Homepage/The Adventure Of Lumina: Lost Village Arc/
Chapter 12: Aura Link
Heureuse Mendehl Point of View Nakahawak lang ako sa braso ng asawa ko kanina nang magsimula ang pagyanig. Masyadong agresibo ang lupa kaya napabitaw ako sa kanya at tumalsik ako sa lupa. Nang i-angat ko ang paningin ko sa pwesto niya ay wala na siya pati na ang asungot at epal na babae nawala na din. So ngayon na nawala si Thud pati siya kailangan ding mawala? Dapat siya na lang eh! Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago ako tumayo, sinubukan ko silang hanapin pero hindi ko talaga sila makita, mukhang wala na akong choice kung hindi gamitin ang kapangyarihan ko para komunekta sa kanila. Aura link ang tawag sa kapangyarihan ko, kaya kong kumunekta sa lahat ng bagay na may aura at kontrolin ito sa paraang gusto ko. Isa ito sa dahilan kung bakit lagi akong ginugulpi ng papa ko, gusto niyang lagi kong gamitin ang kapangyarihan ko para pahinain ang aura ng iba at pagnakawan o gumawa ng masama na nakakapagpasaya sa kanya, kapag hindi ko 'yon ginawa tiyak na hindi siya magdadalawang isip na patayin ako. Lahat ng mga taga dito ang tingin sakin masamang tao kaya kahit halos patayin na ako ay wala silang pakialam, sa katunayan nga 'yon pa ang gusto nila. Pero wala na akong sama ng loob na nararamdaman sa kanila ngayon, lalo na sa papa ko, pasalamat pa nga ako dahil kung hindi dahil sa kanya hindi ko makikilala ang prince charming at asawa ko. Siya lang ang naglakas loob na tulungan at iligtas ako sa kamay ng papa ko, nang walang kahit na anong pagdadalawang isip. No'ng oras na hawak niya ako kahit ilang sigundo lang ay nakaramdam ako ng kaligtasan. No'ng una ko siyang makita habang nakikipaglaban sa isang lalaking katulad niya ay dayuhan sa bayan ng Modefri ay hindi ko maiwasang mamangha at humanga sa kanya. Ramdam ko na mas malakas ang aura ng kalaban niya pero sa huli siya pa rin ang nanalo. Nang matapos ang laban at napaluhod siya sa lupa balak ko sana siyang lapitan at tulungan, kaso nga lang dumating pa 'yong asungot na umiyak-iyak na akala mo eh kasintahan niya ang asawa ko. Una pa lang talaga hindi ko na gusto ang presensya ng babaeng 'yon! Sinundan ko silang tatlo hanggang sa may tulay, kaso nalaman ng papa ko na hindi ko ginagawa ang trabaho ko kaya nagalit siya at buo ang loob na patayin ako. Do'n siya dumating para iligtas ako, pakiramdam ko isa akong prinsesa na niligtas ng isang prinsepe. Kaya gagawin ko ang lahat para mailayo siya sa asungot at walang kwentang babaeng 'yon. Tulad ng ginawa ko kahapon, kinutekta ko ang aura ko sa aura ng lugar na 'to, hindi 'yon naging madali dahil sa barrier na nakabalot sa buong gubat kaya natagalan ako, pero sa pagkakataong 'to magiging madali na lang 'to dahil nasa loob na kami ng barrier. Nang magawang mag-connect ng aura ko sa lahat ng aura na nandito ay nag umpisa na akong hanapin ang aura nila. Inabot ako ng halos tatlong minuto bago ko 'yon tuluyang nagawa. "Naririnig nyo ba ako?" Tanong ko habang nililibot ng paningin ang buong paligid. Masyadong malayo ang pinagmumulan ng aura nila, hindi ko alam kung paano 'yon nangyari lalo pa't magkakasama lang kami kanina pero pasalamat na lang ako at hindi magkasama 'yong dalawa. Paano ko kaya mapupuntahan ang asawa ko para maiwan na namin 'yong babaeng 'yon? "Oo naririnig kita," sagot ng asawa ko na nagpalabas ng libo libong puso mula sa maiitim na kahoy. Kahit sa telepathy nakaka-in love pa rin ang boses niya, hindi na ako makapaghintay na muli siyang makita, makasama, mayakap, at mahalikan. Napakunot ang noo ko nang wala akong nakuhang response sa babaeng 'yon, sigurado akong naka-connect na ako sa kanya pero bakit hindi siya sumasagot? Pa-important effect? Tsk! Akala mo naman eh kung importante, wala naman akong pakialam sa kanya, malaman ko lang na ayos ang asawa ko ay pwede ko na siyang puntahan ngayon at pabayaan na lang talaga mag-isa ang babaeng 'yon. "Hoy ikaw babae, naririnig mo ako? Sumagot ka!" Kaasar! Hindi pa rin siya sumasagot, gusto pa atang mag alala ang asawa ko para puntahan siya at iligtas, hindi ako makakapayag! Muli kong inayos ang link at pinadaloy 'yon sa lugar na pinanggagalingan ng aura niya. Anong nangyayari, bakit natataboy ang kapangyarihan ko? Bakit ayaw na komunekta sa aura niya ngayon? "Lumina?" Dinig kong tawag ng asawa ko. No! No! No! This is bad! Sakin lang dapat mag-alala ang asawa ko, ako lang dapat ang iligtas niya. "Mukhang nasa panganib siya, ako na ang pupunta mas malapit ang pwesto ko kung nasaan siya." Tumakbo ako papunta sa direksyon niya kahit wala pa akong naririnig na pagsang-ayon sa asawa ko. "Sabihin mo kung nasaan siya!" May halong pag-aalalang utos niya. Kainis! Masasabunutan ko talaga ang babaeng 'yon kapag nagkita kami. Napabuntong hininga na lang ako bago sumagot, "Hindi mo siya kailangang alalahanin." Alam kong mula sa kanya ang nakita naming kakaibang bagay kahapon kaya hindi namin siya dapat na alalahanin pero nasisigurado ko na kung ano man ang kapangyarihang mayro'n siya ay hindi niya 'yon kontrol. Isa pa, isang bagay lang ang maaaring pumutol at sumira ng signal sa aura link habang nakakunekta ako, 'yon ay ang tripleng lakas ng aura ng iisang tao lang. Hindi ako maaaring magkamali, kaharap niya ngayon ang ruler at nag-iisang tao sa gubat na 'to. Napatalon ako nang may kamuntik na tumama sa paa ko. Bumagsak ako sa lupa at naputol ang connection dahil nawala ako sa focus. Inangat ko ang paningin ko para makita kung ano ang umatake sakin at bumungad ang madaming itim na puno at gumagalaw na parang may buhay. Hindi 'to maganda! Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko at ibalik ang connection. "Heure! Heure! Sumagot ka, anong nangyayari?" Mukhang nag aalala na din siya sakin, ang sweet naman ng asawa ko. "Pasensya na, mukhang magiging busy ako." Sagot ko kahit hindi no'n nasagot ang tanong niya. Nakatingin pa rin ako sa mga puno at binabantayan ang magiging atake nito. Mukhang no choice ako kung hindi pagbigyan muna ang babaeng 'yon. "Mula sa pwesto mo, pumunta ka sa hilagang bahagi ng gubat, matatagpuan mo siya do'n." Sabi ko bago ko tuluyang putulin ang connection. Itinapat ko sa kanila ang palad ko at pinadaloy ang aura papunta roon, inihulma ko ito sa hugis punyal at sunod-sunod ko silang pinatamaan. Lahat ng tinatamaan nito ay natutumba agad dahil direktang pinuputol nito ang aurang nakakabit sa mga puno na nagpapagalaw dito. Madali lang ang pagputol ng aura kaysa pag-connect nito pero sa dami ng mga punong umaatake sakin ng sabay sabay tiyak na matatagalan ako dito. Umiwas ako pakaliwa nang may umatakeng sanga sa kanan ko at umiwas ulit ako pakanan nang may umatake naman sa kaliwa. Tatalon na sana ako para iwasan ang pag-atake sa may paanan ko nang may pumulupot na ugat sa mga paa ko kaya hindi ako nakaalis. Tumama sa paa ko ang sanga kaya napaluhod ako dahil sa sakit. Unti-unting bumuhos ang dugo mula sa sugat. Biglang sumagi sa isipan ko ang mga sugat na binibigay sakin ni papa sa tuwing makakagawa ako ng mali. Mas masakit ang mga 'yon kung para dito. Pinutol ko ang aura ng ugat na nakapulupot sa paa ko at tagumpay kong naiwasan ang muling pag-atake. Hindi lang ang asawa ko ang dahilan kung bakit ako sumama sa kanila, sa totoo nyan ay matagal ko ng gustong umalis sa bayan na 'to. Gusto kong makalayo dito nang makalimutan lahat ng masasakit na karanasan ko dito lalong lalo na sa kamay ng papa ko. Alam kong wala na siya dito ngayon at posibleng hindi ko na siya makita pero 'yong mga alaala sa lugar na 'to ay ipapaalala lang siya sakin. Gagawin ko ang lahat para makatulong sa misyon lalo na sa asawa ko kaya hindi ako pwedeng bumagsak dito. Sinipa ko ang puno na nasa mismong harapan ko at tumalsik ito sa iba pa kaya natumba sila ng sabay sabay. Finocus ko ang aura ko sa paa ko para maputol ang aura sa oras na madikit ito sa kanila. Tuluyang naubos ang mga puno at bumalik ito sa pagiging normal. Bumagsak ako paupo sa lupa at naghabol ng hininga dahil sa pagod. Sa wakas, naubos din. Mukhang kailangan ko munang magpahinga ng ilang minuto bago muling komunekta sa kanila.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (36)
BalluangSheena Khate
I had read the first chapter and it's quite interesting but gonna read this after it is completed para hindi ako mabitin, for now I'm giving a rate and a tip. Kudos to you Author-nim 🥳❤️✨
I had read the first chapter and it's quite interesting but gonna read this after it is completed para hindi ako mabitin, for now I'm giving a rate and a tip. Kudos to you Author-nim 🥳❤️✨
21/01/2022
0oten
31/01
0goods
14/07/2025
0Tingnan Lahat