CHAPTER 8

Chapter 8
Edward's Point of View
"Ah sir, saan na po tayo didiretso?" Tanong ni Manong Jome saakin.
"Sa Hotel na po tayo Manong" sambit ko naman.
Nasa London ako ngayon para sa isang business meeting with my foreign investors kaya medyo pagod na ako. May meetings pa ako bukas kaya kailangan ko ng magpahinga.
Kung nagtataka kayo kung bakit nahsasakita siya ng tagalog, well pilipino naman talaga si Manong, sinama ko lang siya rito dahil wala akong driver.
"Ang dami naman po yata Sir ng pinamili mo".
"Ah oo nga Manong, regalo ko kase ito doon sa kasama ko sa bahay".
Tinitigan ko ang bag na may lagay ng bag, kung ayaw niyang pumili edi pareho ko nalang na bibilhin...
Hindi naman kami natagalan sa biyahe kaya kaagad akong pumasok ng room ko...
"Ah tawagin niyo nalang po ako Sir kapag may kailangan po kayo".
"Sige Manong" pagkapasok ko ay inihiga ko na kaagad ang aking sarili sa kama dahil sa pagod...
Hindi ko namalayan na naka tulog na pala ako at nagising nalang ako dahil sa alarm ng cellphone ko. Mabuti nalang at may linagay ako dahil kung hindi ay mag rurush nanaman ako nito bukas panigurado.
Umupo na ako sabay open ng laptop ko para sa mga gagawin kong presentations bukas. Pumunta muna ako sa baba ng hotel at nag order ng coffee dahil pakiramdam ko ay susuko na ang mga mata ko sa antok.
Busy ako sa pag tatype ng biglang may nakita akong news tungkol sa bank robbery sa may malapit lang rito at ayon sa reports ay gawa ito ng isang sikat na Mafia sa London.
Hirap na talaga sa panahon ngayon ang dami ng mga magnanakaw at masasamang tao. Hindi ko nalang iyon pinansin dahil mas mahalaga itong presentations ko kesa sa mga ganyang issue eh.
Nasa ginagawa ko nasana ang focus ko ng biglang may narinig akong pagsabog sa labas at may bumangga saaking isang tao at mutikan ng mahulog ang laptop ko, mabuti nalang at pareho ko silang nasalo.
Dahan dahan akong gumalaw at ibinaba ang laptop ko sa sahig at tsaka ko naman inalalayan siyang tumayo at pina upo sa kinauupuan ko.
"What are doing here Miss?" Tanong ko sakanya ng makahinga na ako ng maayos.
"I'm being chased by robberies a while ago" mga magnanakaw?...
"Do you mean the Mafias who robbed the bank near here?".
"Yes" sinasabi ko naman. Hindi ko makita ang mukha niya dahil may takip itong tela kaya hinayaan ko nalang. Sinuot niya siguro ito dahil baka makilala siya ng mga killer na iyon.
"Ah are you hurt Miss?" Tanong ko.
"My back is hurt" kaya kaagad akong tumayo para humingi ng tulong pero pagbalik ko ay wala na ito at narinig ko nalang na may mga pulis na sa labas. Baka kasama na niya ang mga puli para sa magiging reklamo niya... Which means na ligtas na siya mula sa mga magnanakaw na iyon. Bakit ba naman nangyari ito, hindi na nga ako nakialam sa issue na iyon pero naka encounter naman ako... Haysst! Tadhana ba ito?... Erase... Erase... Porket nakita mo na ang nadisgrasya mo ng gabing iyon ay maniniwala kana sa tadhana...
Arghhh!!! Ano ba ito oh... Kung ano ano nalang tuloy ang naiisip ko. Kaagad kong kinuha ang laptop ko sa sahig at may nakita akong note sa tabi nito at may nakasulat na - I love you -... Tadhana na nga talaga... Tumigil ka na utak please...
Haysst nagmumukha nalang akong timang rito.
Malay ba natin kung thank you ito para sa ginawa ko or para ito sa iba at nagkataon lang talaga na nasa tabi ng laptop ko... Iyan dapat ang isipin mo Edward at hindi kung ano-ano...
Pumasok na ako ng elevator at plano kong sa kwarto ko nalang ituloy ang ginagawa ko... Dumaan muna ako sa kwarto ni Manong Jome para tingnan kung okay lang siya pero hindi pa nga ako nakakalapit sa pinto ay narinig ko na ang hilik nito kaya nakahinga ako ng maayos... Mukhang napagod talaga ng sobra si Manong...
Pumasok na ako ng kwarto at binuksan ang aking laptop dahil baka nagalaw ang ginawa ko pero nagulat ako ng tapos na ito kaagad at ang ganda pa sa naisip ko... Teka, sino may gawa nito? Nakakatakot tuloy dahil pakiramdam ko may hacker na nag open nito...
May lumabas na file sa screen kaya binuksan ko ito ay may nakasulat sa loob kaya binuksan ko na ikinagulat ko talaga...
-from your secret admirer-
      Tinapos ko na ang ginagawa mo kaya get some reat na...
Napaatras ako pagkatapos kong basahin at itinago ko kaagad ang laptop ko and dahil doon ay nakatulog kaagad ako ng hindi ko man lang namalayan... Hindi nga ako maaring magkamali at ang may gawa nito ay isang hacker... Paano na ang buhay kong ito kung may banta na ganito....
....
Natapos rin ang mga dapat kong gawin dito sa London and about sa nangyari kagabi, wala na akong nagawa kundi gamitin nalang ang presentations na ginawa nung hacker dahil nakatulog ako at umaga na ng gumising...
Nakasakay rin kaagad kami and malapit ng gumabi ng makarating kami. Nakita ko kaagad sina Mommy sa Airport pagkababa ko palang kaya nagmadali ako para lapitan sila... I really missed them so much kahit dalawang araw lang naman ang tinagal ko sa London. Napansin ko si Jenny na ang layo ng tingin saakin kaya linapitan ko ito pero sa malayo lang ang paningin nito...
Well, hindi ko naman siya masisisi dahil natural lang sakanya ang magalit about what I've done, malaki ang naging epekto nito sakanya base narin sa kwento saakin ni Mommy.
"May regalo nga pala ako saiyo Jenny" sabi ko sa pagbabakasakaling kausapin ako nito pero wala talagang nangyari. Linapitan ako ni Mommy at hinawakan ang balikat ko sabay ngiti at tingin na nagsasabing siya na ang bahala.
Pumasok na ako ng kotse at tiningna nalang sila mula rito sa salamin habang nag uusap, I'll do my best for you to be comfortable eith me... Ngumiti ako habang pinagmamasdanv muli ang binili kong regalo para sakanya... At dito ko syempre sisimulan...
Matapos naming ihatid sina Mommy ay nah drive na kaagad ako pauwi. Syempre dinaanan ko muna sina Marie dahil may binili rin akong mga pasalubong para sakanila.
Pinagbuksan ko siya ng pinto pero sa kabila ito dumaan kaya bumuntong hininga muna ako baho binuksan ang gate. Binigay ko sakanya ang susi ng bahay dahil igagarahe ko muna ang kotse. Kinuha ko na ang mga pinamili ko sa London at pati narin ang reglo ko sakanya... Sana talaga ay magustuhan niya ito dahil alam kong paborito niya ito... Well, humingi ako ng tulong kay Mommy kung anong gusto ni Jenny dahil alam kong malapit sakanya ito and sigurado naman akoh hindi niya ako sasagutin kung ako mismo ang magtatanong sakanya.
Naabutan ko itong nagpapahinga sa sofa at ako naman ay umakyat para ayusin itong mga dala ko. May mga binili akong mga damit na para sakanya kaya hindi ako nagpaalam na papasok ako sa kwarto niya. Agad agad akong pumasok at nilapag sa kama ang mga paper bags na laman ang mga pinamili ko...
Isinabit ko sa closet niya ang mga damit at ang mga sapatos tsaka sandals ay nilagay ko naman sa shoe rack sa tabi ng kama niya.
Syempre ang pinaka regalo ko sa lahat... Ang dalawang bag ay nilagay ko sa kama niya at lumabas na ako, tinanaw ko siya mula rito sa third floor at nakita kong nakahiga parin sa couch kaya kaagad akong bumalik sa kwarto ko.
Hinubad ko na ang mga suot ko at pati narin ang mga sinuot ko sa London ay inipon ko na dahil lalabhan ko ito mamaya kapag nakapag pahinga na ako...
Bumaba na ako at nadaanan ko siya na busy sa paggamit ng cellphone kaya hindi k na inabala pa. May taga laba ako rito pero hindi ko muna tatawagan si Manang Celia dahil sigurado akong pagod rin ito dahil bukod kase saakin ay naglalaba rin iyon ng tatlong bahay rito sa subdivision...
Binuksan ko ang ref. at napagdesisyunan ko na magluto nalang ng adobo para sa magiging dinner namin.
Busy ako paghihiwa ng dumaan ito sa harapan ko kaya nag wave ako sakanya pero hindi niya man lang pinansin, grabe talaga siguro ang sama ng loob niya saakin... Pero sa luto ko ngayong gabi... I'm sure na magustuhan niya ito... At mababawasan rin ang galit niya saakin sigurado iyan...
Inilagay ko na sa mesa ang niluto ko at inayos na ang kakainan namin ng biglang tumawag ang secretary ko...
"Hello Ms. Selvanna, gabing gabi na bakit ka ba napatawag?" Umalis muna ako ng dining room para kausapin siya ng maayos.
"We have an emergency Sir" nabigla kaagad ako ng sabihin niyang may emergency kaya kaagad akong nag aayos.
"Call all the department managers and were going to have an emergency meeting at the company" sabi ko at umakyat na ng kwarto. Kailangan kong magmadali dahil mukhang malaking problema ito...
Naabutan kong tulog na si Jenny sa couch kaya nagiwan nalang ako ng note...
Jenny's Point of View
Kailangan kong iwasan si Mokong dahil iyon ang dapat. I'm just here dahil may usapan kaming aalagaan niya kaming dalawa ni baby at iyon lang ang lahat. Sa pamilya niya ay okay ako pero sakanya ay wala akong tiwala dahil masama parin siya. He still takes advantage of me at dahil sakanya ay hindi ko na magawa pa ang mga gusto ko sa buhay...
Nagising ako at nakita kong may note sa tabi ko. So nasa trabaho pala siya... Then that's good dahil hindi ko siya nakikita. Sa totoo lang ay ayaw ko siyang makita dahil naiirita ako kapag nakikita ko siya...
Ayon sa note niya ay may emergency raw sa kompanya niya and mauna na raw akong kumain. Tumingin ako sa dining room at may adobo nga doon na natatakpan. I will not eat it dahil baka may lason lang iyang laman...
Umakyat ako sa kwarto para magpalit ng damit at nagulat sa nakita ko... Maraming mga bagong damit sa closet ko at nasa kama ko ang dalawang bag na nasa picture...
Kaagad kong hinablot ang mga damit at inilagay sa isang garbage bag at pati narin ang dalawang bag... I don't need this!!! You're just proving to me na may masama ka talagang intensiyon. Mas mabuti pa talaga saiyo si Mike kahit linoko niya lang ako...
Dahil ikaw, nag sosorry ka lang kapag nasa harap ng pamilya mo and kapag wala naman sila ay ginagawa mo akong bayaran. Namalayan ko nalang na umiiyak na ako sa sulok.
Nagluto ako ng cup noodles tsaka kumain. Hindi mo ako maloloko Mokong, kung hindi lang talaga sa lintik na kasunduan ay umalis na ako rito dahil bawat sulok nito ay nakikita ko ang kababuyan mo!!!
"Good morning Jenny! Do you like my gifts and the food I cooked for you?" Agad na tanong nito pagkalabas ko ng kwarto pero nilagpasan ko lang ito.
"Hey, Jenny ano sa tingin mo? May gusto ka pa ba? I can cook for you".
"Can you please stop! Kung tungkol doon sa niluto mo, ilinagay ko iyon sa pagkainan ng aso at ang mga damit naman ay inilagay ko sa garbage bag! I don't need your money!" Sigaw ko tsaka bumaba.
"Wait, usap naman tayo. Mali ka lang ng pag aakala".
At hindi nga niya ako tinigilan kahit pinagsabihan ko na siya and as usual, hindi parin siya nakikinig. Palagi parin niya akong binibilhan ng mga gamit na tinatapon ko rin lang naman at mga pagkain na pinapakinabangan lang naman ng aso.
"Let's stop this show okay! Bakit kase hindi nalang namatay ang bata na ito para tigilan mo na ako" mag iisang buwan na kase at napapagod na ako.
Pakiramdam ko ay natamaan ko siya dahil tumigil ito sandali at nakita ko nalang na lumuha ito pero hindi ko iyon pinansin... I know that acting lang ang lahat...
"Okay, ititigil ko na ang lahat ng ito just please don't harm our baby. Kung ayaw mo akong makita ay gagawin ko, gigising ako ng maaga at uuwi ng late para hindi mo ako makita. I'll do everything you want. Ito ang susi ng kotse, at tatawagin ko si Manong Jome para siya ang mag dadrive kapag gusto mong umalis. Si Manang Celia rin para may taga laba at tagapagluto rito" sabi niya sabay alis...
Finally ay narealize niya na ang gusto kong sabihin... Kailangan lang palang sabihin sakanya ng harap harapan eh...
Someone's Point of View
"Hello kuya bakit ka napatawag" nasa gitna ako ng beauty rest.
"Bakit 4.5 billion lang ang pinadala mo saakin last month tas hindi ka man lang makausp!!!?".
"Huwag ka ng mareklamo dahil hindi natuloy ang plano sa hotel dahil nakita ko anv prince charming ko doon and for the second time ay niligtas niya ako".
"I don't care about it! Just gave me a Money".
"Stop it or else ay pasabugin ko iyang ulo mo, I'm in a good mood today dahil nakita ko na siya and dahil doon ay itinigil ko ang pag uwi ko dahil hahanapin ko siya rito sa London"...
End of #TNWMLC -Chapter 08-

Komento sa Aklat (159)

  • avatar
    GabrielJhonryl

    maganda

    08/04/2025

      0
  • avatar
    Muhammad Al-Ilham Al-HusainiAl-Habib Syarif Dany

    Bagus dan cerita elegan

    02/04/2025

      0
  • avatar
    CarilloNeilvin

    not bad

    19/01/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata