Homepage/That Night When My Life Changed/
CHAPTER 46
Chapter 46
Jenny's Point of View
"Tapatin mo nga ako ate! May problema ba kayo ni Josh?" Tanong nito saakin. Hindi man lang ako binati ng magandang umaga kundi isang nakakagulat talaga na tanong.
"Wala" tugon ko naman sabay kusot ng mukha ko. "Anong oras na ba bunso? May pasok pa ako eh" sabi ko nalang para maiba ang topic naming dalawa.
"Wala kang pasok ngayon ate dahil sabado!" Mariin niyang tugon kaya nagkunyare nalang akong nagulat.
"Grabe, sa sobra kong pagod sa trabaho ay nakalimutan ko ng sabado pala ngayon" sabi ko habang nakatingin sa taas.
"Huwag mo nga akong pinagloloko ate, alam kong alam mo na sabado ngayon" tinignan ko siya.
"Paano mo naman nalaman aber? Tsaka totoo namang nakalimutan ko talaga eh".
"Ay wow ate, ikaw na pala si deny girl ngayon. Eh halos kagabi ay sabado na bukas ang laman ng bibig mo hanggang sa matulog tayo. Akala ko nga ay nababaliw ka na" napatakip ako sa bibig ko. Sh*t nakalimutan kong nasa harap ko pala siya the whole night habang nagpapasalamat ako na sabado na ngayon dahil the whole week ay naguguilty ako sa ginagawa kong pag iwas kay Josh.
And I think na napagod narin siya dahil hindi ko na siya nakita kahapon sa school.
"Okay nag jojoke lang ako na hindi ko alam na sabado ngayon" sabi ko nalang. Sana ay makalimutan mo na 'yong una mong tanong pls....
"So may dahilan nga kung bakit mo iniiwasan si Josh?" Sabi nito kaagad kaya nagulat ulit ako.
"Wala nga talaga okay!" Medyo nataasan ko ang pagkakasabi ko para tigilan na niya ako. Na ginawa naman niya kaya tuloy tuloy ako sa labas ng kwarto habang naiwan siyang tulala dahil sa ginawa ko.
Pumunta ako ng kusina at naabutan ko doon si Selline at Jeniel na kumakain.
"Ang aga naman yata ng mga bata ngayon" ngiti kong sabi pero tiningnan lang nila ako ng nagtataka kaya naman nangunot ang noo ko.
"Mommy?".
"Tita?" Sabay nilang sabi.
"Bakit ganyan kayo magtanong at makatingin?" Taka kong tanong na lalong nagpataka sakanila.
"Hindi ba nagpaalam na kami kahapon na may project kaming sayaw at sa bahay nina Khiffer kami magpa practice?".
"Ano?" Gulat kong tanong. "Seryoso?" Pag coconfirm ko dahil baka namali lang ako ng pagkakarinig.
"Tita, totoo po and you answered yes".
"Paano ba naman malalaman ng mommy at tita niyo eh lutang kaya 'yan kagabi" sabi naman ni bunso mula sa likod. Kaya napatingin ako rito na ang sama ng tingin sakin.
"Okay nakalimutan mo na mommy pero hindi ka na pwedeng umayaw dahil nakapag promise na kami ni Selline at kailangan itong project naming sayaw".
"Well, may magagawa pa nga ba ako" sabi ko nalang.
"Don't worry tita, kasama naman namin si lolo Jome" sabi pa ni Selline kaya ngumiti nalang ako bilang sang ayon.
"Bye mommy bye tita" paalam nilang pareho at lumabas na.
"Ako na po bahala sa mga anak niyo" sabi naman ni Manong.
"Sige po Manong Jome" sabi naman ni Bunso at naiwan ulit kaming pareho.
Aalis nasana ako ng bigla niya akong hawakan sa balikat at bumulong...
"Just tell him the truth, para hindi siya umasa... Masakit kase kapag wala kang alam na niloloko ka na pala" then naglakad na ito habang naiwan akong tulala at naistatwa sa kinatatayuan ko.
Ibang iba siya sa Colline na nakilala ko sa ginawa niya kanina. Ilang minuto pa ang nagdaan bago ako nakagalaw at ang una kong tinungo ay ang kwarto ko at umiyak. Her words really hit me very hard.
Oo, alam ko ang sakit dahil naranasan ko na rin kase ang umasa sa wala. Back then when I'm really in love with Mike. Para akong baliw at tanga na habol ng habol sakanya kahit todo ang iwas niya dahil may iba na pala siya. Hindi niya sinasabi saakin and just say different excuses... At ako naman ay hindi nahahalata na niloloko niya lang pala ako. Hindi niya saakin sinabi hanggang sa nalaman ko nalang ang lahat that makes me tremble in fear and sadness thinking about all the efforts I did to him...
But I'm here doing the same thing to the person who's being a good friend to me. Niloloko ko siya dahil hindi ko sinasabi sakanya na ayaw ko na siyang makita. Nag eeffort siya para maka usap ako at malapitan. Habol siya ng habol kung saan saan just to find me and try to talk...
At nakita ko nalang ang sarili ko na nakatingin sa bintana habang itinatago ang mukha sa kurtina dahil nasa labas nanaman siya ng gate at naka upo sa side walk waiting for me and mukhang kakaiba siya ngayon. Unti unti nanamang pumatak ang mga luha ko.
I have no strength to face him. Naaalala ko ang mga pinagsamahan namin kahit sa maikling panahon lang while recalling at the same time sa mga sinabi ng fiancee niya saakin. Kahit anong gawin ko ay wala talaga. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita siyang nagkakaganyan but at the same time ay natatakot na habang tumatagal na kaming nagkakasama ay may taong unti unting nasisira tulad saakin noon ng niloloko ako ni Mike dahil kasama niya si Bunso...
Kaagad kong pinunas ang mga luha ko. Hahayaan ko nalang ang tadhana tutal ay ito naman palagi ang nagbibigay at nananakit saakin eh...
Bandang hapon na ako lumabas ng kwarto at tiningnan muli siya sa bintana pero wala na ito doon.
Bumaba ako at nakasalubong ko si Bunso pero hindi niya ako pinansin at tuloy tuloy lang sa paglalakad. Ako naman ay nawalan ng sasabihin ng makita siya...
Pagpasok ko ng kusina ay nakita ko si Manang Celia. Hindi ko alam basta ay yumakap nalang ako sakanya bigla... Maybe because she's a mother to me and Edward back then.
"Nasasaktan ka ba dahil hindi ko kayang kausapin si Josh?" Tanong niya habang hinahaplos ang likod ko. Hindi ako nagulat ng itanong niya 'yon saakin dahil alam kong nahahalata narin nila. Tanging tango lang ang naisagot ko sa gitna ng aking pag iyak.
"Anak alam ko ang lahat saiyo dahil matagal na tayong nagkasama mula ng maging kayo ni Edward. Saksi ako kung paano ka nagalit sakanya hanggang sa minahal mo siya ng buong buo. At alam ko kung kailan ka nasasaktan ng sobra. Tulad ng magselos ka sa Ms. Miller na 'yon noon and naging maayos ka lang ulit ng nasabi mo ang nararamdaman mo sakanya hindi ba?" Tumango ako ulit.
"Then tell Josh what you wanted. Wala namang mawawala saiyo hindi ba? And at the same time ay wala kang masasaktan na tao dahil sa gagawin. It's up to them kung papaano nila itatake ang lahat. Just remember na gawin mo ang mga bagay na hindi mo pagsisisihan sa huli" Then sa sinabi niyang last sentence ay parang nakita ko sakanya si Mommy Sel ng sabihan niya rin ako noon kaya mas humigpit ang yakap ko kay Manang...
"Thank you Manang".
"No problem" sabi naman niya kaya unakyat ako sa kwarto ko at kumuha ng damit na susuotin para harapin na ng tuluyan si Josh. Sasabihin ko na sakanya ang lahat lahat para tuluyan na niya akong layuan. And kahit may pagsisihan man ako alam kong kaya ko itong lagpasan kumpara sa sisira ako ng isang relasyon na sigurado akong pagsisisihan ko habang buhay...
Madilim na sa labas kaya naman kumuha ako ng jacket na masusuot. Narinig ko ring kumulog kaya kumuha narin ako ng payong.
Tinawagan ko na si Manong at ang sabi niya ay pauwi na raw sila pero na traffic lang daw...
Naglakad ako palabas ng bahay pero hindi ko siya nakita. Dinala ako ng mga paa ko sa playground malapit sa basketball court. Nakita ko siyang naka upo sa swing habang nakatingin sa kawalan.
Dahan dahan akong naglakad papalapit sakanya at bawat lakad ko ay siya namang pagtibok ng puso ko. Hanggang sa unti unti na akong makalapit sakanya. Naaninag ko na ang mukha niya dahil nakatapat sakanya ang street light.
Nakita niya ako at kaagad na tumayo para i offer saakin ang kabilang swing pero hindi ko 'yon pinansin at nanatiling nakatayo.
"Kakausapin mo na ba ako Jenny" nakita ko kung gaano siya kasaya at iniisip ko palang ay nasasaktan na ako.
Napalonok ako ng ilang ulit and cleared my throat and gusto kong magsalita sa isang malamig na boses para talagang maramdaman niya.
"I'm not here to talk to you about what happened between us and to fixed it. I'm here to finish everything" sabi ko sa malamig na tono at walang emosyon na ipinapakita. Ramdam na ramdam ko ang naging reaksiyon niya dahil sa nakakabinging katahimikan.
Kumidlat ng isa kaya naman binuksan ko na ang dala kong payong...
"Your joking right? Hindi ka talaga maganda sa biruan Jenny hahaha" alam kung pinipilit niya lang na ngumiti.
"I'm not joking Josh. Itigil na natin 'to" mariin kong sambit.
"Na offend ka ba sa mga ginawa ko sa naging swimming natin? May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan o may ginawa ba ako?" Sunod sunod niyang tanong na parang nalilito na.
Pinipilit ko ang sarili ko na hindi sumabog... At nag ipon ng lakas ng loob para masabi ang mga salitang hindi ko maabot maisip na masasabi ko sakanya...
"Everything was a lie. Hindi man lang kita kinilalang kaibigan. Sa totoo, galit at na iingit ako dahil inagaw mo saakin ang dapat sakin sa school. And I just be friend to you para malaman ko ang kahinaan mo!" Sabi ko sa malamig na tono.
"Stop this Jenny please, just say your only pranking me" parang nagmamakaawa siya.
Akmang hahawakan niya ako ng umataras ako kaagad. Masakit man pero ito lang ang magagawa ko upang tigilan na niya ako.
"Kalimutan mo nalang na magkakilala tayo dahil matagal na akong namumuhi saiyo at everytime na magkakasama tayo ay nahihiya ako... Because I can't stand a man like you... So just go to h*ll!" Sinadya kong sakitan ang mga salita upang matauhan na siya.
Nagulat ako dahil ngumiti ito ng mapait at tumigin saakin.
Nagsimula na ang ulan kaya inayos ko na ang payong ko habang siya ay nanatili lang na nakatingin saakin at nakangiti ng mapait.
Maya maya lang ay tumulo na ang luha niya na parang pumipiga sa puso ko...
"Hahahaha, para naman akong tanga rito na umiiyak Jenny ay Ms. Valdez" sa pagtawag niya palang sa apelyedo ko ay nanginig na ang mga tuhod ko pero pinilit ko paring tumayo.
"Unang una sa lahat, gusto kong magpasalamat dahil ikaw ang pinaka una kong naging kaibigan dito at sa buong buhay ko. Salamat kase nakipag usap ka saakin noon kahit hindi mo nakikita ang mukha ko. You really save me back then. Salamat kase tinanggap mo kami ng anak ko. Salamat kase naramdaman ko ang magkaroon kahit sa maikling panahon" para na akong iiyak sa sinasabi niya at palakas narin ng palakas ang ulan.
"Pasensiya ka na kung ginulo ko ang buhay niyo. Hindi ko naman sinasadya ang lahat. Ang pagpalit ko ng teacher ay ginawa ko para matanggap lang ang anak ko sa school niyo dahil lahat ng mga test niya ay zero" hindi ko 'yon alam.
"Salamat dahil nagustuhan ako ng mga estudyante at nabukasan ng pag asa ang anak ko na makapag aral na walang nagpapaiyak sakanya. Kase sa London, durog na durog na akong nakikita ko ang anak ko na umiiyak dahil sinisira ng mga babae niyang kaklase ang mga gamit niya. Mga pasa naman galing sa mga lalaki niyang kaklase. Bilang ama masaya ako na nakikita ko ang aking anak na na eenjoy niya ang pag aaral at pagiging bata" wala akong kaalam alam.
"Pasensiya ka na kung naging masyado akong malapit saiyo. Kase ikaw lang ang naging kaibigan ko na magaan ang loob ko. Pero okay na saakin na sinabi mo ang totoo dahil hindi na ako masasaktan pa ng masyado. Salamat dahil kahit mga kasinungalingan lang ang lahat ay pinakita mo parin saakin na parang totoo ang lahat. Kase alam mo, pagod na pagod na kase ako sa buhay ko. Ang sakit kase 'yong magmumukha kang tanga sa harap ng lahat dahil wala kang maaalala tungkol sa nakaraan mo. Sinisisi ko nga ang sarili ko kung bakit ako nagkaroon ng amnesia edi sana ay masaya pa ako na kasama ang mga kilala ko. Hindi ko kase alam kung sino ang mga pagkakatiwalaan. Nag aalala ako kung ano na nga ba ang nangyayari sa mga nakalimutan ko. Hindi ako makatulog dahil iniisip ko kung may pamilya ba akong naiwan sa nakaraan ko, may mga anak ba ako? Ano na nga ba ang kalagayan nila ngayon?... Para akong sinasaksak ng paulit ulit kaya pinilit ko ang sarili ko na makaalala kaya pasensiya ka na kung Ikaw ang nilapitan ko Ms. Valdez. Huwag kang mag alala dahil hindi mo na ako makikita dahil nakapag desisyon na ako na tigilan na ang lahat ng 'to. Dahil alam ko na masaya sa sila siguro ngayon at may mga pamilya narin. Wala namang nag hahanap saakin eh. Kaya sorry kung nadamay ka lang... Pero lahat ng mga ginawa, sinabi at pinakita ko saiyo ay totoo. Sana nga ay magka amnesia nalang ako ulit para makalimutan na kita dahil kahit anong gawin ko, hindi na kitang kayang kalimutan eh. Salamat at paalam Ms. Valdez" mga huli niyang sinabi bago naglakad papalayo at basang basa na sa ulan.
Ako naman ay napaluhod habang humahagulhol na dahil hindi ko na nakaya pang pigilan ang nararamdaman ko. Nasa isip ko parin ang dibdib niya na may peklat...
"Edward" ang pangalang nasabi ko habang nakatingin sa kanya na unti unti ng lumalayo...
"Mommy! Mommy! Mommy!" Rinig kong sigaw ni Jeniel mula sa likuran ko.
Tumigil na ang ulan kaya itinabi ko na ang payong ko habang umiiyak parin...
"Wala na siya" ang sabi ko nalang sa kawalan. Hindi ko alam kung maintindihan ako ng anak ko o narinig niya ba ang sinabi ko pero sa ngayon ay para akong nanghihina...
"Wala na si dad— Sir Josh" sa gitna ng aking pagkatulala ay nagawa ko paring tingnan si Jeniel dahil sa sinabi niya.
Seryoso siya pero maya maya lang ay bigla nalang itong umiyak...
"I failed" bigla nalang nitong sabi at umiyak ng sobra. Parang biglang nawala ang nararamdaman ko ngayon habang pinagmamasdan si Jeniel na umiiyak. Kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit. Bakit parang ang sakit ng nararamdaman niya???
"Ginawa naman natin ang lahat hindi ba?" Napa tingin naman ako kay Selline na mukhang iiyak narin kaya naman kumunot ang noo ko. Anong tinutukoy nila? Hindi ko sila maintindihan?
Nakatayo na kami sa playground habang yakap yakap ko parin si Jeniel na umiiyak...
"I failed to fullfil my promise... I failed to make dad remember anything" naestatwa ako sa sinabi niya... Bakit may dad siyang tinukoy? At failed to make him remember?...
"Maybe we just need him to continue his new life Jeniel" mas lalo akong naguluhan. Bumitaw ako sa pagkakayakap at tumingin sakanilang dalawa.
"What do you mean?".
"It's to late" ang sinabi lang nilang dalawa sabay parehong nawalan ng malay mabuti nalang at nasalo ko silang pareho at nagpatulong ako kay Manong na dalhin sila sa bahay at tatawag nalang ng doctor to check them up dahil wala naman silang lagnat.
Nagaalala namang lumapit saamin si bunso at Manang Celia. Tinulungan nila kaming dalhin ang dalawa sa kwarto ni Jeniel.
And habang walang malay ang dalawa ay kinausap ako ni Manang at bunso. Bigla nalang akong umiyak at sinabi ang lahat lahat. Simula sa nararamdaman ko, sa naging pagsasama namin ni Josh sa maikling panahon, ang pagpunta saakin ng Fiancee niya, hanggang sa mag decide ako na iwasan siya at masabi ang mga masasakit na salita na hindi ko naman ginustong sabihin...
Naintindihan nila ang lahat and humingi ng sorry si Bunso saakin na maluwag ko namang tinanggap. Nagpaalam muna sila saakin kaya ako na lang ang naiwan na nagbabantay sa dalawang bata. Ang sabi ng doctort ay sobrang pagod at kulang sa tulog ang dahilan.
Siguro ay kakalaro lang nila ng mga games tuwing gabi. Umupo lang ako sa isang kahoy habang pinagmamasdan at iniisip kung kumusta na kaya si Josh ngayon. Hindi ko magawang tawagan siya dahil sa sakit ng mga sinabi ko, I'm sure na ayaw na niya akong makita at maka usap. But the idea na siya si Edward sa utak ko'y hindi ko matangal... That scar on his chest is like what Edward have.
Pinikit ko nalang ang aking mga mata para makalimutan na ang mga nangyari. Tulad nga ng mga sinabi ko, alam ko na makakalimutan ko rin siya at mas kailangan ko ngayon ay alagaan ang anak namin ni Edward at bumalik na sa normal kong buhay.
Pagmulat ko ulit ay may nakita akong mga nakakalat na mga papel sa loob ng bag sa may ilalim ng kama ni Jeniel. Dahil sa curiosity ay kinuha ko ito at tiningnan.
Biglang nanginig ang mga kamay ko habang hawak hawak ang mga papel. May mga guhit ito na alam kong gawa ni Anika ang mga ito. Tumulo ang mga larawan na naka guhit habang hinahaplos.
Si Mommy...
Daddy...
At si Papa...
Ang mga nasa larawan.
At ang panghuli ay ako...
Oo ako ang nasa huling larawan ngunit mukha ko pa ten years ago...
At sa likod ng mga larawan ay mga description ng bawat isa...
Magsasalita sana ako ng biglang magsalita si Jeniel na gising na pala ngayon...
"Iyan ang mga taong naaalala ni Dad mula sa nakaraan niya" nagulat ako ng sabihin niya ang dad...
"Sinong dad?" Takang tanong ko.
Habang nakatingin sakanya ay panay ang dasal ko na sana ay ibang tao ang tinutukoy niya at hindi siya... Dahil hindi ko alam ang gagawin kung siya nga ito.
"Si Edward Jones Oliver Monticello ay si Josh Lim Smith na may amnesia" mapait niyang sabi na tukuyang nag paiyak saakin at napayuko.
Iniisip ko palang ang mga sinabi ko sakanya lahat lahat ay hindi ko na kaya...
"Matagal ng patay si Edward" pilit kong sabi. Matagal na siyang wala at ako mismo ang nakakita sa sunog niyang katawan...
"Ng araw na 'yon ay naka ligtas si Tito Edward" sabi naman ni Selline.
Mas lalo akong naguluhan sa mga sinabi nila...
"Alam niyo, magpahinga muna kayo dahil alam kong pagod at puyat kayo" sabi ko nalang dahil baka dala lang ng pagod nila ang lahat. Oo tama baka nagbibiro lang sila.
"Napagod at napuyat kami dahil dito" tumingin ako kay Jeniel at may ibinigay saakin na envelope.
"Hinanap namin 'yan sa lahat ng mga computers, laptops, cameras, at cellphone ni Tito noon na naitago niyo Tita" si Selline naman ulit ang nagsalita.
Ayaw kong tanggapin ang envelope dahil natatakot ako sa mga makikita ko rito pero sa huli ay hawak ko parin ito at dahan dahang binubukasan...
Mas lalo akong naiyak dahil sa mga lamang larawan nito...
End of #TNWMLC -Chapter 46-I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (159)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
maganda
08/04/2025
0Bagus dan cerita elegan
02/04/2025
0not bad
19/01/2025
0Tingnan Lahat