Kresme

Nagpuyos ang damdamin ni Enricus. Ito pala ang salarin. Sabi na nga ba niya’t walang matinong magagawa ang babae sa kanya. Kung sinu-sino ang pinaghihinalaan niyang tumraidor sa kanya na malapit sa kanya tapos ito lang pala ang magbubulgar sa kanya.
Mukhang galing iyon sa personal na social media account ng babae. Pang-profile picture nito ang magulong buhok na nakataas sa ulo habang nakatutok ang mga mata sa pink nitong laptop habang may hawak na kape.
Ilang beses na niya itong nao-obserbahan kapag nasa cafe sila. She was the voluptuous type. O dahil lang sa mga damit na sinusuot nito. Di rin nito hilig ang makakapal na make up. Parang wala naman itong pakialam. But she had glassy skin that was calling for his touch and a cute button nose. Mukha itong inosente kung titingnan at parang may sarili itong mundo. She was comfortable with herself and a picture of innocence. Or so I thought.
Binasa nang malakas ni Claude ang profiile nito. “Jermaine Locsin, twenty-seven years old, panganay sa dalawang magkapatid, at anim na taon nang nagtatrabaho sa Beautiful Life Publishing. Nakapagpa-publish na siya ng kulang one hundred na nobela. Single at no boyfriend since birth.”
Ikiniling ni Kristoff ang ulo at patuloy sa pagbabasa ng libro. “Ayon sa kwento na ito, nagkaroon ka ng intimate relationship sa kanya. Totoo ba?”
“Intimate relationship? Imposibleng mangyari iyon. Stalker ko lang iyang babaeng iyan,” angil ni Enricus. “I don’t have intimate relationships with human. Imahinasyon lang niya ang kwento niya na iyon. Remember that the book is still fictional.”
“Wala kang naikwento sa kanya o sa ibang tao tungkol sa atin?” tanong ni Lualhati. Umiling siya. ”Sigurado ka na ordinaryong tao lang siya? Paano kung titkik pala siya ng mga grupo na naghahanap ng bampira. Tapos inilabas niya sa libro para mabulabog tayo.”
“Hindi ko rin alam kung ano ang mapapala nila kung gagawin iyon. I think she’s just an admirer who wants my attention.”
“Wow! Confident na confident,” ani Claude at pumalakpak.
“Writers do that. They immortalize someone they like through their stories. She must be in love.” At pinapungay ni Rafflesia ang mga mata. She looked like a lovestruck puppy. Expect her to turn about love. “Di mo man lang siya nakausap?”
“Minsan ko lang siya sinira tungkol sa pagkuha ng picture ko ng kaibigan niya. But I ruined the cellphone anyway. Hindi ako magkukwento sa kung sinu-sino tungkol sa atin. I know the protocol. Maliban na lang kung kaya niyang basahin ang utak ko. My mind shield is up. Di iyon basta-basta mangyayari.”
“No kiss, no touch?” nanunuksong tanong ni Claude.
Itinaas ni Enricus ang isang daliri. “Okay. There is just one incident… Ininom ko ang dugo niya nang minsang magka-hyperacidity ako.”
“Page twenty!” sabay pang sigaw nina Lualhati at Rafflesia.
“Akala daw niya hahalikan siya tapos bigla siyang kinagat sa leeg,” anang nakababatang babae. “She thought…”
Itinaas ni Kristoff ang kamay. “Shhhh! Babasahin ko.”
“Kapag uminom ka ng dugo sa isang tao o rojo, pwede nilang makita kung sino ka o makakuha ng alaala sa iyo or vice-versa. Kaya nga ingat na ingat tayo na uminom sa mga di natin mapagkakatiwalaan o sa mga estranghero. At iyan din ang rason kung bakit mas mabuting uminom ng synthetic blood,” ani Kaptan na dumidilim nang dumidilim ang mukha.
“Binura ko sa memorya niya ang nangyari,” apela ni Enricus.
“Paano mo ipapaliwanag ito? ‘Yung kwento mo kanina, saktong-sakto sa kwento niya. There was too much information. Naiintindihan ko na may mga tao na hindi tinatablan ng mind suggestion natin. Pero anong ginawan pa niya ng kwento ngayon?” angil ni Kristoff na tumigil na sa pagbabasa.
“Pero pwede naman pong isipin ng mga tao na fictional book lang. Sa dami ng kwento ng mga bampira, di nila iisiping totoo iyan. Pero sobrang nakakakilig talaga Damang-dama ko na gusto ka ng heroine. Ugh! Medyo kadiri lang pantasyahin pero magaling talaga ‘yung writer. As if she is soooo in love. And the love scene is so intense and…”
“Huwag mo nang ituloy,” saway niya sa babae at matiim itong tiningnan. It was an absolute nightmare. He felt like his whole life was ripped open infront of everyone. Kahit pa sabihing gawa-gawa lang ang kwento, mukha at pangalan pa rin niya ang nasa libro. They were fantasizing it was really him. Fuck! “Hindi na pwedeng kumalat pa ang libro. Bibilhin ko ang lahat ng kopya, iaalis ko sa merkado, ipapatigil ko ang publishing para matigil na ang kalokohang iyan.”
“That’s a bit of an overkill. Maraming vampire books diyan. Saka guwapo ka naman sa cover,” nakangising sabi ni Claude.
“Mukha ko ang nakikita ng lahat. Ako at hindi ang writer na iyan ang dinudumog ng mga tao. At ipinagsisigawan ng librong iyan sa lahat na bampira ako at umiinom ng dugo ng tao. Dati, ikinakatakot ko na baka katakutan ako kapag nalamang bampira ako. Pero ngayon inaalok nila ako ng dugo nila?” Vampires were now romanticized.
“Tch! Wala lang iyan. Isipin mo na lang na celebrity ka,” sabi ng dalaga na excited pang pumalakpak. “Magtatayo na ba ako ng fans club mo? You will be the hottest vampire on Earth.”
“Hindi ito dapat ginagawang biro,” saway ni Kaptan. “Hindi tayo ordinaryong tao, Rafflesia. Di natin pwedeng ipagwalang-bahala ito. Kaya tama lang na mawala ang lahat ng kopya niyan.”
“Sorry po,” usal ni Rafflesia pero nakangising inangat ang ulo. “Pwede bang magtira ako ng isa?”
“Alisin ko ang bakas niyan sa mundo,” banta ni Enricus.
“Paano kung isa siyang kresme na nakakakita ng nakaraan o hinaharap? Ilang daang taon na mula nang magkaroon gaya niya. Hindi ba dapat mas mabuting nasa proteksyon natin siya? Malay natin kung ano pa ang alam niya,” suhestiyon ni Aleaja.
“Stalker lang po siya,” giit ng binata. Mas gusto niya na mawalan na sila ng koneksyon dito at bumalik sa sarili niyang buhay. “Kung kailangan natin ng gabay, nariyan ang oculus na magagamit natin.”
Ang oculus ay ang libro na isinulat ng isang kresme na nakakakita ng hinaharap. Iniwan nito ang libro na naglalaman ng mga hula tungkol sa mga gaya nila.
“Walang sinasabi sa oculus tungkol sa sa love life mo,” dagdag ni Lualhati. “I think the books is interesting just the same. Sayang ang mga puno kung gagawin mo lang panggatong ang libro. I could hear it crying for mercy.”
“Ipapa-recycle ko na lang,” usal niya. He hoped that they would stop saving the book. Nakakadagdag lang sa torture niya.
“Gusto ko pa rin na may magmanman sa Artemis Locsin na iyan. Hindi natin alam kung ano ang pakay niya. May mga tao na naniniwalang totoo tayo at itinuturing tayong kalaban. O maaring mas malala pa doon,” malahulugang sabi ni Kaptan, bakas ang takot at pag-aalala sa mga mata nito.
“Sa kwento, may bampira na lumusob sa bidang babae at iniligtas mo siya,” dagdag ni Kristoff.
Ngumisi si Enricus dahil dalang-dala ito sa kwento. “Wala na ang mga Umbra. Matagal na po silang naglaho.”
Ang mga Umbra ay ang mga rojo na naniniwalang mas matataas na uri sila ng nilalang kaysa sa mga tao. They were on top of the food chain. Isang kalokohan na kailangan nilang makisalamuha sa mga tao samantalang maari namang alipinin ang mga ito. Makapangyarihan ang mga Umbra dahil inuubos ng mga ito ang dugo ng mga tao hanggang mamatay ang mga ito. Para sa mga ito, nilikha ang mga tao para maging pagkain lamang.
Dati ay tahimik lang na namumuhay ang mga rojo gaya nila. Subalit nag-aklas ang mga umbra sa pamumuno ng sanguinare na si Osvaldo. Makapangyarihan ito at ang mga tauhan nito at sinuman na tumutol sa alipinin ang mga tao ay mamamatay. Isang malaking digmaan ang naganap dalawang daang taon na ang nakakaraan. Maraming namatay pero sa huli ay nagtagumpay din ang grupo nila. Nalipol ang mga umbra.
Di pa siya ipinapanganak noon kaya naikwento na lang sa kanya. Dalawang taon nang tahimik na pamumuhay. Nagkakagulo ang mga tao subalit sila ay patuloy lang sa buhay at nakikibagay. Ni hindi nila kailangang makipaglaban. Parang ehersisyo na lang sa kanila ang pakikipaglaban at pakikidigma.
“Di natin sigurado. Paano kung may buhay pa sa kanila, nag-iipon ng lakas at basta na lang sumalakay?” tanong ni Kristoff.
“Kung totoong kresme ‘yung writer ng libro, posible kaya na siya ang destiny mo?” tanong ni Aleaja. “Parang gusto kong basahin ang libro. Huwag mong ipa-recycle ang kopya na iyan. Hmmmm… itira mo ang sampung kopya sa atin. Nitong nakakaraang dalawang daang taon, wala nang gaanong exciting na nangyayari sa atin. Let us have our little fun.”

Komento sa Aklat (40)

  • avatar
    VirtuzCarlo

    romantic 😍

    12d

      0
  • avatar
    ErislmaAndria

    nice

    17/01/2025

      0
  • avatar
    Silva dos santosJade

    🫠🫠🫠

    14/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata