Sacred Book

Third Person POV
Dinig ang pait at hinagpis na sigaw ng isang lalake mula sa napakadilim na silid, tanging isang maliit na lamparang gasera lamang ang naroroon para magbigay liwanag.
Nakasabit ang dalawa nitong kamay sa itaas na para bang ibinibitay. Wala itong saplot pang-itaas kaya kitang-kita ang hinagpis na natamo ng kanyang katawan. Puno ng napakaraming pasa at mga sugat, mula harapan hanggang sa likod nito.at patuloy pa rin sa pagdurugo. Ang mukha nito ay bugbog-sarado. May malapot na dugo rin ang tumutulo mula sa kanyang labi, ang ulo naman ay bahagyang nakayuko. Ang mga mata ay hindi na maidilat pa nang maayos dahil sa mga sugat dito.
"Magsalita ka na!!" Gigil na hinagupit ng isang kawal ang mahabang latigo na napapalibutan nang maliliit na butil nang talim. Those sharp edges were fully coated with dark sticky blood.
"Hindi ko nga alam— AHH!" Muli itong hinagupit ng latigo nang limang beses.
"Sabihin mo na!!" Ibinato ng lalakeng kawal ang hawak na latigo. Kinuha nito ang lampara at itinapat sa mukha ng lalakeng bugbog-sarado. "Hunter… Huwag mo na akong hayaang patayin ka."
Even though there's a lot sticky of blood leaking out from his face's deep wounds, still a tiny tear drop together with blood came out from his bloated eyes. In his face, any sign of furious emotion towards the man cannot be seen. Only a face of sadness and fear, despite of the his situation right now.
"K-Kapi-tan…" His voice cracked.
"Hindi mo maililigtas si Roland, naiintindihan mo, Hunter?!" Malakas na tinuhod nito sa tiyan si Hunter. Dahilan para masuka ito nang napakaraming dugo.
~~~
Celine POV
Sa isang na sipa ng kalaban ay tumilapon si Zillan. Pahapa itong bumagsak sa mga malalaking pitak ng sementadong pader.
Agad na kumirot ang dibdib ko. "Bihag niyo sa Erioesnemia… si Hunter?!" Pinilit kong tumayo, pero binigo ako ng mga tuhod ko.
"Hindi naman sana siya tatagal kung sinabi na niya ang nakalagay sa huling pahina" Nagsimula itong maglakad palapit sa akin. "Makinig ka, Celine. Siguro naman ay nagdadalawang-isip ka na. Marahil mali ang nagawang desisyon noon, 'di ba?! Tingin niyo mananalo kayo?! Ano sa palagay mo ang nangyayari ngayon?! Hindi ba't pare-pareho kayong walang binatbat. Hindi mo ako nakita sa unang laban, sayang. Kaya gulat na gulat ka"Huminto siya sa tapat ko, saka ito nag-squat at tinitigan ako. "Alam kong nakatatak pa rin d'yan sa isipan mo ang pait na dinanas ng lahat dahil sa desisyon mo. Huwag mong balewalain iyon. Ilan ba ang namatay, ha? Ayaw mo naman atang maulit iyon."
Kumunot ang noo ko. "Alam… Alam mo..? Naalala mo? A-akala ko ako lan—"
"Pr-prinsesa…" Hindi na magawang makatayo pa ni Zillan. Pahapa siyang nakahiga at namimilipit sa sakit.
"Si Hunter ang nagbigay ng libro. Pero hindi niya alam ang huling bahagi. Baka ikaw ang may alam…"hinigit niya ang buhok ko sa likuran, dahilan para mapatingala ako. "Bagay pala sa'yo ang maikli ang buhok."
Nag-igting ang panga ko. "Wala kang mapapala sa'kin—"
"Hindi kita pipilitin, ikaw na mismo ang nakakaalam sa sarili mo. Sa oras na maghatol na ang nakaupo ngayon sa trono, malilintikan ka na. Alalahanin mo ang pamilya mo sa palasyo"
Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Wala akong lakas na makapagtalastasan pa sa kanya, dahil lahat nang sinasabi niyang may ibang kahulugan ay tumatagos sa akin. Heto na naman ako sa sariling kalbaryo ko, sa ugali ko.
Wala na akong magagawa, ayoko nang maulit pa ang mga nangyari sa unang pananakop.
Pero hindi ko lubos maisip na isa siya sa mga traydor na gustong kunin ang kapangyarihan ng kristal.
"Anong pagbabago sa huling pahina ng sagradong libro?!!"
"Hindi ko alam! Wala sa ala-ala ako ang binago, ang tanging alam ko lang ay ayoko nang maulit pa ang nangyari sa mga Guardians!!"
"Si Hunter…" Kita ko ang pagbabago ng kulay ng kanyang mga mata. Matalim, nakakatakot. "Sinakripisyo niya ang libro para pakawalan namin ang walang kwentang si Roland! Kaya lang ay kulang ang pahina…kaya hindi pa siya makakaalis! Magsalita ka na!! Sinong ang mga kasama mo nung araw nang laban papuntang Wisteria!!?"
Umiwas ako nang tingin. "A-Ang mga G-guardians…" Pagsisinungaling ko.
"Imposible dahil patay na lahat ng mga guardians noon" bigla akong natigilan. "Dahil sa'yo namatay silang lahat. Nagtiwala sila sa'yo pero nilagay mo lang sila sa kapahamakan. Ngayon… Sino ang kasama mong bantay papuntang Wisteria?! Nabasa ko ang nakasaad sa nanunang pahina ng libro, nagsasaad na ang pagbabago sa Wisteria—"
"Wala akong ibang mga bantay at kaibigan kundi ang mga Guardians lang!—" agad niya akong sinikmuraan. "Ahh!" Napasalampak ako sa lupa habang napapaubo. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko at hindi ako makahinga nang maayos.
"Mga walang kwenta!!"
"H-hindi ko a-alam ang sinasabi m-mo. H-hindi ako pumunta ng Wisteria"
Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, o kung ano man ang pinupunto niya. Ang tanging gusto ko lang ngayon ay ang mailayo sa panganib ang buhay ng mga Guardians at ng mga magulang ko. Pero hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa gagawin ko. Papaano kung mas lalo ko lang silang maidiin? Ito ba ang dapat na gawin, o ang kailangan kong gawin? Ano ang susunod na hakbang? Kailangan ko pa bang magplano ng mga susunod? Kapag nakuha na nila, tutuparin ba niya ang ipinangako niya sa akin?
"Maniwala ka sa'kin. G-gusto ko lang mailigtas ang m-mga Guardians at ang mga magulang ko. A-ayaw ko nang ma-maulit pa ang nangyari sa kanila…" Pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Ngumisi siya. Bahagya siya lumingon kay Zillan.
"Kung ga'non, bilisan mo na. Kapangyarihan lang naman ng kristal ang kailangan namin, pagkatapos 'nun ay sinigurado kong walang mamamatay"
Bumilis muli ang tibok ng puso ko.
Agad siyang tumayo at lumapit kay Zillan. Napatingin-tingin pa siya sa paligid, hanggang sa mahinto ang paningin niya sa isang piraso ng bakal.
Bakal?!
"Z-Zillan… Anong gagawin mo kay Zillan!!" Kinuha niya iyong bakal at nilaro sa kanyang kamay. Pinaikot-ikot habang nakangisi. "Zillan!! Zillan, umalis ka na d'yan. Zillan!!"
Para akong sira dahil alam ko namang wala nang lakas si Zillan para tumakas pa.
Prinotektahan niya ako, pero ako ngayon ay walang magawa para sa kanya.
"C-Celine…" Nagtama ang paningin naming dalawa.
"Mahalaga ang bawat oras, Celine" aniya ng kalaban.
Sa isang iglap ay inusok ng kalaban ang bakal sa itaas ng dibdib ni Zillan.
"AAAHHHHHH!"
"HINDI!!!!!!!!!!"
~~~
Arlene POV
Naimulat ko ang aking mga mata nang maramdaman ang init nang sikat ng araw. Iginala ko ang paningin ko sa mga kasama kong tulog pa, pwera kay June na nasa labas. Umupo ako mula sa pagkakahiga at agad na kinapa ang baril sa bulsa ko. Napahinga ako nang maluwag dahil narito pa rin.
Muli kong inalala ang nangyari kagabi.
FLASHBACK
| "May iba pa ba kayong kapangyarihan!?" Saad ko. "Bakit lagi kayong pumapasok sa isip ko—"
"Ano bang pinagsasabi mo!? Nasisiraan ka na ba!?" Napatayo na rin si Leo
"Simula lang 'to nang dumating kayo! May mga imaheng bigla na lang pumapasok sa isip ko!"
"Arlene, kumalma ka pakiusap…" Aniya Xiumin.
"Paano ako kakalma kung sa imaheng 'yon ay kasama ko kayo!? Ha?! Bakit… Bakit pakiramdam ko kilala ko kayo at alala ko ang mga 'yon!!? Sabihin niyo dahil nasisiraan na ako nang ulo, tangina!!"
"Akala mo ba ay ikaw lang ang nakakakita?! Ako rin! Kami rin! Kaming lahat!" Bahagya akong natigilan sa sinabi ni June.
"Nagsimula ito nang makita ko kayong tatlo. Sa una binalewala ko lang, pero nang malaman kong ganoon din ang nangyari sa iba pang guardians… Doon na ako nagtaka" |
"Gising ka na pala" aniya June. "Hintayin na lang nating magising ang sila bago tayo umalis"tumango lang ako bilang tugon.
Hindi na niya ako pinansin, saka tumalikod. Nakatayong pinagmamasdan niya ang nasa labas, kaya't napalingon din ako, na agad ko namang binawi. Masyadong magulo sa labas. Nagkalat, wasak. Parang may gyerang naganap. Nakakapagtaka dahil ni anino kahit isang tao ay wala.
May isang bagay pa akong pinag-iisipan mula pa kagabi. Ngayon ay desidido na ako. Pwede ko naman sigurong gawin iyon. Aalis din naman sila, baka naman mapakinabangan ko pa. Lintek.
Tumama ang paningin ko kay Leo. Siya lang ang nakaupong tulog sa aming nandito. Hindi ko na ipagkakaila ang itsura niya. Paniguradong magkakandirit si Larmine kung makasama itong isa.
Nang saktong magising siya ay agad na nagtama ang paningin naming dalawa. Agad akong umiwas at kunyari ay napapaubo. Napapailing na lang ako sa sariling ikinikilos.
What the hell? Act professional and cold. Hindi dapat ako nagpapakita nang kung anong emosyon.
"Gising na ang lahat. Maglilibot na tayo" aniya June, bago lumingon sa akin.
"Kung may mga katanungan ka, sabay-sabay nating alamin. Dahil palagay ko, hindi nagkataon na dito kami nalagay sa mundo niyo. Mukhang lahat tayo…" Isa-isa niya kaming pinasadahan ng tingin. "Ay may mga bagay na kailangang malaman"

Komento sa Aklat (30)

  • avatar
    John Leymar Tolentino

    love it

    10/05/2025

      0
  • avatar
    Dane Cabuatan Matammu

    your welcome

    22/03/2025

      0
  • avatar
    Daniel Sauler

    nice story

    12/03/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata