Not going alone "UH-OH! I think someone's in trouble." nanunuyang sabi ni Leighton. Bago pa man ako makapagtanong ay may humila na sakin patayo. Tumayo na pala si Kyle sa desk niya at sinimulang tawarin ang distansya namin. Mabigat ang mga hininga niyang mas nakadagdag sa kaba ko. "Dude, what the fuck?" Angas na sabi ni Lance na halatang nabigla dahil parang kulang na lang ay sapakin siya ni Kyle. Kumunot ang noo ng kapatid niya si Leighton nang makitang papatol ang kapatid niya. "Shit, bro! Are you damn stupid?" Aniya sabay tulak kay Lance para lumayo samin ni Kyle. "What? I'm just being kind with the girl." Umiling lang ang kapatid niya na parang disappointed kay Lance. "Fucking stupid! She's his girl!" Napaawang naman ang bibig ko dahil sa sinabi ni Leighton. Sinilip ko si Kyle pero hinihila na niya ko palayo sa office niya. "We should go." mariin niyang sabi habang muling tumingin ng masama kay Lance. Sinimulan na kong hilahin ni Kyle. Ngunit bago pa masara ang pintuan ay nakita kong binatukan ni Leighton si Lance. "Hey! Why did you do that?" Asik ni Lance. "T-TEKA, Kyle." Piglas ko ng may maalala."Ah! I-I mean, Sir po." Pero di niya ko pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa paglakad. Malapit na kami sa hallway nang kahabahan ako. Panigurado madaming estudyante dun, na pag uusapan kami. "S-Sir! Bitawan niyo na po ako." Piglas ko pero nagulat ako ng pinasok niya ko sa isang kwarto bago ang hallway. Sa Cr pala. Isinarado niya at ni-lock bago tumingin sakin ng masama. Tinawid niya ang distansya namin kaya naman napaatras ako. "A-Ah. Anong ginagawa mo?" Kabado kong tanong pero di siya nagpapigil hanggang umabot kami sa sink ng cr. "Kailangan ba talagang mag-usap kayo? Kailangan bang maghawak kamay kayo?" Galit na sabi niya habang mas dinidikit ang sarili sakin. Napalunok ako. Di alam ang sasabihin. "W-Wala naman sigurong masama-" Kusang tumukod ang kamay ko dahil sa gulat, para ilayo siya. Nanggigil na tumingin siya sakin. Nakaigting nag mga panga. "Walang masama?! I own you simula nang pumayag ka, na maging akin." Gigil na sabi niya sakin habang mariing humawak sa magkabila kong braso. Nanlaki ang mata ko sa pagkabigla sa sinabi niya. Ako? Sakaniya? "Pero sumang-ayon ako sayo na di na ko magreresign. Hindi ko sinabing-" Humupa ang galit niya na parang may naisip na isang bagay. "I asked you if you understand what I meant and you nodded." paliwanag niya sa akin o para sa sarili niya? Hindi ko alam dahil nakayuko na siya. Lumuwag ang hawak niya sa mga braso ko at umatras ng kaunti. "I just thought that, right? Fuck that!" he cursed under his breath. Nagrambulan ang mga kulisap sa aking tiyan ng makita ang pagkabigo sa mata ni Kyle. Hindi ko alam ang nangyayari. Parang may gustong tumulak sakin na sabihing pumapayag na ko. Pero may pumipigil din. Hindi ko alam pero ang sarap sa pakiramdam ng pinapakita niya. "K-Kyle-" "Stop. Just stop." mahina niyang sabi habang nakayuko. Nagulat ako ng may magring na cellphone. Tumingin si Kyle sakin na parang sinasabing sagutin ko. D'on ko napagtantong sakin pala. Kinuha ko ang cellphone ko at napalunok nang makita ang pangalan ng isang kaibigan. "John." banggit ko kaya mas nakuha ko ang buong atensyon ni Kyle. "Mariz. Glad you answer. We need a substitute. Are you free on Friday? Nagkasakit kasi yung isang model and we badly need a substitute. Please. Are you free?" sunod sunod niyang sabi na parang may hinahabol. "A-ah ano bang gagawin?" tanong ko. "Simple ramp. Bikinis and thingies." Nanlaki ang mata ko at napaawang ang bibig sa narinig. "I know. I know. Ayaw mo ng ganito. But we don't have any choice. You're a pro in modelling. So, I chose you." Nagdalawang isip ako. "Itetext na lang kita. Pag iisipan ko muna." Mahinahon kong sabi. "Okay. Okay. I hope you will go. The money too will help you a lot. Di naman simple ang mga nagsponsor dito. Okay? Wait. Gabi ang Ramp ng Friday and libre ang stay ng Saturday. Gotta go. And it's not John. It's Jen." Tapos niya sa tawag kaya medyo natawa ako. Nailang lang ako ng mapansin si Kyle na nakatingin. "Who's that?" tanong niya habang nakakunot ang mga noo.. Nag-iwas akong tingin. "Ahm. Si John. Kaibigan ko sa Agency." sagot ko. Di ko na sinabing bakla 'to dahil hindi naman kailangan. "What the fuck that he wants?" Tanong na naman niyang naiinis. Nagtataka man ako sa mga tanong niya ay sinagot ko. Bakit kailangang galit kapag nagtatanong? "Tinatanong ako kung pwede ba ko magmodel sa friday. Kailangan nila ng substitute." Kumunot ang noo nito. "Pag-iisipan ko pa naman." sunod ko kaagad dahil alam ko na nag mga ganiyang reaksyon niya. "Anong theme?" naniningkit ang matang tanong niya. Napayuko namang ako. "A-Ah swimwear." mahina kong sagot. Di siya kaagad nagsalita kaya tinaas ko ang tingin sa kaniya. Mariin siyang nakapikit at nakahawak sa batok. Dumilat siya at nahulog agad ang tingin ko sa aking mga daliring naglalaro. "Pupunta ka." Sabi niya. Kaya napatingin ako bigla sakaniya. Hindi sa humihingi akong permiso sakaniya pero nagulat talaga akong pumayag siya. "A-Ano-" Gulat kong sabi na pinutol niya. "Don't be happy. You're not going alone. Sasama ako." Mariin niyang sabi at nagsimula ng maglakad palabas ng Cr. Naiwan naman akong tulala dahil sa sinabi niya. Sasama siya?
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (122)
v******5@gmail.com
ang ganda ng story madaming makaka relate dito lalo na sa mga employee na nagkakaroon ng crush o pgati gin sa mga boss nila na di nila masabi dahil di nila alam kung gusto din ba sila nito at may aral ka rin na makukuha......
ang ganda ng story madaming makaka relate dito lalo na sa mga employee na nagkakaroon ng crush o pgati gin sa mga boss nila na di nila masabi dahil di nila alam kung gusto din ba sila nito at may aral ka rin na makukuha......
26/01/2022
4wala na pong update si kyle and mariz? huhu
18/04/2025
0It's a beautiful day today
02/01/2025
0Tingnan Lahat