PRINCIPAL OAK'S POINT OF VIEW Pinagmasdan ko ang unti-unting pagdilim ng langit. The air was filled with tension, and even the walls of Mnarill tes Aleid trembled as distant explosions of corrupted deore mnarill echoed throughout the valley. My hands tightened into fists. As a sychi mnarillaza, I could feel every subtle change in the air—the constant pull and push of magic being used without control. Some of the magic was so powerful that it even disturbed the flow of mnarill around us. I closed my eyes and let my telekinetic senses reach farther, feeling every movement of power spreading throughout the area. "Chaos..." My voice remained calm, but my heart was pounding like a war drum. I was already in my forties, and I had spent decades training and studying countless battles from afar. Yet nothing had ever prepared me for the sheer scale of this attack. Kahit ilang dekada ko nang pinag-aaralan ang mga digmaan, this was something entirely different. CHIPPO'S POINT OF VIEW Ang langit... may mali. Kakaiba ang paggalaw ng mga madilim na ulap, at ang hanging dumaraan ay may dalang mga amoy na nagpapatindig sa balahibo ko. May mga nasunog na dahon, lupang natupok ng apoy, at isang bagay na mas delikado pa... Nagmamadali akong nagsitalon-talon sa ibabaw ng mga puno. Nakabukas ang mga mata ko at nakahanda ang mga tainga. Dumadampi sa akin ang hangin, at napapanginig ako sa lamig na hatid nito. Alam kong may nagbago. Ang mga punong tinatawag kong tahanan ay nanginginig na para bang nararamdaman nila ang paparating na panganib. Ang mga dahon ay nagsisilaglagan, at ang ilan sa matatandang sanga ay nabibitak sa ilalim ng takot na bumabalot sa amin. Tumingin ako sa itaas. Kung umabot sa amin ang digmaan... kung makarating dito ang mga deore mnarillazas... hindi magtatagal ang aming mga tahanan. Ipinagsiklop ko ang aking maliliit na kamao at huminga nang malalim. "Mabubuhay tayo," bulong ko sa sarili. "Kailangan natin." Maliit lamang ako, at tila nanginginig ang mundong nasa ibabaw ko, pero tumanggi akong magtago. Isa lamang akong chipmunk, ngunit kahit ang pinakamaliit na nilalang ay maaaring makagawa ng pagbabago kung mayroon itong tapang. "Manatili kayong kalmado," paalala ko sa aking mga kasamahan. "Nakaligtas na tayo sa mga bagyo noon. Malalampasan din natin ito." LOLO LEMBO'S POINT OF VIEW The wind shook the windows of my small house. But what caught my attention was the tremor in the air. Kahit mula sa human world, ramdam ko iyon. The surge of deore mnarill was spreading across Mnarra. Naglalaban ang mga hukbo, at ang corrupted magic ay lumilikha ng mga shockwave na parang malalayong kulog. Inayos ko ang salamin ko at ipinatong ang isang kamay sa frame ng Postah, ang gateway na nag-uugnay sa human world at Mnarra. For decades, I had been the goseth-postah, the guardian of the portal. Tungkulin kong siguraduhin na ang mga karapat-dapat lamang ang makakatawid sa pagitan ng dalawang mundo. Today, that duty felt heavier than ever. Sa gitna ng umiikot na mnarillic energy, naramdaman ko ang summoning mula sa Mnarr Palace. Isang gintong liwanag ang gumalaw sa kalangitan, tinatawag ang mga mnarillazas mula sa dalawang mundo. Hundreds answered the royal summons. Isa-isa kong tinrace ang bawat seal gamit ang sanay kong kamay at naramdaman ko ang panginginig ng kanilang kapangyarihan. One by one, they disappeared from the human world and arrived at the palace. Lumapit ako sa Postah. I looked through the glowing gateway, na para bang kaya kong makita ang nasa kabilang panig ng manipis na harang sa pagitan ng dalawang mundo. Ramdam ko ang pagdating ng mga mnarillazas. Some were afraid. Some were determined. At ang iba naman ay dala na ang mabigat na responsibilidad ng pagiging lider. I was surrounded by the quiet of the human world, but I could still feel the weight of the war. Bahagya akong ngumiti, ngunit may pait ang ngiting iyon. If Mnarra ever falls, it will be my duty to stop the Deorcanen from crossing the boundary and reaching the human world. But I am sure... Mnarra will never fall. RHEIN'S POINT OF VIEW Tumalon kami mula sa balcony. Humampas sa mukha ko ang malakas na hangin hanggang sa tuluyang makababa sa courtyard ng palasyo. Nayanig ang lupa dahil sa labanan. Kumalat sa hangin ang amoy ng nag-aapoy na mahika at bakal, dahilan para lalo kong maramdaman kung gaano na kalala ang kaguluhan. "Pracien, it's a good thing you're back," salubong ni Forelody pagkadapo niya sa balikat ko. Kahit siya ay ramdam ang kaguluhang mabilis nang kumakalat sa buong paligid. A few moments later, napuno ng bright flashes of light ang palace grounds. Isa-isa iyong lumitaw hanggang sa sabay-sabay nang magpakita. Many mnarillazas had answered the call of the royal summons. The air shook as hundreds of them appeared. Iginala ko ang aking tingin sa dumaraming bilang ng mga tao. Then I saw them: Allie, Kate, and Lovely, kasama ang kani-kanilang praciens. Mukhang sobrang confused nina Kate at Lovely. Naka-pajama pa sila, at magulo rin ang kanilang mga buhok. "Are you kidding me?" sigaw ni Lovely para marinig sa gitna ng malakas na hangin. "I was brushing my teeth five seconds ago!" Napabuntong-hininga si Kate sabay hawak sa kumot na nakabalot sa kanya. "I swear, if I die looking like this..." Pero hindi ko sila kayang pagtuunan ng pansin nang matagal. The sky was turning red and black as the dark clan moved closer. "Tara na!" sigaw ni Dylan. Tumakbo kami patungo sa mataas na terrace ng palasyo para mas makita namin ang kabuoan ng battlefield. From above, I could see how terrible the war was. Nakikipaglaban ang aming mga generals at knights sa Deorcanen army. Kumislap ang kanilang mga armas habang napupuno ang mga ito ng corrupted mnarill. Sa malayo, nakita ko ang kanilang leader na kalmadong nakatayo sa gitna ng labanan. He was smiling... as if everything was happening exactly as he planned. Kumuyom ang mga kamao ko. Some deore mnarillazas seemed to recognize me. Lalong naging matalim ang kanilang mga tingin at kalaunan ay sinugod nila ako. Pumalibot sa akin ang ilang kawal at sinubukang bumuo ng protective circle sa paligid ko. Pero itinaas ko ang kamay ko at sinabi sa kanilang tumigil. Lumabas ang mga itim na energy sphere sa harap ng mga kalaban. Inihagis nila ang mga iyon sa akin, kaya mabilis akong lumikha ng barrier gamit ang purong liwanag. A bright shield appeared between me and the attacks. Umalingawngaw ang malakas na tunog ng impact, na parang metal na tumama sa kristal. Agad akong gumanti. White vines burst from the ground behind them. Mabilis itong tumubo at binalot ang kanilang mga katawan. Mahigpit na umikot ang mga baging sa kanila at sa isang iglap ay sinakal sila. But not all of them were caught. May ilan na masyadong mabilis. Gumalaw sila sa battlefield na parang mga anino. One of them even managed to get behind me. Naramdaman ko ang killing intent niya kaya napalingon ako sa tamang oras. Isang espada ng liwanag ang nabuo sa kamay ko, at agad ko itong isinaksak diretso sa kanyang dibdib. Napasinghap siya bago bumagsak ang kanyang katawan sa lupa. "Forelody, hold on tight. Don't blame me if you fall." "Huwag kang mag-alala, Partner. Ako pa ba?" Nagawa pang tumawa ng ibong 'to. Then the attacks came one after another. Higit na naging matalas ang mga senses ko. Kusang gumalaw ang katawan ko sa pagharang, pag-iwas, at pag-atake. Everything around me became a blur of heat, movement, and mnarill flowing through my veins. Matapos ang sunod-sunod na mga laban, naamoy ko ang malakalawang na dugo sa mga kamay ko. Maigi akong tumitig sa mga iyon. The blood was not mine. It was theirs. Saglit na nahigit ang paghinga ko. Nagsimulang manginig ang aking katawan. I... I had taken lives. "Rhein," marahang umalingawngaw sa isip ko ang boses ni Forelody. "Don't let the guilt consume you. Think of this as a fight for survival." As if it were that easy... "Masyado silang mabilis," bulong ni Dylan habang pinagmamasdan niya ang mga knight na nakasuot ng itim na balabal. Halos perpektong magkakasabay ang kanilang mga galaw. "Their energy... it's different." Then I felt it. Nagbago ang ihip ng hangin. Biglang nawala ang ingay ng labanan. Then everything stopped. Tumigil sa paggalaw ang mga apoy. Huminto ang hangin. Napatigil sa ere ang mga tipak ng lupa. Pati ang mga nahuhulog na abo ay nanatili sa ere na parang mga nagyelo. "The world has stopped," sabi ni Dylan, kinukumpirma ang mga napansin ko. Tumingin-tingin si Tyler sa paligid, nanlalaki ang mga mata. "But how? That's only possible if—" "There are too many of them," seryosong dugtong ni Dylan. "Meithi mnarillazas. There are so many of them that their combined energy is strong enough to distort the flow of time itself." Humarap siya sa battlefield. His voice was low and slightly shaky. "But how do they have meithi mnarillazas on their side? Ako na lang ang natitira." Lumapit si Audrey mula sa likuran namin. Namumutla ang mukha niya. Bakas pa rin sa kanya ang pagkakonsensya sa kamalian niya. "Kuya, ang Deorcanen Clan... sila ang nangwasak sa Oroses Clan." "I already know that," sagot ni Dylan. "But you don't know that they took the meithi mnarill from your people. Kinuha nila ang essence ng power ng clan ninyo at inilagay iyon sa mga miyembro ng sarili nilang clan." Nanginginig ang boses niya. "They experimented for years. Sinusubukan nilang makahanap ng paraan para magamit nang buo ang meithi mnarill na nasa loob ng mga deore mnarillazas. They wanted to create hybrids." Tumingin siya kay Justin. "Kuya Justin didn't know about this. It was a secret experiment that had been going on for years. Ginagawa iyon sa pinakamadilim na bahagi ng clan. Tanging ang leader, ang yumaong ama niya, at ilang scientists lamang ang nakakaalam tungkol doon. I only found out recently, when he convinced me to become their spy." The truth hit me like a blade through my chest. Naging malamig at hindi mabasa ang emosyon sa mukha ni Dylan. "They used my clan... as fuel for their own power." Nanatiling nakahinto ang takbo ng mundo sa paligid, ngunit bigla itong nagsimulang manginig. Is this... Dylan's rage?
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
good
04/01
0thanks
30/01/2024
0ang ganda naman nang estorya nato s
18/08/2023
0Tingnan Lahat