“GOOD morning! Let’s go jog,” yaya ng ama ni Ashley na si Ron nang gumising siya kinaumagahan. Tumuloy ang mga ito sa bahay ni Rex na di kalayuan sa bahay nila Robinson. Kaya nagulat siya nang sabihin na sinusundo siya ng ama. “Dad!” “Come on. We haven’t bonded for a long time. Ngayon lang kita makakasama,” unot ng ama. “Ashley, samahan mo na si Sir Ron,” sabi ni Robinson. Napilitan siyang magbihis ng T-shirt at jogging pants para samahan ang ama na tumakbo. “Hindi po kayo hahanapin ng boyfriend ninyo?” tanong ni Ashley nang tumatakbo na sila. “He is cooking breakfast. Ngayon mo lang ako makakasama nang hindi kita kailangang pilitin na iwan ang trabaho mo.” Umungol siya. “Dad!” Siguro nga ay may pagkukulang siya sa ama niya. May mga panahon na gusto nitong magkasama sila pero naka-focus lang siya sa trabaho. “No. I am not criticizing you. Mula pagkabata ay ako ang nagsabi sa iyo na magtrabaho kang mabuti. Hindi ka makakarating sa kinalalagyan mo ngayon kung hindi ka nagsikap. But look at you. Look at me. I lost your mother because I was too busy working.” “Busy kayo na buhayin ang pamilya natin. We had just moved to the States. You wanted to give me a bright future.” Umiling ito. “Pero napabayaan ko ang pamilya natin. I could have had a better relationship with your mother. I should have spent more time with her. Lumayo ang loob namin sa isa’t isa. Lumayo ang loob natin sa isa’t isa. Nagkaroon na tayo ng sarili nating mundo. Nalulong ako sa trabaho at sa sarili ko para makalimot. Ibinaon mo ang sarili mo sa pag-aaral at pagtatrabaho. At nang gusto kong maging ama sa iyo, hindi mo na ako kailangan. I don’t want you to waste your time. I don’t you to let love pass you by.” “Love?” tanong niya at tumigil sa pagtakbo. “Yes. Kayo ni Robinson.” “Nagpapanggap lang po kami.” At ikinuwento niya dito ang tungkol sa kung paano niyang naging nobyo si Robinson habang nagpapahinga siya sa tabi ng irigasyon. Hindi niya inaasahan na mag-o-open up siya sa ama. “But you have a chemistry, Ashley. At malaki na ang kaibahan mo kaysa nang huli tayong nagkita. You smile more often. Despite your initial outburst, you can control your emotions. Robinson is good for you.” “But he likes someone else,” malungkot niyang usal. “Ashley, where is your confidence? You are beautiful. Lahi tayo ng guwapo at magaganda. You are smart and when you love someone, you love fiercely. I am sure Robinson knows that. Tell him that you like him.” Nanlaki ang mata niya. “No! It is too soon. At ako pa ang magsasabi sa lalaki na gusto ko siya?” “Your mother told me that she likes me.” “Really?” di makapaniwala niyang usal. “Totoo pala na ang biruan ninyo ni Mommy na siya ang nanligaw sa inyo.” “And looking back, it is one of the happiest day of my life. Love was still pure that time. She is one brave woman. Kundi niya ginawa iyon, wala ka sa mundong ito. Torpe pa kasi ang daddy mo noon.” “Mahalaga pa sa rin sa inyo si Mommy?” “Yes. Despite her flaws, minahal niya ako. At naging masaya din kami. And I want you to be happy. There are no guarantees in this world. Maaring nagmamahalan kayo ngayon pero masasaktan ka rin. Naghiwalay kami ng Mom mo pero wala akong pagsisisihan. Kahit na ilayo mo ako kay Rex at di na ulit kami magkita, masaya ako dahil nakasama ko siya.” “Sasama kayo sa akin pabalik ng States?” tanong ni Ashley. “Yes. Kung iyon ang gusto mo. Ikaw pa rin ang pinakamahalaga sa akin, Ashley. Siguro may mga pagkukulang ako bilang isang ama pero gusto kong bumawi. Pwede din akong tumira sa New York. Ako ang mag-aalaga sa iyo.” “Oh, Dad!” aniya at niyakap ang ama. “Sana hindi pa huli ang lahat para ayusin ang relasyon natin. Nang mabuwag ang pamilya natin, nagkalayo din tayong dalawa. I didn’t do much to repair our relationship. I love you, Ashley, Kaya kahit isuko ko ang taong mahal ko para sa iyo ay gagawin ko.” “Are you happy with Rex?” tanong niya at tiningala ito. “Very happy. He breathed a new life in me. Dati di ko kailangan ng relasyon. Parang sinasayang ko ang oras ko sa mga taong di naman magtatagal sa buhay ko. With him, I wanted to stay with him. Hindi ko alam kung naiintindihan mo.”
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Ang Ganda Ng story 💚
04/07/2024
0Good
23/06/2024
0😘😘😘😘😘
14/06/2024
0Tingnan Lahat