You need to drink my blood

Sumampa siya sa bubong at tumayo doon. Maaring may mga CCTV sa paligid at dash cam. His energy would take care of that. May dalawang kotse sa pagitan nila. Walang hirap niyang natalunan ang mga iyon hanggang makasampa sa bubong ng taxi na kinalulunanan ni
He could feel the energy inside. Tatlong tao ang nasa loob. There was a struggle. Nakaamoy siya ng dugo. Hindi iyon dugo ni Jermaine. Parang nabubulok ang dugo. It was sinister and evil. Di pa siya nakaamoy ng gano’n.
Dumipa siya at inilawit ang ulo para para tingnan kung ano ang nangyayar sa loob. Mula sa bintana ng kotse, nakita niya na sinasakal ng dalaga ang driver gamit ang metal chain na sukbitan ng bag nito. Habang duguan naman ang mukha ng ka-date nito at sapo ang mukha. His fangs were out. Isang sanguis na hindi kasama sa hanay ng mga rojo gaya nila. Tama nga ang di magandang kutob niya sa lalaki. Di niya alam kung paano iyon nagawa ni Jermaine, but he felt proud.
Pero dahil sa pagkakasakal ng dalaga, nawalan ng kontrol ang driver. Nawala na sa lane, sumampa sa sidewalk at babangga na sa poste ng ilaw. Kailangang mapigilan iyon o madidisgrasya si Jermaine. Tumalon siya sa harap ng sasakyan at ihinarang ang dalawang kamay bago pa tuluyang bumangga sa poste. Narinig niya ang puno ng sakit na sigaw ng dalaga bago pa tuluyang sumayad ang kotse sa mga mga palad niya. Nakayukyok ang driver ng taxi sa manibela. Habang nakasandig ang ulo ng dalaga sa bintana ng sasakyan. Nanlaki ang mata niya nang makita ang kagat ng mga pangil sa balikat nito. Kinagat ito ng sangui na ka-date nito.
Napasigaw siya sa galit. Nahuli na siya. Sinugod niya ang likod ng sasakyan at binuksan ang pinto sa pwesto ng dalaga. Ilalaban niya ito sa sanguis na gustong umangkin dito. Di niya ito isusuko.
Binuksan niya ang pinto at sinalo ang dalaga nang muntik na itong matumba. Wala itong malay. Her date hissed. Handa itong labanan at i-intimidate siya.
Inilabas din niya ang pangil. He hissed louder. Gusto iyang malaman nito na hindi basta-basta ang kinakalaban nito. He was not a sanguis by birth. Isa itong esclavo, isang tao na ginawa lamang sanguis. At kung may katiting itong utak, di nito dapat kalabanin ang isang gaya niya na may dugo ng isang mayari. Mas malakas sila na ipinanganak na sanguis at isang mezzo kaysa tao na ginawang sanguis.
Binuksan ng saguis pinto at tumalilis. Umakyat ito sa bakod na nasa gilid ng highway at tinungo ang dawagan. Tumigil ang dalawang kotse di kalayuan. “Jacko, habulin mo ang esclavo na iyon!” Sumunod naman ang lalaki. “Claude, ‘yung driver.”
Pumunta ang kaibigan sa driver’s seat, binuksan ang pinto at kinapa ang pulso ng tsuper. “Tao ang driver na ito. Buhay pa siya. “Sa palagay ko ginamitan lang siya ng hipnotismo ng esclavo na iyon. Pero tumama ang ulo niya sa manibela.”
Isang kotse pa ang humimpil sa isang tabi at
“Anong nangyari?” usyoso ng isang babae. “S-Saan mo siya dadalhin?”
“Mag-report ka sa 911,” utos ni Claude sa babae at binuhat si Jermaine. “Sabihin mo may driver na walang sakay ang nandito.”
Tumango naman ang babae at nag-dial sa cellphone nito. Kinuha ni Claude ang mga gamit ni Jermaine at sinundan siya pasakay sa kotse nito. Inilapag niya sa backseat ang dalaga. Saka tinabihan ang babae.
“She’s deadly,” komento ni Claude bago inilapag ang high heeled pumps ng babae at ang bag ng babae sa tabi niya. Napansin niya na may dugo ang takong ng isa sa sapatos nito. “Parang kaya niya na labanan ang esclavo nang mag-isa siya. Buti hindi ka tinakong nang kinompronta ka.”
Alam na niya ngayon kung bakit duguan ang mukha ng ka-date nito kanina. Those pumps were deadly. “Pero nakagat siya ng esclavo na iyon. "Sino ‘yung kasama mo? Bakit ka nakipag-date sa kanya?”
Bahagya nitong idinilat ang mata. “E-Enricus? A-Anong ginagawa mo sa akin? M-May bampira.” Napahiyaw na lang ito bigla at umangat ang katawan. “Ahhhh! Ang sakit. Arghhhh!”
Nang tingnan niya ang balikat nito, namumula iyon at may itim na likido na lumalabas. Nalalason na ang dugo nito. Her breath were in snatches. Nagsimula itong lagnatin dahil nilalabanan ng antibodies nito ang lason sa katawan. Kapag intensyon ng isang sanguis na patayin o panghinain ang biktima nito, naglalabas ang pangil nito ng lason para lasunin ng dugo ng biktima.
Hinaplos niya ang magkabilang gilid ng leeg nito para kumalma. umamit din siya ng light na brain suggestion para di ito makadama ng sakit. Pero alam niyang di iyon magtatagal. Mararamdaman ulit nito ang sakit.
"Fuck! He didn't even use the sedative.” Maaring di makadama ng sakit ang biktima kapag kinagat ng isang sanguis. They could even make it feel pleasurale I they wanted to, to make the experience less traumatic. Pero sa kaso ni Jermaine, parang sinadya itong saktan ng ka-date nito. “It looks ugly."
"Walang finesse ang mga umbra,” ani Claude. “Pero ang mahalaga buhay siya. We haven't encountered an infected one for two hundred years. Alam mo ba ang gagawin para ma-counter ang lason sa dugo niya?"
Tumango siya. Kailangan niyang painumin ng dugo ang babae. His fangs grew longer. Dumilat ang mga mata ni Jermaine at nanlaki ang mga mata. "Gahd! Nananaginip na naman ba ako? Ayoko na ng bampira please. Mas pangit pa ito kaysa sa panaginip ko sa iyo dati. Bakit lagi na lang akong nananaginip ng bampira? Hindi mo ako makakagat.”
Pumitlag ito at akmang lalayo sa kanya pero di nito nagawa dahil nanghihina pa ito. "Miss Locsin, you need to drink my blood,” he said in a kind, cooing voice. Parang tatay siya na nagpapainom ng gamot sa may sakit na anak.
Umiling ito. "Ayoko! Magiging bampira ako."
"Hindi ka magiging bampira. That’s a promise.” He nicked his wrist with his fang. Itinapat niya ang pulsuhan sa bibig nito. "Drink from me. Kailangan mong gumaling. Kailangang mawala ang lason sa katawan mo.”
Noong una ay nakatikom pa rin ang bibig nito. Pero sa pagpatak ng dugo niya sa labi nito, bumuka iyon at hinayaan nitong dumaloy ang dugo sa bibig. Ilang sandali din niyang hinayaan na uminom ito mula sa kanya. Gusto niyang mawala ang bakas ng esclavo na iyon sa dalaga. He hated that the other man was able to drink from her.
Namumungay ang mga mata nito at itinutok ang tingin sa mukha niya. "Kapag naging bampira ako, humanda ka sa akin. Kakainin ko ang puso ko."
"Hindi ka magiging aswang.” Kahit na nanghihina ito, di talaga ito umuurong sa laban. Di ito natatakot na komprontahin siya. Subalit dahan-dahan nang pumikit ang mata nito. “Always dramatic."
Hinapot niya ang babae palapit sa katawan niya. He smelled of blood and the cloying scent of the bar where she came from. Even the annoying scent of the strawberry freshener from the car was stuck on her skin. Marami itong pinagdaanan nang mga nagdaang araw - from the bullshit she took from him to that brave confrontation with an esclavo. She was a survivor.
He inhaled deeply once more. Pero unti-unti nang nawawala ang lason sa katawan nito. Makakatulong ang dugo niya para mas bumilis ang paggaling nito. Di niya alam kung gaano kagaling pero nailigtas nila ito bago tuluyang makuha ng esclavo at mawalan ng buhay.
"Did she mean that literally or figuratively?" tanong ni Claude.
"What?" he asked. Sinalubong ni Enricus ang mga mata ng kaibigan sa rearview mirror ng sasakyan.
"That she will eat your heart."
Nagkibit-balikat siya. “Dalhin natin siya sa Valle. Mas protektado siya doon. At kailangan din nating ipaala na may nakawalang esclavo na nambibiktima ng tao sa consejo.”
Saka na niya iintindihin ang banta ng dalaga na kakainin nito ang puso niya. Ang mahalaga ligtas na ito… sa ngayon.

Komento sa Aklat (40)

  • avatar
    VirtuzCarlo

    romantic 😍

    8d

      0
  • avatar
    ErislmaAndria

    nice

    17/01/2025

      0
  • avatar
    Silva dos santosJade

    🫠🫠🫠

    14/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata