Napabuga si Atasha ng hangin. Sa halip na maglubag ang loob nito ay lalo pang lumala ang sitwasyon. “You are a special friend. But I don’t love you,” she stated bluntly. Ayaw sana niyang talampakin ito pero iyon lang ang makakagising dito. “I am sorry kung hanggang doon lang ang maibibigay ko sa iyo.” Saglit itong napatitig sa kanya. “At si Rieza…” “I love him,” mahina niyang usal. Hanggang ngayon ay alien pa rin ang emosyon na iyon sa kanya. At kahit na paulit-ulit na niyang nasasabi sa ibang tao, hindi pa rin siya bihasang magsinungaling. Kung nandoon lang sana si Kurt para tulungan siya, mas madali siyang mamo-motivate. “Liar! You don’t love him!” kontra ni Denzel. “May problema ka ba sa girlfriend ko, Denzel?” tanong ni Kurt na nakatayo sa pinto ng villa. He was a like savior to her and Denzel was the major villain. Mabilis siyang humangos sa tabi nito. Dahil silang dalawa lang ang magkakampi. “It is really nothing, Kurt,” kaila niya. “Dumalaw lang siya para I-congratulate tayo sa engagement natin.” Sana lang ay makaramdam si Denzel. Pwede siya nitong sigaw-sigawan pero hindi si Kurt. Hindi niya alam kung hanggang saan ang extent ng temper nito. At ayaw niya ng gulo sa pamamahay niya. “Hindi ko alam kung anong ginawa mo kay Atasha,” anang si Denzel at dinuro-duro si Kurt. “Pero hindi ako papayag na sayangin niya ang buhay niya kasama ka. Gagamitin mo lang siya. Hindi mo siya kayang mahalin.” Nakayuko siyang kumapit sa braso ni Kurt. Totoo ang sinabi ni Denzel pero hindi niya magawang iwan si Kurt nang mga oras na iyon. “Paano mo natiyak na hindi ko siya mahal?” naghahamong tanong ni Kurt. “How could I believe you? First, you were supposed to be engaged to her cousin. Now you are marrying her. That’s lunacy. Hindi ko alam ang totoong istorya kung paanong kayo ang ikakasal ngayon. Pero natitiyak ko na hindi mo mahal si Atasha. Malamang, pinaikot at inuto mo lang siya.” “Stop it, Denzel!” Ayaw na niyang galitin pa nito si Kurt. Baka masabi na naman ni Kurt na mahal siya nito kahit na di totoo. “Pabayaan mo siyang magsalita, Atasha,” malumanay na utos ni Kurt sa kanya. Ni hindi man lang ito natinag sa mga paratang ni Denzel kahit na totoo. “Mahal ko si Ash. Handa akong patunayan iyon. I can make her happy,” matatag na sabi ni Denzel. “It doesn’t matter if you love her and you can make her happy. It is my job now. You lost your chance, Denzel. Nagdesisyon na si Atasha. Ako ang pakakasalan niya,” deklara ni Kurt at inangat ang kamay niyang may suot na engagement ring saka mahigpit iyong ginagap pagkatapos. Hindi niya matagalang tingnan ang bigong anyo ng kaibigan at napayuko siya. Hindi man niya mahal si Denzel pero kaibigan pa rin niya ito. Ayaw niyang masaktan ito. “I’m sorry, Denzel,” mahina niyang usal. “Makakahanap ka rin ng babaeng magmamahal sa iyo. Magkaibigan pa rin naman tayo…” “That’s bullshit! Hindi ako masisiyahan na maging kaibigan mo lang!” “If you are man enough, you have to accept defeat,” payo ni Kurt at mahigpit na iniyakap ang braso sa balikat niya. Umaalimpuyo ang galit sa mga mata ni Denzel nang magpapalit-palit ang tingin sa kanilang dalawa ni Kurt. As if he wanted to hit the two of them but he can’t. Kurt would never allow that. “You’ll regret this, Ash! Dahil ako lang ang totoong lalaking magmamahal sa iyo. Pero binalewala mo lang ako. Tinitiyak ko sa iyo na hindi ka magiging masaya sa lalaking iyan. Magiging akin ka rin!” Kinilabutan siya sa huling salitang iniwan ni Denzel sa kanya bago umalis. Hindi niya inaakalang doon magtatapos ang pagkakaibigan nila. “Denzel, wait!” sabi ni Ruth at nagmamadali itong hinabol. “I hope that he would be okay,” sabi niya at lalong isiniksik ang katawan kay Kurt. Parang ito lang kasi ang nakakaintindi sa totoong nararamdaman niya. “Kasama niya si Ruth. Denzel would be okay. Malay mo, magiging masaya din siya para sa atin kapag nahulasan na siya.” “I hope it would work that way. At makahanap na rin siya ng ibang babaeng magpapasaya sa kanya. Para hindi na siya masaktan,” hiling niya. “Nagsisisi ka ba dahil ako ang pinili mo at kailangan mong magsinungaling sa kanya na mahal mo ako?” “I refused his love a long time ago. Wala nang bago doon,” aniya sa pilit na pinagaang boses. “Kahit na ikasal pa ako sa iyo o hindi, hindi ko siya kayang mahalin. Kaibigan lang ang tingin ko sa kanya.” “I’m sorry. Baka hindi kita kayang mahalin tulad ng sinasabi natin sa kanila.” “I am not obliging you. Tulad ng hindi mo pag-oobliga sa akin na mahalin ka.” At least hindi ito katulad ni Denzel na ipinipilit ang sarili sa kanya. “Hindi kasama sa pangarap ko na may babaeng magmamahal sa akin o kung magmamahal rin ako. Imposible iyon. Kalokohan na magmahal nang walang kapalit. I am afraid to take something because I don’t have anything to give. So don’t commit the stupid mistake of falling in love with me.” Mahina siyang tumawa. “Masyado ka namang seryoso.” Subalit nanatiling seryoso ang anyo nito. Nakadama siya ng lungkot para dito. You have something to give, Kurt. Natatakot ka lang. O baka hindi mo alam sa kaibuturan ng puso mo na kaya mo. Maybe if I could learn to love you a little, you could learn. I hope I could.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Nice story.. Thank u author.
02/01/2025
0love it 🥰
22/11/2024
0hahaahahahuwbisshwhuswheheheheheuehehhehwuwheueueueueueueueuuejwuwwuuwhwhwhwhwwuwuwuwuwuwuwywyywwywyeyeyeysysysysysyysysysysysysysywywywywyststf6wwguwwywywywywyyywywytwwuwieneietueegheuehyueueueyeyyeyeyeyeyhcuufuguvuvuvguvuvybbuhugyvy6vycc5dd5f6g6vuhuh8h8h7huh7huvuvuvuh7hpbub7h7j7juhvyg6gg5g6g6g6g6h6h6h7j7h7h6g6g6gtv6g6g6h7h7h7j8juhuhygyvyv6fuvihogogogig88gucucohciciycyoc9yfufugih88hh8hhjj9hojojoj9joj9j9jihoh8h8h8hh8hihoh9j9h9h9h9h9h9j9jnobojoboijoj8h88huxyxjtd68fy880gouciyctcuvihihugibibibibivi
11/10/2024
0Tingnan Lahat