logo text

I am his Babysitter

Atasha silently admired Kurt’s resort. Mula sa hangar nito sa Manila ay inilipad sila ng private jet nito papuntang Davao kung saan matatagpuan ang pinakabago nitong resort. Ilang araw mula noon ay ipagdiriwang naman ang Kadayawan Festival. Pero bago buksan ang resort sa ibang guest, gusto muna ni Kurt na makita iyon ng mga kaibigan sa negosyo at pulitika.
“Welcome to Club Paradise!” bati ni Kurt nang salubungin sila nito.
“This is indeed paradise, hijo!” sabi ng Uncle Horacio niya. Kahit ang Auntie Bettina niya ay napahanga ng magandang paligid. White sand beaches, clear blue water, may private airstrip at mula sa kinalalagyan nila ay natatanaw niya ang mga cottage na gawa sa native materials.
“Hindi ka ba napagod sa biyahe?” tanong ni Kurt nang sakay na sila ng Toyota Prado nito papunta sa mismong resort.
“No. The weather is good and knowing that it is a private flight made it more comfortable. Thank you,” sagot niya at tumingin sa labas ng sasakyan. Iyon naman kasi ang inaasahan nitong sagot mula sa kanya.
“Why don’t you take a rest? Mamaya pang gabi dadating ang ibang mga bisita. Ipapahatid ko kayo sa mga kuwarto ninyo. Then we will have lunch.”
Hindi siya nagtagal sa loob ng kuwarto dahil mas gusto niyang tingnan ang paligid. She might have hated Kurt but she loved his paradise.
“You don’t like your room?” tanong ni Kurt nang papunta siya sa beach. “Gusto mo bang sa water cottage na lang? Hindi pa siya fully furnished kaya sa seaview room ko muna kayo pinatuloy.”
“I love my room. I just want to look around.”
“We offer many activities like island hopping, snorkeling, diving, kayaking windsurfing and sailing. Sabihin mo lang sa akin kung ano ang gusto mo.”
“I love snorkeling!” excited niyang bulalas.
“Pwede kitang samahan mamaya…”
“No, Kurt. Marami kang trabaho. Magpapa-assist na lang ako sa mga tauhan mo dito. You don’t have to bother on my account.”
“You really don’t like me, do you?”
“I am sorry.” Hindi niya maiiwasang bumigat ang dugo niya dito dahil hindi talaga maganda ang impression niya dito. She realized that she might be overdoing it a bit. Hindi naman ito ganoon kasama sa kanya.
“You don’t have to. Sanay na ako. People hate my guts and my arrogance. Some are intimidated. But I can’t help it. This is what I am.”
“You are right. And I guess you don’t like my stubbornness either. Ayaw mong nawawalan nang kontrol. And I don’t want to be controlled.” Even if she had to fight her destiny, she would do whatever she wanted.
“At least we have something in common.” Tiningnan nito ang eleganteng sports watch. “It is almost time for lunch. Let’s go.”
Ipina-serve nito ang tanghalian sa isa sa mga open cottages. Gumanda ang mood niya nang makitang puro seafood ang nakahain. May allergy sa seafood ang mommy niya kaya madalang siyang makatikim niyon.
“Who will be your hostess for tonight?” tanong ni Bettina kay Kurt.
“I don’t have one,” sagot ni Kurt habang tinutulungan siya sa paglalagay ng alimango sa plato. “Si Kim po sana pero nasa Cordillera siya ngayon.”
“How about your mother?” tanong niya. Nilasing na sugpo naman ang pinag-interesan niya. Pwede niyang I-consider ang pagiging mabait kay Kurt. Para kapag kasal na ito kay Kim, pwede siyang magbakasyon nang madalas sa resort nito. Ah, that was pure bliss. Para mapakinabangan niya ito.
“Hindi pa tapos ang trip ni Mama around the world kasama ang mga amiga niya. But she will be back next month.”
“Atasha can be your hostess,” Bettina suggested graciously.
Natigil siya sa pagtatanggal ng shell ng sugpo. “Ako po?”
“Oo. Sanay ka namang mag-host ng party. Madalas mong I-assist ang mommy mo kapag may mga party ang daddy mo. Kilala mo ang lahat ng bisita.”
Hindi siya makasagot. Isa iyon sa kinaiinisan niya noong anak pa siya ng isang pulitiko. She hated roaming around those guests. Karamihan kasi sa mga ito ay plastik. Dumadalo lang sa party para sa mga pansariling interes, at kadalasan ay para manira at pagtsismisan ang ibang tao. Kakaunti lang ang naging tunay na kaibigan niya sa mundong iyon.
“Atasha?” untag sa kanya ni Kurt. Nang tingnan niya sina Bettina at Horacio ay may babala sa mga mata ng mga ito. Hindi siya maaring tumanggi.
“S-Sure,” napipilitan niyang sagot at itinuon ang atensiyon sa pagkain.
“Thank you, Atasha,” sabi ni Kurt at bahagyang ngumiti. Parang ipinagma-malaki nito na ito ang hari sa lugar na iyon. Na kahit na anong gawin niyang laban, ito pa rin ang papaboran.
Nagkukwentuhan ang mga ito habang kumakain nang mag-ring ang cellphone ni Kurt. He excused his self for a while and left them on the table.
“Tita, why did you do that?” tanong niya kay Bettina.
“What?” inosente nitong tanong at sumubo ng salad.
“Ipinain ninyo ako kay Kurt. I don’t have a plan to be his hostess. I came here to relax. Not to be a substitute for Kim.”
“You have to guard him, Atasha,” anang si Horacio sa seryosong boses. “Maraming babae ang interesado kay Kurt. They will do everything to get him. At sasamantalahin nila ang pagkakataon na ito.”
“And now I am his babysitter,” usal niya at inikot ang mga mata.
“You are not going to marry him. You will just be his hostess. Our family will be in jeopardy if it isn’t Kim whom he will marry,” paliwanag ni Horacio.
“Okay. I’ll do this for the family.” Hindi nga naman masama kung magiging hostess siya nito. After all, it would only be for a night and not forever. All she had to do was keep her hands to herself so she won’t strangle his neck.
“And Atasha, please be nice to him,” pahabol ni Bettina.

Komento sa Aklat (39)

  • avatar
    BalquinMilyn

    Nice story.. Thank u author.

    02/01/2025

      0
  • avatar
    LUMBOSPAUJA

    love it 🥰

    22/11/2024

      0
  • avatar
    R Dha Ne

    hahaahahahuwbisshwhuswheheheheheuehehhehwuwheueueueueueueueuuejwuwwuuwhwhwhwhwwuwuwuwuwuwuwywyywwywyeyeyeysysysysysyysysysysysysysywywywywyststf6wwguwwywywywywyyywywytwwuwieneietueegheuehyueueueyeyyeyeyeyeyhcuufuguvuvuvguvuvybbuhugyvy6vycc5dd5f6g6vuhuh8h8h7huh7huvuvuvuh7hpbub7h7j7juhvyg6gg5g6g6g6g6h6h6h7j7h7h6g6g6gtv6g6g6h7h7h7j8juhuhygyvyv6fuvihogogogig88gucucohciciycyoc9yfufugih88hh8hhjj9hojojoj9joj9j9jihoh8h8h8hh8hihoh9j9h9h9h9h9h9j9jnobojoboijoj8h88huxyxjtd68fy880gouciyctcuvihihugibibibibivi

    11/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata