logo text

He doesn't care for you

“HAPPY birthday!” bati ni Ruth kay Atasha at hinalikan siya sa pisngi.
“Thank you. Nandiyan na ba si Kurt?” tanong niya habang iginigiya siya nito papunta sa floating restaurant na ini-reserve ni Kurt para sa birthday niya. Si Ruth ang may-ari ng restaurant na kinontrata ni Kurt para sa resort. Kaya di na siya nagtataka kung madalas man magsabwatan ang mga ito para sa kanya.
It was a private affair. Nang nakaraang araw ay nai-celebrate na nang mas maaga ang birthday niya kasama ang mga kaibigan at kapamilya. At gusto ni Kurt na sila mismong dalawa ang magkasama sa birthday niya.
“Wala pa siya. Baka naman na-late. Alam mo naman si boss, laging busy sa trabaho. But it is sweet of him! A dinner for two on your birthday. Nakakakilig!”
“May alam ka bang surprise niya sa akin?” tanong niya. She loved surprises pero minsan ay gusto rin niyang alamin kung agad kung ano ang sorpresa para mas lalo siyang ma-excite.
Kaninang umaga ay talagang ginulat siya nito. She woke up in a room full of flowers. Parang hinakot na yata nito ang lahat ng bulaklak sa Pilipinas. He also cooked breakfast for her. And they made love in broad daylight.
“Sorry, friend. I have no idea. At kung alam ko man kung ano ang surprise niya, wala akong planong maging spoiler.”
“Okay,” sabi niya. Wala siyang choice kundi magpa-surprise.
Umalis si Ruth subalit pumalit naman ang mga violin player. They played her favorite songs. Lumipas ang halos isang oras. Naubos na yata lahat ng kantang gusto niya ay hindi pa rin dumadating si Kurt.
“Nasaan si Kurt?” tanong niya kay Ruth nang dalhan siya nito ng lahat ng paborito niyang pagkain. Iyon daw ang ipinahanda ni Kurt para sa kanya. “Sabihin mo sa kanya, naiinip na akong maghintay sa surprise niya.”
“Wala pa rin siya hanggang ngayon.”
Tinawagan niya ang cellphone ng binata pero out of coverage area iyon. Hindi niya alam kung saang lupalop ito nagpunta para mawalan ng signal. Samantalang ang alam niya ay nasa opisina lang ito. Tinawagan din niya ang assistant nitong si Gardo pero ganoon din ang sinabi. Saan kaya nagpunta ang mga iyon?
She felt dreaded. “Kanina pa ako nandito pero hindi pa rin siya dumadating. He is not usually late. Tapos hindi ko pa siya ma-contact.”
“Don’t worry. He is safe. Dadating siya para sa birthday mo. Gusto mong samahan kita habang wala pa si Kurt?” alok ni Ruth sa kanya.
“Yes, please,” pakiusap niya. Ayaw niyang mabaliw sa pag-aalala kay Kurt. Isa pa, kinakabahan pa rin siya dahil baka bahagi lang iyon ng pakulo nito para sa birthday niya. Lalo tuloy siyang na-excite.
Pilit niyang nilibang ang sarili sa pakikipag-kwentuhan kay Ruth. Inaliw niya ang sarili sa magandang musika, masarap na pagkain at sa hampas ng alon sa dagat. But her smile was void. Dahil gusto niyang kasama si Kurt.
Mag-aalas dose na ng hatinggabi nang makatanggap siya ng tawag mula dito. “Kurt, nasaan ka? Kanina pa ako naghihintay sa iyo dito.” She silently prayed that he would tell her that he was coming.
“I’m sorry, Atasha. Nandito pa rin ako malapit sa site. Nagkaroon ng problema at…” Na-cut na ang connection di pa man nito natatapos ang sasabihin.
“Hello, Kurt?” pasigaw na niyang sabi. “Kurt!”
“Where is he? Parating na daw ba siya?”
Malungkot siyang umiling. “Nasa site pa rin daw siya. Tapos basta na lang na-cut ang connection. Basta ang naintindihan ko, may problema. At hindi daw siya makakarating.” Mas importante dito ang trabaho kaysa sa birthday niya.
“Paano ngayon iyan?” tanong nito.
Napabuntong-hininga siya. Sinenyasan niya ang violin player na tumigil sa pagtugtog at nagpasalamat ang mga ito. Kahit paano ay sumaya ang birthday niya. Pero hindi sapat iyon dahil wala si Kurt.Magkahalong pag-aalala at ngitngit ang naramdaman niya. “I don’t know. All I know is that he is not coming.”
“I’m sorry,” hinging-paumanhin ni Ruth sa kanya.
Niyakap niya ito. “Thanks for spending my birthday with me.”
“Saan ka pupunta?”
“Uuwi na lang,” aniya at pilit na ngumiti.
“You don’t have to go. We can still celebrate your birthday.”
“What for? Kurt is not here.” Ito lang ang makakapagpasaya sa kanya. At sira na ang birthday niya dahil dito.
“Baka nakalimutan mo na may maganda ka pang kaibigan,” anito at namaywang. “Nagse-celebrate ka naman ng birthday mo dati kasama ang mga kaibigan mo, hindi ba?”
PAGAK ang tawa ni Atasha habang nakikinig sa kwentuhan nina Ruth at Denzel. Ang binata lang kasi ang naimbitahan ni Ruth na sumama sa kanila. Nasa resthouse sila nila Ruth tulad ng nakagawian nila dati noong mga bata pa sila.
“Speech naman para sa celebrant,” request ni Ruth.
“Thank for coming. Kahit na late na, nakarating pa rin kayong dalawa. Lalo na ikaw, Denzel. Mabuti ka pa…” Subalit hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil lalo lang tumitindi ang sama ng loob niya kay Kurt.
“Baka may emergency. There was even a time that he forgot his own birthday. Ipinaalala lang sa kanya ng assistant niya.”
“Kung mahal niya si Ash, hindi niya pagmumukhaing tanga,” kontra ni Denzel at napamura.
“Siguro nga may dahilan siya,” aniya at napabuntong-hininga. Galit siya kay Kurt pero pilit niyang iniintindi. Alam niyang trabaho ang priority nito.
“He doesn’t care for you,” mariing wika ni Denzel at sinalinan ng brandy ang sariling baso. “Birthday mo pero inuna niya ang trabaho niya. Ngayon pa lang ganyan na siya. Paano kapag kasal na kayo? You don’t deserve him.”
Images of her mother flashed through her mind. Kung paano itong maghintay tuwing may mahahalagang okasyon at hindi makaalis ang Papa niya sa tambak na trabaho sa munisipyo. Kung paano ito magmukmok sa isang tabi at pilitin ang sarili na maging masaya para pawiin ang lungkot niya.
She suddenly saw herself. History was repeating itself. Matutulad siya sa Mama niya. Lagi na lang maghihintay. Mapait siyang ngumiti. “You know what? I promised myself that I wouldn’t love someone who is like my father. Iyong laging busy sa trabaho at ako ang nasa least ng priorities. Ayokong matulad kay Mama.”
“Ganoon naman pala. Bakit mo pakakasalan si Kurt?”
“Because I love him,” mapait niyang amin. She was willing to sacrifice everything for him. Kasama na ang mag-self pity at magpakamartir sa isang tabi. She couldn’t compete with his dreams and career. Alam niya ang lugar niya.
Lumungkot ang anyo ni Denzel. “Kung ako na lang sana ang minahal mo…”
She clinked her glass with his. “Uminom na lang tayo. Ayoko nang isipin pa ang sama ng loob ko. I just want to be happy!”
Ayaw na niyang bigyan pa ng pag-asa si Denzel. Lalo na’t alam niyang kay Kurt na ang puso niya ngayon.

Komento sa Aklat (39)

  • avatar
    BalquinMilyn

    Nice story.. Thank u author.

    02/01/2025

      0
  • avatar
    LUMBOSPAUJA

    love it 🥰

    22/11/2024

      0
  • avatar
    R Dha Ne

    hahaahahahuwbisshwhuswheheheheheuehehhehwuwheueueueueueueueuuejwuwwuuwhwhwhwhwwuwuwuwuwuwuwywyywwywyeyeyeysysysysysyysysysysysysysywywywywyststf6wwguwwywywywywyyywywytwwuwieneietueegheuehyueueueyeyyeyeyeyeyhcuufuguvuvuvguvuvybbuhugyvy6vycc5dd5f6g6vuhuh8h8h7huh7huvuvuvuh7hpbub7h7j7juhvyg6gg5g6g6g6g6h6h6h7j7h7h6g6g6gtv6g6g6h7h7h7j8juhuhygyvyv6fuvihogogogig88gucucohciciycyoc9yfufugih88hh8hhjj9hojojoj9joj9j9jihoh8h8h8hh8hihoh9j9h9h9h9h9h9j9jnobojoboijoj8h88huxyxjtd68fy880gouciyctcuvihihugibibibibivi

    11/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata