"HINDI ito magugustuhan ni Enricus,” naiiling na usal ni Claude habang ginagamot ang sugat ni Jermaine sa music room na bakante nang mga oras na iyon. Iyon ang pinakamalapit sa bulwagan na may first aid kit. “May kalaliman ang sugat mo. Delikado rin dahil alam mo ba na may lason sa kuko ng mga sanguis?” Namutla ang dalaga. “M-Mamamatay ba ako o mapaparalisa katulad ng pag-atake sa akin ni Gene dati?” At napaigik siya nang may ipahid ito na berdeng ointment sa braso niya. “Arrr-aray!” “Tiisin mo lang. Espesyal na gamot iyan para sa mga sugat at may pangontra sa maliliit na lason ng mga sanguis. Hindi kasing tindi ng kagat sa pangil ng mga sanguis ang laso na iyan pero maari ka pa rin lagnatin. Kailangan mong kumain ng agahan para makainom ka na rin ng antibiotic.” Nangaligkig agad ang dalaga maisip pa lang na iinom ng gamot. Pero hindi niya sinabi kay Claude na ‘di niya hilig ang uminom ng gamot. Asikasong-asikaso siya nito tapos mag-iinarte siya. "Huwag mo na lang sabihin sa kay Enricus ang nangyari. Ayoko ng gulo.” "Sa palagay mo ba hindi malalaman ng Enricus ang tungkol dito lalo na kapag ipinatawag si Atrisha ng mga sanguinare?" tanong ng lalaki at tumutok sa kanya ang abuhing mga mata nito. "Pero nag-sorry na sa akin si Atrisha. Kailangan pa bang makarating sa kanila?" malumanay na tanong niya. "They will know. Lalo na at nasugatan ka. Responsilidad ni Enricus ang kaligtasan mo. At kung may masamang mangyari sa pagitan ninyo ni Atrisha, siya ang mananagot sa mga sanguinare.” Ang totoo, hindi niya alam kung ano ang lugar niya sa mga rojo. Hindi niya alam kung sino ang may gusto na manatili sa kaya doon o kung sino ang may ayaw sa kanya. Maaring may kumampi kay Atrisha. Maaring may hindi gusto ang pakiramdam na napanghihimasukan niya ang buhay ng mga ito. Hindi ba ganoon din ang naramdaman ni Enricus sa kanya noong una bago nito matanggap kung ano ang gagampanan niyang papel sa mga rojo. At sa labanan sa pagitan ng mga rojo at tao, malay ba niya kung mas gustong kampihan ng mga ito ang kauri. Dahil baka dumating sa punto na wala na siyang halaga pa sa mga ito. Ayaw niyang mamumuhay sa araw-araw na parang tumatapak sa basag na salamin. “Ano pala ang mangyayari kay Atrisha?” tanong ni Jermaine. Nilagyan nito ng gasa ang sugat niya. “Mapaparusahan siya kapag napatunayan na nagkasala siya. Ang tanging magliligtas lang sa kanya ay kung sinsero ang paghingi niya ng tawad sa iyo. Iyon ang paraan namin dito. Kailangan din malaman ng iba at ipaalala sa kanila kung paano ang tamang trato sa mga fidele at mga bisita. Hindi kami nakakaangat na rojo sa inyo." Gumaan ang loob ng dalaga. Hangga’t alam niyang nasa tama siya, alam niyang may kagaya ni Claude na magtatanggol sa kanya. "Salamat sa pagtatanggol sa akin. Saka sa pagtulong sa akin na makaligtas doon sa BFF ni Novah." "Naku! Wala iyon. Driver lang ako noon. Si Enricus talaga ang nagpilit na sunduin ka. Noong una iniisip ko na baka OA lang ang reaksyon niya at nagseselos lang dahil may iba kang ka-date. Valid naman pala ang pag-aalala niya. As if you have a connection with him. Baka nakatakda talaga kayong magkasama.” “I am sure hindi siya nagseselos. Napraning lang talaga siya dahil alam na niya na ako ang kresme. Sineseryoso niya ang responsibilidad niya bilang rojo.” Ayaw niyang umasa na may higit pa sa koneksyon nila na sinasabi ni Claude. Sinang-ayunan na nila iyon ni Enricus. May kumatok sa pinto. “Monseiur Claude, kasama mo po ba si Miss Jermaine?” Tumayo ito at binuksan ang pinto. “Nandito siya, Cecil,” sagot nito sa fidele na nasa pinto. “Nakahanda na po ang agahan ni Miss Jermaine sa greenhouse.” Lumingon ang lalaki sa kanya. “Tara na. Sasamahan na kitang mag-agahan. Nakahanda na daw ang pagkain mo sa greenhouse. Para naman gumanda-ganda ang araw mo." "Okay lang ba doon? Baka magalit si Madam Aleaja,” nag-aalangan niyang sabi nang lapitan ito. "May special access ka. Pwede ka ngang magsulat doon kung gusto mo. Iyon ang sabi niya. Malawak ang greenhouse at hindi ka naman aabalahin sa pwesto mo kung maaabisuhan ang mga pupunta doon. Siguro dadalhan ka lang ng tsaa at cake ni Madam Aleaja kapag breaktime mo.” "Hmmmm.. Kailan pala kitang ma-interview?” "Naku! Sa akin pa lang mauubos na ang oras mo. Alam mo ba kung ilang taon na ako at kung saan ako ipinanganak?” He was a French Creole from New Orleans. Ayaw sana niyang maniwala na 1800s pa ito ipinanganak at nakasakay pa daw nito si Jose Rizal sa barko nang maglagay sa Amerika. Kung gagawan niya ito ng series, baka kukulangin ang dalawang daang libro sa dami ng mga naging babae nito. Maraming pagkain na nakahain sa mesa. May tapa, pritong bangus, pancakes na may prutas at sinangag. “Madalang akong mag-agahan,” anang lalaki na tapsilog ang pinilig agahan at kapeng barao. "Uy! Okay lang ba iyan sa iyo? Hindi ba sensitive ang sikmura ng mga sanguis pagdating sa pagkain ng mga tao?” tanong ni Jermaine. "Oo naman. We drink blood to cure that." Namutla siya. “Don’t worry. ‘Di ibig sabihin kailangan namin laging uminom sa mga tao. We have artificial blood for that. Kaya ko inimbento iyon para hindi na namin kailangan pang uminom sa mga tao o makiagaw sa blood supply sa blood bank na para sa mga tao.” "How sweet. May breakfast date pala kayo,” narinig niyang komento ni Enricus at naglalakad na palapit sa kanila. "Samahan mo na kaming kumain," yaya ni Claude at kumaway pa dito. "Malamang. Ako ang nagpahanda niyan para kay Jermaine dahil alam ko na magdamag siyang naghintay ng mai-interview at gutom na siya. Ikaw naman ang nakinabang,” ani Enricus sa iritadong boses at umupo sa bakanteng upuan. Parang nagseselos ito sa kanila. "Huwag ka ngang ganyan kay Claude. Ipinagtanggol niya ako kay Atrisha." "Anong nangyari? Siya ba ang may kagagawan niyan?” tukoy ni Enricus sa nakatapal na gasa sa braso niya. “Patingin.” Tinakpan ni Jermaine ng palad ang sugat niya. “Huwag na.” “Sinakmal ni Atrisha ang braso niya habang nagtatalo sila. Hindi kasi nagustuhan ni Jermaine ang pagtrato ni Atrisha sa mga fidele at nagalit din siya dahil hindi pala siya ang ka-partner ni Kristian sa kwento.”
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
romantic 😍
11d
0nice
17/01/2025
0🫠🫠🫠
14/10/2024
0Tingnan Lahat