Homepage/That Night When My Life Changed/
CHAPTER 41
Chapter 41
Jenny's Point of View
One week narin ang dumaan mas lalo yatang naging close saming dalawa ni Felix si Josh at si Ella naman sa dalawa.
Wala naman saking problema ang lahat pero kay Manang Celia at bunso ay talagang malaki ang issue. Hinahayaan ko nalang silang mag isip ng kung ano ano basta alam ko na hindi naman lahat totoo.
Naririto ako ngayon sa kwarto ay inaayos ang mga papel na para school dahil sabado naman. Sinara ko pang ang pinto para hindi nila ako maistorbo lalo na at may hinahanap pa naman akong mahalagang papel.
Marami na ang naayos kong mga papel at nakita ko na ang aking hinahanap ng bigla ko itong mabitiwan dahil sa gulat. Nanlaki naman ang mata ko ng makita kong nahalo nanaman ito ulit sa karamihan. Napadako ang tingin ko sa pumasok nalang ng bigla bigla dito sa kwarto ko ng hindi man lang kumakatok.
Nakita ko si Bunso na naka ngiti ng pilit habang ipinapakita sakin ang susi ng kwarto.
"Bunso naman, may ginagawa ako oh... Hindi ka ba marunong kumatok?" Tanong ko.
"Ah kase ate, kanina pa ako katok ng katok pero hindi ka naman sumasagot kaya naman binuksan ko na".
"Siguraduhin mo lang na mahalaga talaga 'yan bunso dahil inaabala mo ako eh" sabi ko nalang at halatang kinabahan ito.
"Ah kase ate andiyan sina J—" pinutol ko ang sasabihin niya ng marinig kong tumatawa sa kabila si Jeniel.
"Sino ang kasama ni Jeniel?" Tanong ko.
At nakita ko itong lumabas habang tumatakbo na sinundan naman ni Selline at Ella.
"Teka lang, andidito nanaman ba si Jo—"
"Good morning Jenny" nakita ko itong nakatayo sa pinto ko kaya naman dali dali kong inayos ang buhok ko.
"Magandang umaga rin Josh. Sunod nalang ako sa baba dahil may kailangan lang akong ayusin rito sa kwarto" sabi ko sabay alis niya at hinarap ko si Bunso...
"Hindi ba sabi ko'y Monday to Friday lang dapat sila rito" tinaasan ko ng kilay si Bunso.
"Dumating na ate eh, bakit paalisin ko pa?" Naku naman bunso oh, hindi ka ba marunong maki ramdam sa paligid mo?
Oo nagawa ko ngang makisama at makipag usap kay Josh sa loob ng isang linggo pero deep inside ay gusto ko nalang na magtago sa kung saan. Pinilit ko ang sarili ko na hindi siya siya si Edward na mahal ko pero sa mga kilos niya, sa pakikipag usap niya saakin, sa maliliit na pag aalala niya at lalong lalo na sa pagiging sweet niya saakin kahit alam ko namang wala sakanya ay talagang Edward. Kaya nahihirapan na akong magpanggap kung ganito. Na kahit anong sabi ng isip ko na siya si Josh, pinipilit parin ng puso ko na siya ang minamahal ko.
"Bunso naman, alam mo naman ang nararamdaman ko hindi ba" sabi ko rito at sumeryoso ang mukha nito.
"Oo alam ko ate at kitang kita ko na nahihirapan ka sa kalagayan mo ngayon. Pero desisyon mo ito mula sa umpisa na maging kaibigan niya, na umakto na parang wala lang saiyo ang lahat kaya hindi mo na ito pwede pang talikuran. Isipin mo naman siyana walang kaalam alam sa lahat ate, tsaka kailangan mo rin siguro ito para naman tuluyan ka na ngang maka move on ate dahil malay natin na baka in the future ay maka meet ka ulit ng gaya ni Josh at maapektuhan ka. At least ngayon palang ay handa na ang puso mo" mahabang litanya niya sakin.
May punto naman si Bunso dahil totoo namang walang alam si Josh sa mga nangyayari at masama naman kung basta ko nalang siyang iiwasan ngayong nahanap na niya ang mga kaibigan na pwede siyang maging normal malayo sa buhay na meron siya.
Nauna ng lumabas si Bunso dahil aayusin ko muna ang mga gamit ko rito at magbibihis narin.
Hindi naman ako natagalan at habang naglalakad ako pababa ng hagdananan ay may pamilyar na amoy akong nalalanghap na nagmumula sa kusina. Sandali akong natigilan at ang bilis na tumulo ng mga luha ko. Napa upo ako sa hagdanan at hindi ko magawang tumayo dahil nanghina talaga ang tuhod ko.
Ang pamilyar na amoy na ito ay tulad ng gawa ni Edward noon na talagang minahal ko. Ang kauna unahang binake niya na itinuro niya saakin. Hindi ko na kaya, bakit lahat ng meron si Edward ay nakikita ko sakanya. Dahan dahan akong tumayo at naglakad ng mabagal. Wala naman akong sakit pero talagang nanghina ako... Please lang kung pinaglalaruan man ako ng tadhana ay hindi na ako natutuwa. Hirap na hirap na ako sa kalagayan ko ngayon. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Lalo na at ako lang naman ang nananakit sa sarili ko, sa pamamagitan ng pag papaasa sa sarili ko na siya ang mahal ko na sampung taon ng patay.
Habang naglalakad ako papalapit ay parang nag iiba ang paligid ko. At pagtingin ko ay nasa lumang bahay na ako. Sa bahay kung saan ako nagalit, nainis, at nagmahal... Sa bahay na naging saksi kung paano ko minahal ng sobra si Edward at ganoon rin siya saakin. Narinig ko sa may sala ang tawanan ni Mommy at Daddy habang tila kausap si Mama ag Papa.
Hindi ko na alam ang nangyayari pero parang bumalik talaga ako sa nakaraan. Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad hanggang sa makarating ako ng kusina at andoon si Edward na naka ngiti habang ipinapakita ang bagong bake niya palang na cake. Ngumiti ako ng malawak ng makita ko ang mukha niya.
Hindi ko alam kung bakit pero parang bumalik ulit ang lahat kong lakas at nagmadali akong lumapit sakanya. Nasa kabila siya ng counter dahil nagluluto siya kaya naman sa harap niya ako pupunta.
"Edward honey, sinasarapan mo naman yata iyan ah" sabi ko at biglang umingay ang paligid ko hanggang sa napansin kong nasa bahay ako at nakaharap sa lahat na abala sa pagkain ng cake at mas lalong si Josh naman na gulat na gulat hanggang sa natumba nalang ito bigla kaya nagkagulo kami hanggang sa parang umiikot rin ang panigin ko at nawalan rin ng malay.
Pag mulat ko ay nasa kama na ako habang nasa paligid ko silang lahat maliban kay Josh na hindi ko makita.
"Ayos ka lang ba mommy?" Si Jeniel ang unang nagsalita at yumakap saakin. Yinakap ko rin siya pabalik at hinaplos ng bahagya ang likuran niya.
"Bigla ka nalang kaseng nawalan ng malay ng tawagin mo si Josh sa ibang pangalan" sabi naman ni Felix at natahimik ang lahat.
Kaagad akong tumayo ay sinenyasan sila na gusto ko munang mapag isa. Mabuti nalang at hindi sila tumutol kaya naman mabilis akong bumaba at lumabas. Natagpuan ko ang sarili ko sa may pool. At nakita ko siya sa kabilang dulo habang binabasa ang paa niya.
Gusto kong mapag isa muna pero gusto ng sarili ko na lapitan siya.
Napansin niya rin ako kaagad kaya medyo umusog ito sa kinauupuan niya para bigyan ako ng space.
"Pasensiya ka na sa nangyari kanina" ako na ang unang nag salita para saaming dalawa.
"Naiintindihan ko naman, tsaka wala ka namang kasalanan sa nangyari kanina eh. Talagang natural lang saakin na sumakit ang ulo" tugon naman niya.
"Bakit? May problema ka ba?" Automatic kong tanong sakanya. Tumingin ito saakin at ngumiti ng may halong pait. Ramdam na ramdam ko ang ngiti niyang ito.
"Masyado kasing mahirap sabihin".
"Sana ay maayos mo na kaagad" sabi ko nalang. Parang kinukurot ang puso ko ng sabihin niya ang lahat. Hindi ko alam na mas malalim pa pala ang pinag daraanan niya saakin...
Sabay na kaming pumasok at naabutan namin ang lahat na nasa sala at naka ngiti ang lahat.
"Ano po bang meron?" Nagtataka kong tanong kaya naman tumayo si bunso at mukhang may sasabihing mahalaga.
"Lately napapansin natin na para bang nag iiba si Jenny compare sa normal na siya, kaya naman naisipan naming lahat na bakit hindi tayo gumala at mag pahinga mula sa mga works natin. Dahil lahat tayo ay pagod na pagod na sa ating mga trabaho kaya I suggested na hindi nanam yata masama".
"Ha?" Naguguluhan kong tanong.
"Let's go for an outing na tayong lahat" dagdag pa niya.
"Pero may klase ako sa Monday" sabi ko.
"Ako na bahala Jenny, three days lang naman" sabi pa ni Felix. Bakit nga ba ako mkikipag away na sure namang hindi ako mananalo dahil nakapag desisyon na silang lahat...
End of#TNWMLC -Chapter 41-I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (159)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
maganda
08/04/2025
0Bagus dan cerita elegan
02/04/2025
0not bad
19/01/2025
0Tingnan Lahat