CHAPTER 32

Chapter 32
Jenny's Point of View
"Ang aga mo naman yata ate" sabi ni bunso ng makita niyang palabas na ako ng bahay.
"Hindi ba ang sabi ko, maaga ako ngayon dahil may visitors na darating at may mga aayusin ako sa room ko.  Ikaw nalang bahala sa mga bata basta sabihan mong dumating on time dahil nakakahiya sa mga bisita kung magpapa late sila" bilin ko.
"Sige na nga ate" sumakay na ako ng tricycle dahil tulog pa si Manong.
Tinignan ko ang cellphone ko para i check ang oras. 5:20 na pala ng umaga. Haysst napahaba kase tulog ko eh... Este late na akong nakatulog...
Sa school na pinagtatrabahuan ko ay ako ang in charge sa bulletin board and ang sabi ni principal ay ayusin ko raw at baguhan kaya talagang magiging busy ako nito. Mabuti nalang at may mga nasimulan na ako kagabi.
Lakad takbo ang ginawa ko para makarating kaagad ng classroom. Syempre ang uunahin ko munang lalagyan ng desenyo at aayusin ay ang classroom ko. Mabuti nalang at nagpalinis na ako last friday sa mga studyante ko kaya bawas na ang trabaho.
Habang naglilinis ako ay may nakita akong dumaan na tao at bigla nanaman akong kinabahan na tulad kahapon at noong saturday. Nabitiwan ko ang hawak kong walis tambo at kaagad na pumunta sa may pinto para tingnan kung nasaan na siya pero wala namang naglalakad sa hallway kaya kinusot ko nalang ang mga mata ko.
"Jenny focus okay, guni guni mo lang siguro dahil hindi maayos ang tulog mo kagabi" pilit ko sa isip at bumalik sa ginagawa ko.
Masyado pang tahimik ang buong paligid at tanging mga ingay lang ng ibon ang maririnig ngayon. Maaga pa naman kase para pumasok ang mga bata eh.
Gumugupit ako ng mga colored paper ng biglang mag ring ang phone ko at si Felix ang tumatawag.
"Hello Jenny daanan nalang kita sainyo" sabi nito kaya sinagot ko naman siya.
"Nandito na ako sa campus".
"Ha? Wait... Hindi ba mag sisix palang ng umaga?".
"Oo bakit naman?".
"Aga mo naman".
"Late ka lang gumising".
"Sama mo naman Jenny. Pero totoo lang ah, bakit ang aga mo ngayon?".
"Nakalimutan mo bang may visitors tayo ngayon? Pinapapasok nga ng maaga tayong lahat" narinig ko naman ang tunog ng kama niya na ang ibig sabihin ay tumalon na ito.
"Shyyyyyttt!!! Nakalimutan ko talaga. Lagot na ako nito".
"Malalagot ka nanaman sa dalawang bata mamaya" sabay tawa at siya naman ay nagpakawala ng ilang buntong hininga.
"Sige Jenny, mamaya nalang tayo mag usap at magmamadali na ako" tumawa nalang ako dahil iniimagine ko palang mukha niya mamaya sa harap nina Jeniel at Selline ay napapatawa na ako.
Ibinalik ko nalang ang phone ko sa bag at bumalik muli sa ginagawa ko. "Haysst Jenny naman ang sabi mo ay mag fo focus ka na pero sa ginagawa mo'y mukhang hindi mo 'yan matatapos" sabi nitong konensiya ko.
"Kung tulungan mo nalang kaya ako at hindi ang maging napaka nega" sabi ko naman. Jusko! Kung may estudyante rito ngayon ay pagtatawanan nila ako for sure. Syempre para akong baliw na nakikipag usap sa sarili ko.
"Ma'am are you okay? May problema po ba?" Ay! Palakang kinain ng butterfly!
Nagulat ako doon at ng makabawi ay nakita ko si Anika na naka kunot ang noo.
"I'm okay. Wala naman nak, may iniisip lang si ma'am" sabi ko hahang kumakamot ng ulo. Arghhhh... Gusto ko ng magpakain sa lupa ngayon dahil sa kahihiyan.
Halos hindi nga ako makatingin sakanya ngayon dahil sa hiya eh. Nagulat nalang ako ng bigla ako nitong yakapin ng mahigpit.
"Okay lang iyan ma'am" sabi nito tapos biglang umiyak. Shemay bakit umiyak siya imbes napagtawaan ako???
"Salamat anak ah. Pero bakit ka naman umiiyak?" Tanong ko.
"Kase po pareho lang tayo. May problema po ako kase hiwalay na ang mom and dad ko" nagulat ako sa sinabi niya dahil noong family day dito sa school eh ang close kaya nilang tatlo ng mga magulang niya. In fact ay nanalo nga sila dahil sila ang Best family sa lahat.
"Baka iba lang ang pagakakaintindi mo anak" sabi ko at niyakap siya ng mahigpit. Mas lalo pa itong umiyak.
"Iniwan na po talaga kami ni mommy dahil sumama na siya kay tito. Sa kaibigan nila ni Daddy" boy best friend ba ito??? Hinaplos ko ang likod niya ng mahina para patahanin.
"Anak ganito nalang ang gawin mo, support your father right now kase kailangan ka niya and isipin mo nalang na everything happens for a reason" sabi ko at tumango naman siya sabay punas ng mga luha niya.
Naawa tuloy ako kay Anika, she's too young for these...
Tinulungan niya ako kahit tumanggi na ako dahil wala naman daw siyang magagawa and habang nadadagdagan ang mga estudyante ko ay mas bumibilis ang mga ginagawa ko. Mukhang baliktad yata ang naisip ko dahil pinili kong agahan para hindi ako maabala ng mga bata at mapadali pero mukhang mas malaki nga ang naitulong nila eh.
Naging maayos naman si Anika at nariyan narin ang mga kaibigan niya na pinapagaan nila ang loob niya. I smiled while watching them all, pasaway lang sila at makukulit pero they are all reliable and generous.
"Ah mga anak mauna na ako sainyo dahil ilalagay ko lang ito sa may bulletin board sa labas" sabi ko kaya naman tumango silang lahat.
"Pero may regalo kayo sakin dahil sa pagtulong ninyo" tumingin naman silang lahat sakin na ang lalapad ng ngiti sa labi.
"Thanks ma'am" sabi nilang lahat at pinapasok ko na ang inutusan kong bumili. Hindi pa sila kumpleto kaya iyong iba ay mamaya ko na bibigyan. Syempre para lahat ay meron.
Naglalakad na ako ng hallway at binabati ako ng mga estudyanteng nadadaanan ko. Mangilan ngilan palang ang mga nandidito kaya bigla akong nagtaka ng mapansin kong ang aga naman yata ng mga estudyante ko.
Mabilis naman akong nakarating sa pupuntahan ko. Inilapag ko na ang mga dala ko at sinimulan na ang pag gawa. Natapos ko rin naman kaagad ng bigla kong makita nanaman ang taong naglakad sa may room kanina.
Ibig sabihin ay hindi ako namamalik mata lang at totoo ang lahat. Napahawak nanaman ako sa dibdib ko sabay lakad sa pinuntahan niya. Hindi ko alam pero gustong sundan ng mga paa ko ang taong 'yon. Hanggang sa tumigil ako sa may bandang utility room dahil hindi ko na siya makita. Si Manong janitor nalang ang nakita ko na kumukuha ng mga pang linis.
"Good morning ma'am ano po bang kailangan niyo?" Tanong ni Manong kaya nagulat ako dahil panay ang tingin ko sa paligid pero wala na talaga ito.
"Ah wala naman po Manong" sabay alis at mabilis na naglakad pabalik.
What's happening to you Jenny? Tanong ko sa sarili ko dahil naguguluhan na talaga ako...
Nasa may principal's office na ako ng makita ko nanaman iyong tao sa may gate kaya kaagad akong pumunta roon pero napatigil naman ako ng makita kong papasok si Jeniel at Selline. Nagtago nalang ako sa isang malaking puno dahil siguradong tatanungin nanaman nila ako ng kung ano ano.
Maya maya ay nakita kong may mga dala ang mga iba ko pang estudyante at sumabay sa dalawa habang nagkukwentuhan kaya nagtaka naman ako. Kahit kase ibang mga students dito ay napapatingin sakanila.
Hindi na akong nagdalawang isip pa at kaagad na sumunod pero sa kabilang hallway ako para hindi nila ako makita.
Ng makarating ako ng classroom ay nagulat ako sa nakita ko... Napakaganda na nito at malayong malayo sa mukha kaninang pag alis. Nakita kong nasa harapan si Jeniel at Selline habang may sinasabi sa lahat.
Ok nga pala, ang dalawang iyan ang class president at vice dito... Si Jeniel ang na elect na prisedent samantalang vice naman si Selline. Walang tumututol dahil talagang magaling na pinuno ang dalawang iyan.
In fact, lahat ng mga teachers nila ay halos ayaw na silang pakawalan dahil ang klase nilang lahat mula grade 1 ay palaging nasa top.
Pano ba naman kase eh talagang kina career nila ang pagiging pinuno.
They helped each other and in fact lahat sila ay may mga contest na sinasalihan taon taon at walang naiiwan sakanila. Hindi ko alam kung paano nila patakbuhin ang isang klase pero isa lang ang sure ako, that they are very responsible na talagang ginagalang sila ng mga kaklase nila.
"Good morning ma'am" sabay sabay nilang bati sakin ng pumasok ako. Btw, si Selline at ang anak ko ay ma'am rin ang tawag sakin bastat nasa loob kami ng school. Minsan nga eh gusto ko ng tawagin nila ako sa usual call nila dahil hindi ako masyadong sanay sa formality nila eh.
Pumasok na ako at parang ayaw ko na ngang ipasok ang suot kong sandals dahil sa linis ng sahig.
Nag start na ako sa lesson dahil ang sabi ni principal ay darating nalang raw ang mga visitors ng biglaan para mag observe ng mga classrooms.
Well, hindi naman ako kinakabahan dahil alam kong sa sarili ko na magaling ako. And isang professional college professor kaya nagturo sakin. Syempre basta turong Edward magaling... Hahaha para na tuloy akong baliw rito na nagbubuhat ng sariling upuan.
So sa chika na muna tayo mga marites.. char lang hahaha... May pinapasagutan pa naman ako sa kanila kaya may oras pa ako para mag explain hahaha.
Totoo naman pala ang sinasabi ni Jeniel sakin nung Saturday na may meeting siya and ito ang tinutukoy niya. And I'm really impressed of what they did. Tinalo pa nila ang mga sikat na event designers. Pero syempre hindi naman masyadong over ang design na magmumukhang reception. Iyong pang classroom lang talaga syempre. Sa totoo lang kase, may dalawang student ako na talagang mahilig sa designing kaya I'm sure na sila ang pinagawa ni Jeniel. Wait, so saan sila kumuha ng budget para sa mga materials? Don't tell me na gumamit sila ng galing sa mga parents... Naku naman kung totoo nga...
Maya maya lang ay lumapit sakin ang class treasurer na si Lea at ang dalawang business manager na sina Kiara at Lian sabay bigay sakin ng papel na naka fold.
Bumalik sila sa kinauupuan nila at ako naman ay tiningnan ang laman ng papel and talagang nagulat ako. Naka sulat lahat ng expenses sa mga materials at ang mga tira mula sa mga projects na ginawa nila at ang savings na kanilang naipon. What the heck! Nagulat talaga ako dahil sa ayos ng pagkaka sulat ng lahat. Hindi ka malilito magbasa kahit karamihan ay mga numbers lang dahil properly labeled ang lahat. At ang mas ikinagulat ko pa eh. May mga savings pa sila na mula pang grade 1. Naka hinga nga ako dahil hindi galing sa mga parents nila pero namangha ako on how they managed their savings...
Ano ba naman 'yan, eh mas maayos pa nga ito kesa sa ginagawa naming paglilista ni bunso sa mga expenses at income namin mula sa bakeshop eh.
Napatingin ako sa kanila na ngayon ay kausap si Jeniel na parang may pinag uusapan with Selline at ang secretary naman ay nagsusulat kung ano ang mga sinasabi nila. What the! Nasa loob ba ako ng malacañang lord??? Talaga bang grade 5 itong tinuturuan ko? Para kaseng nasa college level na ang mga mentality eh...
Pagkatapos ng test ay check agad and as usual ay lahat pasado. Paano ba naman kase. Bawat subject ay may kaklase silang nagpapaliwanag ng lessons ahead of time na nakakatulong talaga saaming mga teachers nila para mas mapadali ang pagtuturo.
Maya maya lang ay dumating na ang mga visitors na ang nasabi kaagad pagkapasok palang ay "wow".
Hidi ko maitago ang tuwa and medyo hiya dahil almost all ng naririto ay gawa ng mga students ko though hindi naman ako naiingit at sa totoo lang masaya nga ako dahil naiintindihan nila kungg gaano kami kapagod sa mga trabaho namin and they do other things na kaya nila without waiting for our request.
Itinuloy lang namin ang discussion and napaka gaan lang ng nangyaring pagtuturo. And laglag panga ang mga observer the whole time. Paano ba naman kase, ang fluent ng mga students ko sa English kapag sumasagot at straight tagalog naman kung kailangan. Talo pa nga yata nito ang mga private schools na English ang pangunahing language na ginagamit.
They congratulate me and my students after for our wonderful performance the whole time. And to be honest ay gusto nila akong maka usap kung paano ko nagagawa ito pero tumanggi ako dahil may gagawin pa akong report sa principal's office kaya naman si Selline at Jeniel na ang nag presenta na makikipag usap sa mga bisita dito mismo sa loob ng room.
Kinabahan ako pero ng tumigin ako sa buong klase ay iisa lang ang sinasabi ng kanilang mga mukha... Trust us ma'am...
Kaya naman nagpaalam na ako. Grabe talaga ang mga ganap sa buhay ko. And dumagdag pa ng makita kong muli ang tao kanina kaya naman nagmadali akong maglakad para sundan ito ng makasalubong ko bigla si Felix na ang tamlay ng mukha... Anong nangyari rito???
End of #TNWMLC -Chapter 32-

Komento sa Aklat (159)

  • avatar
    GabrielJhonryl

    maganda

    08/04/2025

      0
  • avatar
    Muhammad Al-Ilham Al-HusainiAl-Habib Syarif Dany

    Bagus dan cerita elegan

    02/04/2025

      0
  • avatar
    CarilloNeilvin

    not bad

    19/01/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata