Homepage/That Night When My Life Changed/
CHAPTER 23
Chapter 23
Edward's Point of View
My meeting with Mr. Yang was finished and I'm here in my office... Para akong kinakabahan ng hindi ko alam ang dahilan...
Kumuha ako ng tubig para uminom ng bigla ko itong nahulog at nabasag...
"Jenny?" Ang pangalang una kong tinawag kaya kaagad akong tumakbo palabas ng opisina.
Tinawagan ko ang mga pulis na pinagbabantay ko ng subdivision at lumabas nga si Jenny pero ang paalam ay mabilis lang...
Kaagad akong bunalik ng office ko at niligpit ang mga papeles na nasa table at lumabas na ng kompanya. Hindi na nga ako nagpaalam sa mga employees ko dahil sa pagmamadali...
"Mang Jome, alam niyo po ba kung nasaan si Jenny" tanong ko rito habang nagmamaneho.
Please...sana nasa maayos kang kalagayan honey...
Tinawagan ko si Mang Jome at nagbabakasaling may alam siya...
"Wala po rito Sir, nakatulog po kase kami ng matagal 'tas pagising namin wala na siya" mas lalong kumabog ang dibdib ko sa kaba. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa nangyayari.
Nilihis ko ang sasakyan papunta sa lugar na pinaalam ni Jenny sa mga pulis pero bigo akong makita siya.
Tumigil muna ako sandali at itinabi ang sasakyan. Ilang ulit ko ring napalo ang manebela ng kotse... Hindi ko alam ang gagawin ko kung may masamang mangyayari sa mag ina ko. Kung hindi ko nalang sana siya iniwan na mag isa sa bahay... Arghhhh!!! Saan ka na ba?
Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin pero kung kailangan kong suyurin ang buong kamaynilaan gagawin ko...
Papunta ako ngayon sa kaibigan niya para magbakasakaling doon siya pumunta.. ng mag ring phone ko. Tawag mula kay Ms. Miller, nagdadalawang isip nga ako kung sasagutin ko pa ba o hindi dahil sa pagmamadali ko. Wala akong oras para sa kompanya dahil mas mahalaga rito ang pamilya ko...
"Hello Mr. Monticello".
Nakailang tawag siya bago ko sinagot. Baka urgent kaya hindi siya tumigil...
"I'm busy right now Ms. Miller, can you please tell me what's the reason of this call" wala na akong panahon para makipagkumustahan muna sakanya. Pagkatapos nga pala ng nangyari last time about sa pag seselos ni Jenny kay Ms. Miller ay nagkaayos rin naman sila kaagad.
"Open your Facebook, I send you a message" ginawa ko nalang ang sinabi niya and nagulat ako ng makitang picture iyon ni Jenny na maraming pasa sa mukha at may lalaking nakaharap sakanya.
"Mike".
"This is a picture taken by someone who passing by in that Area" sabi nito. Hindi ko na tinanong pa kung paano napunta sakanya ang picture na 'yon dahil mas kailangan na ako ni Jenny ngayon...
"Where is it?" Tanong ko dahil sa picture halatang isa itong lumang warehouse pero hindi ko alam kung saan dahil ang daming warehouse dito sa Manila...
"I'll pm the address" ako na ang nag end ng tawag at hinintay ang chat niya.
Dumiretso ako ng Police station pagkakuha ko ng address para humingi ng tulong.
Hindi naman naging mahirap ang paghingi ko ng tulong dahil wanted daw ang Mike na 'yon dahil sa sunod sunod na krimeng ginawa.
Naunang umalis ang mga pulis at nagpahuli ako...
Sumunod rin ang mga pulis na pinagbantay ko ng subdivision. Mabuti nalang at hindi traffic...
Hindi ko maiwasang hindi matakot at kabahan dahil hindi ko alam kung ano ang gawin niya kay Jenny habang dumadaan ang oras. Tinawagan ko sina Mommy tungkol sa sitwasyon and ask them to call an ambulance in case na may hindi inaasahang mangyari kay Jenny pag nailigtas na namin siya. Itinuon ko ulit ang atensiyon ko sa pagmamaneho at natatanaw ko na ang warehouse kaso napatigil kami ng magkaroon ng palitan ng putok. Kaagad kong tinabi ang sasakyan at dahan dahang lumabas dahil patuloy parin ang barilan. Kailangan kong gawin ngayon ay makapasok ng hindi napapansin dahil alam kong may gagawin ang Mike na 'yon kapag nalaman niyang naririto na ako kasama ang mga pulis. Malapit na akong makapasok ng bigla akong harangin ng isang pulis...
"Sir, bawal po kayong pumasok".
"Kailangan ko pong makapasok dahil nasa loob ang mag ina ko" pilit ko sa pulis dahil mukhang wala talaga siyang balak na papasukin ako.
"Alam po namin Sir pero mas mabuti po na dito nalang kayo at kami nalang ang gagawa dahil masyado pong delikado sa loob" katwiran naman nito at kaagad kaming napadapa dahil may balang tumama sa may likuran namin. Nagkaroon ng makapal na usok dahil sa smoke bomb na pinasabog ng mga kalaban kaya sinamantala ko na ang pagkakataon para makapasok ng hindi napapanisin ng lahat.
Medyo humupa na ang usok at nakita ko na ang butas sa gilid ng warehouse na tamang tama na mapasukan ng tao kaya doon na ako dumaan. Pagkapasok ko'y kumuha ako ng isang mahabang bakal dahil hindi ko alam kung ano ang naghihintay saakin sa loob. Dumaan ako sa mga tambak ng bakal para hindi nila ako mapansin ng bigla nalang may bumaril saakin. Mabuti nalang at sa mga bakal tumama ang bala kaya kinuha ko na ang pagkakataon para tumakbo ng mabilis paalis doon ng may humarang saaking dalawa na may dalang baril.
Tumigil ako sandali at hinigpitan ang pagkakahawak sa bakal na dala ko. Kailangan kong patumbahin sila na hindi ako matatamaan ng bala at hindi ko sila mapapatay. Lumingon muna ako sa paligid at may nakita akong malaking tubo sa gilid at doon ako pumunta. Kaagad naman silang nagpaputok ng sunod sunod at lahat ng 'yon ay hindi tumama saakin. Ng makakuha ako ng tyempo ay kaagad akong bumato ng maliit na bakal sa deriksiyon nila at mabuti nalang dahil doon napunta ang atensiyon nila kaya kaagad akong tumakbo papalapit sakanila sabay palo sa mga kamay na dahilan para mabitiwan nila ang kanilang mga baril at pareho ko silang pinukpok sa ulo at hinila papunta sa gilid na wala ng mga malay ngayon...
Kaagad akong pumunta sa may hagdanan dahil nasa taas si Jenny ng mayroon nanamang bumaril saakin kaya mas binilisan ko pa ang pag akyat... May naghihintay saaking apat na lalaki sa taas pero wala itong mga hawak na baril kaya naka hinga ako ng maayos. Dahil pag nagkataon na may dala sila'y katapusan ko na...
Lumapit silang lahat saakin at sinimulan na akong labanan. Gamit ang bakal ay pina ikot ikot ko ito para hindi sila makalapit sakin at kumuha ng tamang pagkakataon sabay palo sa mga paa nila. Kaagad naman silang napa luhod dahil sa sakit na dulot ng palo ko kaya kaagad na pinalo ko sila sa mga ulo at nawalan rin sila ng malay.
Matapos 'yon ay tunuloy na ako sa paglalakad. Pagtanaw ko sa ibaba ay naka pasok na ang mga pulis at sinimulan ng posasan ang mga kalaban. Ako naman ay hinanap kung saan nakalagay si Jenny ng may makita akong tumatakbo na kalaban kaya sinundan ko na...
Pumasok ito sa isang silid kaya tumigil muna ako sa labas sandali dahil baka isa lamang na patibong ang naghihintay saakin sa loob.
Pinakinggan ko kung ano ang gagawin niya sa loob. Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng kabog nito. Mukha lang akong matapang sa harap nila pero takot na takot na ako sa mga baril... Pinipilit kong maging matapang para sa pamilya ko...
"Boss! Problema na natunton na tayo ng mga pulis at nariyan si Edward Jones sa labas!" Nabigla ako sa pagtawag nito ng boss sa kausap niya. Ibig sabihin ay nasa loob ng silid na iyan si Jenny at kasama si Mike.
Inayos ko ang pagkakahawak ko sa bakal at naghanda na para pumasok. Ito na ang pagkakataon para iligtas ang mag ina ko. Hindi dapat ako pumalpak rito.
Pagpasok ko ay walang Jenny o Mike na nasa loob kundi isang lalaking nakayuko habang nakatayo na may mga kadena ang kamay. Kahit si Jenny ang pinunta ko ay hindi ko mapigilang hindi lapitan ang lalaki para tulungan. Nagulat ako ng makita ang mukha niya... Ang mukhang matagal ko ng hindi nakita....
"Papa?" Ang nasabi ko nalang sabay kalag sa kadenang nakalagay sakanya. Inangat niya ang tingin niya saakin at puno na ng dugo ang mukha niya. Kaagad akong yumakap dahil sobra ko siyang na miss. Kahit malaki ang kasalanan niya saamin ni mama dati, mas nangingibabaw parin ang pagmamahal ko sakanya lalo na sa kalagayan niya ngayon.
"Iligtas mo si Jenny. Habulin mo si Mike" sabi nito habang buhat buhat ko kaya sandali akong napatigil at tumingin sa itinuro niyang daan. "Iwan mo nalang ako dito anak dahil may sapat na lakas pa naman ako".
Hindi na ako tumutol at ibinaba siya sa gilid at kaagad na tumakbo papunta sa pinto kung saan dumaan si Mike.
Nakita ko itong nasa baba na at mukhang tatakas na dahil may naghihintay na sasakyan sa baba. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid dahil siguradong nakaalis na sila kung gagamitin ko ang hagdanan pababa kaya kinuha ko ang isang lubid at itinali ito sa isang bakal sabay talon pababa habang hawak ang dulo ng tali. Bumagsak ako sa sasakyan kaya kaagad ko itong binasag sabay baba at hinarang si Mike na halatang nagulat sa ginawa ko.
"Ibalik mo na saakin ang mag ina ko" sabi ko rito pero tumawa lang ito... Sabay kuha ng baril at itinutok saakin...
"Tumigil ka Mr. Monticello! Dahil si Jenny ay akin lang. Ikaw at ang batang ito'y mamamatay!" Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya kaagad ko siyang dinaluhong at bago paman niya maiputok ang baril niya'y nasipa ko na ang alaga niya dahilan para mabitiwan niya si Jenny at dumaing sa sakit.
Kaagad kong kinuha si Jenny at sinipa ko pa si Mike ng isang beses sa sikmura dahilan para mapaluhod siya. Dahan dahan naman akong naglakad papaalis para ilayo na ang mag ina ko ng bigla akong tamaan ng bala sa braso kaya muntikan ko ng mabitiwan si Jenny.
Kahit kumikirot ay pinilit ko paring maglakad dahil delikado na rito. Umalingawngaw pa ang isang putok mabuti nalang at hindi ako tinamaan this time. Natanaw ko na ang ambulansiya kaya kumaway na ako para humingi ng tulong. Dahan dahan kong ibinaba si Jenny sa tabi dahil nakita kong papalapit na ang rescue team. Kailangan kong balikan si Mike dahil hindi ko hahayaang makatakas pa siyang muli... Marami siyang dapat na pagbayaran saakin at pasalamat siya dahil hindi ako masama na tulad niya dahil kung hindi, baka mapatay ko siya...
Nakatayo na ito ngayon habang ako naman ay tinatalian ng tela ang sugat ko para tumigil na sa pagdurogo...
"Naisipan mo pa talagang bumalik Mr. Monticello! Mabuti naman dahil kung hindi papasabugin ko ang sasakyan na pinagdalhan mo sa Jenny ko!" Tumawa ito na mala demonyo na mas lalong nagpakulo sa dugo ko. Walang hiya siya para pagbantaan ang mag ina ko.
Hindi na ako nagsalita pa at kaagad kong pinalo ang kamay niya para mabitiwan ang baril na hawak niya . Itinabi ko muna ang bakal...
Nang mabitiwan na niya ito'y lumapit ako sakanya at binigyan siya ng isang malakas na suntok dahilan para matumba siya. Lamapit ako para sana bugbugin ang mukha niya ng bigla niya akong sipain kaya napaatras naman ako. Tumayo ito kaagad at binigyan ako ng isang suntok sa braso na tinamaan niya kanina ng baril.
"Ahhhhhh!!!" Daing ko dahil malakas ang suntok na 'yon dahilan para mas lalo pa itong dumugo...
Akmang kukunin niya ang baril ng sipain ko ito palayo sakanya sabay bigay ng isang uppercut.
Napaatras naman ito at linapitan ko na siya. Ang kailangan ko lang ay i delay ang oras para sa pagdating ng mga pulis kaya habang mag lakas pa ako'y hindi ko siya titigilan.
Malapit na ako sakanya ng bigla ako nitong paluin ng bakal na dala ko kaya natumba ako sa lupa habang iniinda ang sakit. Tatayo nasana ako ng paluin ako nitong muli at tapakan ang ulo ko.
"Mr. Monticello! Kilalanin mo ang binabangga mo dahil baka hindi mo alam na isa akong Mafia kaya walang wala ka pagdating sa laban" sabi nito sabay diin ng ulo ko sa lupa kaya napapasigaw nalang ako sa sakit.
Hindi na mahalaga kung makakaligtas pa ba ako rito basta ligtas na sina Jenny at ang baby namin ay ayos na saakin...
Umalis siya sa tapat ko at pagkakataon ko na itong tumakas pero ayaw ng gumalaw ng buo kong katawan. Wala na akong sapat na lakas para lumaban pa...
Bumalik ito saakin sabay tutok ng baril sa ulo ko...
"Katapusan mo na Mr. Monticello!" Pagkasabi niya ay isang putok ang umalingawngaw sa buong paligid kasabay ng pagdilim ng lahat sa paningin ko. I'm sorry Jenny...
End of #TNWMLC -Chapter 23-I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (159)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
maganda
08/04/2025
0Bagus dan cerita elegan
02/04/2025
0not bad
19/01/2025
0Tingnan Lahat