalasahan ko pa rin ang lasa ng ingredients. Hindi katulad ng ibang Korean dish na sobrang anghang.”
“Nasabi mo na first time mo lang dito sa Korea. Some are not into spicy food. Kung gusto mo ng mas maanghang, pwede naman lagyan ng chilli sauce o chilli powder.”
“No. I’m good. Ang ganda nitong bahay ninyo. Parang nasa Koreanovela set ako.” Ilang beses ba niyang in-imagine na ganito sila ni Doc Darryl. Na ipagluluto siya ito at magkukwentuhan sila. Gaya ngayon. Luminga si Cheska sa paligid. “May iba ba kayong guest dito?” Parang silang dalawa lang ni Carter ang nasa bahay.
“Wala ngayon,” malungkot nitong sabi.
Good. Solo niya ito ngayon. Parang boyfriend ito na nagsisilbi sa kanya. May rason din siya ngayon para dito lang ituon ang atensyon. His hands didn’t look delicate. Halatang sanay ito sa mahihirap na trabaho.
“Saan mo gustong pumunta bukas?” untag ng lalaki sa kanya.
“Ikaw ang tour guide ko. Ikaw ang magsabi kung saan tayo pupunta. Hindi ba tayo aalis ngayon?”
“May itu-tutor ako ngayong gabi,” sagot ng binata.
Nawala ang ngiti sa labi niya. “O-Of course. Siyempre nauna iyon sa akin.”
Si Kpop star wannabe ba ang itu-tutor nito? Nakadama siya ng lungkot. Paano ay ibang babae ang priority nito. Hindi naman ako kasama sa plano niya. Basta na lang akong sumulpot sa buhay niya. She cheered herself up. Bukas naman magkakasama kami. Siya ang guide ko. Isang linggo rin akong nakatira sa bahay niya. At pwede ko pang dagdagan ng ilang araw ang serbisyo niya kung gugustuhin ko. Tutal kapag usapin naman ng pera, walang problema sa kanya.
Hindi makahinga sa kabusugan si Cheska pero nag-serve pa si kkul-pang o honey bread. {aramhm donut iyon na may lamang red bean paste. “Bibitayin ba ako ngayon? Ang dami naman nito.”

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    WritesChanak

    I was amazed. In that almost a week of staying in Seoul, ang daming nangyari. Parang hindi mo akalain na nangyari ang lahat ng iyon sa loob ng maikling panahon. Ang galing ni author. Marami ring lessons na makukuha sa story. Thank you for a wonderful story, Ma’am. By the way, Miss Sofia, tanong ko lang po. May story po ba si Elixir at si Eun Yong?

    09/02/2022

      1
  • avatar
    Cindy Pablo

    👌😊

    17/11/2024

      0
  • avatar
    Mateth Madelo

    Nice story author and I love it😍😍🫰🫰

    14/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata