logo text

Chapter 12: Entrance Examination

RHEIN’S POINT OF VIEW
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang nakasakay kami sa pracien ni Great Crescent Master na si Ubeo. Isa itong dambuhalang ibong may purong violet na mga balahibo.
Sa unahan nakaupo si Allie at sa kanyang likod naman ako. Sa gitna namin pinaupo sina Owlice at Forelody dahil baka matangay sila ng hangin.
Mahigit kalahating oras na rin kaming naglalakbay sa himpapawid. Kitang-kita namin ang tanawin ng mga kabundukan sa ibaba.
“Allie, malayo pa ba tayo?”
Tumaas-baba ang kanyang balikat. “Hindi ko alam. I’ve never been there. Ngayon lang naman ako makakapunta roon.”
Tumingin ako kina Forelody para humingi ng sagot ngunit pag-iling lamang ang ibinigay nila.
“Hindi namin makita ang kalupaan kaya hindi namin masasabi kung malapit na tayo o hindi pa,” tugon ni Owlice. Hindi gaya ng pracien ko, malumanay ang boses nito.
“Walong kilometro pa ang ating lalakbayin,” saad ni Ubeo. Mukhang narinig niya ang aming pinag-uusapan kahit na abala siya sa paglipad.
Kalahating oras pa ang nakalipas, nakarating na kami sa labas ng academy. Ibinaba kami ni Ubeo sa ilalim ng isang puno at bumalik na sa Abracadabra Town matapos naming magpaalam.
Pinagmasdan namin ang kabuoan ng paaralan. Ibang-iba ito sa mga paaralan sa mundo ng mga tao. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong malapalasyong eskuwelahan.
Kapansin-pansin ang blue barrier na nakapalibot dito. Marahil ay ito ang nagsisilbing proteksyon mula sa mga masasamang mnarillazas.
“Now, how are we going to enter this school?” malamig na tanong ni Allie.
Huminga ako nang malalim. Pareho lang naman kami. “Hindi ko alam. Maybe, we should wait until they notice—” Hindi ko na natapos ang aking sinasabi dahil mabilis akong nag-backflip nang maramdaman ang punyal na papunta sa akin. Sa halip na tumama ito sa aking binti, sa madamong lupa ito bumaon.
Nilingon ko si Forelody para tignan kung maayos lang siya. “Okay lang ako, Rhein. Hindi ako mahuhulog dito sa balikat mo dahil mahigpit ang kapit ng mga paa ko. Magtiwala ka, kaya kong makisabay sa mga mabilis mong kilos,” wika niya sabay kindat na nakapagpangiti sa akin.
Kaagad namang gumawa ng ice wall si Allie kung saan doon tumarak ang punyal na para naman sa kanya. Nanatili siyang kalmado gaya ko.
Paniguradong ito na ang pagsubok na tinutukoy ni Lolo Lembo sa kanyang nalalaman sa pagpasok sa paaralang ito – batuhan pala ng punyal. Hindi ba alam ng mismong namumuno ng paaralang delikado ang ganitong paraan?
Akala namin, doon na matatapos iyon ngunit, naging sunod-sunod na ang pagbulusok ng mga patalim mula sa iba’t ibang direksyon. Sobrang dami nito kaya dumikit ako sa likuran ni Allie.
“Gumawa ka ng ice barrier,” sabi kong agad naman niyang sinunod.
Dali-dali akong umupo at hinawakan ang madamong lupa gamit ang aking dalawang palad. Nagsilabasan sa paligid namin ang napakaraming vines na may tinik. Ang mga ito ang sumalo sa mga patalim.
Pagkaraan ng ilang sandali, huminto na sa paggalaw ang mga vines ko – hudyat na wala nang patalim na papunta sa amin. Kasabay ng pagtayo namin ni Allie ang paglaho ng barrier niya at ng aking mga vines. Nagkalat ang mga punyal sa paligid.
“Congratulations,” nakangiting bati ng isang babaeng sa tingin ko ay nasa edad forties na. Nakatayo ito ilang metro ang layo sa aming kinatatayuan at may hawak na tig-isang punyal sa kanyang mga kamay. Base sa pormal nitong suot, hindi na kailangang sabihing siya ang tagapamahala ng paaralan. “Call me ‘Principal Oak’. I—as the principal of this school—would like to personally welcome you. Welcome to the Mnarill tes Aleid.”
Nagkatinginan kami ni Allie at binigyan ng ngiti ang isa’t isa ngunit sa isang iglap, nawala ito nang marinig ang sunod na iniwika ng principal.
“Ngunit depende pa rin iyon kung makakapasa talaga kayo.”
Bumalik ang aming tingin sa kanya. “Ano po ang ibig ninyong sabihin? May pangalawa pa pong test?” nagtatakang tanong ko.
Tumango siya kasabay ng pag-ayos sa kanyang malaking salamin. “You will undergo preparatory classes for one week and after that, you will take the final entrance exam to be official students in here.”
Sobrang nanlalaki ang mga mata ko sa nalaman. Pinagmasdan ko muli ang malapalasyong istruktura na nakikita ko ngayon. Kung ganoon, hindi ito ang mismong academy kundi isa lamang itong bahagi. Hindi mo talaga aakalaing para sa preparatory classes lamang ito.
Napatalon kami pahiga sa malaking kama sa loob ng isang malawak na kuwarto kung saan dito kami pansamantalang mananatili. Masyado itong magarbo para sa amin, para tuloy kaming mga prinsesa.
Dumapo si Forelody sa ibabaw ng noo ko at tinitigan ako sa aking mga mata. “Rhein, galingan mo, ha? Wala kaming mga praciens ninyo para tumulong sa oras ng inyong pag-aaral. Dapat sanayin mo na ang sarili mo ngayon pa lang. Ganito rin ang mangyayari kapag official students na kayo,” mahabang litanya niya.
“Yes,” dahan-dahan akong tumango at mariing napapikit.
Akmang iidlip na ako nang bigla akong napaupo noong may maalala. Pinanlakihan ko ng mga mata si Allie na nakakunot lamang ang noo habang nakatingin sa akin. “Wala akong pambayad! Wala akong dala-dalang pera!” sigaw ko. Bakit ngayon ko lang ito naisip?
Kinalkal ko ang laman ng backpack ko ngunit kahit isang barya, wala akong mahanap. Kung ang mga pagkaing hindi inilagay ni Lolo Lembo, naiintindihan ko pa dahil may mahahanap at mahahanap naman kaming pagkain. Subalit itong wala siyang inilagay na pambayad? Naku, ibang usapan na ito! Hindi napupulot ang pera!
Pabagsak akong humiga muli sa kama at tumingala sa puting kisame. “Saan na tayo pupulutin nito, Forelody? We don’t have any money,” wika ko, naiiyak na.
“This school does not require any payment. If you are a mnarillaza, then, you are good.” Nakuha ni Allie ang aking atensyon kaya lumipat ang tingin ko sa kanya. Patuloy siya sa pananalita habang hinahaplos ang ulo ng kanyang partner. “Nag-iisa lang ang paaralang ito sa mundong ito, Rhein. Its only top goal is to educate all of the mnarillazas, be it they live in the human world or in Mnarra. Sa oras na naging official student ka na, libre na ang lahat – from your school needs to your basic necessities.”
Unti-unti akong napangiti matapos marinig ang mga salitang iyon. Kakaiba talaga ang mundong ito.
Sa loob ng isang linggo, kasama ang mga ilang mnarillazas na kaedad namin, pagbabasa at pakikinig sa preparatory teacher ang aming inatupag. Dahil nga nasa preparatory stage pa lang kami, mga basic subjects pa lang ang aming inaral (history, ethics, mnarillaza types, and primary magic manipulation).
Pagdating ng huling araw kung kailan gaganapin ang huli naming pagsubok, napakasaya ng loob ko. Kahit na kinakabahan, sobra akong na-e-excite sa mangyayari ngayong araw.
“Suot mo na naman iyan,” komento ni Forelody. Pinasadahan niya ng tingin ang aking gray na hoodie.
Kumindat ako sa kanya. “Heto ang suot ko magmula noong umalis ako ng bahay. It has been with me in our entire journey. And now, I’m going to take the entrance exam. Siguro naman, hindi na masama kung ito ulit ang isusuot ko?”
“If you say so.” Bahagya siyang ngumiti at kanyang idinikit ang ulo niya sa pisngi ko. “Good luck, Pracien!” at lumipad na siya papalabas.
“Salamat!”
Pito kaming mga mnarillazas ang magte-take ng final test. Pinapasok nila kami sa tig-iisang silid kung saan mangyayari ang labanang kailangan naming ipanalong mag-isa.
Habang naghihintay, umupo muna ako sa sahig at pinagmasdan ang kabuoan nitong lugar. Malawak ang kuwartong ito ngunit walang kalaman-laman. Wala nga ring kahit isang bintana o ilaw na maaaring magbigay-liwanag. Tanging ang sinag lamang ng ilaw na nasa labas ang pumapasok sa pintuan.
Makaraan lamang ang ilan pang sandali, dumating na ang isang lalaking nakaputing cloak. Mabilis akong tumayo nang isara niya na ang pinto. Binalot ng kadiliman ang lugar.
Simple lang naman ang gagawin para makapasa. Kailangan lang naming malaman ang mnarillaza type ng aming kalaban at patumbahin ito.
Mabilis akong tumalon para iwasan ang bumulusok na fire ball. Nang tumama iyon sa pader, kumalat ito sa palibot namin.
“Yvus mnarillaza,” seryosong sabi ko habang tinitignan siya, “Now, the thing left for me to do is to defeat you.”
Humalakhak siyang tila isa akong patawang nilalang. “Hindi mo kakayanin ang isang official student ng academy na kagaya ko. Walang kakayahan ang ofris mnarill mo sa aking apoy. I’ll just burn all of your weak plants!”
Napangisi tuloy ako dahil sa magkahalong inis sa kaharap ko. May mga estudyante rin pala ritong mayayabang. “Tingnan na lang natin.”
Tama ang kanyang sinabi. Matatalo lamang ang mga thorned vines ko sa mga flames niya. Ngunit hindi niya yata alam, kasama rin sa kapangyarihan ko ang wind control.
Sunod-sunod na siyang nagbato ng mga bolang apoy. Puro pag-iwas pa lamang ang ginawa ko.
“Ano? Susuko na ba?!”
Nginisian ko siya. “Iyan ang akala mo.”
“Sumuko ka na! Talunan!”
Sa bawat pag-iwas ko at paglapag ko sa sahig, nilalagyan ko ng mahika ang iba’t ibang parte ng silid. Nang masiguro kong halos nalagyan na ang lahat, tumalon ako papunta sa kanyang likuran at bumuo ng buhawi sa paligid namin. Pinabilis ko nang pinabilis ang paggalaw ng hangin hanggang sa hindi na kayanin ng kanyang apoy ang lakas nito. Kasabay nito ang mabilis na paglabas ng mga malalaking tinik mula sa sahig at pader.
“Ikaw ang talunan.”
Pansin ko ang kanyang panginginig nang lumingon siya sa akin. Kaagad akong nag-flip sa ere at sinipa ang kanyang ulo paibaba sa sahig. Sapat na ang impact n’on para mawalan siya ng malay.
Kumalma na ang hangin at naglaho na ang mga vines ko. Ang sira-sirang silid ay bumalik na sa dati nitong ayos. Hindi ko na ito ikinagulat dahil nasabihan kaming may espesyal na mahika ang nakabalot dito.
“Huwag kang masyadong mayabang.”

Komento sa Aklat (13)

  • avatar
    Visitor

    good

    04/01

      0
  • avatar
    Johnwil Reyes

    thanks

    30/01/2024

      0
  • avatar
    Jie Jie

    ang ganda naman nang estorya nato s

    18/08/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata