logo text

Chapter 13: Badge

RHEIN’S POINT OF VIEW
Nakangiting sinalubong ako ni Forelody sa hallway. Dumapo ito kaagad sa ibabaw ng aking kanang balikat.
“Kamusta? Ang akala ko, baka kung napaano ka na.”
“Siyempre, panalo,” masayang tugon ko. “Yvus mnarillaza ang nakalaban ko.”
Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Kumunot ang noo ko nang hindi makita ang mga praciens ng mga kasama namin at gayundin si Owlice. “Si Allie, hindi pa ba siya nakalalabas?”
“Kanina pa sila natapos. Ikaw na lang ang nahuli. Nauna na silang lumabas. Ba’t ba napakatagal mo?”
Hindi ko nagawang sagutin ang tanong ni Forelody. Natawa na lang ako dahil masyado yata akong nag-enjoy sa pag-ilag kanina.
Mabuti na lang dahil naabutan ko pa sina Allie na nag-aayos ng mga gamit. “Congratulations, Allie,” pagbati ko sa kanya.
“Congratulations din.”
Inayos ko na rin ang mga gamit ko at sabay na kaming lumabas. Habang naglalakad patungo sa gate, kinausap ko siya tungkol sa kanyang nakalaban.
“He’s a crazy aias mnarillaza,” tipid niyang sagot.
“Paano mo siya natalo?”
Nakatingin na lamang siya sa aming dinaraanan at tikom ang bibig. Mukhang ayaw niya nang magpaliwanag. Ayaw niya talaga ang maraming sinasabi. Kung sabagay, hindi naman ice cream ang pinag-uusapan.
Si Owlice ang sumagot. “Kinuwento niya sa akin ang nangyari kanina. Inilunod niya raw ang kanyang kalaban sa loob ng isang malaking ice cube na pinuno niya ng high-pressured water.”
Nanlaki ang mga mata namin ni Forelody sa pagkamangha at takot. “Pinatay mo siya?”
“Muntikan lang. Noong alam kong nanghihina na siya, binitak ko rin ang ice cube,” malamig niyang sagot.
“Cool!”
Nang makarating kami nina Allie sa gate sa likod, naroon na ang iba naming kasama at si Principal Oak. Pinaglinya niya kami sa kanyang harapan at nginitian.
Tumikhim siya bago nagsalita. “Congratulations to all of you. Dahil sa nagawa ninyong makapasa sa final entrance exam, you are already official students of the Mnarill tes Aleid.”
Nagpalakpakan kaming lahat at nagkangitian para sa aming tagumpay.
Ipinakita niya ang mga nakalagay sa kanyang kanang palad. Gamit ang kanyang sychi mnarill, kinontrol niya ang mga ito papunta sa amin. Noong lumapag ang mga ito sa aming mga palad, unti-unting nagbago ang mga hitsura nito. Mula sa pagiging white stone, ang mga ito ay naging badge.
“Ang mga badge na iyan ay kailangan ninyong isuot sa loob ng paaralan, nakauniporme man kayo o hindi. Idikit lang ninyo iyan sa gilid ng kaliwang sleeve ng inyong damit. Iyan ang simbolo ng inyong mga mahika. Magkaroon man ng pagbabago o wala sa inyong mga mnarillaza type, iyan din ang makapagsasabi.”
Sinulyapan ko ang kay Allie, blue snowflake badge ang sa kanya. Pansin kong bahagya siyang nakangiti habang nakatitig doon.
Gusto ko ring matuwa habang nakatingin sa badge ko ngunit . . . hindi ko magawa. Mas nangingibabaw ang pagtataka ko. Nilingon ko si Forelody na tahimik lang sa aking balikat. Kita rin ang pagtataka sa kanyang mga mata.
Ipinatago muna ang mga badge namin bago umalis. Si Principal Oak ang nag-lead sa amin patungo sa main campus ng academy.
Paglabas namin ng gate, isang passage na nababalutan ng halaman ang aming dinaanan. Ilang minuto rin kaming naglakad bago narating ang isang gate na gawa sa kumikinang na ginto. Kusa itong bumukas nang itapat ni Principal Oak ang kanyang kanang palad dito.
Binalot ng sobrang pagkamangha ang mga mata ko habang tinitignan ang buong academy. Kung ang campus para sa preparatory classes ay malapalasyo, ito naman ay parang malapalasyo sa langit sa sobrang laki at ganda. Marami ring nagsisilakihang mga building sa paligid nito.
Nakalagay sa nalalaman ni Lolo Lembo na ang paaralang ito ay kumpleto mula elementarya hanggang kolehiyo. Ang mga pinag-aaralan dito ay kagaya rin ng mga nasa mundo ng mga tao ngunit may karagdagang mga subjects na may kaugnayan sa mahika at sa buong Mnarra. Ginagawa rin nitong maging bihasa ang mga estudyante pagdating sa pagkontrol ng kanilang mga mnarill.
May mga nagkalat na estudyante sa paligid. Ang ilan sa kanila ay nagkukuwentuhan. Ang ilan naman ay nagbabasa ng mga libro. May mga naghahabulan ding parang mga bata.
Nagtungo kami sa office ni Principal Oak para kunin ang aming mga uniporme at mga class schedules. Matapos iyon, inihatid niya na kami sa mga dormitoryong matatagpuan sa likurang bahagi ng eskuwelahan. Huli niya kaming inihatid ni Allie dahil nasa pinakamataas na palapag ang aming kuwarto. Mabuti nga dahil may elevator kaya hindi kami napagod sa pag-akyat.
“Ito ang inyong silid.” Binigyan niya kami ng tig-isang susi. “Sa ngayon, nasa klase pa ang mga roommates ninyo. Mamayang hapon pa sila makakauwi rito. Kayo na ang kumilala sa kanila.” Akmang aalis na ang principal kaya tinawag ko siya. “Do you have a question about your room, Rhein?”
Umiling ako at bumuntong-hininga. Kanina ko pa kasi gustong itanong ito. Inilabas ko ang badge mula sa bulsa ng aking hoodie at ipinakita sa kanya. “According to what I have learned in the preparatory classes, green leaf po ang simbolo ng ofris mnarillaza. Isa po akong ofris mnarillaza ngunit bakit light green feather badge po ang nakuha ko? There must be a mistake here.”
“I’m glad that you have learned well, Rhein. Hindi mo na kailangang itanong pa sa akin kung bakit iyan ang nakuha mo, Hija,” nakangiting aniya at tinalikuran na kami.
Tinignan ko sina Allie at Forelody bago ako napatitig sa aking badge.
“Ang mga hwizta and deore mnarillazas ang pinakamataas na uri ng mga ecialis o special-typed mnarillazas. Pagkatapos masira ng kanilang mga asle, pansamantala muna silang magiging ofris mnarillazas. Habang tumatagal at lumalakas sila, roon lamang lalabas ang kanilang tunay na mga kapangyarihan.” Iyon ang naaalala kong sinabi ng aming preparatory teacher.
Sinulyapan ko ulit si Forelody na tahimik lamang na nakatingin sa badge. Kaya pala nagduda rin siya noong sabihin ko sa kanya na isa akong ofris mnarillaza.
Ngumiti ako sa kanya nang lumingon siya sa akin. “Tama ka, Forelody. Hindi nga ofris ang mnarillaza type ko. I’m a hwizta.”
“Hwizta mnarillazas belong to the royal family alone. Isa ka ba sa kanila?” Lumipat ang tingin ko kay Allie. Saglit akong natigilan sa kanyang tanong.
Sumagi sa isip ko sina Papa, Mama, at Ate Rona . . . imposible. Patay na ang mga magulang ko at ang kapatid ko naman ay naiwan sa mundo ng mga tao. “Hindi. Imposibleng mangyari iyon,” sagot ko.
“Siguro, malayo mo silang kamag-anak. Puwede rin namang kabilang ka sa clan kung saan nagmula ang royal family. Litho . . . . Lithosowan Clan? That is the name of the clan, if I have not mistaken.”
“Siguro nga.” Hindi ko talaga alam.
Pagpasok namin, kaagad kong kinapa ang switch ng ilaw dahil madilim.
“Aaaaaaaaaaaaaaaaahh!” Pareho kaming napahiyaw ni Allie nang tumambad sa amin ang dalawang babaeng nakaabang sa aming harapan.
“Shush!” Tinakpan ng babaeng may pulang pracien sa balikat ang aming mga bibig. Isa siyang yvus mnarillaza kagaya ng nakalaban ko kanina. “Kami lang ito! Hindi kami multo! My gosh!” natutuwang wika niya sabay bitaw sa amin.
“Sorry for this girl’s silly thoughts,” sabi naman ng babaeng nakasalamin. Ang pracien naman nito ay violet ang kulay. Kapareho siya ni Great Crescent Master. “Idea niya na abangan namin kayo rito habang nakapatay itong ilaw. Nag-cutting-class pa kami para rito. Honestly, I don’t know what is the point for doing this.”
Nakatulala pa rin kami sa kanilang dalawa. Saka lang kami naibalik sa wisyo nang magpakilala sila sa amin.
“Lovely Ash, an yvus mnarillaza. My pracien’s name is Fierie.”
“Kate Wagner, a resce mnarillaza. This bird’s name is Gemrose. The same with Lovely, I came from the human world.”
For a moment, I felt my eyes did twinkle. Tumpak ang mga nasa data ni Lolo Lembo. Kalahating porsiyento ng mga nag-aaral dito ay galing pa sa mundo ng mga tao.
Sinulyapan namin ni Allie ang isa’t isa. Ako na ang nagpakilala sa mga sarili namin dahil alam ko namang may pagka-introvert si Allie. Kaya nga, ngayon lang siya pumasok sa academy na ito dahil may kasama na siyang kakilala na niya.
“Hello, Roommates! Siya nga pala si Allie Frost, isang aias and aiasho mnarillaza. Owlice ang pangalan ng pracien niya. And me, I’m Rhein Gomez at ito namang pracien ko ay si Forelody. Isa akong . . . ” Hindi ko alam ngunit tila nahihirapan akong sabihin ang mnarillaza type ko. “ . . . a-akong . . . ”
“Isa kang . . . ?”
Nakahinga ako nang maluwag noong si Allie na ang nagsabi. “She’s a hwizta mnarillaza. Kanina niya lang kasi nalaman kaya hindi pa rin siya makapaniwala.”
“Whoa. Gano’n ba?” namamanghang sabi ni Lovely, “Isa ka bang prinsesa?”
Kaagad akong umiling. “Hindi.”
“Sayang naman.” Nag-pout siya sa pagkadismaya ngunit, bumalik din ang kanyang todong-ngiti. Tumingin siya kay Kate na seryoso lamang ang mukha. “We’re so lucky, Kate! Ka-roommates natin ang dalawang special-typed mnarillazas!” Nagulat kami nang bigla kami nitong yakapin nang mahigpit. “From now on, we will be good friends!” Tuluyan na kaming nagtawanan noong pumunta ito sa kanyang kama at nagtatatalon.
Inimbitahin nila kaming mag-lunch sa cafeteria. Matutulog sana kaming dalawa dahil hindi kami gaanong nakatulog kagabi ngunit, hindi na kami nakatanggi pa nang pareho nila kaming hilain.
“Rhein, kakaiba ang mga kaibigan mo,” masayang sabi ni Forelody.
“Yup, I agree. Kakaiba nga.”
FORELODY’S POINT OF VIEW
Alam kong hwizta mnarillaza si Rhein mula noong kakalabas ko pa lang sa kanyang dugo. Sasabihin ko na sana ang totoo sa kanya ngunit, kinausap ako ni Lolo Lembo na huwag ko munang sabihin ang tungkol dito sa kanya. Dahil sa isa raw siyang prinsesa at isa sa susunod na mamamahala ng Mnarra, kailangan niya ring sumailalim sa pagsubok kagaya ng kanyang kapatid. Nagulat nga rin ako nang malamang isang prinsesa ang pracien ko.
Nakumpirma ito noong kausapin ako ng kapatid ni Rhein—si Princess Rona—noong mawalan siya ng malay. Sa totoo lang, nagsinungaling ako sa kanyang hindi ko nakita ang deore mnarillaza at ang mga ahas na lumitaw noon. Sinabihan kasi ako ni Princess Rona na magmaang-maangan. Mabuti nga dahil napakiusapan ko sina Allie at Great Crescent Master na huwag sabihin ang totoo.
Ramdam ko namang naguguluhan ang partner ko sa nangyayari at sa mga nalalaman niya. Mas lumala pa iyon nang makita niya ang kanyang badge at malaman ang totoo niyang mnarillaza type. Hindi ko na nga alam kung ano ang sasabihin sa kanya kaya nanahimik na lang ako.
Malungkot akong napangiti habang nakatitig kay Rhein na mahimbing nang natutulog. “Pracien, kaunti na lang, malalaman mo na ang totoo.”

Komento sa Aklat (13)

  • avatar
    Visitor

    good

    04/01

      0
  • avatar
    Johnwil Reyes

    thanks

    30/01/2024

      0
  • avatar
    Jie Jie

    ang ganda naman nang estorya nato s

    18/08/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata