logo text

Si Denzel ba ang gusto mo?

Pabagsak na inilapag ni Atasha ang mga baso sa tray. “Kapal talaga ng mukha ng lalaking iyon!” gigil niyang usal. “Akala niya natutuwa ako sa kanya.”
“Señorita, may kaaway po kayo?” tanong ni Aling Selva, ang katulong nilang nakatalaga sa kusina.
Pilit siyang ngumiti. “Wala po. Ako na rin po ang magtitimpla ng juice.”
“Huwag na, Señorita. Baka kasi mabasag pa ninyo ang pitsel. Kami na po ang mag-aasikaso dito. Bumalik na lang po kayo sa mga bisita ninyo.”
“Mamaya na lang po.” After all, hindi naman mapapansin ng mga ito na wala siya doon. Maybe, all of them had set their eyes on Kurt. Baka tuluyan na ring kalimutan ng mga ito ang agenda ng meeting nila.
“Good morning!” bati ni Kurt at pumasok ng kusina.
“Good morning po, Sir Kurt!” tuwang-tuwang bati ni Aling Selva. Kilala na nito si Kurt dahil sa dalas nitong dumalaw sa bahay. “Dito po ba kayo manananghalian?”
“Kung iimbitahan ako ni Atasha.”
Tumikhim siya para ibahin ang usapan. “Mukhang naliligaw ka yata.”
“Ipinasusundo ka nila Ruth. Baka ma-miss mo ang meeting.”
“I’m sure hindi nila ako mami-miss dahil nandoon ka naman,” maasido niyang sabi. Dahil karamihan naman ay dumalo sa meeting para dito.
“Nakita ko sa sala ang bulaklak. I’m glad you like them.”
Gulat niya itong hinarap. “I-Ikaw ang nagpadala?”
Nang tumango ito ay nasira ang ilusyon nila. Ito ang kahuli-hulihang tao na aasahan niyang magbibigay sa kanya ng bulaklak. Malayo sa character nito.
“Tinanong ko si Ruth kung ano ang paborito mong bulaklak.”
Ang taksil niyang kaibigan! At ang kapalit ay a-attend si Kurt sa meeting para makahatak ng iba pang miyembro. How could she?
“Nakakakilig naman ang ginawa ninyo, Sir Kurt,” sabi ni Aling Selva. “Gustong-gusto po talaga ni Señorita Atasha. Ngayon ko lang siya nakitang natuwa na may nagbigay sa kanya ng bulaklak.” Lalong sumakit ang ulo niya. Isa pang sulsulera. Kaya lumalakas ang loob ni Kurt. Baka akala niya ay natutuwa siya dito.
Pinanlakihan niya ng mata si Kurt. “Mag-usap tayo,” mariin niyang sabi at inutusan itong sundan siya sa library. Hindi maipinta ang mukha niya nang dalawa na lang sila sa silid.
“Anong problema?” tanong nito. “I thought you like the flowers.”
“I like the flowers. But I don’t like the one who gave them. Bakit mo ba ako pinadalhan ng bulaklak?”
“Dapat lang sigurong bigyan ko bulaklak ang babaeng pakakasalan ko.”
Sarkastiko siyang ngumiti. “Are you courting me? Dahil kung liligawan mo ako, I can assure you na hindi kita sasagutin. It is just a big joke, right? Kurt Rieza courting a girl,” aniya at humalakhak nang nakaka-insulto. Hindi niya ito ma-imagine na manliligaw ng babae. Not in a million years.
“Then stop laughing because I am not going to court you,” seryoso nitong sabi. He looked a bit mad. Pero natural lang iyon dito dahil hindi ito palangiti.
“Bakit binigyan mo ako ng bulaklak?”
Lumapit ito sa kanya. His nearness made her breathless. Then he held her chin. “I want to ask you out on a date.”
Iyon lang ba ang gusto nito? Nagpapatawa ito kung iniisip nitong sasama siya dito dahil lang binigyan siya nito ng paborito niyang bulaklak. And he was not fit to be romantic. Hindi ganoon kadaling baguhin ang impression niya dito.
Inirapan niya ito at lumayo dito. “Ayoko nga, no? Baka isipin pa ng mga tao na boyfriend kita.”
“That is the main purpose, Atasha. Para isipin ng mga tao na boyfriend mo ako. Para hindi na sila magtaka kapag nag-decide na tayong magpakasal.”
Sumilip siya sa bintana kung saan tanaw ang mga kagrupo niya na nagmi-meeting. Some of them are slacking off. Mga nakatingin sa bahay at hinihintay ang pagbabalik ni Kurt. “Let me give you a piece of advice. Bakit hindi na lang isa sa mga babaeng nasa labas ang I-date at pakasalan mo? Some of them would be perfect as politician’s wife.”
Umiling si Kurt. “No. They would only make things complicated.”
She knew the answer. Malabo itong ma-in love. Isa iyong bagay na kahit sa ilusyon niya ay hindi nito kayang ibigay. At kung in love dito ang babaeng pakakasalan, mahihirapan na itong idispatsa ang babae kapag hindi na nito kailangan. Too much emotional involvement would make it harder for him.
“But I can’t give you what you want either, Kurt. I don’t want to go through this psuedo-courtship. I don’t want to give people the illusion of romance. I don’t want to marry you. Kahit pa siguro bigyan mo ako ng isanlibong bulaklak.”
“You’ll be my wife and you can’t do anything about it.”
Ngumiti siya. Hanga talaga siya sa kompiyansa nito. “Pretty confident, huh! Let’s see who will win, Kurt.”
“ATASHA, saglit lang akong nawala, kung anu-ano nang kalokohan ang ginagawa mo,” sermon agad ni Horacio pagdating nito sa ancestral house sa Davao. May inaasikaso itong negosyo sa Manila kaya minsan sa isang linggo lang itong dumalaw sa kanya. Kaya nagtaka siya kung bakit bigla itong napasugod.
Nagtataka siyang tumigil sa pagbabasa ng libro at tumayo. “Ano po ang problema, Tito?” Kadarating lang nito ay high blood na agad ito.
“Horacio, mamaya na iyan,” mahinahong saway ni Bettina dito.
“Hindi! Mabuti nang magkalinawan kami.” Ibinalik muli nito ang atensiyon sa kanya. “Nalaman ko na tinanggihan mong makipag-date kay Kurt. Gumagawa na siya ng paraan para mapalapit sa iyo pero itinataboy mo pa rin siya.”
“Ayoko sa kanya, Tito,” angal niya. Hindi niya naisip na magsusumbong si Kurt sa Tito Horacio niya. Humanap pa ito ng kakampi.
“Si Denzel ba ang gusto mo, hija?” tanong ni Bettina. “Mukha namang mabait siyang bata. Maiintindihan ko kung gusto mo siya.”
“Hindi sapat ang kayamanan ni Denzel para bayaran ang pagkakautang ng pamilya natin kay Kurt. Isa lang siyang pipitsuging vice mayor,” kontra ni Horacio.
“Huwag ninyong pagsalitaan nang ganyan si Denzel,” babala niya.
“Gusto mo ba siya?”

Komento sa Aklat (39)

  • avatar
    BalquinMilyn

    Nice story.. Thank u author.

    02/01/2025

      0
  • avatar
    LUMBOSPAUJA

    love it 🥰

    22/11/2024

      0
  • avatar
    R Dha Ne

    hahaahahahuwbisshwhuswheheheheheuehehhehwuwheueueueueueueueuuejwuwwuuwhwhwhwhwwuwuwuwuwuwuwywyywwywyeyeyeysysysysysyysysysysysysysywywywywyststf6wwguwwywywywywyyywywytwwuwieneietueegheuehyueueueyeyyeyeyeyeyhcuufuguvuvuvguvuvybbuhugyvy6vycc5dd5f6g6vuhuh8h8h7huh7huvuvuvuh7hpbub7h7j7juhvyg6gg5g6g6g6g6h6h6h7j7h7h6g6g6gtv6g6g6h7h7h7j8juhuhygyvyv6fuvihogogogig88gucucohciciycyoc9yfufugih88hh8hhjj9hojojoj9joj9j9jihoh8h8h8hh8hihoh9j9h9h9h9h9h9j9jnobojoboijoj8h88huxyxjtd68fy880gouciyctcuvihihugibibibibivi

    11/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata