"I can't believe that you are mine now" Jad still caressing my hair. "inlove ka na naman" I chuckled. I currently here at their house located also in Mabitac, Laguna same as mine. 3 days ago after I became his girlfriend, after my memorable birthday. Wala ngayon ang parents ni Jad dito sa bahay nila dahil may pinuntahan, ngayon lang kasi lumuwag schedules ko kaya ngayon lang din ako nakapunta dito. Hindi ko pa alam kung paano ile-legal si Jad sa pamilya ko. My original family is so strict when it comes relationships, also may new family. Thanks to Cree and Aziel dahil sinuportahan na lang nila kami. Maybe this is not a right time, hahanap pa ako ng tyempo. "I'm always inlove with you" he answered. Grabe kanina pa 'tong bumabanat! Mamaya babanatan ko na 'to! "so bakit mo ako jinowa agad? Like 2 weeks and 5 days pa lang tayo magkakilala ah?" tanong ko. "kasi baka mamaya may makaagaw! tsaka duh ang hirap pigilan yung feelings" he laughed. Simula nung naging kami, wala ng nagiging matinong usapan. Kung ano-ano na lang topic! Minsan yayakap lang siya sa'kin, plus! He always spoiling me with his kisses. Can't wait na gigising ako sa umaga, nasa tabi ko siya. Ang hirap pa din ng sitwasyon namin. Ilang minuto kaming natahimik. Dahil wala akong magawa kinagat ko siya sa braso, parang hindi pa siya nasasaktan! Confuse lang siyang nakatingin sa'kin. "huh? mahal?" he asked while laughing. Kakagatin ko na sana siya ng mas madiin ng hindi niya lang ako hinalikan sa pisngi bago sa noo. Good bye universe talaga e. Like, bakit ako tumitiklop dito?! Dahil nabo-boring na kami, kinuha ni Jad yung bubbles ng kapatid niya at pinaglaruan. Ayos din 'tong si Jad Layne no. Natawa na lang ako sa kaniya, kaya nakisali na din ako! Taga sawsaw siya ta's ako taga-blow. Para kaming bata. "kuya, andito na sina mama" pagtawag ng kapatid niyang lalaki. "lagot ka" Agad na bumangon si Jad sa kama at gayon din ako. Lumabas kami ng kwarto at bumaba. Nagulat ako sa rekasyon ng mama at papa niya, hindi naman sila nakakatakot, nagulat lang ako. "Hello po, magandang hapon po" I smiled at them bago sila yakapin. "ma, pa. Si Elly po pala, girl friend ko po" Jad introduced me to his parents. Napakamot pa siya sa ulo at yumuko. "girl friend mo?" seryoso na tanong ng papa niya. Loh, laki ng boses jusko ipinagdadasal ko na kaluluwa ko ngayon. "buti naman, matagal na kitang iniintay na may dalhing babae dito" his dad added. Hours passed. Naging abala ako sa pakikipagkwentuhan kay nina tita at tito. And some chikahan with Jad's siblings. Andito ako ngayon, tinutulungan si tita sa niluluto niyang kare-kare, si Jad naghahain ng mga plato do'n. This is my first dinner with his family. 30 minutes after we ate ay umuwi na din ako. Na-miss ko na agad si Jad, hays. Pagkababa ko, tahimik ang paligid. Pagkapasok ko sa bahay, nakita ko si Cree at Aziel na nagtatawanan habang nakain. So, wala dito sina tita Mel? "uy lil sis, kain ka na!" pagaalok ni Aziel. "busog pa ako, kumain na ako kay nina Jad" I smiled. "wala sila?" I asked. "nasa company, as usual. Masanay ka na" Cree said. Tumango tango na lang ako bago magpaalam sa kanila para pumunta ng taas. Pagkaakyat ko, nahagip ng mata ko ang kwarto ni Cree, bukas ng bahagya iyon. Masamang pumasok sa may kwarto ng may kwarto lalo na't kapag walang paalam pero gusto ko lang silipin. Sumilip ako sa nakasiwang na pinto, ayos na sana kung walang sumulpot na pusa sa paanan ko at pumasok sa kwarto ni Cree, kaya lumaki yung bukas ng pinto. Ang dilim ng kwarto niya! I mean, the color, ang dark. Dahil andito na din naman ako, tumuloy na din ako. He has achievements. A lot of achievements from different category. Like basketball, he's also a player huh. On quiz bee, talino naman. At sa iba pa! I can see his dedication. He graduate under Bachelor of Arts??? Nakita ko. He's also an artist?!?! Ang dami niyang certificate under being painter. May mga ilang naka-display din ditong mga ilang paints. Pero ito lang ang nakagaaw pansin sa'kin. His full names. "Cade Kieran? Diaz?" pagbasa ko sa pangalan niya. "ah, so magkapatid lang sila sa nanay?" bulong ko. "yes, may problema ba?" napatalon ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko si Cree. "like?? nabuntis mama mo ng ex niya?..... Diaz?" naguguluhan kong tanong. "hindi sila kasal ng tatay ko, kaya apelyido ni mama gamit ko." he explained. "tulad mo lang" may binulong siya pero hindi ko narinig. Nag-usap lang kami saglit sa karto niya at nilaro ang pusa niya. Pagkatapos noon ay bumalik na din ako sa kwarto ko. Bukas na ako papasok, sa ibang school nga lang. Nabanggit ko na din 'to sa mga kaibigan ko, kahit sila ay nalungkot din. Mami-miss ko sila. Hindi pa naman ako mabilis kumilala ng ibang tao, baka mamaya mahirap silang pakisamahan! Pagkapasok ko sa kwarto ko, napasapo na lang ako sa noo. Makalat, nagmamadali kasi ako kanina kaya hindi ko na naayos. Pinulot ko ang towel ko sa sahig at ilang mga hindi pa nagamit na damit. Ganito na ba ako ka-atat kitain si Jad?!?! Gosh. Niligpit ko na ang mga kalat ko dito, inihanda ko na din yung uniform ko kasi baka magstruggle ako bukas, pagkatapos noon ay pabagsak akong humiga. Ang sakit ng likod ko huhu. 2 AM. Hindi ako makatulog pakshet. To: luvieee can't sleep:( From: luvieee come here, sleep with me. Huli pero hindi kulong! Bakit gising pa 'to?! Alas dos na ng madaling araw. To: luvieee shouldn't you be sleeping? From: luvieee In your bed with you? Yes. I stopped typing because he sent a voice message to the messenger. JL: [I have a lot of school works. Go to your bed and sleep.] In the next day, nagising na lang ako na hindi nakapagpalit ng damit, buti nagising ako sa alarm ko. 9:30 AM ang first class ko, at 7:32 pa lang ngayon. Naalala ko sinusubukan kong matulog kagabi, tapos nakatulog nga ako. Bumaba na ako para kumain. Sabi ng isang maid, nasa school na daw yung dalawa pero nauna si Cree. Ang aga naman nila magising! Mabilis lang akong nakakain, naligo na din ako. Nag-struggle ako kasi yung naisuot kong I.D ay yung sa dati kong school. Ang shunga ko diba. Pagkababa ko, may driver na nag-iintay. Wow, hindi ako sanay! After 20 minutes trip, I'm finally here at school. Bumaba na ako at inayos ang uniform ko. Pinagtitinginan na ako, hindi ko alam kung bakit. May dumi ba ako? Tama naman yung uniform na suot ko! Wala pa akong I.D dahil bago pa ako. Hindi pa ako nakakapasok ng gate ay may umakbay sa'king lalaki. Tinaas ko ang tingin ko at nakita ko si Cree. Hahakbang na dapat ako kung hindi lang kinuha ni Aziel yung bag ko. Ano bang meron at para akong prinsesa dito? "lil sis, remember this. Huwag kang lalapit kahit kaninong mga lalaki ha? ingat ka" Cree. Tumango na lang ako bago pumasok ng room for my first class. It's only 8:15 AM, nagtataka ako bakit nung pumasok ako ay biglang nagsi-ayos ng upo ang mga estudyante at tumahimik. Para saan 'yon? Kulang na lang sambahin nila ako.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
cp please
02/11/2024
0yes
28/08/2024
030000 CP plz!
26/08/2024
0Tingnan Lahat