logo text

Pabayaan mo na muna siya

“Ate Kim, you made me so worried,” sabi ni Atasha nang tawagan siya nito sa cellphone. “Kanina pa ako tumatawag sa iyo.”
“Sorry. Walang signal dito.”
Hinabol niya ang flight papuntang Manila. She had been trying to contact Kimberly since then but she was out of coverage area. Gusto sana niya itong bigyan ng babala tungkol sa pagsugod doon ng Tito Horacio niya para bawiin ito kay Rohann. Pero pagdating niya sa Manila, saka rin bumalik si Horacio na galit na galit at hindi kasama si Kimberly.
“Jeez, I thought bibitbitin ka na ni Tito nang nakakadena pabalik ng Manila. What happened?”
“Nalaman niya na buhay pa si Rohann kaya pinuntahan agad niya kami dito. Iyon yata mismo ang gusto niyang gawin. Ibalik ako nang nakakadena sa Manila. Isinama pa niya ang mga bodyguards na bigay sa kanya ni Kurt. But Rohann didn’t give me up. Ipinaglaban niya ako. He still loves me.”
Napasinghap siya habang iniisip ang scenario. “There was no blood bath?” paniniyak niya. Ayaw talaga niya ng madudugong eksena.
“Not a drop. Ni wala nga kaming gasgas ni Rohann. Na-realize rin ni Papa at ng mga bodyguard niya na hindi ako basta-basta ibibigay ni Rohann. At kaya niyang patumbahin ang sampung malalaking tao nang sabay-sabay. After all, he’s a wu shu champion. He will protect me with his own life.”
“Kaya pala galit na galit si Tito Horacio.” Para itong batang hindi nakuha ang gustong laruan. “Titiyakin daw niya na makakarating ito kay Kurt. And he doesn’t take things like this lying down.”
“Hindi naman babalik dito si Papa nang wala si Kurt. Alam mo naman si Papa, titiyakin niyang may kakampi siya sa susunod na sumugod siya.”
“Wala pang magagawa si Tito Horacio sa ngayon. Nasa Singapore pa si Kurt. But don’t be so confident about it.” Hindi si Kurt ang tipo na maaring lamangan. “Alalahanin mong may kasunduan pa kayo.”
“Hindi ko iiwan si Rohann,” matigas na sabi ni Kimberly. “Labindalawang taon na ang nawala sa amin. Daig ko pa ang patay sa loob nang mga panahong iyon. Ngayon ko lang ulit naramdaman na nabuhay ako. I won’t go back to that old hell.”
“Kurt doesn’t accept a ‘no’.” Hindi nito mapapatawad ang mga taong maaring manakit dito. Hindi rin ito papayag na masira ang mga plano nito.
“He can’t force me to marry him either. Mahal na mahal ko si Rohann. And I am willing to face whatever the consequence is.”
“May maitutulong ba ako?” tanong niya. Hindi madali ang pinagdadaanan nito. Kurt was a scary enemy. Isama pa na kalaban din nito ang mismong ama.
“Just pray for my happiness.”
EXCITED si Atasha habang inaayos ang draft ng article na ipapasa niya para sa Sun Star Davao, isang broadsheet na nagsi-circulate sa rehiyong iyon. Natigilan siya nang marinig ang pagpasok ng sasakyan sa gate ng mansion. Nang silipin niya sa bintana ay nakita niya ang Ford Expedition ni Kurt kasunod ang sasakyan ng mga bodyguard nito. Nag-aalala siya. Kung dumating na si Kurt, baka alam na nito ang tungkol kay Kimberly at Rohann.
Iniwan niya ang article na ginawa at bumaba sa sala. Nagulat siya nang hindi lang si Kurt at ang Tito Horacio niya ang bumaba ng sasakyan kundi maging si Kimberly. “Ate Kim!” tawag niya dito at niyakap ito. “What happened?”
Tulala ito at parang hindi siya nakikita. Namumugto din ang mga mata nito. “Gusto ko nang magpahinga,” sa halip ay sagot nito sa matamlay na boses at umakyat sa hagdan.
“Ate Kim!” Tangkang hahabulin niya ito nang pigilan siya ni Bettina.
“Pabayaan mo na muna siya,” anito ngunit bakas pa rin ang pag-aalala para sa anak.
“Maghanda ka ng masarap na hapunan, Bettina,” utos ni Horacio dito. “Dapat tayong matuwa dahil bumalik na sa atin si Kim. Dito rin maghahapunan si Kurt.”
Naghihinala niyang tiningnan si Kurt. “Pwede ba tayong mag-usap?” tanong niya dito at hindi na hinintay ang sagot nito. Naglakad agad siya patungo sa garden. Maya maya ay sumunod din ito sa kanya. “Anong ginawa mo kay Rohann at kay Ate Kim?” puno ng akusasyong tanong niya dito.
“Wala. Ibinalik ko lang siya dito,” inosenteng sagot ni Kurt.
Naningkit ang mata niya. “Sinaktan mo ba si Rohann? Nasaan na siya?”
Nagkibit-balikat ito. “Wala akong ginawa kay Rohann.”
“Sinungaling! Kinidnap mo siguro si Ate Kim. Alam ko na hindi niya basta-basta isusuko sa iyo si Ate Kim dahil nagmamahalan sila. At hindi rin basta-basta sasama sa iyo si Ate Kim maliban na lang kung pinilit o tinakot mo. Ang sama mo!”
“I never resort to violence. May mga bodyguards nga ako pero para lang sa proteksiyon ko. Hindi ko sila ginagamit para pwersahang kunin ang gusto ko at manakit ng tao. Believe it or not, Atasha, it was Rohann who called me.”
“What?” bulalas niya. “Don’t make up stories.”
“Nasa Singapore ako nang tawagan niya ako. Hindi ko nga malalaman na buhay pa siya kung hindi lang siya mismo ang nakipag-usap sa akin. Sunduin ko na raw si Kimberly. Sinunod ko lang ang gusto niya.”
“I don’t understand,” naguguluhan niyang usal. “Mahal na mahal ni Rohann si Ate Kim. Bakit siya pa mismo ang tatawag sa iyo para sunduin si Ate Kim?”
“Hindi ko alam. Kung gusto mo tanungin mo si Kim. I can assure you, hindi ko dala ang mga bodyguards ko nang puntahan ko sila. Kung ayaw sumama sa akin ni Kim, hindi ko siya pipilitin. But later, she realized that it was Rohann himself who wanted her gone.”
“Hindi talaga ako naniniwala,” naiiling niyang sabi habang puno nang disgusto sa mga mata nang tingnan ito.
Naging malamig ang mga mata ni Kurt nang salubungin ang tingin niya. “You always see me as a bad guy.”
Napabuntong-hininga siya. Hindi niya sinasadyang akusahan ito. “Concern lang ako kay Ate Kim.”
“So do I. Huwag mo siyang iiwan ngayon, Atasha. She needs you.”
“Mahal na mahal niya si Rohann, Kurt. Masakit sa kanya ang nangyari. Can you forget about the wedding? Hindi na siya ang Kim na nakilala mo. Malaki na ang magbabago sa kanya ngayon.”
Matagal na sandali siyang nitong tinitigan. “I won’t force her to marry me. Nasa kanya ang desisyon kung gusto niya akong pakasalan o hindi. If there is someone who would back out, it won’t be me.”

Komento sa Aklat (39)

  • avatar
    BalquinMilyn

    Nice story.. Thank u author.

    02/01/2025

      0
  • avatar
    LUMBOSPAUJA

    love it 🥰

    22/11/2024

      0
  • avatar
    R Dha Ne

    hahaahahahuwbisshwhuswheheheheheuehehhehwuwheueueueueueueueuuejwuwwuuwhwhwhwhwwuwuwuwuwuwuwywyywwywyeyeyeysysysysysyysysysysysysysywywywywyststf6wwguwwywywywywyyywywytwwuwieneietueegheuehyueueueyeyyeyeyeyeyhcuufuguvuvuvguvuvybbuhugyvy6vycc5dd5f6g6vuhuh8h8h7huh7huvuvuvuh7hpbub7h7j7juhvyg6gg5g6g6g6g6h6h6h7j7h7h6g6g6gtv6g6g6h7h7h7j8juhuhygyvyv6fuvihogogogig88gucucohciciycyoc9yfufugih88hh8hhjj9hojojoj9joj9j9jihoh8h8h8hh8hihoh9j9h9h9h9h9h9j9jnobojoboijoj8h88huxyxjtd68fy880gouciyctcuvihihugibibibibivi

    11/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata