He preyed on the weak. Kung sino ang inaakala nitong madaling makuha ay iyon ang dinidiskartehan nito. Nagkamali lang ito ng hinala sa kanya kanina. Akala ito ay naghahabol siya dito. Hindi ito ganoon kaswerte. Dahil di naman lahat ng babae ay type ang kagaya nito. Wala itong mapapala sa kanya. Ang inaalala lang niya ay kapag si Sia na ang nakasama nito sa date. Baka may mangyaring kababalaghan. Marupok ang kaibigan niya sa tukso lalo na’t may gusto pa itong patunayan sa nobyo. “Kanina hinawakan ko ang kamay niya, sobrang lambot. Tapos bineso niya ako at nag-hug ako siyempre. Sobrang bango niya,” anang si Sia na namimilipit sa kilig. “Sayang nga di ako naka-da moves sa abs at sa center ng solar system.” “Sia!” saway niya ito. “Mag-behave ka naman.” “Behave, behave, wala naman akong mapapala sa pagbe-behave. Kailan ka ba nakahawak ng biyaya mula sa langit? Hindi ba noong hindi ka nag-behave?” anito at tinaasan siya ng kilay. “Wag kang pa-virgin. You should enjoy life.” “Mag-iingat ka sa lalaking iyon. Huwag kang makikipag-text. Hayaan mong ang publication ang kumontak sa iyo. At sa date ninyo, uwi kaagad at huwag nang pumunta kung saan-saan. Diretso uwi.” “Ang killjoy mo. Hindi naman kita nanay. Kung magkasundo man kami ni Kirst at kung gusto naming pumunta sa langit, wala ka na siguro doon. Saka mas matanda ako sa iyo.” Pinanlakihan siya nito ng mata. “Mas marami akong alam sa mundo kaysa sa iyo.” Bumagsak ang balikat niya. “Concern lang ako sa iyo.” “Baka naman type mo siya dahil ikaw ang unang naka-discover sa center ng solar system niya,” anito at dinuro ang pisngi niya. “Umamin ka.” Iniwas niya ang tingin. “Hindi ko nga siya type,” kontra ni Verona. Okay. She was attracted to him in a physical way. At di rin niya maintindihan kung bakit. Pero hanggang doon lang iyon. He was so full of himself. Akala yata nito ay dito umiikot ang mundo. Hindi ito ang tipo ng lalaki na magugustuhan niya. “E di good. Sa pagkakaalam ko, I am single. At walang makikipigil sa akin kung gusto ko man si Kirst Villaviray. Rawr!” Then she clawed her hand as if she was ready to devour the man. Trouble. This could mean big trouble. Pumikit na lang siya at umusal ng dasal. Sana naman ay hindi magkamali ng desisyon ang kaibigan niya. HINDI makapag-focus si Verona sa trabaho niya. Parang lumalangoy lang ang mga letra ng ine-edit niyang manuscript sa paningin niya. Ngayong hapon ang date nina Sia at Kirst. Hindi na niya pinaalalahanan ang kaibigan na kontrolin ang sarili pagdating kay Kirst. Baka mapikon na naman ito sa kanya. Mainit ang ulo nito dahil nag-away ito at ang nobyo. Nagkasagutan sina Sia at Mason sa Skype nang nagdaang gabi lalo’t nalaman ng kaibigan na mag-e-extend ang nobyo sa ibang bansa. Ipinaalam ni Sia na may date ito kasama si Kirts at kapag nagkataon daw ay wala nang nobyang babalikan si Mason. Parang balewala na kay Sia ang away at ang ideya lang na magde-date ito at si Kirst ang nagpapasaya dito. Malaking gulo pag nagkataon. Pwede kaya akong sumilip sa date nila? O kaya maging chaperone man lang. Pero tiyak na mag-aaway sila ng kaibigan. Kung gumawa na lang kaya siya ng palusot na may sakit siya at nag-collapse?? Bumagsak ang balikat ng dalaga. Nagamit ko na iyon noong bachelor bash. Baka hindi na maniwala si Sia. Kung susundan ko naman, parang stalker naman ang labas ko. Sinabunutan niya ang sarili. “Anong gagawin ko?” “Okay ka lang?” tanong ni Jeff, ang editor na katabi niya ng cubicle. Nilingon niya ito. “Ha? Ano... Wala lang. Kasi madami pa tayong trabaho at iniisip ko kung mahahabol ko pa ang screening ng Heneral Luna mamayang gabi.” “Hindi mo naman kailangang madaliin iyan. Manood ka ng Heneral Luna. I-enjoy mo. Last week mo pa dapat napanood iyon kundi lang may international book fair. Di naman mawawala iyang trabaho. Mga bayani na lang ang ka-date mo, ipagkakait mo pa sa sarili mo.” Magaan siyang tumawa. “Oo nga.” Sana nga kung ganoon lang kasimple ang problema niya. Siguro ay ipagtitirik na lang niya ng kandila mamaya si Sia. Naniniwala siya sa himala. Bandang alas tres ng hapon nang lapitan siya ng head ng editorial na si Miss Agnes. “Verona, anong nangyari? Wala pa daw sa salon ang kaibigan mo.” “Pero kanina pa siya excited na umalis ng bahay. Nag-text pa nga sa akin bandang lunchtime. Excited siya sa date.” Bumuntong-hininga si Miss Agnes. “Pero anong oras na? Alas kuwatro y media ang date nila. Baka parating na sa restaurant si Kirst. Hindi siya sumasagot sa text o tawag.” “Sige po. Susubukan kong tawagan.” Kinakabahan niyang tinawagan ang kaibigan. Nakailang missed call siya bago pa nito sinagot. “Sia, nasaan ka na? Kanina ka pa kino-contact. Anong nangyari sa iyo?” “Nandito ako sa airport,” excited na sabi nito. “Anong ginagawa mo sa airport?” Humagikgik ito. “Nag-message kasi si Mason, my loveydoods. Pinadalhan niya ako ng ticket papunta dito sa Hong Kong. Ngayong alas kuwatro na ang flight ko. Naghihintay na lang ako ng boarding.” “Ano? Papunta kang Hong Kong ngayon?” Sinapo ni Verona ang noo. “E paano ang date mo kay Kirst? Ngayon nang alas kuwatro y media iyon. Hinahanap ka na nga dito sa opisina dahil di ka daw sumipot sa appointment mo sa salon. Di ka man lang nagsabi na may aberya at di ka na makakapunta.” “Ay, sorry,” anito sa malambing pang boses. Parang di naman ito sinsero sa gulong dala nito. “May iba naman sigurong pwedeng ipadala sa dating game. ‘Yung first runner-up na si Yvonne. Naku! Patay na patay kay Kirst iyon. Inaway-away pa niya ako sa internet nang malamang ako ang panalo.” “Sige, sige, sasabihin ko sa kanila,” aniya at huminga ng malalim. “Masaya ka ba para sa akin?” tanong nito. “Oo naman. Masaya ako para sa iyo. Mag-enjoy ka sa Disneyland.” “Uuwian kita ng Mickey Mouse stuffed toy. Salamat, friend. Salamat dahil dinamayan mo ako sa mga panahong malungkot ako kay Loveydoods. I love you.” Verona tried to console herself. Mabait talaga ang Diyos. Nagawan ng paraan para hindi na matuloy ang date nina Kirst at Sia. Wala na rin ang binata sa buhay niya. Di na niya ito magiging problema pa. Bahala na kung sinuman ang ide-date nito basta ligtas na ang kaibigan niyang si Sia sa kagagahan nito at pang-aakit ni Kirst. “Miss Agnes, hindi na daw po makakapunta ang kaibigan ko,” sabi niya nang lapitan ang editor-in-chief for romance novels. “Papunta po siyang Hong Kong ngayon. Biglaan lang po kasi.” “Sino ang kukunin natin?” tanong nito. “Yung first princess ng dating game. Si Yvonne,” tukoy nya sa kasamahan niyang writer. “Nasa Boracay siya ngayon. Hindi pwede,” sabi ni Miss Agnes. “Ipa-reschedule na lang ang date,” sabi ng isa pang editor na si Salve. Umiling si Agnes. “Di pwede. Naka-schedule na ngayon ang date at bayad na ang model. Panibagong bayad na naman kapag na nag-reschedule tayo. Magagalit si Sir Mattheu. Kailangang matuloy ang date na ito. Ayoko ng memo!” “Sino ang ipapalit natin?” tanong ni Miss Tere na isa sa senior editor. “Ako sana dahil type ko ang muscles ni Kirst pero nakakahiya naman sa asawa’t anak ko.” “Naku! Alangan namang ako,” sabi ni Agnes at sinapo ang pisngi. “Tinawag pa nga niya ako ng tita. Tita! Baka sa susunod naming pagkikita tawagin na niya akong lola.” “Anong ginagawa ni Verona?” tanong ni Miss Salve at inilahad ang palad sa kanya. “Di ba mas marami pa nga siyang tamang sagot noong dating game saka sa ibang contestant? Siya talaga pinapasali ni Sir Mattheu pero naunahan lang siya ng friend niya na umakyat sa stage.” “Oo nga. Saka konting ayos lang dito kay Verona at damitan nang tama, tiyak na mas maganda pa siya doon sa kaibigan niya,” sabi ni Jeff at nag-thumbs up. “Sige. Pumunta na tayo sa salon ngayon para makahabol tayo,” anang si Miss Agnes at hinila ang kamay niya palabas ng editorial room. “Jeff, pakisunod na lang ang bag niya sa van. Nakakahiya kung paghihintayin si Kirst.” Pinisil nito ang kamay niya. “Salamat talaga, Verona. I am sure mag-e-enjoy ka sa date ninyo ni Kirst.” Abduction. Ina-abduct siya ng mga ito para kay Kirst. Wala na siyang gumawa kundi magpatianod sa mas nakatataas sa kanya. Pare-pareho silang malilintikan kapag nagkataon. Ayaw sa lahat ni Sir Mattheu ay may pumapalpak sa mga plano nito.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (90)
Donna Jane Antiporta
I loveeee this sooo much... yung mapapatawa ka ng malakas , then kikiligin then pasasakitin ang puso 🤗 I love itttt
I loveeee this sooo much... yung mapapatawa ka ng malakas , then kikiligin then pasasakitin ang puso 🤗 I love itttt
27/02/2022
4é bom
23/01
0may book po ako nito ang ganda ng story 🥰🥰🥰
25/07/2025
0Tingnan Lahat