RONA’S POINT OF VIEW “Sa wakas, tapos na!” Napahampas pa ako dahil sa tuwa matapos pirmahan ang huling dokumento. Sa kasamaang palad, masyadong napalakas ang hampas ko kaya tila lumindol ang desk. Natumba ang nagpatong-patong na mga papeles na halos umabot hanggang kisame at kumalat sa loob ng aking opisina. Muntik pang matabunan si Natre. Mabuti na lang, alerto siya at mabilis na lumipad. “Gumawa ka na naman ng panibagong task, Princess,” komento niya. Sinamahan niya pa ito ng pailing-iling. Aba, siya pa talaga ang namromroblema? Kung tutuusin, ako naman ang gumagawa ng lahat. Dapat pati nga siya ay marami ring tasks dahil siya ang pracien ko. Ngunit dahil sa mabait ako, kaunti lang ang ibinibigay ko sa kanya. Tapos ngayon, kung umasta siya, parang siya itong nahihirapan. Baka tanggalan ko pa siya ng balahibo, eh. “Don’t worry. It is my task, not yours,” I said. Tinapunan ko siya ng masamang tingin at pinulot na lamang ang mga papel. Tinulungan niya rin ako sa pag-aayos kalaunan. Lumabas muna kami para magpahangin sa garden. Kakaupo ko pa lang sa isa sa mga bench doon nang may na-sense akong medyo malakas na mnarill. Kunot-noo akong napatingin sa bintanang nasa ikatlong palapag ng palasyo. Ito ang bintana ng clinic ni Doc Min – ang royal healer na isang ofris mnarillaza. “What do you think, Natre? Ba’t kaya gumagamit ng malakas na healing mnarill si Doc?” tanong ko sa aking kasama. “For cure. Iyon naman ang gamit ng healing mnarill, hindi ba?” sagot niyang nagpasimangot sa akin. “O, bakit ganiyan ka tumingin? Tama naman ang sinabi ko.” “I don’t mean it like that. Kapag simple injury lang, mahina lang ang ginagamit niyang healing mnarill. Medyo malakas ang ginagamit niyang mnarill ngayon kaya paniguradong malubha rin ang injury na ginagamot niya. Sa tingin mo, sino kaya ang pasyente niya?” “Sino ba ang kadalasang nakakatamo ng mga matinding injuries sa katawan? Hindi ba ay mga kawal at ang mga generals? Marahil ay nasobrahan ang kung sinumang iyon sa pag-eensayo.” She had a point pero hindi pa rin ako kumbinsido kaya nagdesisyon akong magtungo roon. “Check nga natin.” Nasa bintana pa rin ang tingin ko noong tumayo ako at nagsimulang maglakad. Nagkataon namang may sumandal doon. Kahit na naka-sideview siya at malayo sa kinaroroonan ko, kaagad ko siyang namukhaan. “Si Dylan iyon!” bulalas ni Natre. Tumango ako. Kinutuban ako ng masama nang makita ang ngisi ng loko. Mas nagmadali akong nag-teleport. Kumatok ako ng ilang beses sa pinto bago ito binuksan. Sinalubong ako ni Dylan. Kita sa mukha niya ang gulat ngunit nakabawi rin siya at ngumiti. “What brings you here, Princess? Injured ka rin?” pagtatanong niya. “Sino ang ginagamot sa loob?” “Si Princess Rhein.” Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa nalaman. “Ano ang nangyari? Paano siya nasaktan? Napaano siya? Alam na ba ito nina Papa?” “Nauna na nilang nalaman. In fact, ang hari ang nag-utos sa akin na i-test ang physical capabilities niya kanina.” “Wait, what?!” nabingi yata ako sa kanyang sinabi, “Don’t tell me na ikaw ang nag-injure sa kan—” “It was me.” Tumalim ang mga tingin ko habang nakatitig sa nakangiti niyang pagmumukha. Grabe, napakasarap ilampaso. RHEIN’S POINT OF VIEW “Shush. Huwag kang mag-ingay.” “Ikaw ang manahimik. Kanina ka pa salita nang salita.” “Nagwi-whisper lang ako.” “‘Whisper ba tawag doon? Sa sobrang lakas, ‘shout’ ang kinalabasan.” “Matinis nga ang boses ko.” “Ako rin naman pero kaya ko namang magsalita nang mahina.” “Natataranta nga ako. Nakatulog lang ako kanina tapos malalaman ko na lang na nagkalasog-lasog na ang katawan ng pracien ko.” “Buo pa naman ang katawan ng princess. Masyado namang malala ang pagkasabi mo ng ‘nagkalasog-lasog’.” “Bakit? Hindi ba? Nadurog ang mga buto niya sa katawan. Naku! Paniguradong grabe ang naramdamang sakit ni Pracien Rhein!” Tuluyan ko nang naimulat ang aking mga mata nang sampalin ni Forelody ang pisngi ko. Maliit lang ang pakpak nito ngunit kasinlakas nito ang palad ng tao kung manampal. Namanhid pa ang pisngi ko sa sakit. “Concerned ka ba sa akin o ano?” I coldly asked with a hint of getting pissed off. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa pagkasindak. Ganoon na rin si Natre. Dahil sa takot, dali-dali silang lumipad at lumipat sa side table ng kama. Awkward na napatawa si Forelody. Siya lang ang natatawa kaya binatukan siya ni Natre para pahintuin. “Ba’t mo ako binatukan?!” singhal niya rito. “Timang ka,” kalmadong sagot naman ni Natre. Umikot pa ang mga mata nito. Hindi ko na sila pinansin. Bahala na silang magrambulan kung gusto nila. Iginala ko ang aking tingin sa paligid. Nandito na pala ako sa loob ng aking kuwarto. Sinilip ko ang orasan. Lagpas-alas-singko na ng madaling araw. Magdamag pala akong walang malay. Aking dinama ang sarili ko. Dahan-dahan kong inangat ang aking isang paa. Wala na akong maramdamang sakit doon. Maingat akong umupo at kinapa ang gitnang bahagi ng katawan ko. Wala na ring masakit. Marahil ay ipinagamot na ako ni Kuya Dylan sa royal healer kanina bago ako dinala rito. Well, sigurado akong mapapagalitan siya nila Papa if ever he did not. “Pracien Rhein, wala na bang masakit sa iyo?” nag-aalalang tanong ni Forelody. Dumapo siya sa aking tabi. “Magpahinga ka muna.” Ngumiti ako at panandaliang hinaplos ang likuran niya gamit ang hintuturong daliri ko. “Ayos na ako.” Naalala ko ang ngisi ni Kuya Dylan kahapon. Bigla akong nainis. Nagdadalawang-isip na talaga ako kung itutuloy ko pa ang pagshi-ship sa kanila ng kapatid ko. “Nasaan nga pala si Kuya Dylan?” Kahit na normal lamang ang pagkakasabi ko, parang nakakadagundong ito dahil sa mga hitsura ng mga ibong kasama ko. Lumunok pa sila ng laway na para bang nanuyot ang mga lalamunan nila sa takot. Mukhang hindi ko naitago ang panggigigil ko kaya ganoon na lamang ang reaksyon nila. “Paniguradong nasa room niya,” saad ko. Pinukulan ko ng tingin si Natre. Napalundag pa siya sa ibabaw ng side table sa gulat. “Alam mo ang room niya, ‘di ba? Maaari mo ba kaming samahan papunta roon?” “A-ah . . . a-ano . . . ” “R-rhein, sure akong tulog pa iyon ngayon,” nauutal namang wika ni Forelody, “M-maya-maya mo na lang siya kausapin.” Mapakla akong tumawa at sumeryoso ulit. “Kausapin? I will not just have a talk with him. Babaliin ko rin ang mga buto niya,” todo-riin kong sabi. Kumuyom pa ang mga kamao ko at gumawa pa ng cracking sound ang aking mga daliri. Iyon ang unang beses kong maranasan ang pagkabali ng buto ko sa katawan. Dati, mga simpleng injuries lang kagaya ng sprain. Kahit minsan, hindi sumagi sa isip kong posibleng mabalian ako ng buto dahil sa pakikipaglaban. Ngunit hayun nga, nabalian pa rin ako. Malinaw naman sa aking ite-test niya lang ang physical capabilities ko pero bakit kailangan pang umabot siya sa puntong balian ako?! What kind of crap was that?! RONA’S POINT OF VIEW Noong unang pagkakataong nakarating ako rito sa palasyo at nalaman ang aking totoong pagkatao, sumailalim din ako sa capability test. Ang The Great Elemental Generals ang gumawa nito sa akin. Oo, nabugbog ako ngunit hindi naman nila ako binalian ng mga buto katulad ng nangyari kay Rhein. Sina Papa naman kasi, eh. Kinausap ko sila kagabi tungkol doon. Talagang sinadya raw nila iyon. May kinalaman na naman sa kakaibang lakas ni Rhein at ng crystal na nasa loob niya. Hindi kita sa mukha nila ang pangamba tungkol sa nangyari sa isa nilang anak kaya medyo nagalit ako. Nginitian lang nila ako at sinabing may tiwala raw sila sa kakayahan ni Rhein. Idagdag pang mayroon namang doctor para gumamot sa kanya. Yes, tama lahat ang kanilang sinabi but how was the pain? I was sure that she felt it, literal na sagad sa buto ang sakit! Originally, ang mga heneral din sana raw ang magsasagawa ng test kaso natakot silang balian ng mga buto ang isang prinsesa kaya si Dylan na lamang ang inutusan nila. Gusto ko tuloy sugurin ang mga iyon. Eh, bakit ako? I am also a princess pero binugbog pa rin naman nila ako, ah. Naduduwag lang naman yata silang ma-trigger ang Juelaetornulus Ruihnas. Minsan, tatakutin ko nga silang bubugbugin sila ni Rhein. Ano kaya ang magiging reaksyon nila? Kahit na gusto ko nang parusahan si Dylan kahapon, hindi ko naman nagawa dahil pinagbawalan ako nina Papa. Kahit na gustong-gusto ko siyang sakalin nang palihim, hindi ko talaga nagawa dahil isa akong masunuring anak. Gaganti na lang ako kapag nagkaroon ako ng oras para makipag-sparring sa kanya. Tiyak ko ring paniguradong hindi palalagpasin ni Rhein ang ginawa sa kanya. May pagkamatigas ang ulo n’on, eh. Kamusta na kaya si Rhein? Hindi ko siya nagawang bantayan kagabi dahil ipinagpatuloy ko ang isang lihim na research na ipinapagawa ni Papa. Paniguradong makakatulong ito kung sakali mang may sumiklab na digmaan. Sa katunayan, noong isang linggo ko pa ito sinimulan ngunit hindi ko pa rin natatapos. Inabot na ako ng hanggang umaga sa loob ng underground library. Busy rin naman sina Papa at wala akong tiwala sa dalawang lalaking iyon kaya sina Natre at Forelody na lamang ang nagbantay sa kanya. Mahirap na kapag gagawan pa nila ng kalokohan si Rhein. Papasok na ako sa aking silid nang biglang may marinig akong tumawag sa akin. “Princess Rona! Princess!” Nagsalubong ang mga kilay ko sa pagtataka. Nag-uunahang lumipad palapit sa akin sina Natre. “Kamusta si Rhein? Gising na ba siya? Okay na ba ang pakiramdam niya?” “O-oo . . g-gising . . . g-gising . . . ” Hindi makapagsalita nang maayos si Forelody kaya kay Natre na lamang ako naghintay ng sagot. Siya lamang ang mahinahon sa kanilang dalawa. “Gising na siya at ayos na ayos na, Princess. Handa na ring makigiyera.” “Makigiyera?” “Oo, sa kanya nga ang unang attack.” Mas naguluhan ako. “H-ha? Pakilinaw nga.” “Sinugod niya si Dylan sa room niya. Hindi namin siya napigilan, Princess. Pakitulungan kaming awatin siya.” Ngumisi ako sa narinig. Nais ko silang panoorin kaso hindi ko na kinakaya ang nararamdaman kong antok. Makikipagkuwentuhan na lang ako sa kanila mamaya.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
good
04/01
0thanks
30/01/2024
0ang ganda naman nang estorya nato s
18/08/2023
0Tingnan Lahat