Kabanata 10

“Bilisan mo ang bagal mo talagang kumilos,” reklamo na naman ni Marie habang palabas kami ng bahay. Itinirik ko na lang ang mga mata ko bago sumunod sa kanya, ako na rin ang nagsara ng pintuan.
“Masakit pa ang paa ko, baka nakakalimutan mo po,” I said with sarcasm habang mabagal na sumusunod sa kanya.
“Sino bang may kasalanan? Kung hindi ka ba naman baliw, hindi ka magkakaganyan." Kapag umaatake talaga ang bunganga niya para siyang nanay sa umaga.
“Sabi ko nga, kasalanan ko 'to,” nakalabing saad ko.
Sumakay kami ng tricyle upang magtungo sa pinakamalapit na grocery store. Tuwing sabado talaga ang schedule ng pamamalengke namin dahil iyon ang araw na wala kaming trabaho pero ngayon wala na talaga kaming trabaho.
“Ano ba 'yan? Bakit puro sitserya? Nagtitipid tayo ngayon kaya h'wag kang bumili ng hindi importante," ani ni Marie ng makita ang laman ng cart na tulak ko, ibinalik niya ang mga snacks na nilagay ko.
“Kunti lang naman e."
“Kahit na. Kaya hindi ka tumataba puro junk foods kinakain mo." Hindi ko maiwasang mapa-irap sa hangin, she treated me like a kid. Matanda na ako pero lagi pa rin niya akong nasesermunan kahit maliit na bagay lang naman.
“Anong masama sa body size ko? Sexy naman ako a,” saad ko at tiningnan ko pa ang sarili ko.
“Hindi kana sexy kundi skinny.”
“That's the new trend.”
“Tantanan mo ako, kumuha ka ng karne sa meat section, kukuha lang ako ng mga detergent," utos nito at iniwan na ako.
“Ma'am, artista o beauty queen ba kayo?” biglang tanong sa akin ng babaeng kalapit ko habang namimili ako ng karneng bibilhin.
Maliit siya na medyo may katabaan, mukha siyang teddy bear.
“No,” nakangiting sagot ko, ang ganda ko talaga napagkakamalan akong artista o kaya ay beauty queen wala pa akong make-up nito. Ganito talaga kapag pinagpala ang mukha.
“Talaga po? Akala ko artista o kaya beauty queen kayo, ang tangkad n'yo po kasi,” paliwanang nito na biglang ikinawala ng ngiti ko.
So she thinks that I am an actress not because I am pretty but because of my height.
“Hindi naman lahat ng matangkad artista. Natulog lang kasi ako noong bata ako, ikaw mukhang tumatakas ka sa nanay mo kaya kinulang ka sa taas.”
“Ang taray n'yo naman, hindi naman kayo kagandahan, matangkad lang," saad nito at tinalikuran ako.
“Aba, makapagsalita akala mo kung sino. Ikaw nga hindi na matangkad, pinagkaitan pa ng hitsura," saad ko habang nanggagalaiting nalatingin sa papalayong small size na bulto nito. Napaka-atribida. Hinayaan ko pa ito ng kamao kahit malayo na. Nangigil ako bigla.
“Hanggang dito, may nakaka-away ka. Yung inuutos ko sayo meron na ba?” Biglang tanong ni Marie buhat sa likuran ko. Oo nga pala.
Matapos naming mamili at hirap na hirap naman kami magbuhat ng mga pinamili namin. Parang mababali yata ang buto ko sa bigat ng mga dala ko pero hindi ko magawang magreklamo kundi bubungangaan na naman ako ni Marie.
Naghihintay naman kami ng sasakyan pauwi nang may sasakyang huminto sa tapat namin, ang sasakyang malapit ng ipakilo sa junkshop.
“Hi, Ladies,” todo ngiti na namang bati ni Ambo ng makababa sa sasakyan niyang bulok na.
Nagkunwari akong hindi siya nakikita.
“Ano na naman kailangan mo?” diretsang tanong ni Marie dito.
“Hatid ko na kayo pauwi," anyaya nito, na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi.
“Sige,”pagpayag ni Marie. Marahas akong napatingin pero naglalakad na siya patungo sasakyan ni Ambo. Kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod.
“Sure ka bang makaka-abot pa sa bahay itong sasakyan mo?” tanong ko ng makasakay na, malinis naman ang loob pero bulok ang labas.
“H'wag kana mag-inarte, tayo na nga ang ginagawan ng pabor ang choosy mo pa,"saway sa akin ni Marie, muli akong napatingin sa kanya dati ayaw na ayaw rin namang sumakay dito sa kotse ni Ambo pero ngayon isang alok lang sa kanya umu-oo na agad siya.
“H'wag kang mag-alala Veronica, darating kayong safe sa bahay n'yo ako yata ang driver," pagyayabang pa nito na ikina-irap ko sa hangin. Siguraduhin lang niya dahil kapag puro bukol ako, makaktikim siya sa akin.
“Salamat, Ambo pero kaya na namin ito,” ani ni Marie ng makababa na kami ng sasakyan, nagvo-volunteer pa kasi itong buhatin ang mga pinamili namin.
“Salamat,"matabang na saad ko at dire-diretso ng pumasok sa loob ng bahay.
“Anong pumasok sa utak mo at pumayag kang sumakay tayo sa kanya?" tanong ko kay Marie habang inaayos ang mga pinamili namin.
“Ano namang masama, nagmamagandang loob lang naman 'yung tao?”
“Ayaw ko lang namang umasa siya, mahirap na.”
“Huwag mo akong dramahan kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa nararamdaman ng iba?”
“Sinasabi mo bang masama ang ugali ko?" madramang tanong ko habang pinapanood na lamang siya.
Ngumiti siya sa akin. “Hindi ka pa ba aware? Mas bulok pa sa sasakyan ni Ambo ugali mo minsan.”
“Ang sakit mong magsalita, parang wala tayong pinagsamahang dalawa.” Sanay na ako sa mga pasaring niya kaya hindi na ako na-aapektuhan sa masasakit na salitang lumalabas sa bibig niya.
“Matagal na nga tayong dalawang magkasama kaya, kilala na kita. H'wag mo akong dramahan. Kumilos kana, maya-maya darating na si France." napatayo naman ako sa sinabi niya. Oo nga pala, ngayon ang lunch kuno namin sa family niya kahapon lang niya sanabi sakin pero muntik ko na agad makalimutan.
Dali-dali akong nagtungo sa kwarto ko upang maghanda ng sarili.
“And’yan na!” malakas na sigaw ko dahil kanina pa sigaw nang sigaw sina France at Marie buhat sa sala.
“Bakit ang tagal mo?” naiinip na tanong ni France ng makalabas ako. He looks manly today. Naka-white long sleep maong pants lang siya at leather shoes unlike kahapon na may nakalagay pa siyang scarf sa leeg.
“Gwapo natin a," puna ko sa kanya na ikinangiti naman ni Marie pero ikinasimangot ni France.
Gwapo naman talaga siya kaya nakakapanghinayang minsan na gwapo rin ang hanap niya.
“Couple outfit pa talaga kayo,” ani ni Marie na natatawa. Naka-white three-fourth shirt din kasi ako at skiny maong pants na pinarisan ko ng black high heels, may sugat pa ang paa ko pero tiis ganda na lang.
“Tantanan n'yo ako, halika na, male-late na tayo," saad ni France at nauna nang lumabas kaya sumunod naman ako. Nag-flying kiss pa ako kay Marie na pinanonood lang kami.
'Good luck!’ ani niya ng walang boses. Kumindat naman ako sa kanya bago tuluyang lumabas ng bahay.
“Nice car,” saad ko ng makaupo sa passenger seat.
“This is nothing compared to a Rolls-Royce," sagot nito na bahagyang nakangisi sa akin. Kia Seltos 2021 ang model ng kotse niya, mura lang talaga ’to kumpara sa Rolls-Royce Phantom na binangasan ko.
Nakalimutan ko na nga ang tungkol doon kahit kahapon lang nangyari pero pinaalala na naman nito.
“Pinapaalala ko lang sayo, don’t be too sarcastic later learn to filter your mouth baka ipahamak tayo niyang bunganga mo, okay?” Binigyan pa ako nito ng nagbabantang tingin pero pinagtaasan ko lang siya ng kilay gaya ng nakagawian ko. Kaya ko namang kontrolin ang bibig ko basta huwag sasabay ang init ng ulo ko.
“H’wag kang mag-alala akong bahala sagot kita.”
“Ikaw bahala ako magiging kawawa, umayos ka talaga,” banta na naman nito pero binaliwa ko na, mukha kasing kinakabahan ito.
“Relax, parang first time mong magdala ng babae sa bahay n’yo para ipakilala sa pamilya mo,” saad ko, alam ko namang kinakabahan siya pero huwag siyang mag-alala yakang yaka ko ang magiging drama naming dalawa.
“Ano sa tingin mo aber?”
“Oo nga pala, nakalimutan ko boss mo ang crush mo," pang-aasar ko dito, bahagya pa akong natawa.
Naalala ko kasi dati na inamin niyang crush niya ang gwapong boss daw niya umano. Pero dahil babaero ito at straight talaga hindi na siya umasang mapapansin pa.
Tumigil kami sa tapat ng isang two-storey house.  Hindi kasing laki ng mansion ang bahay nina France pero mapapansin mong maykaya sa buhay ang nakatira. There are some parts of the house that made of glass, the garage is big enough to accomodate four cars. Malawak din ang paligid nito na puno ng iba't ibang bulaklak. Napaka-homy ng dating kahit sa labas pa lang.
“Let's the act begin,” saad ni France bago hinawakan ang kamay ko umakto pa itong parang nasusuka pero tinawanan ko lamang siya.Ginusto niya ito kaya ’wag siyang mag-inarte.
Pagpasok namin, bumungad sa amin ang apat na lalaking nakaupo sa sala. Pero parang gusto kong tumakbo palabas ng bahay ng madako ang mata ko sa isang lalaking nakaupo kalapit ng tatay nila.
Isa siya sa mga bodyguard na pumigil sa akin kahapon sa parking lot ang umagaw ng hawak kong sapatos. Kapatid siya ni France? No way!
Ganito na ba kaliit ang mundo para magkita ulit kami? Or baka naman dinaya lang ako ng mga mata ko pero imposible.
Pero mga professional ang kapatid ni France, maliban sa sa bunso na nag-aaral pa lang sa kolehiyo. Kaya paanong naging bodyguard siya ng isang hotshot?

Komento sa Aklat (24)

  • avatar
    DelarozaJhon

    1000

    05/11/2024

      0
  • avatar
    concepcionmichael

    I love this story

    22/08/2024

      0
  • avatar
    Jima Handumon

    koooo

    19/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata