Atasha’s brain had suddenly gone haywire and her heartbeat tripled. Parang kakawala ang puso sa loob ng dibdib niya. Hindi dahil sa tanong ni Kurt kundi dahil sa sobrang lapit ng katawan nito sa kanya. Habang pinipilit niyang I-shut down ang primitibong bahagi ng utak na may kinalaman sa atraksiyon niya dito, saka siya lalong naging physically aware dito. His cologne was very manly. But he was the man who exuded too much potency without even trying. Nanunuyo ang lalamunan niya at hindi siya makahinga. Sa sobrang kaba ay parang wala sa sarili tinalunton ng daliri niya ang neckline ng evening gown niya at binasa ang labi. “I could think of another way to settle our debt,” she answered in half-whisper. Sa halip na maging matapang ang boses niya ay lalo iyong humina. Parang isang mahina at desperadang babae tuloy ang dating niya. Umangat ang gilid ng labi nito. Bad. That meant something bad. “Thanks for the offer but I can get that for free.” “What?” tanong niya at bahagyang natulala. “I mean there are more willing and able bodies,” he said flatly as he looked at her body without a hinge of interest. “You can serve better as my wife, Miss Gatchitorena. Wala akong planong tumanggap ng iba pang paraan ng pagbabayad sa mga pagkakautang ninyo sa akin.” She fumed when everything dawned to her. Akala nito ay gusto niyang ibigay ang katawan dito bilang pambayad sa utang. Hindi niya napigilan ang palad niya at sinampal ito. “You bastard!” Hinaplos nito ang nasaktang palad subalit hindi nag-iba ang mga mata nito. They remained cold when he looked at her. “Thank you!” “You deserve it! Akala mo ba natatakot akong mapunta sa kalsada? Mas gusto ko pang mamalimos kaysa magpakasal sa iyo!” nanggagalaiti niyang sabi at tinalikuran ito. “And I am not offering my body. Hinding-hindi sa iyo!” “I still intend to collect, Miss Gatchitorena. Don’t worry, hindi ko idadagdag sa sisingilin ko ang pananampal mo sa akin,” he said in a chilling voice. Mas lalo niyang binilisan ang lakad. She wanted to get away from him. “You’ll pay for this!” mahina ngunit mariin niyang usal. Nobody treated her that way. And he had no right! Wala pang gumawa nang ganoon sa kanya. She was a respected woman. Wala pa siyang ginawa para maging masamang babae ang tingin nito sa kanya. How dare him! Habol niya ang hininga nang makabalik sa loob ng mansion. Magre-retouch sana siya sa powder room nang mamataan niya ang ka-date na si Denzel. “Atasha, where have you been?” tanong nito at hinila siya pabalik sa table nila. “Kanina pa kita hinahanap. Akala ko iniwan mo na ako.” “No. Nasa garden lang ako. I find it hard to breathe in here.” Kumunot ang noo nito. “Doon din nagpunta si Rieza.” “Yeah, I saw him,” kaswal niyang sabi at ini-refill ang hawak na wine glass. “Anong sabi niya sa iyo?” Natigil siya sa pag-inom ng red wine at ngumiti. Ayaw niyang mapansin nito na may kakaiba sa kanila ni Kurt. “I just said hello. Tinanguan lang niya ako.” “Iyon lang?” naghihinalang tanong nito. “Ano ba ang pag-uusapan namin? Wala akong alam sa business at wala akong interes sa politics.” She was not stupid. She was well informed in politics and business. Political Science ang tinapos niya noong college. Wala lang siyang hilig sa ganoong discussion. She found them boring and monotonous. “Good. Beware of him,” anito at bahagyang binigyan ng matalim na tingin si Kurt na kapapasok pa lang. Sinalubong ito ng governor ng lalawigan at tinapik sa balikat. "May usap-usapan na plano niyang magpakasal sa isang babae na nagmula sa angkan ng mga pulitiko. You know Rieza. He will do everything to get the Congressional slot this coming election. And he might set his eyes on you.” “Oh, really?” usal niya at pailalim na tiningnan si Kurt mula sa glass wine habang umiinom mula doon. Then her lips thinned in contempt. Alam na niya ang plano ni Kurt mula sa simula. But it still annoyed the hell out of her when she heard people talk. Pagtatawanan lang siya ng marami oras na malaman ng mga ito na siya ang napili ni Kurt. “And the girls around here are so excited,” Denzel expressed with too much scorn in his voice. May bahid ng iritasyon sa mga mata nito nang igala ang tingin sa mga babaeng nagpupukol ng humahangang tingin kay Kurt. “Gusto nilang malaman kung sino sa kanila ang pipiliin ni Rieza. They didn’t mind if the man would only use their family’s political background. Mga wala talaga silang isip.” “You can’t blame them. Kurt is a nice catch. He is gorgeous, rich and virile. Matagal nang maraming babae ang may gusto sa kanya,” parang wala siya sa sarili habang sinasabi iyon. She was echoing Bettina’s words. Lumalabas tuloy na kahit siya ay ganoon din ang opinion kay Kurt. He scowled “Don’t tell me you also like him.” Natauhan siya nang mahimigan ang galit sa boses ni Denzel. Tumawa siya nang nanunuya. “I am not like them, Denzel.” Kung alam lang nito, siya ang sawimpalad na babae na napili ni Kurt Rieza na magpakasal dito. Napakamalas talaga niya. Kung pwede lang na makipagpalit siya ng kapalaran sa isa sa mga babaeng naghahabol kay Kurt. Ginagap ni Denzel ang kamay niya. “I know. I like you because you are different from them. Kailan mo ako sasagutin, Ash?”
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Nice story.. Thank u author.
02/01/2025
0love it 🥰
22/11/2024
0hahaahahahuwbisshwhuswheheheheheuehehhehwuwheueueueueueueueuuejwuwwuuwhwhwhwhwwuwuwuwuwuwuwywyywwywyeyeyeysysysysysyysysysysysysysywywywywyststf6wwguwwywywywywyyywywytwwuwieneietueegheuehyueueueyeyyeyeyeyeyhcuufuguvuvuvguvuvybbuhugyvy6vycc5dd5f6g6vuhuh8h8h7huh7huvuvuvuh7hpbub7h7j7juhvyg6gg5g6g6g6g6h6h6h7j7h7h6g6g6gtv6g6g6h7h7h7j8juhuhygyvyv6fuvihogogogig88gucucohciciycyoc9yfufugih88hh8hhjj9hojojoj9joj9j9jihoh8h8h8hh8hihoh9j9h9h9h9h9h9j9jnobojoboijoj8h88huxyxjtd68fy880gouciyctcuvihihugibibibibivi
11/10/2024
0Tingnan Lahat