CHAPTER 43

Chapter 43
Jenny's Point of View
"May sakit ka ba jenny?" Sabay lagay ng kamay niya sa noo ko na ikinaguat ko talaga.
"Ba-akit n-ma-an?" Halos utal utal narin ang pagsasalita ko .
Mabuti nalang at mahina lang ang kanyang boses kaya hindi naririnig ng iba..
"Pulang pula na kase mukha mo" tugon naman niya at mukhang hindi naman njya ako binibiro dahil seryoso ang tono ng pagsasalita niya.
"Wala lang 'to" sabi ko nalang dahil wala akong maisip na dahilan sakanya. Mabuti nalang at hindi siya assuming na siya ang dahilan nito na totoo naman talaga.
"Ganoon ba, pero sabihan mo lang ako kapag may masama kang nararamdaman" teka bakit parang hindi naman yata sakit ang tinutukoy niya pero hindi naman kase sa pagiging assuming pero bakit siya ganyan mag alala kung simpleng lagnat lang naman.
Bumalik kami sa pagiging tahimik ay nakarating narin kami sa wakas sa aming pupuntahan..
Isang beach resort dito sa batangas ang napili nila. Well, hindi nga ako makapag salita ng bumaba ako ng bus na sinasakyan namin dahil mula rito ay tanaw na tanaw na ang dagat at malamig na hangin rin ang sumalubong saamin.
Ako na magdadala nito Jenny" sabi ni Josh na nasa likuran ko at kinuha ang bag na dala dala ko. Nakita ko namang tumakbo na sina Jeniel kasama si Felix kaya no choice na ako kahit nakakahiya na talaga.
Sumunod siya saakin kaya naman binilisan ko na ag aking lakad para makarating kaagad sa iba na nauna na saamin.
Kina usap ni Felix ang isang babae na mukhang personnel ng lugar na ito na in charge sa mga bagong dating. Naghinatay lang kami at habang naghihintay ay hindi ko mapigilang hindi kabahan dahil katabi ko si Josh.
Ilang saglit lang ay bumalik si Felix na may dalang mga susi at may mga name ito.
"Ito na ang mga susi ng magiging room ng lahat habang naririto" sabi niya.
Inabot niya saakin ang isang susi na may pangalan ko at pag tingin ko ng room number ay Room 106 ako kaya naman kaagad na hinanap ng aking mga mata ang room na ito at nahanap ko rin ito sa may dulong kaliwa nitong kinatatayuan naming lahat.
Nabigla nga ako dahil may sariling room rin na kinuha si Jeniel. Haysst mukhang ayaw na talaga akong makatabi ng anak namin ni Edward.
Hindi ko na pinansin ang iba at kaagad na pumunta sa magiging room ko para iligpit ang mga gamit kong dala. Pagkaligpit ko ay humiga muna ako sandali dahil medyo nahilo ako kanina dagdag pa na katabi ko siya.
Ilang sandali ay nag ring ang phone ko at may message sakin si Bunso na kailangan na raw lumabas dahil may gagawin kaming lahat. Inayos ko muna ang damit ko bago lumabas. Nagulat ako ng makita kong palabas din si Josh sa kabilang room at ng tingnan ko ay room 107 ito. Bakit pati room namin dapat magkatabi? Ano ba naman and tadhana mayadong mapaglaro.  Kaagad akong pumasok pabalik ng kwarto ko para hindi niya ako makita kaso may narinig akong parang natumba sa labas kaya tinignan ko kung ano 'yon ay nabigla ako ng makita kong si Josh na nakahiga sa lupa habang hawak hawak ang ulo at tila nasasaktan.
Kaagad ko siyang nilapitan at inalalayang tumayo. Habang hinahawakan ko siya ay bigla nalang itong sumigaw na parang nasasaktan. Hawak niya parin ang kanyang ulo at maya maya lang ay lumuluha na ito at panay parin ang daing. Mukhang hindi niya pa kayang maglakad kaya dahan dahan kaming umupo muli...
Kinakabahan na ako sa nangyayari kaya ang nagawa ko nalang ay ang yakapin siya habang kalong ko siya sa aking mga hita at naka upo parin ako sa lupa dahil parang hindi niya parin kayang tumayo.
Josh ayos ka lang?" Tanong ko sa gitna ng aking pag iyak at mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sakanya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero ang lakas ng pakiramdam ko na parang siya si Edward pero alam ko na hindi ito ang tamang oras para sa mga ganitong bagay. Mga limang minuto ang lumipas bago medyo kumalma si Josh kaya naman inalalayan ko na siyang tumayo papasok sa kwarto niya.
Inihiga ko siya sa kanyang kama at kinuha ang dala niyang bag. Halos hindi na nga ako maka focus sa paghahanap ng gamot niya dahil grabe ang panic ko.
Nag chat muna ako sa kanila ng rason king bakit hindi qko makakapunta at ang niisip ko lang ay ang matutulog muna ako. Dahil kailangan ko munang bantayan si Josh sa kalagayan niya ngayon.
"Josh inom ka muna ng gamot oh" sabi ko at nakahawak parin ito sa kanyang ulo.
Umupo ako sa gilid ng kanyang kama at inalalayan siyang umupo. Pagkatapos ay kinuha ko ang gamot at tubig sa side table.
"Salamat ah" sabi niya saakin.
"Walang anuman 'yon" tugon ko naman. Mabuti nalang at kumalma na siya ngayon.
"Pasensiya ka na kung nakita mo ang ng ganoon" sambit niya at napakamot sa ulo niya.
"Ano ka ba, ang importante ay ligtas ka at maayos na".
"Salamat talaga kase hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka kanina".
"Eh bakit ganoon ka, ano bang sakit mo? Tanong ko at ngumiti lang ito g mapait.
"Secret lang 'to hahahaa. Pasensiya ka na kase hindi ko pwedeng sabihin saiyo eh" sambit niya kaya naman ngumiti ako sakanya.
"Walang problema saakin basta babantayan muna kita rito".
"Huwag na dahil promise na maayos lang talaga ako. Tsaka para saiyo ang lahat ng ito kaya dapat ay mag enjoy ka at hindi dito sa tabi ko" sabi niya pa pero ngumiti lang ako.
"Mas kailangan mo ako rito dahil hindi natin alam kung kailan ulit magiging ganoon ang kalagayan mo".
"Pwede namang umuwi nalang ako" tumigin ako sakanya at ramdam ko ang bigat ng pinagdaraanan niya ngayon.
"Hindi na at baka hindi ka na talaga palabasin ng Fiancee mo kaya ako na ang bahala saiyo dahil nag eenjoy pa naman si Ella kasama ang mga kaibigan niya.
Tumingin ito sa malayo at ako naman ay tumayo para itago na ang kanyang gamot sa bag.
"Minsan nga ay pinangarap ko nalang na namatay nalang ako" nagulat ako sa sinabi niya kaya kaagad akong lumapit sakanya.
"Masamang biro 'yan" saway ko sakanya at tumigin ito saakin na umiiyak.
"Napapagod na kase ako" sabi nito at nakita ko nalang ang sarili ko na nakayakap na ako sakanya.
"Please hindi iyan magandang biro Josh. Maraming tao naman ang nagmamahal at nagpapahalaga saiyo. Andyan si Ella at pari narin ako. Kaya kung nahihirapan ka na, bakit hindi mo kami lapitan at humingi ng tulong? Andidito lang kami Josh" bigla nalang itong humagulhul. At sa bawat iyak niya ay parang pinipiga ang puso ko ng paulit ulit.
"Pagod na pagod na ako" ulit niya kaya naman niyakap ko siya ng mas mahigpit at hinaplos ang kanyang likuran. Wala na akong pakialam kung bawal ang ganito pero para sakin ay tama ito. Kailangan niya ako ngayon kaya hindi ko siya iiwan.
Hindi ko namalayang naka tulog na pala ako sa tabi niya.
Pag gising ko ay nakita ko siyang may ginagawa sa may tabi ko kaya bumangon ako kaagad dahil sa hiya. Bakit dito pa ako nakatulog?
"Hindi na pala kita ginising kanina kase ang himbing ng tulog mo eh" rinig kong turan niya. "Salamat nga pala sa ginawa mo saakin, gumaan talaga ang pakiramdam ko" dagdag pa niya.
"Mabuti naman at maayos ka na" tugon ko naman. Ano ba ang ginagawa mo?" Tanong ko.
"Ah, tinutuhog ko lang itong mga karne at gulay sa barbeque stick dahil gusto raw nilang kumain" sagot naman niya.
Tinabihan ko siya sa pagkaka upo at marami na pala siyang nagawa pero mas marami pa itong gagawin pa lang.
"Tutulungan nalang kita" sabi ko naman.
"Ay huwag na Jenny, just enjoy your stay here. Iyon naman talaga ang pinunta natin dito hindi ba?".
"Sa totoo lang talaga, wala naman akong balak lalo na at may mga gagawin pa ako sa school. Tsaka kapag may mga gusto ang mga iyan, palaging sinasabi na gusto ko o kailangan ko raw para matuloy" tugon ko naman.
"Hahaha, ganoon ba? Sige na nga at malapit ng dumilim".
"Kailan ba iyo iihawin sabi nila?" Tanong ko st nagsimula na rin.
"Ah ang sabi daw mga 7 para daw may kakainin kapag aahon sa dagat".
"Meron pa naman palang sapat na oras" sabi ko naman at natahimik na kaming pareho para matapos na namin kaagad ang lahat.
Siya na ang nagdala ng lahat kahit nag volunteer sana ako na hati nalang kami sa pag dadala. Natatanaw ko na silang lahat na tila sumasayaw.
Oo nga sumasayaw ang lahat habang may camp fire sa gitna. Napa ngiti nalang ako dahil na realize ko na kailangan parin talagang lumabas labas kahit minsan para ma enjoy ang ganda ng kalikasan.
"Doon tayo Jenny" rinig kong sabi ni Josh kaya naman sumunod ako sakanya sa isang kubo na may ihawan.
Nagsimula na siyang maglagay ng apoy at mga uling. Ako naman ay inayos na ang mga iihawin namin.
"Gusto mo bang sumali sakanila? Ayos lang ako rito" sabi niya pero ngumiti lang ako.
"Matagal na akong naka experience ng ganyan kaya okay na ako dito" tumango nalang siya at nagsimula na kaming mag luto.
"Ah Jenny pwede ba kitang iwan muna saglit?".
"Oo naman, pero bakit?" Tanong ko.
"May kukunin lang ako sa room ko" tumango ako at sinimulang paypayan ang iniihaw namin ng mapansin kong palapit si Bunso.
"Hi ate, kumusta ang bonding niyo ni Josh?" Kaagad nitong tanong kaya naman kumunot ang noo ko. Sa dinami dami kase ng pwedeng itanong sakin ay 'yan pa talaga.
"Ano nanaman ang ibig mong sabihin ha?" Tanong ko rito pero nasa niluluto ko parin ako naka tingin.
"Huwag ka ng mag deny ate, nakita ko kayo sa kwarto niya na magkatabi" namula kaagad ang mukha ko kaya hindi ako sakanya lumingon.
"A-no a-ng i-ibig mong sabihin ha?" Halos utal utal na akong magsalita.
"Well, enjoy mo lang ate ang time mo with him kase babalik rin lang naman'yan ng London eh" sabi nito at kumuha ng isang luto na sabay alis at balik sa lahat.
Naiwan naman akong tulala at iniisip ang mga sinabi niya... What if tototo lahat 'yon? Kakayanin ko kaya?
"May problema ba Jenny?" Tanong niya bigla saakin mula sa likuran ko kaya hindi ako kaagad nakasagot.
"Ayos lang ako" tugon ko naman.
Hindi ko alam kung hanggang saan ang ganitong relasyon na meron kami ni Josh pero habang narito siya ay susulitin ko na dahil ayokong mag sisi tulad dati...
End of #RNWMLC -Chapter 43-

Komento sa Aklat (159)

  • avatar
    GabrielJhonryl

    maganda

    08/04/2025

      0
  • avatar
    Muhammad Al-Ilham Al-HusainiAl-Habib Syarif Dany

    Bagus dan cerita elegan

    02/04/2025

      0
  • avatar
    CarilloNeilvin

    not bad

    19/01/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata