“HELLO, goddess!” bati ni Enricus nang sunduin siya sa kuwarto niya matapos ayusan si Jermaine. Hanggang tainga ang ngiti ng lalaki habang pinagmamasdan siya. Nakasuot ito ng white tuxedo at nakasuklay ang buhok palayo sa mukha. He looked immaculate and delectable. Lumapit ito sa kanya at hinaplos ng likod ng palad ang pisngi niya. “You are glowing.” Ngumiwi siya dahil sensitibo pa ang balat niya mula sa ginawa siya. Pero walang masyadong make up na inilagay sa balat niya. Epektibo kung anumang inilagay na serum sa balat niya dahil mistulang salamin iyon sa kintab. Ganoon daw ang natural na balat ng mga may lahing mayari o diwata ng buwan. Nito na lang daw natuklasan ng mga tao ang serum na gamit para doon. Na-modify pa ang serum para gumana agad sa kanya. Haggard na daw kasi ang balat niya dahil sa puyat at stress. Kaya nagsagawa daw ang mga ito ng himala para pagandahin siya. Gusto niya itong awayin dahil sa dami ng hirap na pinagdaanan niya para sa araw na iyon pero nang makita niya ang kaguwapuhan nito at tawagin siyang goddess, nawala na ang inis niya. “Sa dinami-dami ng panto-torture na ginawa nila sa akin ng glam team na kinuha mo, dapat lang naman siguro na mukha akong diyosa. Nahirapan yata sila sa akin. Pakiramdam ko nga hanggang kaluluwa ko nalinis nila.” Nilabakara ng mga fidele ang buong katawan niya matapos siyang ibabad sa gatas ng virgin na kambing. Tapos ay kung anu-anong ipinahid sa kanya. Tinorture naman naman ang buhok niya at matapos iyon ay make up. Pinasuot sa kanya ang royal blue satin dress na off-shoulder. Sa palda niyon ay may nakapatong na tulle na mistulang sumasabog na fireworks na kulay silver. Pero ‘di pa tapos ang pagpapahirap sa kanya dahil pinasuot sa kanya Loubutin shoes na mas mahal pa yata sa lamang-loob niya. “Ginawa lang nila ang trabaho nila. And they did great. Mukha kang mayari na bumaba galing sa langit.” “Pagbibigyan kita sa isang gabi lang na ito, Enricus. Hindi ko talaga forte ang tiis ganda. Pero salamat sa pag-aabala ninyo para sa akin. Kasi sa romance novel lang naman nangyayari ito o kaya sa fairy tale.” Kinabog niya ang sariling dibdib nang pumasok sa ballroom ng mansion. Ngayon lang niya napasok iyon. Animo’y nasa ibang bansa siya o kaya ay pumasok sa ibang panahon. Malawak ang bulwagan. Napanganga siya sa mga chandelier na nakasabit sa kisame na gawa sa kristal at kumikinang sa liwanag. Its ornate gilded ceiling was impressive. Nakakuwadro doon ang iba’t ibang mga larawan ng mga babaeng bumababa mula sa kalangitan habang bilog ang buwan. Parang gusto niyang humilata doon at kuhanan ng picture isa-isa. Habang gawa naman sa marmol ang mga poste ng bulwagan. Puno na rin ng bisita ang malaking silid. Iba-iba ang lahi ng mga naroon. Iba’t ibang ang mga kulay. Pawang mukhang kagalang-galang ang mga ito. May nakasuot ng barong, may mga naka-tuxedo din at Amerikana. Habang may nakasuot ng pambansang kasuotan ng mga ito. Habang ang mga kababaihan naman ay naggagandahan ang mga gown na suot. Mistulang mga modela at artista din ang mga ito sa ganda. Pwera pa ang mga artista at modelo na nakikita niya sa internet. Pawang mga sikat ang mga ito sa Pilipinas at sa ibang bansa. Mahigpit siyang kumapit sa braso ni Enricus. “Nakakaba naman dito. Nakaka-intimidate. Rojo ba ‘yung senador na iyon?” aniya at pasimpleng tumuro sa pinakabatang senador ng bansa na kasama ang asawa nito. “Hindi. ‘Yung asawa niya ang rojo. May mga kakampi kaming mga tao. Tumutulong kami sa magagandang nagagawa ng gobyerno.” Kumapit siya dito. “Y-Yung isa mukhang Kpop artist. Si Tae Young iyon.” “He had a voice of a siren. Kasama sa pang-akit niya bilang isang sanguis. Kaya nga marami siyang fans. Nanay niya ang mezzo.” Nahigit niya ang hininga nang makita ang lalaki na may almond-shaped na mga mata at bagsak ang itim na buhok. Matangkad ito at lean ang katawan. Pero may tindig ng isang mandirigma. “May kamukha pa ni Endemeoun.” “Sino iyon?” “Si Tuxedomask. Noong unang panahon, prinsipe siya ng mundo at si Princess Serenity naman ay prinsesa ng buwan. Iyon ang kwento no’n.” “For the record, sa isang Filipino kinuha ang image ni Tuxedomask. At hindi siya isang prinsipe ng mundo o isang rojo. While Hideo Nagasaki was a warrior who was born during Meiji era in Japan. Isa siyang sanguinare. Anak ng isang tennyo.” “Ka-era niya si Battosai. Kilala kaya niya si Kenshin Himura?” Pinagtawanan siya ni Enricus. “Puro anime naman sinasabi mo.” "Wala namang imposible sa mundong ito. Hindi lang ito pag-aari ng mga tao. Maraming nilalang na nakikita at hindi nakikita. Tawa ka diyan. Ikaw nga itong gawa-gawang bampira lang dati pero totoo palang bampira. Sige nga. Malay mo naman totoo pala si Naruto o kaya si Doraemon.” Inabot nito ang pink champagne at inabot sa kanya. “Okay. Huwag ka nang magtaka kung walang alam si Hideo kay Battosai o kay Sailormoon kapag tinanong mo siya. Malamang ‘di rin niya kilala si Naruto o Doraemon. Isang daang taon siyang natulog mula nang matapos ang digmaan sa pagitan ng mga rojo at umbra. Sa palagay kasi niya ay oras na para magpahinga siya dahil ligtas na ang mundo. Ni hindi niya alam dalawang world war na ang dumaan. Masarap na masarap ang tulog niya sa isla ng Ayashikama habang binobomba ng hydrogen bomb ng mga Amerikano ang Nagasaki at Hiroshima.”
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
romantic 😍
5d
0nice
17/01/2025
0🫠🫠🫠
14/10/2024
0Tingnan Lahat