Mangha siyang napatingin dito. “Am I supposed to feel scared?” Paano siya matatakot sa isang bagay na gustong-gusto niya. It was such a sweet sensation to feel his lips on hers even for just a moment. And she wanted to taste him again… and again… and again. He framed her face on his hands and stared at her intently. “Ako ang natatakot sa iyo.” Naningkit ang mata niya. “Do I look like a monster to you?” “I could face a monster but I am not ready for what I feel for you. You make me lose control. You make me feel things I am afraid to feel. You simply make me feel. Sometimes, I can’t help but smile when I see you smile. Or get mad when you are defying my orders.” “Does it mean that you feel bad about me?” “I could say that it was bad. But it felt so good,” he said and smiled a little. Pero mabilis din nitong pinalis ang ngiti. “Don’t!” utos niya dito. “You can smile if you want. Laugh if you want. There is nothing wrong with it. You can even fall in love if you want.” “Do you believe that a cruel and cold-hearted bastard like me could fall in love?” tanong nito na parang napaka-imposibleng mangyari niyon. Tumango siya at humilig sa balikat nito. “Everything is possible, Kurt.” Akala niya noong una ay wala itong pakialam sa ibang tao. That he was born to be ambitious and unfeeling. Pero nakikita niya nang unti-unti ang tunay nitong pagkatao. Kahit anong pilit nitong tago, nararamdaman niyang mabuti itong tao. Mali lang ang naging trato dito ng sarili nitong ina. Idagdag pa ang pagkamatay ng sarili nitong ama. He was just a victim. “Is it possible for you to fall in love with me?” Sumasal ang kaba sa dibdib niya nang marinig ang tanong nito. She boldly pressed her lips to his and smiled. “Maybe.” He covered her mouth with his own. His tongue met hers with velvet roughness. Then he showered light kisses all over her face. Hindi pa siguro siya handang mahalin ito. Love was something so intense and deep. What she felt for him at the moment was also intense and deep. Enough to let him rob her off her senses. Enough to let him take over her life if he wanted to. But not yet her heart. Ayaw niyang magsalita nang tapos na hindi siya mai-in love dito. She never knew the extent of her emotion. Kung gaano iyon kadaling magbago. She never knew, she might find herself falling for him overnight and she couldn’t do anything about it. It was like falling at the edge of a cliff and there was nothing to hold on to. And that’s how she felt when he kissed her again. Falling…. “HELLO, Kurt! Are you busy?” tanong ni Atasha habang nakatayo sa terrace sa hacienda nito. Dinalaw niya si Lola Anselma at kasalukuyan nang nagpapahinga. “I am always busy, Atasha.” “But not too busy to neglect me, of course. Nag-promise ka na magdi-dinner tayo, di ba?” paalala niya. “Hindi ba bukas pa iyon?” “Hindi ba pwedeng ngayon lang?” ungot niya. “Hindi na nga tayo nakapag-lunch kahapon, hindi ba? Pinagbigyan na kita. Ako naman pagbigyan mo ngayon.” May mga pagkakataon na hindi ito nakakarating sa usapan nila. Pero tinitiyak niya na makakabawi rin ito kinabukasan. At alam niyang di siya nito matatanggihan. “Gusto ko sana pero…” “Tinanong ko ang sekretarya mo kung ano ang schedule mo ngayon. Alam ko na wala kang meeting hanggang seven. Samahan mo naman ako bago iyon.” “Okay. Saan tayo magkikita?” “Sa log house,” sagot niya. “Papupuntahin mo ako sa loghouse ngayon? Masyadong malayo. Bakit hindi na lang tayo magkita sa Marco Polo?” tukoy nito sa isang hotel sa siyudad. “Ayoko nga. Basta gusto ko pumunta ka dito. May reklamo?” “Wala. Paalis na ako,” napipilitang sabi nito. Awtomatiko siyang napangiti. Naaliw siya kapag napapasunod niya ito. Madalas nga ay nauuto niya ito pero hindi nito magawang kumontra. “Bilisan mo, ha? Ayoko nang pinaghihintay,” kunwa’y masungit niyang sabi. “Atasha, tandaan mo na lang na wala akong planong magpa-under sa iyo kapag kasal na tayong dalawa,” mariin nitong sabi. Mukhang napipikon na ito. “Tell it to my face,” hamon niya dito. “Si Kurt ba ang kausap mo?” tanong ni Lola Anselma at lumapit mula sa likuran niya. “May date ba kayo?” “Opo. Kukunin ko lang po ang ipinatago ko sa ref,” aniya at hinalikan ito sa pisngi. “Surprise ko po ito sa kanya.” “Saan naman kayo magde-date?” “Sa tabi-tabi lang po,” pasekreto niyang sabi. “Minsan naman isama ninyo ako sa date ninyo, Atasha.” “Opo, Lola. Next time po. Pero sa ngayon, kami lang pong dalawa.” Palabas siya ng bahay nang makasalubong niya ang Mama ni Kurt. “Hello, Tita!” “Dinalaw mo pala si Mama,” nakaismid nitong sabi. “Bakit hindi ka na lang sumama sa mga lakad namin ng amiga ko? Hindi iyong nagpapakabulok ka dito.” “Mas gusto ko po dito.” Wala siyang planong dumikit sa mga trying hard na socialite na tulad nito. Kahit pa nga magiging biyenan na niya ito. “I have to go, Tita. Magkikita pa po kami ni Kurt.” “May date kayo ngayon?” nakataas ang kilay nitong tanong. “Masisira ang schedule ni Kurt kung lagi mo siyang yayayaing lumabas. He is running a business empire, remember? He doesn’t have time to play with you.” “Hindi ko naman po siya inaabala kapag may meeting siya at busy sa work. Kaya ko lang po siya nayaya ngayon dahil hindi po siya masyadong busy.” “Ayoko lang masanay ka na mag-demand sa anak ko. Priority niya ang career niya. Hindi ka niya laging makakasama.” “I’ll take that in mind,” aniya at nagpaalam dito. She cared about Kurt’s career. Pero dapat din itong maglibang. Dahil kapag kasal na sila, ayaw niyang sa career lang mababad ang oras nito. He also had her to take care of. Dapat nitong malaman na may buhay pa ito bukod sa career nito. Kailangan nitong ma-enjoy ang buhay. Hindi ko hahayaang pati ako makontrol mo. At hindi ko hahayaan na patuloy na makontrol si Kurt ng mga pangarap niya. I want him to live a normal life.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Nice story.. Thank u author.
02/01/2025
0love it 🥰
22/11/2024
0hahaahahahuwbisshwhuswheheheheheuehehhehwuwheueueueueueueueuuejwuwwuuwhwhwhwhwwuwuwuwuwuwuwywyywwywyeyeyeysysysysysyysysysysysysysywywywywyststf6wwguwwywywywywyyywywytwwuwieneietueegheuehyueueueyeyyeyeyeyeyhcuufuguvuvuvguvuvybbuhugyvy6vycc5dd5f6g6vuhuh8h8h7huh7huvuvuvuh7hpbub7h7j7juhvyg6gg5g6g6g6g6h6h6h7j7h7h6g6g6gtv6g6g6h7h7h7j8juhuhygyvyv6fuvihogogogig88gucucohciciycyoc9yfufugih88hh8hhjj9hojojoj9joj9j9jihoh8h8h8hh8hihoh9j9h9h9h9h9h9j9jnobojoboijoj8h88huxyxjtd68fy880gouciyctcuvihihugibibibibivi
11/10/2024
0Tingnan Lahat