Chapter 20: Janua Airany

"Then what?" Iritableng tanong ni Douleur. Sa pag-uusap nila so far, halatang matagal na silang magkakilala. I know that the situation we are in right now are gotten worst habang nandito kami ngayon.
Alam ko na lahat kami ay ito din ang dinadala sa ngayon. Lahat kami ay ayaw isipin ang mga posibleng mangyari pagkatapos nito. It's funny how I can't do anything about it, naiinis na ako sa sarili ko! Sana may magagawa man lang ako.
"I am planning to train them..." Bumalik ako sa wisyo nang marinig ang sinabi ng lalaki. Para akong nabuhayan dahil sa sinabi nito, if I somehow become strong baka pwede pa, baka may maitulong ako. Honestly habang tumatagal mas lalo kong nararamdaman na wala akong magawa kahit simpleng bagay.
"One of the weak useless girl are awake!" Nanlaki ang mata ko nang sumulpot sa harapan ko ang isa sa kambal habang nakatingin ng deretsyo sa mga mata ko.
"Hey Lumina, are you okay?" Tanong ni Douleur saka mabilis na lumapit sakin, naupo ako mula sa pagkakahiga at hinawakan niya ang dalawang kamay ko.
"Mukha ba akong okay sa lagay na 'to?" Pabalang na tanong ko, nawala siya kanina tapos susulpot na lang siya para itanong kung okay lang kami? Humarap ako sa lalaking kausap niya kanina na kasalukuyan ding nakatingin sakin.
Bumungad sa harapan ko ang isang lalaking matangkad at hanggang balikat lang ata ako. Puti ang buhok niya at may pagka-abo ang kulay ng mata. Makapal ang kilay niya at hindi katangusan ang ilong. Nakasuot siya ng isang mahaba at itim na cloak na bumalot sa buong katawan niya, dahilan para tanging mukha niya lang ang makita ko.
"Yo!" Bati nito habang nakataas pa ang kamay niya. Sa paraan ng pagbati niya, para bang wala siyang ginawang halos ikamatay na namin kanina— hindi ako nag-e-exaggerate ah, that was actually what have happened.
"Sino... Ka?" Nagdadalawang isip na tanong ko habang nakatingin sa kanya, I tried na magtunog may galang but I still can't remove the irritation in my voice. Bigla ko na lang naramdaman na may dalawang maliliit na kamay ang nakahawak sa leeg ko.
"How dare you to talk to him like that?" Madiin at sabay na tanong ng dalawa habang umaapoy ang mga mata— not literally pero dama ko ang init sa kinatatayuan ko.
"Aire! Aira! Don't be rude, tapos na ang laban okay?" Pagpapakalma niya sa kambal habang nakahawak sa balikat ng dalawa. Unti-unting kumalas ang dalawa sa pagkakahawak sa leeg ko at bahagya silang lumayo.
"P-Pasensya na B-Big brother," paumanhin ng isa sa kanila na mukhang ano mang oras ay maiiyak na.
"Tsk!" Singhal no'ng isa pa, so siya pala 'yong tinatawag nilang big brother kanina?
"I'm Janua Airany, the holder of Aistone and the Sword of the Lost village." Pagpapakilala niya habang nakalahad ang kamay sa harapan ko. Janua Airany? Biglang pumasok sa isip ko ang ni-lip-talk ni Douleur bago siya umalis nang papunta kami rito. So she's talking about this guy.
Aabutin ko na sana ang kamay niya nang mahagip ng mata ko ang kambal habang nakatingin pa rin ng masama sakin, pakiramdam ko pinapatay na nila ako sa isip nila. Hindi lang pala si Thud ang mahirap lapitan ngayon, may kid version pala 'tong si Heure.
"I'm Lumina, nice to meet you." Tugon ko in such a sarcastic way at mas pinili na lang na 'di abutin ang kamay niya. Sword and Shield are together, ano pa ang sunod naming makakaharap? Armor? Helmet? Kidding!
"Wait a minute, Lumina. I have to deal with this idiot a little bit, okay?" Paalam niya kaya tumango ako, naisipan kong tumayo at bahagyang umatras palayo, baka madamay pa ako. Biglang Binatukan ng malakas ni Douleur si Janua at agad naman 'tong napahawak sa ulo niya.
"Para saan na naman 'yon?" Naiinis na tanong niya habang nakatingin ng masama dito.
"Para 'yon sa pagtuloy mo sa plano mo kahit binalaan na kita. Look what happened to Thud! Pwede siyang mamatay kung hindi ko siya napigilan agad!" Sermon ni Douleur. Si Thud? May nangyari ba sa kanya? Bigla akong nanginig sa kinatatayuan ko dahil sa narinig ko. Tell me, ayos lang naman siya 'di ba? We are talking about Thud here— I hope he's fine.
"Okay! Okay! I'm sorry, pero wala naman akong balak na tuluyan sila." Wow ah, wala pa siyang balak no'n eh halos patayin na nga kami ng kambal na 'yan kanina. Ilang beses kayang tumama 'yong likod ko sa pader— although 'di ko naman ramdam ang sakit. "About Thud's case, hindi ko naman inaasahan na gano'n ang mangyayari."
Gano'n ang mangyayari? Ano ba kasi 'yong nangyari? Nilingon ko ang gawi kung saan nakahiga si Thud ng walang malay, sa kanan niya ay wala ding malay na nakahiga si Heure. You two will going to be fine, right?
"Tsk!" Singhal ni Douleur saka lumingon sakin ng nakakunot ang noo— she's like telling me na hindi niya kayang ipaliwanag ang mga nangyari kasi kahit siya ay hindi niya din alam kung ano ba talaga 'yon. "You can talk to him now."
"Talk about?" Walang ideyang tanong ko. Siguro hindi pa ito ang tamang oras para kausapin sila about sa case ni Thud kaya sasabay na muna ako.
"About the plan, you are the team captain, right?" Tanong ni Janua habang nakatingin ng diretsyo sakin. Napakunot naman ang noo ko dahil hindi makapaniwala sa narinig ko. Team captain? Saan galing 'yon?
"No no no!" Agad na response ko, "sinong nagsabi nyan sa'yo?" Bigla niyang nilingon si Douleur kaya nilingon ko rin 'to.
"I didn't say anything," pagmamaang-maangan nito. "But look, Lumina. You are the only one who woke up and we don't have any choice."
Napabuntong hininga na lang ako. I don't know what exactly happened on those two, pero kung ang mga pag-uusapan namin ay maaaring magpagaling sa kanila. Then, I'm willing to do anything I can. This time, ako naman.
"Okay, what's the plan that you are talking about?" Tanong ko habang nakatingin ng deretsyo kay Janua.
"I'm planning to train all the three of you to get stronger. But in our case right now," nilingon niya ang gawi kung saan nakahiga sina Thud bago muling lumingon sakin, "hindi natin 'yon magagawa lalo pa't walang malay silang dalawa."
"Can you at least explain to me, what's their current situation? Ayos lang ba sila? Kailan sila magigising para masimulan ang training?" Sunod-sunod na tanong ko.  Okay, sabi ko sasabay ako but I can't concentrate, hindi ako mapakali habang walang malay ang dalawa. I know I'm being impatient here pero hindi naman 'to about lang sa pagiging malakas eh. I just wanted to know if they are really fine, kahit 'yon lang.
"Unfortunately, they will not wake up unless we do something." Sagot ni Douleur na kinagulat ko. Hindi sila magigising? Gano'n ba kalala ang lagay nila?
Gusto kong maiyak ngayon pero alam kong hindi ito ang oras para dyan. Kailangan kong tatagan ang loob ko para may magawa ako para sa kanila. They need me this time.
"Tell me, what should we do then?" Buo ang loob na tanong ko. Nagkatinginan silang dalawa bago tumingin sakin.
"We need to find Nuelie, our cure. She can heal them in an instant." Sagot ni Janua. Their cure? One of the holder of the key stone? So this is also have a connection with our mission. "So can you do it?"
"Of course," walang pagdadalawang isip na sagot ko.
"Let's talk about some informations, details, o kung ano pa mang mga katanungan sa isip mo habang nasa daan. We need to leave now, because we are running out of time. Dalawa pa sa kasama namin ang kailangan nating hanapin at kalahating buwan na lang ang natitira sa'tin bago tuluyang masira ang Lost village." Sabi ni Douleur saka sinuot ang itim na cloak.
I did the same. Sinuot ko ang cloak na binigay ni Janua at agad na kaming naglakbay patungo sa susunod naming destinasyon, ang Camada— the land where we can find Nuelie.

Komento sa Aklat (36)

  • avatar
    BalluangSheena Khate

    I had read the first chapter and it's quite interesting but gonna read this after it is completed para hindi ako mabitin, for now I'm giving a rate and a tip. Kudos to you Author-nim 🥳❤️✨

    21/01/2022

      0
  • avatar
    JamesJiethan

    oten

    31/01

      0
  • avatar
    FriasAnna

    goods

    14/07/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata