"PARTY? Sasama ako sa party ninyong mga rojo? Sigurado ka?" Nakamaang lang si Jermaine kay Enricus habang nasa desk niya sa kuwarto kung saan nakatambak sa harap niya ang mga lumang libro ng mga rojo, bukas ang laptop niya at mukha na rin siyang troll habang nagsusulat. Kanina pa siya ‘di lumalabas ng kuwarto dahil hindi niya alam kung paano iha-handle ang lahat ng impormasyon na nakuha niya at paano isusulat. "Oo. Imbitado ang lahat doon,” anang binata. Umiling siya. "Huwag na. Nagsusulat pa ako. Lalo akong hindi makakapagsulat nito. Wala naman akong hilig sa mga sosyalan na ganyan kahit noong nasa labas pa ako. Alam mo iyon, simpleng tao lang ako. Kami ng mga kaibigan ko saktong magkakape lang sa labas, magvi-videoke habang nagkukwentuhan. Minsan na nga lang kami nag-bar, ‘di pa kami nakatagal dahil sa tindi ng usok at ingay. Saka nasa importanteng kwento na ako ng isinusulat ko. Nababaliw na nga ako sa kaiisip dito.” Nasa gitna na siya ng kwento ni Alejandro pero parang bumangga siya sa pader dahil nablangko ang kwento niya. Gusto niyang makausap ang kapatid ni Enricus. Gusto niyang makausap si Alonsina, ang baylan na basta na lang naglaho. Sa palagay niya ay masasagot ng mga ito ang kasagutan sa utak niya. Gusto niyang magawa nang maayos ang kwento ng mga ito sa pamamagitan ng pag-alam kung ano ang totoong laman ng puso ng mga ito. Heto na naman siya. Parang nakikialam na naman siya sa buhay ng iba. And that would only get her into trouble. Inusig na ng mga sanguinare si Atrisha. Isang buwan itong ‘di makakatapak sa Valle dela Luna Rojo at ‘di ito maaring sumama sa mga kasiyahan ng mga rojo. Magaang parusa iyon dahil humingi ito ng tawad sa mga fideleng sina Manang Luming at sa kanya rin. Kahit na may direktdiba mula sa mga sanguinare na maari niyang isulat ang kahit na anong gustuhin niya at ‘di dapat pansinin ang komento ng ibang mga rojo, parang tumatapak pa rin siya sa bubog habang nagsusulat. Dait problema lang niya kung ano ang tama o ang mali. Ngayon ay natatakot na siya na baka makaapekto sa buhay ng iba ang mga isinusulat niya. Ganito pala ang pakiramdam kapag nasa kamay niya ang buhay ng iba. Pero gaya ng sinabi ng sanguinare na si Kaptan, kahit ang mga propeta noong araw ay binababaan lang ng diwa at ang trabaho lang ay magsulat. Kaya pagsusulat lang daw ang gawin niya at huwag nang masyadong mag-isip. Pero trabaho niya na mag-isip at magsulat. At noon pa man, lagi niyang kinokonsidera kung paano makakaapekto sa mga mambabasa niya ang sinusulat niya. Lalo na ngayong may nakasalalay na buhay sa kanya. "Mas kailangan nga na sumama ka sa party. Baka makatulong sa iyo para mas dumami ang ideas mo. Maraming dadalo na mga rojo na galing abroad at mga taong kapanalig ng mga rojo. Baka nga kilala mo pa ang iba sa kanila.” “Artista ba ang nandiyan? Galing Hollywood? Rojo ba si Lady Gaga at hindi isang Illuminati?” Natawa ito. “Huwag kang magpapaniwala sa nababasa mo sa internet. At masasagot lang ang mga tanong mo kung sasama ka sa party.” “Itsura kong ito sasama ako sa party? Saka wala naman akong isusuot…” “Nakahanda na mula sa damit na isusuot mo hanggang sa sapatos na isusuot mo. Sina Madam Aleaja at Madam Lualhati pa mismo ang namili para sa iyo. Naghihintay na rin ang hair and make up artist mo.” Nadismaya siya. Paano siya makakatanggi kung nakahanda na ang lahat para sa kanya? “Wala ka talagang balak na tumanggi ako ‘no?” "Makikita mo. Importante na kasama ka sa party. Wala akong ka-date,” anito at bumagsak ang mukha. Mistula naman itong loser ng klase na walang ka-date sa JS prom sa nagpapaawang anyo nito. "Ikaw, hindi magkakaroon ng ka-date?” natatawa niyang tanong at hinawi ang buhok nito papunta sa noo nito. “Huwag nga ako. Alam ko naman na maraming babae ang nagpiprisinta na i-date ka.” “Paano mo naman nalaman?” Iniwas niya ang tingin. “Basta. May sources ako. Kapag may party daw dito, nagpapadala ng rosas na may patak ng dugo ang nagyaya.” No names. Just the rose and the blood stain. “Kung ano ang napili mo na bulaklak, siya ang makaka-date mo. At ayon din sa source ko, isang buwan pa bago ang party may mga nagppadala na sa iyo ng bulaklak. Sa dinami-dami ba ng mga rojo na nagyaya sa iyo, hindi ka makapili kahit na isa kaya ako na lang?” "Ikaw ang gusto kong kasama sa party. Pero kung ayaw mo talagang sumama sa party, 'di na ako pupunta.” umupo ito sa tapat niya at nangalumbaba. “Dito lang ako at tititigan ka habang nagsusulat ko." Natigilan siya nang magtama ang mga mata nila. Ang puso ko, nag-bungee jumping nang walang tali. Di ito makatarungan. Alam na alam ni Enricus kung ano ang kahinaan niya. Alam nitong isa itong malaking distraction. "Paano naman ako makakapagtrabaho kapag ganyan ang ginawa mo sa akin?" "Exactly. Kaya sumama ka sa party. Nakahanda na ang lahat. Ikaw na lang ang kulang. Please. Pinaghandaan namin lahat para makasama ka. At gusto ko, wala ka nang masyadong iintindihin. All you have to do is come.” Sinapo niya ang sentido. "Naku! Bakit ba di ka na lang ulit naging suplado at masungit?" "Bakit naman?" “Kasi wala akong rason na tanggihan ka kapag mabait ka sa akin.” He could be adorable when he wanted to and she just couldn't say no. Hindi niya alam na posibleng umabot sila sa punto na nagbibiruan at open sa isa't isa. Parang malabo dahil mula nang malaman nito ang existence niya sa mundo, mas madaming insidente na nagtatalo at nag-aangilan sila. Kampante itong ngumiti. “So, that’s a yes?” “Oo na. Ako na ang ka-date mo.”
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
romantic 😍
2d
0nice
17/01/2025
0🫠🫠🫠
14/10/2024
0Tingnan Lahat