“That is sad.” Marami sa mga rojo na nasa silid na iyon ay dumaan na sa maraming digmaan. Marami sa mga mahal nito sa buhay, mortal man o sanguis, ay nagsipanaw na. Lumipas na ang panahon at marami nang nagdaan sa kasaysayan pero buhay pa rin ang mga ito. “Si Hideo ang bagong head ng security. O mas tamang sabihin na siya ulit ang head ng security ng mga rojo. Marami kang makukuhang kwento sa kanila.” Puno ng pag-aalala siyang tumingala sa binata. "Paano kapag kinausap nila ako? Iba-iba ang salitang gamit nila. English pa nga lang nosebleed na ako." "Marunong sila ng Filipino. And I got you this,” anito at tinapik ang hikaw niya na nakakabit ang hoop sa tainga niya. “That is a translator. Habang nakakabit iyan sa iyo, awtomatikong magta-translate ang mga sinasabi nila sa English o sa Filipino.” Ngumisi siya. “Hindi na ako magno-nosebleed?” “Nasa beta stage pa lang ang translator na iyan. Naisip ko na kailangan mo iyan. Malibang gusto mong ma-acquire ang kakayahan namin na makaunawa ng iba't ibang lengguwahe at makapagsalita nito." Nagningning ang mga mata ni Jermaine. "Paano?" "You have to allow me to mate with you. At may mga kakayahan kami na pwedeng ilipat sa iyo ang anumang kakayahan na gusto namin." “M-Mate?" nagkakandautal-utal niyang tanong. "Make love on a deeper level." At hinaplos nito ang pulsuhan sa leeg niya. “It would be more than physical. Once we are mated, I will be mine and I will be yours. Mas sagrado pa iyon kaysa sa pagpapakasal. No divorce or annulment. Till death do us part. So, do you want to share with my powers?” Bumilis ang tibok ng pulso niya. Mating? Ibig sabihin ibibigay niya ang sarili dito? "Hindi pa ako handa. Strict ang parents ko." Humalakhak ito. "Ipinamimigay ka na nga nila." Bigla siyang uminom ng champagne. “Okay na ako dito sa translator. Thank you.” Kahit pa tinutukso siya ni Enricus, hindi siya natatakot. Hindi naman nito ipinipilit ang sarili sa kanya. At sa dinami-dami ng magagandang rojo sa paligid, siya ang napili nitong makasama. That made her feel special enough. Dahil sa labas ng mundong iyon, hindi nito papansinin ang katulad niya. "Ah! My dress looks perfect on you,” komento ng isang babae na mukhang manyika na basta na lang lumapit sa kanila. Light brown ang kulot nitong buhok. Asul ang mga mata subalit makinis ang mala-gatas at kape nitong balat. Natutop niya ang bibig nang makilala ito. "Shocks! Maria Francesca Conquistar? Kayo po ang nag-design nitong dress?" “Mi pequeña profetisa. My little prophetess.” Bineso siya nito. "Are you a fan of my works?" "Yung kapatid ko po. Nakasalpak pa ang picture ninyo sa dingding ng kuwarto niya. Fashion designing ang course niya kaso po batang nag-asawa.” Halos ‘di tumatanda ang babae. Kaya naman nanatli itong fashion icon sa nakalipas na sampung taon. At tinitingala sa industriya. “P-Pero isang karangalan po na nakapagsuot ako ng damit ninyo.” Hinawakan nito ang braso niya. “Hihiramin muna kita kay Enricus. I want to formally welcome you. Bakit hindi mo muna samahan ang mga kaibigan mo?” At tumingin ito sa direksyon ng grupo nina Claude at Kristian na magkakulumpon sa isang mesa. Parang nag-aalangan pa na umalis si Enricus noong una. Subalit sa huli ay tumango din ito. “Ipinamamahala ko na po sa inyong mga kamay ang mahal na kresme,” magalang na sabi ng binata at yumukod. “Thank you po dito sa dress,” ani Jermaine sa kawalan ng masasabi. Nakaka-starstruck naman kasi ang babae. O dala lang ng aura nito bilang sanguinare. “Kapag po nalaman siguro ng kapatid ko na suot ko ang creation ninyo, baka masabunutan niya ako sa inggit.” “No. Ako ang dapat na magpasalamat. Minsan lang sa ilang libong taon kung magkaroon ng isang kresme. You are rare. At maipagmamalaki ko na sa panahon ngayon, naisuot ng isang kresme ang creation ko. So, you are a writer…” ‘Di siya gaanong makapagtanong sa babae dahil nablangko ang utak niya. Ito na ang nagbato ng tanong sa kanya. ‘Di sinasadya na may mga babae na umukopa sa kabilang mesa. Nag-uusap ang mga ito sa ibang salita habang nakatingin sa kanya. Parang Russian. Nagulat na lang siya dahil narinig niya ang usapan ng mga ito at kusang nag-translate sa English. "I don't know. Is she really a kresme?" tanong ng modelong blonde. "She doesn't look like one." "I don't think she's legit. We have the oculus after all. A kresme with no class. And she thought she could have Enricus? She is delusional,” anang isa at humalakhak nang-iinsulto. Ang mga bruha, mga kabarkada pala yata ni Atrisha. “May problema ba?” tanong ni Maria Francesca. Umiling si Jermaine subalit tumingin ito sa mesa ng mga babaeng mapang-alipusta. “Naiintindihan mo ang sinasabi ng pamilya ng mga Vostok.” "As if naman ipinagsisiksikan ko ang sarili ko sa kanila. Ano bang problema nila sa akin?” mahinang usal niya. “Hindi ko naman ginusto na maging kresme.” "They are just jealous. And those Vostoks are mean girls. Kaya kahit gaano sila kaganda, hindi ko sila kinukuha para mag-model ng creations ko. Their egos are massive.” "Anong pagseselosan nila sa akin?" naguguluhang tanong nila.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
romantic 😍
6d
0nice
17/01/2025
0🫠🫠🫠
14/10/2024
0Tingnan Lahat