Forget about the world

"Si Enricus. Marami ang interesado sa kanya.” Tumango ito sa grupo ng mga kaibigan ni Enricus. “Those boys are like rockstars in this world. Mas sikat pa kaysa sa Kpop icon na nandito ngayon. Because they are the next leaders. Lalo na si Enricus. Masasabi kong siya ang pinakabata at very millenial. Pero kaya niyang makipagsabayan sa iba. Kaya huwag mong hahayaang ma-intimidate ka ng mga babaeng iyan. I heard what you did to Atrisha. Dapat ganoon lang. Lumaban ka kapag inaapi ka. Sanguis are not above normal human beings. Iyan ang itinanim sa isip namin ng mga magulang naming mayari. At bilang kresme na susulat ng kasaysayan, iyan ang gusto naming maiwang tatak ng mga rojo. After all, war had been waged between rojos and umbras because we wanted to protect humans.”
“Natutuwa po ako. Kung sino pa ang sanguinare na katulad ninyo at malakas, kayo pa ang may mabubuting puso at mapagpakumbaba.”
"Kung gagawan mo ako ng kwento, ano iyon?"
“Hindi ko po alam…”
"Come on. Humor me." Hinawakan nito ang dalawang kamay niya. "This is all just for fun."
Bigla ay nag-flash sa isipan niya ang iba’t ibang imahe. Nasa isang beach si Francesca at may kayakap na lalaki. Nakasuot ang mga ito ng sinaunang kasuotan noong panahon ng mga Kastila. Nahigit niya ang hininga nang saksakin nito ang lalaki habang umiiyak. May pagsabog sa kabundukan. Nabaon ang katawan ng lalaki sa ilalim ng dagat.
"Betrayal. May pagsabog ng bulkan. Isang pag-ibig na nakabaon sa dagat. Prinsipe ng mga umbra?" Nanlaki ang mga mata niya. “Hindi niya alam kung bakit basta na lang niyang nasabi ang tungkol sa prinsipe ng mga umbra.”
Nahigit nito ang kamay mula sa kanya. Namumutla ito at nanginginig na parang kagimbal-gimbal ang sinabi niya. "Excuse me. I think I need a stronger drink.”
Nanginginig ang katawan niya habang nakatingin sa mga kamay niya. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari. Hindi siya makahinga. Tumakbo siya papunta sa balkonahe. The music and the noise was muted when she finally closed the door. Malamig ang hangin sa labas at malamlam ang ilaw. Siya lang ang nasa balkonahe. Niyakap niya ang sarili nang umihip ang malakas na hangin.
Normal naman sa kanya ang mag-imahinasyon kapag gumagawa ng kwento. But the flashes of scenes felt so real.
Naramdaman ni Jermaine na may mainit na lumukob sa kanya mula sa likuran. "Anong nangyari?" tanong ni Enricus. Ipinatong pala nito sa balikat niya ang suit ng tuxedo nito. “Basta ka na lang iniwan ni Miss Maria Franchesca. Masaya lang kayong nag-uusap kanina. Ngayon umiinom na siya. Nasa bar na siya ngayon at umorder ng brandy. You drove her to drink."
Naipadyak niya ang paa. "May nasabi yata ako na hindi niya nagustuhan. Tinanong niya ako kung ano daw ang kwento na isusulat ko para sa kanya. Nang hawakan niya ang kamay ko, basta na lang nag-flash sa utak ko na may kayakap siyang lalaki sa beach. Niyakap niya tapos sinaksak din niya kalaunan. Sumabog ang bulkan at nabaon ang katawan sa ilalim ng dagat. Tapos… nasabi ko na lang prinsipe ng umbra. ‘Di ko nga alam kung bakit sinabi ko iyon. Napangitan yata siya sa kwento.”
"Hindi iyan gawa-gawang kwento lang, Jermaine. She was affected because those were her memories.”
Nataranta na ang dalaga. “Ex ba niya ‘yung prinsipe ng umbra? Minahal ba niya? Bakit niya pinatay? Wala akong nabasa sa kasaysayan ninyo. Kung nakasulat sana doon, mas naging sensitive sana ako.”
“Wala ako sa lugar na ikwento ang lahat. Mas maganda kung siya ang magkukwento sa iyo. Hindi lahat nakasulat. May mga kwento na tahimik na lang na itinatago sa puso hanggang sa katapusan ng mga buhay nila.”
Nakadama si Jermaine ng matinding lungkot sa puso. “Natatakot ako sa mga nalalaman ko, Enricus. I thought it is safe to write love stories with happy ending. Akala ko nagpapasaya lang ako ng mga tao. Pero ngayon nakikita ko na rin pati ang mga sekreto nila, ang mga sakit na pinagdaanan nila. Hindi ko kayang isulat.”
Niyakap siya ni Enricus. “Pero ito lang ang paraan para malaman natin ang hinaharap.”
“Bakit hindi ‘yug magagandang bagay ang nagkakatotoo sa akin? Bakit puro ‘yung ‘di magaganda?”
“Hindi ba ako magandang pangyayari sa buhay mo na nagkatotoo?”
“Alin doon? Ang pagiging bampira mo?”
“How about this?”
He nipped her lips and kissed her in a slow fashion. Parang namamapak lang ito at kinikiliti siya. It was sweeter than their first kiss. Wala nang laro ngayon. No power play. Wala itong kailangang patunayan sa kanya.
He was kissing her like a dream. This was the man who had sworn to protect her. He craddled her face and touched her neck. He was not kissing her because of obligation. He was kissing her because he wanted to give her pleasure and he got his pleasure in return. This was the kiss of the man who do everything for her.
“Hindi lahat ng nasa kwentong ginagawa mo pangit. I might resist my destiny at first but I am glad this is real and you are real. At nabigyan ako na manatili sa tabi mo para alalayan ka. Gusto ko lang malaman mo kung bibigyan mo ng pag-asa na maging totoo ang lahat ng iyon.”
“Tama ba ang dinig ko? Binibigyan mo ako ng choice?”
“Pwede mo rin akong tanggihan kung ayaw mo ng halik ko.”
Tumingkayad siya at yumakap sa leeg nito. “Hindi ko kasi masyadong na-feel. Baka kailangan mong ulitin para makumbinsi ako. Parang malayo kasi ‘yung halik mo sa description sa nobela ko.”
Ngumisi ang binata. “Kailangan ko palang galingan kung ganoon.”
When he kissed her once more, she forgot about her worries. Kahit sa gabi lang na iyon, gusto niyang maging normal na babae na nangangarap ng happy ending sa romance novel. Ayaw muna niyang isipin ang mga rojo at pakikidigma sa mga umbra o ang love life ng iba.
In his arms, she could just forget about the world tonight. Pero gaya ng kwento niya, alam niyang nag-aabang lang ang mga kalaban. At ‘di gaya sa nobela niya namay happy ending, ‘di niya alam kung masaya ang katapusan ng kwento niya.

Komento sa Aklat (40)

  • avatar
    VirtuzCarlo

    romantic 😍

    03/10

      0
  • avatar
    ErislmaAndria

    nice

    17/01/2025

      0
  • avatar
    Silva dos santosJade

    🫠🫠🫠

    14/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata