CHAPTER 44

Chapter 44
Crystal's Point of View
"Ma'am Crystal, hindi po namin alam kung saan pumupunta si Sir at kung sino ang mga nakakasama niya" nangangalaiti na ako sa galit dahil sa ibinigay niyang balita saakin.
"L*nt*k Sabrosa! Isang buwan na kaming naririto at sa loob ng mga panahong 'yon ay malaya siyang nakakabas pasok ng condo!?" Sigaw ko dahil hindi ko talaga alam kung ano pa ang gagawin kapag mangyari ang ayokong mangyari saamin ng mahal ko.
"Pasensiya na po talaga ma'am Crystal" p*tch* mas lalong nagagalit ako sa pagtawag niya sa pangalan kong matagal ng nasunog at binaon sa lupa.
"Ako si Lindsey Kim Holland at hindi si Crystal Miller! Tandaan mo 'yan Sabrosa! Gusto kong ipahanap mo sa mga tao mo si Josh at kahit patayin mo na ang batang kasama niya ngayon, gawin mo na ito kaagad dahil patay ka na sa susunod" kaagad itong umalis at ako naman ay naiwang kumukulo ang dugo.
Ayaw ko ng bumalik sa simula ulit after everything that I did to just get him and be mine. Kaagad akong tuamayo at tinwagan siya.
"Sumagot kang g*g* ka!" Sigaw ko dito habang ring lang ng ring ang phone niya.
"Hello bud! Anong kailangan mo saakin this time?" Tanong niya pagkasagot sa tawag.
"Huwag mo akong babatiin dahil hindi ako nasa good mood Kyla! Ang kailangan ko ngayon asy mga gamot!" Sigaw ko.
"Bakit naman, hindi ba ang dami ko ng ibinigay saiyo" may pag kairita ang boses niya na mas lalong nagpainit sa dugo ko.
"Huwag mo akong mapagsalitaan ng ganyan dahil baka gusto mo ng humiga ng hukay!" Banta ko at sandali naman itong natahimik.
"Hindi paba sapat lahat ng mga gamot na ibinigay ko saiyo" sambit niya.
"Ayusin mo ang ginagawa mo dahil mukahg hindi naman gumagana ang nga gamot na 'to".
"Magtiwala ka lang dahil 100% na effective at wala siyang maaalala bastat huwag kang gagawa ng anumang bagay na maari siyang magsupetsa" sagot niya.
"Tigil tigilan mo ako dahil palaging ganyan nalang ang sinasabi mo saakin!".
"Magtiwala ka sakanya dahil 'yan lang ang magagawa mo hanggat naririyan ka sa pilipinas. Hayaan mo nalang muna siyang makapag isip isip dahil darating ang oras na siya na mismo ang mag dedesisyon na bumalik ng London. At kapag nangyari 'yon sigurado akong sayong sayo na siya!" Tugon naman niya kaya pinakalma ko muna ang sarili ko.
"Siguraduhin mo lang dahil alam mo ang kalalabasan oras na suwayin mo ako!" At binababa na ang tawag.
Marami na akong sinakripisyo at madali lang saakin ang lahat lalo na at nasa akin na siya.
Lumabas ako ng opisina at mayroon ng tatlong araw mula ng umalis si Josh kasama ang batang 'yon kaya mamaya ay darating na 'yon.
Naabutan ko ang isa kong tao na papasok na sana ng opisina kaya hinila ko siya pabalik sa loob.
"Anong kailangan mo ha!?" Singhal ko sakanya dahil medyo galit parin ako. Lalo na at kausap ko ang kapatid ko na ang hirap pagkatiwalaan sa mga sinasabi.
"Ma'am nahanap na po ang location ng pinuntahan ng fiancee niyo at napag alaman rin namin na hindi ito isang school outing kundi pang pamilya lang" sagot nito sakin kaya kaagad ko siyang hinawakan sa leeg.
"Sinong mga kasama niya!?" Hinigpitan ko ang pagakakasakal ko saknaya hanggang sa bumaon ang kuko rito at dumugo.
"Ma-am na-asa-sa-kta-nn p-o ako!" Sambit niya kaya binitiwan ko rin siya kaagad ng mahismasan ako sa ginagawa ko.
Napa upo ito sa sahig at paatras ng paatras na parang natatakot na nakatingin saakin kaya medyo nainis ako dahil pinapatagal niya pa ang pagsasabi saakin.
"May balak ka pa bang sabihin saakin ang lahat ha?!" Sigaw ko at tinutukan siya ng baril kaya mas lalo itong nanginginig.
May kinuha itong folder at inabot sakin sabay takbo palabas ng silid habang hawak hawak ang kanyang leeg.
Linagay ko ang folder sa ibabaw ng table ko st umupo saking swivel chair at binuksan ang folder. Nagulat ako ng makita ang mga larawan ng mga kasama niya sa outing...
Isang nag ngangalang Colline...
Felix Gallardo Mendoza...
Selline...
Jeniel...
At
Jenny Kim Liansa Valdez... At napako ang tingin ko sa pagmunukha niya at pangalan.
Ang babaeng unang kumuha sa mahal ko... At ang babaeng dahilan kung bakit ko nagawa ang lahat noon... At ngayon ay naririto nanaman soya para guluhin ang tahimik naming buhay ni Edward.
Hindi ko namalayang napunit ko na pala ang papel dahil sa galit at nakita ko ang baril sa tabi ng table ko na kaagad kong kinuha.
Pero binitiwan ko rin dahil ayokong gamitin ito as much as possible dahil kung talagang coincidence lang ang lahat at makita niya ang Ms. Miller sa katauhan ko ngayon ay maari siyang mag suspetsa na may amnesia lang talaga si Edward at hindi patay.
Kaagad akong tumayo at kinuha ang nerd glass ko sa may mini cabinet dito sa office at sinuot. Kailangan kong mag disguise para hindi ako makilala ni Josh dahil ang pakay ko lang naman ay ang malanding babae na 'yon.
Kinuha ko ang susi ng kotse ko at lumabas na ng kompanya. Btw, ako na nga pala ang bumili ng Monticello company na ngayon ay Del Valle Company na...
Bago ako sumakay ay tinawagan ko muna si Sabrosa dahil hindi na kailangan pang hanapin si Joshbat ang vatang 'yon...
Pinaharurot ko ang kotse ko papunta ng Batangas mula rito sa Manila. Cheneck ko ang oras at 9 na ng umaga. Tamang tama lang ang magiging dating ko doon lalo na kung maiipit pa ako ng traffic...
Jenny's Point of View
[ 6:00 AM ]
Kanina pa akong gising pero hanggang ngayon ay ayaw ko paring lumabas.
"Paano ba naman kase may hinihintay pa 'yan" sabi ng konsensiya ko kaya nanlaki ang mata ko.
"At sino naman ang hinihintay ko aber?" Para akong timang rito na nakikipag usap sa sarili.
"Edi sino pa? Syempre ang one and only Mystery Guy ng buhay mo" napa ngiwi naman ako sa sinasabi ng utak ko.
Juice ko naman! Wala na bang ibang laman ang utak ko kundi siya??? Arghhhh... Ano ba naman 'yan Jenny, ayusin mo sarili mo oh!...
Nagulat nalang ako ng may kumatok sa pinto...
"See? Andiyan na nga siya" habol pa ng utak ko at napadali naman ako papuntang salamin para aysin ang pag mumukha ko.
Pinagbuksan ko siya ng pinto at tumabad saakin ang napaka gwapo at naka ngiti niyang mukha. Bakit ba hanggang ngayon ay nakikita ko parin na siya si Edward???
"Tayo na Jenny" aya niya kaya tumango naman ako.
Haysst... Sige na nga aamin na ako na siya talaga ang hinihintay ko...
"Kanina ka pa ba gising?" Tanong ko.
"Oo eh, sa totoo lang ay kanina pa kita hinihintay sa kwarto kaso parang nauna ka na. Ang aga kaya nagising ni Ella dahil may gagawin pa sila nina Jeniel" namula naman ako sa naging sagot niya like naghihintayan lang pala kaming dalawa.
"Ah ako kase kagigising ko pa lang" sagot ko nalang para hindi masyadong halata.
"Ah ganoon ba? Mabuti nalang pala at naghintay pa ako ng ilang minuto at tinawag ka" ngumiti ito at ako naman ay halos hindi maka tingin sakanya ng diretso.
"Last day na pala natin ngayon dito" sabi nito na medyo humina ang boses.
"Oo nga eh pero na enjoy ko talaga ang stay ko rito lalo na at kasama ka. Masyado ka kayang mabiro" napa takip naman ako sa bibig ko dahil sa mga sinabi ko.
"Ah ako nga rin at nakatulong talaga ang mga payo mo sakin" masaya naman niyang sabi.
Habang naglalakad ay panay ang kwentuhan namin hanggang sa madako kami sa isang topic na hindi ako makapaniwala...
"Mapagkakatiwalaan ba kita?" Tanong nito out of nowhere kaya naman kumunot ang noo ko.
"Ay grabe ka naman saakin, mukha ba akong —" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng magsalita siya.
"Hindi naman sa ganoon. May isasabi kase ako saiyo na isang sekreto na alam mo na, masyadong delikado kapag marami ang makakaalam".
"Ano naman ito?" Kunot noo kong tanong. Well, masaya ako kase hindi pa man kami gaanong katagal na magkakilala pero ang laki na ng tiwala niya saakin.
"Sa totoo lang kase, si Ella talaga ay hindi ko anak at alam na rin niya 'to" nagulat talaga ako at halos hindi nga ako makapagsalita.
"Anong ibig mong sabihin?" 'yan lang ang nagawa kong sabihin pagkatapos ng ipinagtapat niya sakin.
"Mahirap kaseng ipaliwanag ang lahat pero tanggap naman ni Baby eh. Ang totoo nga niyan ay sinusubukan naming hanapin kung sino ang totoo niyang daddy kaya secret lang natin 'to ah" sabi niya pa kaya naman tumango ako.
"Oo naman bakit hindi" ngumiti ako sakanya at naglakad at binilisan pa namin ang paglalakad dahil baka mainip na ang iba dahil ang tagal na namin.
Pagkatapos naming kumain ay naligo ulit ang mga bata at naglaro habang kami namang mga malalaki na ay nag usap usap sa isang cottage at panay ang tawanan. Hanggang sa kumain na kami ng pananghalian at sumakit bigla ang tiyan ko.
"Punta muna ako sa banyo dahil sumakit tiyan ko" sabi ko kaya naman tumingin sakin ang lahat.
"Samahan na kita" sabi ni Josh pero kaagad namang nag ingayan ang lahat at inaasar kaming dalawa. Ang nakakagulat pa ay nakikisali rin si Ella kaya naman tumanggi na ako. Hirap talaga kapag may mga kaibigan kang masyadong maiisyu dahil lang rito...
Naglakad na ako papuntang banyo ng may maka bangga akong babae at nahulog ang salamin niyang suot.
Medyo nakaramdam ako ng kaba ng makita ko ang mukha niya. Nakasalamin siya pero may nakikita ako sa likod ng salamin niya na napaka pamilyar.
"Ikaw ba si Jenny Kim Liansa Valdez?" Banggit niya sa buo kong pangalan.
"Ako nga po bakit?" Grabe ang kabog ng puso ko. Parang ganito 'yong naramdaman ko ng may makita akong babae rin sa gilid ng kalasada pauwi galing Baguio...
"Pwede ba tayong mag usap?" Tanong niya saakin.
"Pwede po, pero saglit lang dahil gagamit muna ako ng banyo" sabi ko sakanya at tumango naman ito.
Binilisan ko lang ang pagbabanyo dahil baka may pupuntahan rin siya. Hindi ko alam kung bakit kaagad akong ounayag kahit hindi ko naman siya kilala at ang pangit namang iwan siya lalo na at nakapayag na ako.
Naglakad kami papunta sa isang silong ng puno ng bigla itong magsalita at lumuhod. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari dahil bigla nalang itong lumuhod sa harapan ko at umiiyak. Mabuti nalang at walang tao rito dahil malaking kahihiyan kapag may makakita saamin.
"Ah miss may probelma po ba?" Kinakabahan na ako na may halong pag aalala.
"P-plea-se, lay-uan mo na po ang f-ian-cee ko. May binobuo na po kaming pamilya" sabi nito kaya mas lalo akong naguluhan. Ng bigla kong maalala si Josh.
"Ikakasal na po kami sa London kaya paki usap ko lang po na sana ay kayo na po ang umiwas sakanya" sabi pa nito.
For some reason ay nakaramdam ako ng awa sakanya at guilt sa sarili ko dahil sa mga ginagawa ko.
"Wala naman po ang lahat ng 'to. Kaibigan ko lang po siya" sabi ko naman.
"Please lang po, sa susunod na linggo ang kasal namin pero ayaw niyang sumama. Ayoko pong masira ang pagmamahalan namin sa loob ng sampung taon kaya please lang" wala na akong nagawa kundi ang tumango nalang habang pinipigilan ang mga luha ko na gustong kumawala sa aking mga mata.
"Gagawin ko po" at hindi ko na siya hinintay pa siyang sumagot at kaagad na tumakbo pabalik ng banyo at dito ko binuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Ang sakit sakit na ng nararamdaman ko dahil habang tumatagal ay mas lalong nahuhulog ang loob ko kay Josh at masaya ako kapag kasama siya without knowing na may nasisira na pala akong relasyon.
Arghhhh... Ang tanga tanga mo kase Jenny eh, bakit ka nagmamahal sa bagong kilala mo palang at hindi mo man lang iniisip kung may mga tinatapakan ka ng tao.
Paulit ulit akong sinasampal ng katotohanan at pinipiga ang puso ko. Para akong nikikisawsaw sa relasyon ng iba na muntikan ng masira.
Simula ngayon ay kailangan ko ng itigil ang kahibangang ito at tuldukan na ang lahat na meron kami at mabuhay ng normal tulad ng bago pa kami magkakilala sa isa't isa...
End of #TNWMLC -Chapter 44-

Komento sa Aklat (159)

  • avatar
    GabrielJhonryl

    maganda

    08/04/2025

      0
  • avatar
    Muhammad Al-Ilham Al-HusainiAl-Habib Syarif Dany

    Bagus dan cerita elegan

    02/04/2025

      0
  • avatar
    CarilloNeilvin

    not bad

    19/01/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata