Call the shots

Paano nito na-recite ang passage sa kwento niya kahit na wala naman itong binabasa? Nakabisado nito agad? She was proud of her books. Pero ibang usapan na kapag lumalabas mismo sa bibig ng lalaking ginawa niyang bida ang isinulat niya. Tapos ay intimidate scene pa. Mahabaging langit. Bakit ba ako nauwi dito?
When she wrote it, she never thought it would come true. Pantasya lang niya ang lahat. It was one of the perks of being a writer. Sa mundo niya, kahit ano pwedeng mangyari. Pwede siyang magkaroon ng happy ending kahit sa Hindi niya naisip na posibleng magkatotoo iyon.
At ihinawak sa abs nito at ibinaba pa hanggang sa waistband ng pantalon nito. “Kaya mo bang pangatawanan ‘yung nasa kwento mo?”
Nanigas ang buong katawan niya. Anu-ano bang kabulastugan ang isinulat niya sa kwento niya. Binawi niya ang kamay mula dito. “Look I am just teasing you. Joke lang talaga iyon.”
“Hindi ako nakikipagbiruan. And I am not done teasing you.” He bit her earlobe. “Wala pang five minutes.”
Buwisit ka, Bruno Mars! Bakit matagal matapos ang kanta mo?
Mali ito. Hindi ito katulad ng nasa kwento ko. Nagmamahalan sila at may nararamdaman silang espesyal sa isa’t isa kaya nila nagawa iyon. This was not it.
Although she could tell that he was a great kisser. Pero di naman niya pinangarap makipag-one night stand lang. At kayang-kaya siyang palambutin ni Enricus. Ano bang alam ng isang virgin na gaya niya na hanggang nobela lang ang karanasan sa love scene? Mukhang sanay na sanay ito.
He pulled her head back. Then his lips trailed ghost kisses from her forehead to her nose, down to her lips. “Does my performance satisfy you?”
Hindi siya makasagot. Enough. Marupok ako. Baka maisuko ko ang Bataan nang wala sa oras.
He massaged the back of her head. Saka gumapang ang labi nito sa leeg niya. “You know what? Kaya ko pang mas gailngan diyan sa nasa kwento mo.”
“Sinasabi mo na malamya ang pagkakakwento mo?” naiinsulto niyang tanong.
“I am just saying that I can do better than fiction. I am willing to prove it to you over and over again. Pero hindi ko naman gagawin ang nasa kwento mo nang walang permiso. Do you want me to kiss you? Do you want me to make love to you? Just say the word…”
She was trembling. His words were caressing her inside out. Gusto pa niyang lumaban. Pero ano pa bang ipaglalaban niya. She was attracted to him. Aniumang oras, baka isuko na niya ang Bataan dito kasama an Corregidor. Hindi na niya mahihintay pa ang katapusan ng five minutes. She wanted to be owned by him.
“Oo na! Oo na!” sigaw niya at biglang tumayo sa upuan.
“Oo na sa halik at sa love scene?”
“Oo… I mean, hindi iyon.” Suminghap siya ng hangin dahil sa palagay niya ay inagaw nito ang oxygen niya kasama ang katinuan niya. Para ba saan siya umo-oo? Ibibigay ba talaga niya ang virginity niya dito? Magmamakaawa? Oras na ibigay niya ang sarili niya dito, ibig sabihin ganoon siya kahina. He would call all the shots. “Pumapayag na akong manatili dito sa Valle at ituloy ‘yung vampire series ko. P-Pumapayag na akong tulungan kayo,” paglilinaw nito.
Lumapit ito sa kanya at hinaplos ang pisngi niya. “Okay. Sigurado ka?” His lips skimmed her jaw. “Pwede naman nating siguraduhin na pumapayag ka. I can give you all your desires.”
Masamang hinahamon ang lalaking ito. Hindi ito titigil hangga’t hindi nananalo. Her soul was crying out to be possessed by him. Masyado ba siyang maraming naisiwalat sa kwento niya kung gaano niya ito kagusto? Ganoon ba ka-intense ang mga eksena sa kwento niya? Sa kwento niya siya ang kumokontrol sa eksena. Pero ngayon siya ang kinokontrol ni Enricus. At sigurista pa.
“Oo na,” iritadong sagot niya at itinulak ang dibdib nito. Kailangang dumistansiya siya dito para makapag-isip siya nang malinaw. “Hindi mo na ako kailangang halikan o akitin para lang patunayan ang punto mo na naniniwala kang isa akong kresme. Imahinasyon ko lang iyon. Hindi mo naman kailangang totohanin ito.”
“And I am part of your fantasy.” At kung dati naiirita ito na pinagnanasaan niya ito, mukhang nasisiyahan na ito ngayon.
“Walang personalan, trabaho lang.”
“What if I couldn’t help myself? O kaya ‘di mo kayang pigilan ang sarili mo?” nakataas ang kilay nitong tanong, hinahamon siya.
“Ibang usapan iyon. Gagawin natin iyon dahil gusto kita o gusto mo ako. That’s natural. What we have between us now is… forced.”
Hinawakan nito ang baba niya. “Ikaw ang may gusto nito. Ibinibigay ko lang ang gusto mo.”
“I was just proving a point.” Kinagat niya ang labi. “A-Akala ko kasi hindi mo naman gagawin ‘yung sinabi ko dahil trip-trip ko lang naman iyon…”
“Para matakot ako at pakawalan kita?” Pagak itong tumawa. “Alam ko naman na iyon lang ang rason para hindi ka pumayag na maging kresme. Pero ngayon, pumayag ka na.” Niyakap siya nito. “Maraming salamat.”
“Whoa! Teka…”
Parang may vacuum cleaner na humigop sa hangin sa baga niya. Niyakap siya ng hubad na katawan nito. Pero nawala rin ang malisya niya nang maramdaman na ‘di naman siya nito niyayakap dahil gusto siya nitong akitin. Nagpapasalamat ito dahil pumayag siya na tumulong sa mga rojo. Na kakampi siya ng mga ito sa laban na iyon. And she melted. She was witnessing his vulnerable side. Hindi ‘yung masungit at laging matapang. That sincere hug and thank you was more powerful than any seduction.
Tinapik niya ang likod nito at kumalas sa pagkakayakap nito. “Itutuloy ko pa rin namang isulat ‘yung kwento. Siguro ‘di bilang kresme pero magagamit pa rin ninyo iyon kung gusto ninyo.”
“Pero bakit hindi mo sinabi sa akin?”
“Sasabihin ko dapat sa iyo dahil sabi mo mag-uusap tayo. Kaso bigla ka na lang nag-Magic Mike sa harap ko. Kung nakinig ka, ‘di ka na sana kailangan pang mag-striptease.”
Nagkibit-balikat ito. “I don’t mind. At least, alam ko na may talent pala ako sa pag-striptease at lap dance. It might be useful for the future.”
I object! Parang ‘di yata niya maaatim na magpe-perform ito sa ibang babae at aakitin din nito. Gahd! Itago mo na lang ‘yang special talent mo. Di kaya ng puso ko. Bakit ba siya nagiging possessive dito? Di naman sila.
“Huwag mo na lang ipagsabi sa consejo na ginamitan mo ako ng special powers mo, ha? Nakakahiya kasi na malaman pa nila ang nangyari.”
Baka sabihin ng mga sanguis na napakadali lang para sa kanya na mapasunod sa gusto ng mga ito. Isang lap dance lang pala ni Enricus ang katapat niya at nasisindak na siya.
Marahan itong tumango. “Kailangan kong ipaalam sa consejo na pumapayag ka nang tumulong sa amin.”
“May ilan lang akong kondisyon. At mas magandang pag-usapan natin iyon bukas ng umaga kapag nakapagpahinga ako. At kapag nakabihis ka na.”
“Bukas ng umaga pa?” tanong nito at dinampot ang hinagis nitong polo kanina. “Bakit ‘di pa ngayon? Magbibihis naman ako.”
Naghikab siya kunyari at tinalikuran ito. “N-Nahihilo na ako sa antok. Mula kagabi ko pa binabasa ‘yung history ng sanguis.”
Pero kahit na tumalikod ito, nakikita pa rin niya ang repleksyon nito sa salamin. Kahit pumikit siya, dama pa rin niya ang presensiya nito.
Huwag ngayong gabi. Mahina pa siya. Wala na siya sa tamang huwisyo. Hindi pa siya nakaka-recover sa striptease ng lalaki. At ‘di pa rin siya nakakabawi sa yakap nito. Magdamit man o hindi ang binata, marupok pa rin siya dito.
Di pa ng ginagamit ni Enricus ang kapangyarihan ng sanguis sa kanya pero marupok na siya. Wala siyang laban dito.
“Pero hindi ka tatakas? Hindi ka uurong?” paniniyak na tanong nito habang ibinobutones ang polo.
“Saan naman ako pupunta? Wala naman akong pakpak para lumipad palabas dito. And I already gave my word. Tutulong ako sa inyo.”
“Okay. Ipapa-reserve ko ‘yung soda pool para sa atin. Para makapag-relax ka naman. Doon na rin tayo mag-breakfast.”
“Kasama ko sina Rafflesia at Eskaya na mag-agahan bukas,” aniya at ihinatid ito sa pinto. Kung silang dalawa lang sa soda fountain, baka may marupok moment na naman siya.
“Hindi ako pwedeng sumama sa inyo?”
Humalukipkip siya. “Gusto ko naman makasama ang mga kaibigan ko. Magkita na lang tayo pagkatapos ng breakfast.”
“Okay. Sweet dreams,” bulong nito sa kanya saka naglakad palayo.
Malakas ang kaba sa dibdib niya nang isara ang pinto at sandalan iyon. She was trapped in the world of sanguis. Parang parte siya ng isang sekretong misyon para iligtas ang sangkatauhan. At dahil lang naging mahina siya sa pag-striptease ni Enricus, dito siya nauwi.
Not really a glorious moment, Jermaine. Not that glorious.
Bukas pagsikat ng araw, may panibagong pagsubok siyang haharapin. At kailangang maging klaro sa mga rojo kung anong katayuan niya sa laban na iyon.
This time, she would call the shots.

Komento sa Aklat (40)

  • avatar
    VirtuzCarlo

    romantic 😍

    12d

      0
  • avatar
    ErislmaAndria

    nice

    17/01/2025

      0
  • avatar
    Silva dos santosJade

    🫠🫠🫠

    14/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata