logo text

Chapter 43: Ice

RHEIN'S POINT OF VIEW
Kinabukasan ng hapon, puno ng aktibidad ang gymnasium. Nakaayos sa mga linya ang mga estudyante sa buong lugar. Ang ilan ay nakikipag-sparring sa kanilang mga kapareha, habang ang iba naman ay nagsasanay ng spells sa ilalim ng pagbabantay ng mga instructor. Todo sa pag-ensayo ang lahat kahit hindi pa alam ng karamihan ang tunay na dahilan ng training.
Katatapos ko lang mag-stretching nang sumulpot si Justin sa tabi ko, kaswal pa rin gaya ng dati. Tila hindi siya umamin.
"Tara," pag-anyaya niya sabay tama niya sa akin ng kanyang siko. "Kuha tayo ng juice para sa mga SC officers bago sila mamatay sa pagod."
Sumunod ako sa kanya papunta sa mga vending machine. Habang isa-isang inilalagay ang mga cup sa tray, napatingin siya sa akin.
"Walang bagong info," sabi niya pagkaraan ng ilang sandali. "The Deorcanen Clan has gone quiet. Maybe too quiet."
Tumango ako, pero kung saan-saan lumilipad ang isip ko. Mukhang halata ang pagkakatulala ko dahil natawa si Justin.
"You don't have to be so tense," wika niya. "Don't worry. I'm not asking you to like me back or give me an answer. Gusto ko lang malaman mo ang feelings ko sa iyo. Iyon lang."
His words caught me by surprise. My chest tightened, not because of affection, but because of a guilt I couldn't explain.
Napahinto kami nang makabalik kami sa loob sa gymnasium.
Sa kabilang dulo ng lugar, natanaw kong tumatawa si Dylan habang tinutulungan ang isang younger student sa pagsasanay. Ginagabayan niya ito sa mga galaw at inaayos ang tindig nito habang may ipinapaliwanag. His expression was warm and relaxed... very different from the serious look he usually wore during meetings and planning sessions.
Tila may kumirot sa loob ko.
It was a strange feeling. Ayaw kong aminin. Why did it bother me to see him smiling at someone else?
Justin seemed to notice kaya sinundan niya rin ang tingin ko. Pagkatapos ay lumitaw ang mapanuksong ngiti sa kanyang mukha. Lumapit siya at kaswal na ipinatong ang isang braso sa balikat ko.
"Looks like someone's having fun," Justin said with amusement. "Let me help you out, Princess. If he's trying to make you jealous, at least," then he raised his voice slightly, "you'll look good standing with me."
Natawa ako nang may halong kaba at sinubukang balewalain iyon, pero hindi pa rin kumakalma ang tibok ng puso ko.
Napangisi ang kasama ko. "Sabi na nga ba. Siya, 'no?"
Agad na uminit ang mga pisngi ko.
"Sorry, Justin."
Ngunit umiling lang siya at ngumiti.
"Don't feel sorry for me. I'm fine. Really. I understand."
His words were sincere, but they stayed in my mind long after he said them.
DYLAN'S POINT OF VIEW
Inaayos ko ang tindig ng student na tinuturuan ko. Iyon nga lang, natigilan ako sa kalagitnaan ng pagsasalita noong mapadako ang aking tingin sa kabilang bahagi ng gym.
Doon ko sila nakita.
Si Rhein.
Naglalakad siya sa tabi ni Justin. May pinagtatawanan silang dalawa. Maaliwalas ang kanyang mukha kumpara sa mga nakaraang araw.
Nakapulupot ang braso ni Justin sa kanyang mga balikat, na para bang doon talaga iyon nararapat.
Pinilit kong manatiling kalmado at panatilihing walang emosyon ang aking mukha, pero hindi ko magawang balewalain ang mabigat na pakiramdam sa dibdib ko.
Ano ba ang ginagawa ko?
Ibinalik ko ang atensyon ko sa estudyanteng nasa harapan ko. She looked at me, waiting for my next instruction, probably noticing that I had been distracted. I said something about keeping her balance and adjusted her posture, but my focus was already gone.
Hindi ko namalayang napatingin na naman ako kay Rhein.
Natawa siya sa kung anong ibinulong ni Justin, at kahit nasa kabilang bahagi sila ng gym, umabot sa akin ang tunog ng kanyang tawa. Napakuyom ang mga kamao ko.
It shouldn't matter.
It really shouldn't.
But seeing them together bothered me more than I wanted to admit.
I tried to focus on the training again, on the work that usually helped clear my mind, but the heaviness in my chest only grew stronger.
Imposibleng balewalain ang katotohanan. Hindi ko iyon kayang itanggi sa sarili ko...
I wanted that laugh directed at me.
I wanted to be the one standing beside her, not across the gym watching from a distance like a stranger.
The student shifted uncomfortably under my silence. I gave a small nod and corrected her stance again, but the emotions building inside me refused to settle.
Then my eyes drifted to Rhein once more.
And this time, I noticed something.
For a brief moment, her smile faltered, as if she could feel me watching her even from across the gym.
RHEIN'S POINT OF VIEW
Ikalawang araw na ng training.
Umalingawngaw sa gymnasium ang tunog ng mga sandatang ginagamit sa ensayo, pagsabog ng mga spells, at mga yabag ng mga estudyanteng gumagalaw sa buong sahig. Maingay at magulo ngunit malinaw na may progreso ang lahat.
Bilang mga Student Council officers, tungkulin naming gabayan ang ibang mga estudyante. Bawat isa sa amin ay namamahala sa mga grupong naaayon sa aming mga kakayahan.
Ako at si Justin ang naatasang manguna sa mga ofris mnarillazas. Since we had both been ofris mnarillazas before, it was the most natural choice.
We moved around the gym, helping students improve their stances, correcting mistakes, and showing them how to use their mnarill more efficiently.
Hindi madali ang trabaho. May mga estudyanteng masyadong pinipilit ang kanilang sarili, habang ang iba naman ay kulang sa kumpiyansa at nag-aatubili. Gayunpaman, nakikita ko ang kanilang improvement.
Si Forelody ang mismong namumuno sa mga praciens. Maingat niyang binabantayan ang kanilang bawat galaw. Tuwing may napapansin siyang mali sa pagpagaspas ng kanilang mga pakpak, agad niya itong itinuturo at pinapaulit ang ehersisyo hanggang sa maitama nila ito.
Hindi ko maiwasang mapangiti. May ganito pala siyang side. Maaaring partner ko siya ngunit pagdating pala sa training, wala siyang awa.
Tumutulong din ang mga instructor ng academy. Maririnig ang kanilang mga boses sa buong gym na nagbibigay ng payo, at minsan ay pinagsasabihan ang mga estudyante kapag kinakailangan.
Punong-puno ng determinasyon ang buong lugar.
And yet... I kept getting distracted.
Paminsan-minsan, napapalingon ang mga mata ko sa kabilang bahagi ng gym.
Sa kanya.
Kay Dylan.
Mas matangkad siya kaysa sa karamihan ng mga estudyanteng nakapaligid sa kanya, at natural na napapansin siya ng mga tao. Mas maliit ang grupong hawak niya dahil iba ang uri ng training na kanyang ibinibigay.
Isa siyang meithi mnarillaza... ang nag-iisa sa buong aleid at ang nag-iisa rin sa buong Mnarra.
Iyon ang dahilan kung bakit naiiba siya sa lahat.
Hindi niya kayang sanayin ang mga estudyante sa parehong paraan na ginagawa namin. No one shared his abilities or his type of mnarill. The best he could do was guide students who relied more on physical strength, teaching them how to push their bodies further and how to use their endurance and agility when magic alone wasn't enough.
Ang ipinagdududa ko lang, hindi ba dapat ay mga lalaki ang kanyang mga kasama? Bakit karamihan sa mga estudyanteng nakapaligid sa kanya ay mga babae?
Mga babaeng nakikinig nang mabuti sa bawat salitang sinasabi niya.
Mga babaeng nagniningning ang mga mata tuwing nagpapakita siya ng isang galaw.
Mga babaeng napapangiti at mas tumitino ang tindig tuwing napapatingin siya sa kanilang direksyon.
Something twisted in my stomach.
Dahil ba sa lungkot? O baka may mas malalim pang dahilan?
It didn't seem fair.
I found myself staring at him for a little too long. The light from the training lamps highlighted his profile as he focused on teaching the students.
Then, as if he felt me watching, he looked up.
Right at me.
Dali-dali akong umiwas ng tingin at nagkunwaring kinakausap ang isang estudyante. I even casted a spell na muntik pang pumalpak dahil sa pagka-ilang ko.
But even as I forced myself to focus on the training again, I couldn't shake the feeling that he was still looking at me from across the gym.
That night, the cafeteria felt quieter than usual. The sound of trays and soft conversations filled the room.
Sa mesa namin, kami lang nila Lovely, Kate, Allie, at ang aming mga praciens ang naroon. Wala ang iba. Nagpasya sina Dylan at ang JAZA na magtagal pa sa training at humingi ng dagdag na oras para sa close-combat practice.
"They said it's to prepare for the worst," Allie stated while balancing a spoon on her glass. "If the Deorcanen Clan really uses tools that can block mnarill, they'll have to rely on their physical strength."
I kept thinking about that as I absentmindedly pushed my food around my plate.
Halos nakikita ko sila sa isip ko na nasa gym.
Si Justin na seryoso ang mukha na nakikipag-sparring. Si Andrew na nagpapakawala ng malalakas na atake. Si Ace na mabilis at magaan kumilos. At si Zen na pilit nakikisabay kahit paminsan-minsan ay natitisod.
At si Dylan na nakatayo sa gitna ng lahat, kalmado at kontrolado ang sitwasyon, habang tinutulak ang lahat na higitan ang kanilang mga limitasyon.
Naputol ang pag-iisip ko dahil sa tawa ni Lovely.
Sumandal siya sa mesa at nakangisi na parang may bagong tsismis na nalaman.
"Nakita ba ninyo si Zen kanina?" tanong niya. "Nadulas siya habang nakikipag-ensayo. Talagang nadulas. And then he tried to act like he did it on purpose. Priceless talaga ng mukha niya kanina."
Sinubukan kong pigilan ang pagtawa.
Si Kate naman, hindi na niya naitago ang kanyang inis. Napadaing siya at ibinaon ang mukha sa kanyang mga kamay.
"I've had enough for today," she complained. "My instructor made us do mental drills, and my brain feels completely exhausted. If I have to hear everyone's thoughts in my head one more time, I'm going to collapse."
Tinawanan siya ni Lovely.
"Oh, come on, Kate. Ang amazing kaya n'on."
"Anong amazing? It's a nightmare," sumbat ni Kate sabay tapon ng masamang tingin.
Naalala ko tuloy sina Xyrille at Jean sa kanila. Nami-miss ko ang dalawang iyon. Kumusta na kaya sila?
Tahimik lang si Allie. Nakatitig ito sa kanyang baso ng tubig. Slowly, she held her hand above it.
The water rippled.
A thin piece of ice rose from the surface and shaped itself into a needle-like spike. Under the cafeteria lights, it looked delicate enough to break at any moment, yet sharp enough to cut through skin.

Komento sa Aklat (13)

  • avatar
    Visitor

    good

    04/01

      0
  • avatar
    Johnwil Reyes

    thanks

    30/01/2024

      0
  • avatar
    Jie Jie

    ang ganda naman nang estorya nato s

    18/08/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata