RHEIN'S POINT OF VIEW Kasabay nito ang pagbabalik ng tunog ng labanan. Ngayon ay rinig ko na ulit ang mga sigaw ng mga tao at dagundong dahil sa mga nagtatamang mahika. Then I realized something terrifying. This was no longer a fight for territory. It was a fight to decide who would survive when the world itself stopped turning. "You have the power to return to the past and change it. His power and my power. You can use me." Muling umalingawngaw sa isip ko ang tinig ng Juelaetornulus Ruihnas. It pulsed in my chest like a heartbeat, na para bang hinihikayat akong kumilos. Nanginig ang mga kamay ko. "Wala na tayong ibang pamimilian, Dylan," saad ko. "You once told me that your clan has no right to change destiny. But what if that rule was never meant to be followed? Let's break it. Hindi tama ang lahat ng batas." Matatag kong sinalubong ang kanyang tingin. "This world... everyone in it... we all deserve to live." Matagal siyang nakatitig sa akin nang walang sinasabi. Marahil ay tinitimbang niya kung tama ba o mali ang nais kong mangyari. Then, with a quiet nod, he reached for my hand. Mukhang naintindihan nina Forelody at Tyler ang binabalak namin, kaya lumipad sila palayo sa aming mga balikat. Our praciens tried to tell us something ngunit nawala ang kanilang mga tinig sa likod ng malakas na pagsabog. The next moment, I released my mnarill and teleported us away. Diretso kaming nagtungo sa outer cliffs ng teritoryo ng Deorcanen Clan. Napakalamig ng hangin doon. A huge structure stood before us, covered in shadows and lightning. Ang mga itim na tore ay umaabot hanggang langit. Maingat na tumingin-tingin si Dylan sa paligid. "The Dark Palace," pagpansin niya. "Bakit tayo narito?" "Because this is where everything began. And this is where we'll change it." This was the point of no return. Humarap ako kay Dylan. Nanginginig na ang mga daliri ko, hindi dahil sa lamig, kundi dahil sa binabalak kong gawin. Bahagyang pumipintig ang Juelaetornulus Ruihnas sa loob ng aking dibdib. Its presence felt stronger than before, as if it already knew what I was planning. "Dylan," mahina kong tawag. Agad siyang tumingin sa akin. Walang pag-aalinlangan sa mga mata niya. Mukha siyang alerto at handang-handa, pero may kung anong bagay sa mga mata niya na ayaw kong pangalanan. "We don't have much time," he said. "I know. That's why we have to do this now." Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya. For a moment, he stiffened, surprised by the sudden touch. Kasing lamig ng mga kamay ko ang mga palad niya. Mahigpit kong hinawakan ang kanyang mga kamay, using his warmth and presence to remind myself that he was here with me. "Concentrate your mnarill," sabi ko. "Huwag mong hayaang kumalat. Just... push it into your hands." Bahagyang kumunot ang noo ni Dylan. "You're asking me to gather my time-based mnarill in one place." I sighed. "I wouldn't ask you to do this if there was another way." Tiningnan niya ang mukha ko, searching for any sign of doubt. I showed him none. Makalipas ang ilang sandali, tumango siya. "Alright. But if something goes wrong—" "It won't," paninigurado ko sa kanya, kahit hindi rin ako sigurado sa sarili ko. "I'll take care of the rest." Ipinit ko ang aking mga mata. The crystal reacted immediately. The Juelaetornulus Ruihnas suddenly awakened with a strong surge of power. Hindi ito marahas ngunit dama ko ang lakas ng mnarill na kumakalat sa mga ugat ko. It felt cold and burning at the same time, surrounding my heart and filling my mind. Meithi mnarill went along with it. Nagsimulang lumiwanag ang aming tinatapakang lupa. A magic circle slowly appeared. Malaki ito at puno ng kumplikadong mga pattern na paunti-unting lumalawak. Lumitaw ang mga sinaunang Mnarraic texts sa ibabaw nito. There were unfamiliar runes but somehow, I could understand them. Tila bumigat ang ere sa paligid namin. Mas hinigpitan ni Dylan ang hawak niya sa akin habang tumutugon ang mnarill niya. Silvery-blue energy flowed from his hands into the forming circle. That was when I felt the resistance. I could feel the strain on him as his power pushed against rules it was never meant to break. I held his hands tighter. "Don't let go," I whispered. The circle suddenly became brighter. Umakyat ang liwanag sa paligid namin at tuluyang binalot ang aming mga katawan. Naging ganap na tahimik ang lahat. Hindi nagtagal ay sunod-sunod na nagpakita sa isipan ko ang aking mga alaala. Tila bumabalik lahat ng mga pangyayaring naranasan ko. The time has reversed. Muling pumintig ang crystal. Mas malakas ngayon. The light became too bright to bear. Then, everything stopped. Napasinghap ako. Pilit kong hinabol ang aking hininga. Nanghina ang mga tuhod ko at muntik na akong matumba. Buti na lang, mabilis akong inalalayan ni Dylan. "Rhein," hingal niyang tawag-pansin. "We're—" Napatingin ako sa paligid. Sobrang tahimik. The cliffs were still there. Pero kumalma ang kaninang mabigat na ere. Sa itaas namin ay isang madilim na langit na may mga bituing tanaw sa malayo. Napalunok ako nang mariin. "Nakabalik na tayo sa nakaraan," sambit ko. Bumagsak ang tingin ni Dylan sa mga kamay niya. Iginalaw-galaw niya ang mga daliri, na para bang tinitiyak niyang ayos pa ang mga iyon. "Time is flowing..." he uttered, "...normally." Pinangunahan ko ang paglalakad papalapit sa itim na palasyo. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. Something felt... strange. Nandoon pa rin ang kakaibang hatak na naramdaman ko kanina. "Heto 'yung oras..." Saglit akong natigilan. Pilit kong inaalala kung saang panahon kami napunta. "...kung kailan namatay ang ina ni Audrey." "So this was before everything collapsed." "Yes. Before the war. Before the experiments were perfected." Nanikip ang dibdib ko nang maisip ko ang hirap na naranasan ng Oroses clan sa kamay ng Deorcanen. Sinulyapan ko si Dylan. He looked composed but I bet, he's only hiding what he truly felt. "Black cloaks," he mentioned, as if he remembered we would need those just now. Kumuha siya ng itim na balabal mula sa ilalim ng coat niya at iniabot iyon sa akin. Ngayon ko lang napansin na nakasuot na rin pala siya ng kaparehong balabal. "We shouldn't attract attention." Tinanggap ko iyon at isinuot kaagad. May mga mahihinang enchantment itong nakalagay na tumutulong itago ang mga mnarill signature namin. Habang papalapit kami sa palasyo, bawat hakbang ay parang may kakaibang bigat. Pamilyar sa akin ang daan. Ang mga lugar na naaalala kong naging mga guho sa kasalukuyan ay buo pa ngayon at walang anumang bakas ng pagkawasak. Napaisip ako kung ilang tao ang nasa loob ng palasyo. Namumuhay ba sila nang normal kahit hindi nila alam kung gaano sila kalapit sa pagiging bahagi ng isang bagay na kakila-kilabot? Hindi tumitigil ang mga iniisip ko. What if we fail? What if we succeed but make things worse? Walang sagot ang crystal. It only pulsed faintly, as if quietly reminding me that once time was changed, there would always be consequences. Nakarating kami sa outer entrance nang walang anumang problema. Walang man lang mga bantay. "Madali lang pala pumasok," nakangising komento ko. "Kailangan pa rin nating mag-ingat," bulong ni Dylan. "A place like this doesn't stay quiet without a reason." Nagdulot iyon ng matinding kaba sa akin. After a short while, I could feel something was waiting beneath the dark palace. Dylan seemed to notice it as well. Masyadong delikado ang direktang pag-teleport sa loob, kaya hindi na namin ginawa pa. Tila humihinga ang palasyo pagkapasok namin. Parang may buhay ito. Madilim ang hallway. Tanging mga torches lang na nakakabit sa mga pader ang nagsisilbing liwanag. Tahimik kaming naglakad. Maingat ang bawat hakbang namin, sinisiguradong halos walang ingay ang aming mga yapak. More than just hiding our mnarill signatures, the black cloaks made us feel like ghosts moving through the place. Napakalawak ng lugar. Matataas na kisame ang nasa itaas namin, sinusuportahan ng mga madidilim na haligi na puno ng mga simbolo. Ilan lamang sa mga iyon ang naiintindihan ko dahil nakita ko na ang mga ito noon sa mga lumang libro sa aleid. "This place is... clean," bulong ni Dylan. Ang mga storage rooms ay puno ng mga artifact na maayos na nakahilera. May mga bakanteng kuwarto rin na may makikinis na mesa at mga upuang tila hindi pa kailanman nagalaw. Habang tumatagal ang paghahanap namin, lalong sumisikip ang dibdib ko. Unti-unting pumasok sa isip ko ang pagdududa. Had we been wrong? Pagkatapos naming halughugin ang upper floors, bumalik kami sa first floor. Naglakad kami papunta sa isang malawak na corridor na tanaw ang inner courtyard. Pumasok ang liwanag ng buwan sa matataas na bintana at marahang nag-reflect sa marble na sahig. Hindi ko namalayan na bumagal ang mga hakbang ko hanggang sa tuluyan akong huminto. Something was pulling me. Agad itong napansin ni Dylan. "Bakit?" Hindi ako agad sumagot. Ipinikit ko ang mga mata ko at itinuon ang buong atensyon ko sa aking nararamdaman. Pinatahimik ko ang aking isip. Beneath my heartbeat and the soft hum of my mnarill, I felt it again. A presence. Below us. Pinigil ko ang paghinga ko. "It's here," sambit ko. "Sa ilalim ng floor." Nanlaki ang mga mata ni Dylan sa gulat. "Are you sure?" "Yes." Inilagay ko ang kamay ko sa dibdib ko, pilit na pinapakalma ang sarili. "I felt it before. It was faint. But now it's clearer." Nanlamig ako sa aking napagtanto. Anuman ang nakatago rito, hindi ito dapat matagpuan ng kahit sino. Mas maingat kaming tumingin sa mga hallway this time. At first, everything seemed normal. Wala namang kakaiba. Walang bitak o anumang marka ng pwedeng pagpasukan sa sahig. "Tulungan mo akong maghanap," wika ko. "Hindi gamit ang mga mata mo. Gamitin mo ang senses mo." Tumango si Dylan at ipinikit ang mga mata niya. Kumunot ang noo niya habang nagfo-focus. "May interference," aniya makalipas ang ilang sandali. "Parang may humaharang sa mnarill ko." "Mukhang may protective barrier ang hinahanap natin." "Iyan din ang hula ko." Bahagya kaming naghiwalay, pero nanatili kaming sapat na malapit para makita ang isa't isa. Habang naglalakad kami, idinadausdos namin ang mga kamay sa mga pader. Hinayaan kong dumaan ang mga daliri ko sa malamig na bato, hinahanap ang anumang kakaiba. At first, I found nothing. Then my fingertips touched something that didn't feel like stone.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
good
04/01
0thanks
30/01/2024
0ang ganda naman nang estorya nato s
18/08/2023
0Tingnan Lahat