logo text

Of course, I love her

Malayong-malayo si Lola Anselma sa inaasahan ni Atasha na madadatnan niya. Ang inaasahan niyang lola ni Kurt ay tulad din nito-isang bugnuting matanda na laging nakasimangot. Sa halip ay masayahin ito at laging may nakahandang ngiti.
“Ito ang picture ng lolo ni Kurt noong kasal namin. Kahawig ni Danilo si Kurt, hindi ba?” ngiting-ngiting kwento ni Lola Anselma. Sa kabila ng edad na otsenta ay malakas pa rin ito. Nakikita niya sa mata nito na marami itong masasayang alaala.
“Opo. Lalo na po ang mata. Masyadong matapang,” puna niya.
“Tama. Masyado ngang matapang. Isa siya sa mga sundalong lumaban noong panahon ng Hapon. Matapos ang giyera, dito na kami nanirahan sa Davao. Mama lang ni Kurt ang mahilig sa Maynila. Ayaw niya dito. Iyon namang batang iyon, hindi mapirmi dito sa bahay. Ayaw din niya nang simpleng buhay. Ikaw ba ay taga-Davao din? Parang pamilyar kasi sa akin ang apelyido mo.”
“Taga-Davao din po ang pamilya namin. Apo po ako ni Edmundo Gatchitorena,” paliwanag niya.
Bumakas ang rekognisyon sa mukha nito. “Oo. Kilala ko siya! Siya ang ibinoto kong gobernador noon. Nakasama pa siya ni Danilo noong giyera. Kumusta na siya?”
“Namatay na po siya noong isang buwan.” At doon na tuluyang gumulo ang lahat. Mula sa mga utang na naiwan nito hanggang sa huling habilin nito. Mas magiging simple sana ang lahat kung hindi dahil doon.
“Pasensiya na.” Tinapik nito ang kamay niya. “Ganoon talaga pupuntahan naming matatanda. Ako nga, akala ko mamamatay nang hindi nakikitang nag-aasawa ang apo ko. Mabuti at nakilala ka niya.”
Ngumiti siya at naipagdasal na nagmukha iyong galing sa puso niya at hindi pilit. Noong una ay nagtataka siya kung bakit gusto siyang makilala ng lola ni Kurt. Iyon pala ay siya ang ipinakilala nitong nobya. Wala siyang planong magsinungaling. Pero wala naman siyang magawa. Inaasahan daw kasi ni Lola Anselma si Kimberly.
“Ang totoo, hindi ko po gusto noong una si Kurt.”
“Alam ko, nakaka-intimidate siya. At kung may magkagusto man sa kanya, hindi naman niya gusto. Napakapihikan kasi sa babae. Ang totoo, ikaw ang una niyang nobya. Mataas ang pangarap niya tulad ng Mama niya. Lalong siyang nag-iba nang mamatay ang Papa niya. Pero simple lang naman ang pangarap ko para sa kanya. Ang makahanap siya ng babaeng magmamahal sa kanya.” Tinitigan siya nito nang direkta sa mata. “Mahal mo ba ang apo ko?”
Pinamanhid niya ang isip at sinalubong ang mga mata nito. “Opo. Hindi po ako magpapakasal sa lalaking hindi ko mahal.” That was not a total lie. Dahil hindi naman siya ang magpapakasal dito kundi si Kimberly.
Noong una ay puno ng pagdududa ang mga mata nito. Ngunit pagkuwan ay ngumiti ito. “Mabuti naman. Hatakin mo ang drawer sa aparador. At kunin mo ang kahon na nandoon.”
Sumunod siya dito. Sa drawer ay may natagpuan siyang antique na jewelry box. “Heto po, Lola.” Inilapag niya ang jewelry box sa harap nito.
Binuksan nito ang kahon at kinuha ang isang pares ng antique na jade earrings. “Ito ang pamana sa akin ng nanay ko. Dapat ay ibibigay ko ito sa anak kong si Carolina. Pero marami na siyang alahas. Ibang klase ng disenyo ang gusto niya. Kaya sa iyo ko na lang ibibigay.”
“Lola, hindi naman po ninyo kailangang ibigay ito sa akin.”
Inilagay nito ang hikaw sa kamay niya. “Sana tanggapin mo. Bilang pasasalamat ko dahil minahal mo ang apo ko.”
“Pero nakakahiya naman po kung bibigyan ninyo ako nang ganito ka-importanteng regalo.” Wala siyang karapatan doon dahil hindi naman siya ang pakakasalan ni Kurt.
Pinagsalikop nito ang kulubot na palad sa kamay niyang may hawak na hikaw. “Magiging apo na rin kita kaya tanggapin mo. At matutuwa ako kung maipapamana mo rin ito sa magiging anak ninyo.”
Niyakap niya ito nang mahigpit. “Thank you po, Lola.”
Nalulungkot siya dahil kailangan niyang lokohin ang isang napakabait na tao tulad nito. She would really love to have a grandmother like her. Lalo na sa tulad niya na walang kinalakhang lola.Maswerte si Kurt na magkaroon ng lolang tulad nito.
“O, Lola! Bakit nagdadramahan na kayo?” tanong ni Kurt nang pumasok ito sa kuwarto. Napansin niya na kapag nasa harap ito ng lola nito ay may ngiti ito sa mga mata. It was a pure and natural smile. And it changed his aura. Umaamo ito.
Kumalas si Lola Anselma sa pagkakayakap sa kanya. “Saan ka na naman nanggaling, Kurt? Ipinakilala mo lang ang girlfriend mo sa akin, tapos umalis ka na.”
“Tiningnan ko lang po ang manggahan, Lola.”
Lumabi si Lola Anselma. “Trabaho na naman. Nagtataka ako sa iyo. Noong kami ng lolo mo, halos hindi kami mapaghiwalay. Natatakot siya na baka may kumuha sa akin. Parang hindi mo mahal ang nobya mo,” sermon nito.
Inakbayan siya ni Kurt. “Of course, I love her.”
“Then kiss her.”
“What?” sabay nilang bulalas ni Kurt.
“It is just a kiss. Couples usually do that. And I haven’t seen the two of you kiss. Parang hindi tuloy ninyo mahal ang isa’t isa.”
She and Kurt stiffened. Bahagya siyang pinisil ni Kurt sa balikat. As if telling her that everything was under control. “Lola, mahiyain po siya. Ayaw niyang magiging sweet po kami sa harap ng ibang tao.”
“Ibang tao pa ba ang turing mo sa akin, Kurt? Lola mo ako. Hindi naman malaking bagay ang hinihingi ko sa inyo.”

Komento sa Aklat (39)

  • avatar
    BalquinMilyn

    Nice story.. Thank u author.

    02/01/2025

      0
  • avatar
    LUMBOSPAUJA

    love it 🥰

    22/11/2024

      0
  • avatar
    R Dha Ne

    hahaahahahuwbisshwhuswheheheheheuehehhehwuwheueueueueueueueuuejwuwwuuwhwhwhwhwwuwuwuwuwuwuwywyywwywyeyeyeysysysysysyysysysysysysysywywywywyststf6wwguwwywywywywyyywywytwwuwieneietueegheuehyueueueyeyyeyeyeyeyhcuufuguvuvuvguvuvybbuhugyvy6vycc5dd5f6g6vuhuh8h8h7huh7huvuvuvuh7hpbub7h7j7juhvyg6gg5g6g6g6g6h6h6h7j7h7h6g6g6gtv6g6g6h7h7h7j8juhuhygyvyv6fuvihogogogig88gucucohciciycyoc9yfufugih88hh8hhjj9hojojoj9joj9j9jihoh8h8h8hh8hihoh9j9h9h9h9h9h9j9jnobojoboijoj8h88huxyxjtd68fy880gouciyctcuvihihugibibibibivi

    11/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata