RHEIN’S POINT OF VIEW “Hindi po ba siya kayang pagalingin ng mga ofris mnarillazas?” “Hindi nila kaya, Princess. Masyadong malubha ang pinsalang nagawa mo,” sagot ni Principal Oak. Kasalukuyan kami ngayong papunta sa clinic kung nasaan si Justin. Nadatnan namin siya sa kanyang nakatalagang silid, kasama ang ilang nurses at ang mga kaibigan niyang nagbabantay sa kanya. Hindi pa rin siya nagigising hanggang ngayon. “Magandang gabi, Princess,” pagbati nila sa akin nang makita ako. Yumuko rin sila bilang paggalang. Ganito rin ang ginawa kanina ni Principal Oak. Hindi ko alam na may ganito rin palang kaugalian sa mundong ito. Nakakailang sa pakiramdam. “H-huwag na po kayong yumuko,” natatawang tugon ko. “Magandang gabi rin.” “Kailangan mo nang masanay, Princess Rhein.” Natawa rin ang principal. “I remember Princess Rona back then. Ganiyan na ganiyan din ang reaksyon niya,” kuwento niya habang tinitignan ang aking mukha. “Hindi po naman ninyo kami masisisi roon, Principal. For us, it feels like a dream.” Binalingan ko ng tingin si Justin. Tanging puting sando na lamang ang nakasuot sa kanyang pang-itaas. Maaaring tinanggal na ng mga nurses ang kanyang sirang uniporme para makita nang maayos ang kanyang injury. Seryoso lamang ang mga mukha ng mga kaibigan niya nang lapitan ko siya. Pumagilid si Andrew upang mabigyan ako ng daan sa paglapit sa kanya. Napangiwi ako nang makita ang kanyang kanang balikat. Sunog ang balat niya rito at sobrang nangingitim. “Iyan din ang aming ipinagtataka, Princess. Deore mnarill can only give that kind of damage ngunit paano mo nagawa iyan bilang isang hwizta mnarillaza?” Tiningnan ko silang lahat. Napailing ako at sinabing, “Hindi ko po alam.” Subalit ang totoo, alam ko kung bakit. Maaaring kagagawan ito ng Juelaetornulus Ruihnas. “Maaaring dahil po sa nilalabanan ng kanyang mnarill ang pinsalang ibinigay ko kaya naging ganiyan ang resulta.” “Mali ka, Rhein. Ang crystal ang may gawa niyan,” rinig kong bulong ni Forelody. Upang hindi mapaghalataan, sinagot ko siya sa pamamagitan ng isipan. ‘I know. Hindi ko lang sinabi sa kanila dahil sikreto ito sa loob lamang ng royal family.’ Ipinagpatong ko ang aking dalawang kamay at itinapat sa kanyang balikat. Lumabas sa mga palad ko ang malaputing usok na liwanag papunta sa galos niya. Ilang minuto ang itinagal n’on ngunit wala pa ring pagbabago kaya ko itinigil. Bumuntong-hininga ako sa pagkadismaya. “Pracien, it didn’t work. What are you going to do now?” Muli ko silang tiningnan. Kagaya ko, dismayado rin sila. “Ayaw gumana ng external healing kaya wala na akong ibang magagawa pa.” Pilit akong ngumiti. “Puwede po bang lumabas muna kayo?” “What are you going to do, Princess?” kunot-noong tanong ni Ace. Saglit kong sinulyapan si Justin. Bigla kong naramdaman ang pag-init ng aking mga pisngi nang maisip ko ang aking gagawin. “Basta. You don’t have to see it,” wika ko. “Ba’t ayaw mong sabihin, Princess?” dagdag naman ni Andrew. Binigyan ko ng nakikiusap na tingin si Principal Oak kaya inutusan niya sila. “Follow what she has said. It’s an order from her highness.” Lumabas silang lahat kasama si Forelody, maliban kay Kuya Dylan. Pati ang pracien niya ay lumabas na rin ngunit nanatili pa rin siyang nakatayo sa kanyang kinaroroonan. “Kuya Dylan,” may halo ng pagbabantang tawag ko sa kanya. Ngumisi lamang siya at painosenteng nagtanong, “What?” “Didn’t you hear me? Lumabas kayong lahat.” “Ano ba ang plano mong gawin?” Sumimangot ako. “Ayaw kong sabihin.” “Hayaan mo lang ako rito. Huwag mo akong pansinin. Just treat me like air.” Napabuga na lang ako ng hininga bilang pagsuko. “It’s up to you then. Pumikit ka na lang kung hindi mo kayang tingnan,” seryoso kong sabi. Hinawakan ko ang noo ni Justin para magkaroon na siya ng malay. Nang magising siya at tila naguguluhan pa rin sa kanyang situwasyon, kaagad ko siyang hinalikan sa kanyang mga labi. Mariin akong napapikit at dinama ang aking mnarill lumalabas mula sa bibig ko patungo sa kanya. Kitang-kita ko ang gulat sa kanyang mga mata ngunit unti-unti rin siyang nakabawi. Umakyat ang kanyang isang kamay papunta sa aking batok at hinalikan niya ako pabalik. Mas lalo niyang nilaliman ang halik na iyon at halos malunod na ako. Malakas ko siyang itinulak noong hindi na ako makahinga. Nawala ang galos sa kanyang balikat. Bumalik na ito sa dating kondisyon. Hindi ko sila magawang tingnan sa kanilang mga mata. “Magkita na lang tayo sa labas ng girls’ dormitory. Magpapaalam lang ako sa mga kaibigan ko.” Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng aking mukha noong makalabas ako ng kuwarto. Mabilis kong pinunasan ang aking bibig gamit ang likod ng mga sariling kamay. I could still feel his lips—ah, basta! Walang malisya iyon! “Ayos na siya, Princess?” Tumango ako bilang sagot sa tanong ni Zen. “Magaling na siya.” “Ano ang ginawa—” “Shush! Mas mabuting huwag mo nang tanungin, Andrew.” Tumingin ako kay Principal at nginitian siya. “Mauuna na po ako.” “Mag-ingat ka, Princess.” “Maraming salamat, Prinsesa!” sabay-sabay na pasasalamat ng tatlong miyembro ng JAZA. “No need to thank me. Kasalanan ko rin naman. Tara na, Forelody.” Dumapo muli ang pracien ko sa aking balikat. “Bakit ano ang ginawa mo talaga, Rhein?” “Internal healing.” “T-teka, ibig sabihin ay h-hinalikan—” Maagap kong hinawakan ang tuka niya. Kahit walang mga ofris at resce mnarillazas sa paligid, ayaw ko pa ring lumabas ang mga salitang iyon mula sa kanyang bunganga. “Shush. Isa ka rin. Huwag mo nang banggitin pa,” inis kong pagsaway. Sa kalagitnaan ng paglalakad ko palabas ng clinic, nag-teleport na ako papunta sa room namin sa dormitory. Wala akong naabutan doon kahit isa sa kanila. Paniguradong nasa cafeteria sila ngayon para kumain. “Sa tingin mo, Forelody, magpapaalam pa ba ako sa kanila nang personal o hindi na?” kalmadong tanong ko. “Hmmm . . . siguro dapat kang magpaalam? Subalit kung pupunta ka kasi sa cafeteria, makikita ka ng ibang estudyante at paniguradong magiging usapan ka na naman. Hindi ka pa opisyal na hinirang bilang prinsesa kaya sigurado akong pagkakaguluhan ka.” Napatampal ako sa aking noo. “Para akong celebrity nito,” biro ko. “Ganoon talaga.” Isinindi ko ang ilaw at agad tumungo sa aking cabinet. Kumuha ako ng papel at ballpen mula sa backpack ko at nagsulat ng liham. [Hello! Congratulations sa pagkapanalo natin kanina! Saka na tayo mag-celebrate pagbalik ko. Alam ko na kung sino talaga ako. Tama kayo, ako nga ang pinag-uusapang second princess ng mundong ito. Alam ko na ring mas nauna pa ninyong nalaman ang tungkol dito kaysa sa akin. Huwag kayong mag-alala. Hindi ako galit sa inyo. Naiintindihan ko ang rason. Mananatili muna ako ng ilang araw sa Mnarr Palace kaya pasensya na kung hindi ko muna kayo makakasama. Babawi ako. Take care! Always! - Rhein] Malungkot akong napangiti habang isinusulat iyon. Inilapag ko ito sa kama ni Allie nang matapos at lumisan na. Hindi na ako nagdala ng mga gamit dahil wala namang importanteng kailangang dalhin. Nadatnan kong naghihintay na ang dalawa sa labas ng dorm. Nakasuot na muli ng uniporme si Justin. Kahit na naiilang, tinignan ko sila sa mga mata at pinanatiling kalmado ang aking sarili. Dapat lamang na maitatak sa kanilang mga isip na walang malisya ang ginawa ko kanina. “Let’s go.” Hindi sila gumalaw at nanatiling nakatitig sa akin nang seryoso. “Ano? Ayaw pa ba ninyong umalis?” “Thanks for healing my injury earlier, Princess,” pagpapasalamat ni Justin. Sumilay ang isang ngiti sa kanyang mga labi. Ngingiti na rin sana ako ngunit hindi na natuloy nang ngumisi siya. “By the way, you are a good kisser. Hindi namin alam na may natatago pa palang special ability ang pinakamamahal naming second princess.” Gusto ko siyang sigawan dahil sa inis ngunit nanatili akong kalmado. Bilang ganti, nginisian ko rin siya. “Thanks for the compliment. Talagang gano’n, ‘no? Pupurihin mo ang mas marunong humalik kaysa sa iyo.” “Are you saying that I’m a bad kisser?” Halatang nainsulto siya sa aking sinabi. “Wala akong sinabing gano’n.” “Pero iyon ang ibig mong sabihin.” “Gano’n ba?” Umangat ang kilay ko at hinarap si Kuya Dylan. “Iyon po ba ang ibig kong sabihin, Kuya?” Binalewala niya lamang ang aking tanong at sinilip ang kanyang suot na wristwatch. “Tama na nga iyan. Hindi pa tayo makakaabot sa usual dinner time sa palasyo nito, eh. We need to go,” seryosong saad niya sa amin, tila isang matandang nanenermon sa kanyang mga apo. Nagkasamaan kami ng tingin ni Justin bago siya nilapitan. Hinawakan namin ang magkabila niyang braso upang maisama siya sa aming pag-teleport sa mismong dining hall ng palasyo. “Bakit sa hallway tayo napunta?” naguguluhang tanong ko habang pinagmamasdan kung nasaan kami. “May enchantment na inilagay ang hari’t reyna sa bawat lugar dito sa palasyo but don’t worry, hindi naman tayo nito ililigaw,” sabi ni Kuya Dylan at sinimulan nang maglakad sa aming unahan. “Sorry, Princess. I was just kidding. Hindi ka talaga marunong,” rinig kong bulong ni Justin matapos akong sabayan sa paglalakad. “The way you said it was sarcastic. No need to explain,” tugon ko nang hindi siya nililingon. Well, it was my first kiss so technically, I have zero experience before. “Salamat talaga, ha? And congratulations pala ulit.” “Salamat.” Pagkapasok namin sa lugar, lumabas na ang mga ilang maids na nasa loob. Napangiti ako nang makita ang aking buong pamilyang nagsasalu-salo sa malaking hapag-kainan. Ramdam ko na ang kumakalam kong sikmura. Hindi ako gaanong kumain ng pananghalian kanina kaya ganito kalala itong gutom ko. Kuminang-kinang ang aking mga mata nang makita ang malapiyestang dami ng pagkain. “Good evening po!” masayang bati ko. “Good evening, Rhein.” “Rhein, here. Sit with me.” Tumango ako at umupo sa kanang tabi ni Ate Rona. Sina Justin at Kuya Dylan naman ay umupo sa aming tapat. Sa kalagitnaan ng aming kainan, biglang nagsimula ng usapan si Papa. “Justin, ayos na ba ang injury mo?” “Yes, Your Majesty. Mabuti dahil napagaling po ako ni Princess Rhein,” nakangiti niyang saad. “Sinabi sa akin ni Rona kaninang masyadong malubha ang pinsalang nangyari sa iyo.” Napahinto ako sa akmang pagsubo nang tumingin si Papa sa akin. “Anak, how did you get him healed?” Napakurap-kurap ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo o hindi. Spilling that method is too embarrassing. How am I supposed to tell it? Uminom muna ako ng tubig bago sumagot, “I healed him—” “—externally.”
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
good
04/01
0thanks
30/01/2024
0ang ganda naman nang estorya nato s
18/08/2023
0Tingnan Lahat