JUSTIN’S POINT OF VIEW Katulad ng mga kaibigan ko, isinigaw rin ng mga humahanga sa amin ang aking pangalan. Imbes na matuwa ako dahil sa kanilang mga suporta, hindi ko magawa. How annoying. “Start!” Seryoso kong tinignan si Rhein. Ayaw ko siyang labanan dahil una sa lahat, hindi niya pa alam ang mga tunay niyang kapangyarihan. Alam ko ang tungkol doon dahil napapansin ko siya sa loob ng gymnasium na puro kapangyarihan lang ng ofris mnarillaza ang kaya niyang gawin. “Are you still going to fight me despite your condition?” Unti-unting kumurba ang kanyang mga labi. Hindi ko alam but it gave me chills. Even she is a hwizta mnarillaza, she has also this scary aura like her parents. “Bakit naman hindi? Tell me. Are you underestimating me dahil lang sa isa ka nang fully-transitioned deore mnarillaza?” “Hindi.” ‘It’s just that I don’t want to hurt you.’ Gusto kong sabihin iyon sa kanya ngunit baka isipin niyang tinatamaan ko ang kanyang pride kaya kinimkim ko na lang. “Mabuti naman dahil kung oo, baka pagsisihan mo.” Mabilis akong napatalon nang biglang may tumubong mga vines sa aking inaapakan. Noong lumapag ako, may tumubo ulit sa bago kong kinatatayuan. Tuloy-tuloy lamang ako sa pagtakbo at pag-iwas dahil mabilis din ang mga itong humabol sa akin. Sinulyapan ko si Rhein. Seryoso na itong nakatingin sa akin. Tumingin ako sa aking likuran. Hindi matatapos ang habulang ito kung hindi ako titigil. Huminto ako at hinagisan ang mga ito ng dark energy balls. Kaagad kong hinawakan ang sahig at naglabas ng mnarill. Nangitim ang buong sahig at nagbitak-bitak. Namatay ang kanyang mga vines at naging abo dahil doon. Ako naman ang ngumisi. “Now, how are you going to defeat me with this poisonous land? Sumuko ka—” Hindi ko na natapos ang aking sinasabi nang umihip ang hangin. Lumakas ito nang lumakas hanggang sa nakagawa ng napakaraming ipo-ipo sa aming paligid. Muntik ko nang makalimutan, kaya rin palang kontrolin ng mga ofris mnarillazas ang hangin. Naglabas ako muli ng mnarill sa ere. Naging itim ang mga ipo-ipo at ako na ang may kontrol ng mga ito. Hindi man lang nagulat si Rhein nang malamang hindi niya na makontrol ang mga iyon. Pinagalaw ko ang mga ito palapit sa kanya. Matulin siyang gumalaw at tumalon para umiwas ngunit huli na nang makulong siya ng limang ipo-ipo. Humiyaw ang mga fans ng JAZA dahil paniguradong panalo na ako. Subalit, tumahimik din sila dahil sa sunod na nakita. Noong naglaho na ang mga itim na ipo-ipo, wala si Rhein doon. Tuluyan na akong kinabahan nang marinig ko ang kanyang boses sa aking likuran. Hindi ko alam kung paano nangyari ngunit isa lamang ang nasa isip ko, alam niya na ang mga totoo niyang kakayahan. Nagawa niya nang mag-teleport. “Surprised?” Pagkaharap ko sa kanya, itinutok niya ang dulo ng kanyang light sword sa aking leeg. Tinitigan ko siya. Seryoso lamang siyang nakatingin sa akin. Sobrang napakakalmado niya kumpara noong una kaming nagkita. Nag-teleport din ako at dumistansya sa kanya. Gumawa rin ako ng dark sword at inihanda ang aking sarili. Lumitaw ang napakaraming dark energy balls sa ere sa aming paligid at pinabulusok ang mga ito sa kanya. Hindi na siya nag-abalang umiwas. Awtomatikong nagkaroon ng light barrier sa paligid niya. Sa halip na sumabog roon ang mga bolang enerhiya ko ay naipon lamang ang mga ito roon at unti-unting naging puti. Sinubukan kong kontrolin ulit ang mga ito ngunit to no avail. Masyadong malakas ang mnarill niya. Naglaho ang kanyang pananggalang at ibinalik sa akin ang mga bolang enerhiya. Mabilis akong gumawa ng mga bolang enerhiya muli at pinabulusok. Sumabog ang mga bolang enerhiya nang magbanggaan ang mga ito. Wala akong makita nang balutin ng itim na usok ang paligid kaya nagulat na lamang ako nang may isang light energy ball na tumama sa aking kanang balikat. “Aaaaaaaaaaahh!” Napadaing ako sa sakit. Nasira ang manggas ng uniform ko dahil sa pagtama n’on. Tumambad sa aking mga mata ang tila nasunog kong balat noong sulyapan ko ito. Imbes na indahin iyon, kumunot ang noo ko sa pagtataka. Hindi naman ganito ang epekto ng light energy ball ng kapatid niya sa tuwing naglalaban kami sa palasyo. Mukhang tama ang sinabi ng hari at reyna, kakaiba ang mnarill na taglay ni Rhein. Binalot ko ang paligid ng itim na usok. May halo itong pampatulog para tapusin na ang laban. Dahil sa may barrier namang nakalagay sa battlefield, hindi naman maaapektuhan ang mga nanonood. Kahit na makapal ito, kita ng mga mata ko ang prinsesang aking kalaban. Ang buong akala ko ay mawawalan na siya ng malay kaya nanlaki na lamang ang aking mga mata sa gulat nang maglaho ang usok. Unti-unting lumitaw ang mga lumulutang na puting balahibo sa paligid ni Rhein. Nagpalipat-lipat ang kanyang tingin sa mga ito. Nagtataka rin siya kung bakit lumitaw ang mga iyon. Umikot ang mga ito sa palibot niya nang papabilis hanggang sa hindi na siya makita. Lumiwanag din ang mga itong tila mga bituin. Mula sa kinaroroonan niya, unti-unting lumiwanag ang itim na sahig at naging puti. Ramdam na ramdam ko ang sobrang lakas niyang mnarill. Makaraan ang ilan pang sandali, tumilapon na papalayo sa kanya ang mga nagliliwanag na mga balahibo at isa-isang naglaho. Kasabay nito ang paglaho ng kanyang light sword at pagbalik sa dating hitsura ng battlefield. Kita pa rin sa kanyang mga mata na naguguluhan siya ngunit nanatili pa rin siyang kalmado. “Whoa! Congratulations for being a fully-transitioned, Rhein! Isa ka na talagang ganap na hwizta mnarillaza!” pagbati sa kanya ng emcee. Napatingin siya sa kanyang badge at doon niya nakumpirmang tama nga ang sinabi nito sa kanya. Hindi siya natuwa o ano pa man. Napabuntong-hininga lamang siya at seryosong tumingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya at binati rin, “Congratulations.” Tuluyan na akong natumba dahil sa panghihina. Rinig ko ang mga natatarantang sigawan ng mga estudyante. Isang injury lang naman sa balikat ang natamo ko ngunit masyadong malakas ang mnarill niya kaya siguro ganito ang epekto sa akin. “Our winner for this amazing match is Rhein Gomez!” Damn Dylan. Tama nga siya. She is impressive. DYLAN’S POINT OF VIEW Dito na ako sa SC office nanood ng laban. Alam naman ng principal ang situwasyon ko kaya nagpalagay siya ng mga cameras sa loob ng gymnasium. Kung doon ako mismo nanood, malaki ang tiyansang makilala ako ni Rhein. “Are you done assessing?” Kakapasok pa lang ni Principal Oak, nagtanong na siya agad. Was she that anxious to know the results? Tumayo lamang ako at ibinigay sa kanya ang papel kung saan ko isinulat ang mga nasa ranking. Binigyan niya ako ng isang ngiti matapos pasadahan iyon ng tingin. “Good work, Mister President,” wika niya at lumabas din kaagad. Napabuntong-hininga ako bago naupo sa aking upuan. Humarap ako muli sa screen ng computer. Kitang-kita ang battlefield dito. Kakatapos lamang ng laban nina Rhein at Justin. Alam ko namang malakas si Justin. Medyo nakakatawa nga lang dahil natalo siya ng isang beginner. Makaasar nga sa kanya mamaya. “Umaabot ng ilang buwan bago tuluyang maging fully-transitioned ang mga deore and hwizta mnarillazas, hindi ba? Bakit nagawa na agad iyon ng princess?” tanong ni Tyler pagkalapag sa aking lamesa. Nagtago na naman kasi siya sa ilalim nito nang makita ang principal. “At kagabi pa lang niya nakausap ang kanyang mnarill tungkol sa kanyang mga kapangyarihan. Hindi ba’t masyadong nakapagtataka iyon?” Indeed, it was very unusual. “I know pero sinabi noon ng kanyang mga magulang na kakaiba ang kanyang mnarill. Hindi naman nila sinabi kung ano ang reason. I tried to ask them before but, they just gave me a smile.” Ramdam ko na naman ang ngiti sa aking mga labi nang tumingin ako sa computer. I could not help it. Ibinalik ko ulit iyon sa bahagi kung kailan sinorpresa niya si Justin. Nag-teleport siya papunta roon at tinutukan niya ito ng espada. “Ngumingiti ka na naman,” rinig kong pang-aasar ng roasted bird na kasama ko. “Who wouldn’t? She has never failed to impress me.” Biglang nagbukas ang pinto kaya awtomatikong pinatay ko ang computer. Tumayo ako at hinarap kung sinuman iyon. Ang akala ko noong una, bumalik si Principal Oak ngunit hindi. Namilog na lamang ang mga mata ko nang makita kung sino iyon. Hindi ko talaga inaasahan ito. Seryoso lamang siyang nakatingin sa akin, kasama ang kanyang pracien. Paunti-unti na akong inakyat ng kaba. Damn, what is this? Did Princess Rona miscalculate the expected outcomes of her plans? “Ikaw ang nag-setup sa aming magkakaibigan laban sa JAZA. Worse, s-in-etup mo pa ako kay Justin. Ginawa mo pa kaming dalawang highlight ng buong selection.” Peke siyang tumawa. “Kaya pala hindi ka nagpakita sa mismong event dahil natatakot kang makilala kita. Mabuti na lang, may mga tsismosang estudyanteng malapit sa puwesto namin kanina. Alam mo bang dismayado sila dahil hindi ka pumunta? Pasalamat sa kanila, nalaman ko kung sino ka. Nang dahil doon, tuluyan nang nakumpleto ang hinala ko, Mister President – the top student of the whole academy. At oo nga pala, muntik ko nang makalimutan, you have another famous title – the only meithi mnarillaza left in the world of Mnarra.” Ibinuka ko ang aking bibig para sana magpaliwanag pero para saan pa? She already hit the bull’s eye. Nagulo na ang sistema ko noong pumasok siya at sabihin ang mga iyon. “Fighting against me in the forest before and showing to me what type of mnarillaza you are, those were very stupid moves,” dagdag niya pang sabi, “Noon, may kutob na akong kilala kita dahil pamilyar ang boses mo sa akin. Hindi nga ako nagkamali.” Mariin siyang napapikit. “Sinundan mo rin ako kagabi sa gymnasium. Your presence says it all.” “Kaya pala wala akong naramdamang masamang pakay mula sa iyo noong nagpakita ka sa gubat. Hindi pala ang deore mnarillaza na nagtangka sa akin ang nag-utos sa iyo,” saglit siyang tumigil bago nagpatuloy, “Nagpakilala kang ka-workmate ng kapatid ko. Saan mo siya katrabaho? Sa paggawa ng kung anong kalokohan sa akin? Tell me the truth! Sabihin mo na sa akin. What are these for? Ganito rin ba ang naranasan ng kapatid ko noong nagpunta siya rito? Is this some kind of test for us – princesses?” Tuluyan na akong natahimik nang tumulo ang isang luha mula sa kanyang mga mata. Alam niya na talaga ang totoo.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
good
04/01
0thanks
30/01/2024
0ang ganda naman nang estorya nato s
18/08/2023
0Tingnan Lahat