Siguro makakaupa ka pa sa mas maganda ng condo kaysa dito. Baka naikwento sa iyo ng pinsan mo na maganda ang kita ko sa New York at wala akong boyfriend. Kapag na-in love ako sa iyo. No, let me rephrase that. Kapag nagpakatanga ako sa iyo, walang kahirap-hirap kang aasenso. Who knows? I might even bring you to New York. Wow! Magpapakasasa kayong dalawa ng kaibigan mo sa pera namin ni Dad. Ang sarap naman ng buhay ninyo.” “Miss, hindi ko kailangan ng babaeng katulad mo para mabuhay. Kaya kong magbanat ng buto. DI man ako mayaman pero sisikapin ko na buhayin ang babaeng magugustuhan ko. Malinis ang konsensiya ko. Halik lang iyon pero kung saan-saan na nakarating ang usapan. Huwag mong idamay ang lahat ng tao sa isyu mo sa karelasyon ng daddy mo. Di dahil matalino ka o may kaya ka ay palagi kang tama.” Napipilan si Ashley. Ayaw niya sa lahat ay nasasabihan siyang mali. At hinahamon siya ng lalaking ito. Paano kung mali siya? Paano kung attracted ang lalaking ito sa kanya kaya siya hinalikan? Ipinilig niya ang ulo. Ayaw niyang isipin na mali siya at tama si Robinson. Iyon mismo ang magpapabagsak sa kanya. Mali ang binata. Hindi siya tanga at hindi siya nito mauuto. Itinaas niya ang noo at saka nagdadabog na pumunta sa guestroom. Isinalansan niya ang maduming damit sa maleta at saka isinuot ang knee-high boots. Sa isang kamay naman niya isinukbit niya ang coat. Kailangan na niyang umalis sa bahay na iyon para iligtas ang sarili at ang katinuan. It was not a smart move. Pero maari naman niyang kunin ang tulong ng private investigator niya para malaman kung saan pumunta ang ama niya. Iyon dapat ang ginawa niya noongn una pa lang. Hindi na dapat siya nagpakampante kay Robinson na mabait ito. Di siya dapat naaliw na inaasikaso siya nito. Palabas lang nito ang lahat. Hindi sana siya magkakaroon ng ganitong problema. Taas-noo siyang lumabas ng kuwarto habang hila ang luggage bag niya at ang Hermes Birkin ay nakasukbit sa bisig niya. Inililigpit naman ng binata ang videoke. “I am leaving,” deklara niya. Natigilan ito sa pagliligpit. “O! Saan ka pupunta?” “Sa hotel. Pero babalik din ako para kay Dad at malalaman niya kung ano ang plano ninyo ng kaibigan mo. My dad is not that stupid. Di ninyo kami basta-basta mauuto. You will see,” banta niya. Inaasahan niya na magagalit ito sa pang-iinsulto at banta niya Sa halip ay bakas ang pag-aalala sa mukha nito. “Gabi na. Hindi mo kailangang umalis.” “Kailangan. Matapos ang nangyari kanina, hindi na ako tatagal nang kasama ka.” “Dito ka na lang. Kung gusto mo ako na lang ang aalis.” Wow! Ngayon ay umaakto itong bayani. She was not that easy to impress. Isa pa, wala siyang balak na maiwang mag-isa sa condo na iyon. Baka mamaya ay siya pa ang llumabas na kontrabida sa ama niya. “No, thanks. Mas magiging komportable ako sa hotel. Magpakasarap ka habang di pa kami nagkikita ni Dad. Dahil sa susunod, sa kalye na kayo pupulutin ng pinsan mo.” Saka siya naglakad palabas ng pinto. “Pag-usapan natin ito,” sabi ng binata at sinundan siya hanggang labas ng hallway. Tinaasan niya ito ng kilay at tiningnan ang suot nitong pantalon lang. He was not wearing a shirt and he was even barefoot. “Ano iyan? Susundan mo ako hanggang sa lobby. Ang alam ko, maraming bawal sa condo na ito. You are not allowed to roam around half-naked or you will be penalized. Mahal pa mandin ang penalty dito. Si Dad din ba ang pagbabayarin mo kung sakali.” “Pambihira naman!” angil nito nang makita ang itsura nito. Nakapuntos siya dito. “Ashley, bumalik ka na. Kung gusto mo di ako lalabas ng kuwarto ko. Hindi natin kailagang magkita. Delikado na sa labas.” “Mas delikado kapag kasama kita. Wala akong tiwala sa iyo,” sabi niya at sumakay na ng elevator. “Goodbye, Robinson. Tell your friend that I will be back.” Nakatitig lang ito sa kanya nang may lungkot sa mga mata habang sumasara ang pinto ng elevator. “Sana sa susunod na magkita tayo ay di na ganyan katigas ang puso mo.” Habang sumasara iyon ay di nawawala ang matiim nitong mga mata. Napasandal siya sa salaming dingding ng elevator habang pababa na iyon sa lobby. She did it. Di siya nagpaakit kay Robinson. Hindi siya nito napaakot. She was a strong woman. She should be happy. Pero bakit parang ang pag-iwan niya dito ay nagdala ng kalungkutan sa kanya? Don’t be silly, kastigo niya sa sarili. I am happy. I made the right decision. This is just hormones or whatever. Dumirekta siya sa guwardiya pagdating ng lobby. “Saan ang pinakamalapit na hotel dito?” “May Crown Plaza po at Holiday Inn sa kanto malapit sa mall. Mga five minutes lang po ninyong lalakarin, Ma’am.” “Good,” nausal niya. “Please inform me if the tenants at 1012 has arrived. I will pay you for the info.” At ibinigay niya dito ang email. Bukod sa private investigator, maganda nang may iba siyang mas malapit na source ng impormasyon. Ngumisi ang guwardiya. “Wala pong problema, Ma’am.” Sinalubong siya ng malamig na hanging amihan nang tumapak siya sa labas. Mabuti naman at may resort lang sa malapit. Ayaw din naman niyang malayo sa condo. Basta huwag lang niyang makasama pa ang gigolo na iyon. Wala nang tao sa kalye na iyon. It was eerie. Kinakabahan siya kaya binilisan niya ang lakad. Ganito din siya kapag nasa New York. Laging praning. Laging may kinatatakutan dahil di gaanong ligtas ang lungsod na iyon. Hindi bale. Ilang minuto lang naman ang lalakarin niya at makakapag-check in na siya sa hotel. Inililista niya sa isipan ang mga gagawin kapag nakarating siya ng hotel. Narinig niyang may humarurot sa likuran niya kaya bahagya siyang tumabi sa side walk. Nagulat na lang siya nang may biglang humablot sa bag niya. Nakaladkad siya dahil di niya agad iyon binitawan. Dahil na rin sa pwersa ng humahawak at bilis ng motor ay naagaw ang bag sa kanya. Naramdaman niya ang hapdi ng pagkakasadlak niya sa semento nang tumama doon ang tuhod at ang braso niya. Wala siyang nagawa kundi pagmasdan na lang habang tangay ng magnanakaw ang Hermes Birkin niya. Nanlaki ang ulo ni Ashley. Yes, the bag was expensive. Pero mas mahal pa doon at mahalaga ang laman ng bag. Naroon ang laptop, cellphone at ang iba pa niyang documents. “Help! My bag! Someone stole my bag.” Wala pa ring pumapansin sa kanya. Tumili na siya sa inis. “Magnanakaw! Tulungan ninyo ako!”
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Ang Ganda Ng story 💚
04/07/2024
0Good
23/06/2024
0😘😘😘😘😘
14/06/2024
0Tingnan Lahat