Homepage/That Night When My Life Changed/
CHAPTER 17
Chapter 17
Jenny's Point of View
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kaka iyak at pagtingin ko sa salamin ay namumugto na ang mga mata ko...
Linock ko ang pinto at bumalik muli sa kama at naktakip ng kumot. Hanggang ngayon ay para paring dinudurog ang puso ko. Bakit kase pinaasa mo ako Edward sa mga ginagawa mo. Tingnan mo tuloy, para akong tanga rito na iyak ng iyak kahit wala naman talaga dapat.
Kinuha ko ang cellphone ko sa side table at sinalubong ako ng napakaraming missed calls ni Edward at mga massages niya... Lahat ko iyon idenelete...
Matutulog nasana ako ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Honey usap naman tayo" rinig kong tawag niya pero hinayaan ko lang.
"Ang sabi mo lalabas tayo" arghhh... Please naman Edward oh. Huwag mo naman akong ginaganito.
"Masakit lang tiyan ko kaya hindi ako nakapunta" pagsisinungaling ko at tinakpan ko ang tenga ko ng earphones at nag play nalang ng song para hindi ko na siya marinig pang muli.
Ipinikit ko ang mga mata ko pero hindi ako makabalik sa pagtulog. Kaya tumayo nalang at naisipang mag ayos ng closet.
Tiningnan ko ang oras pagkatapos kong maglinis at 10 pm na pala kaya itinigil ko na ang music at inalis narin ang earphones sa tenga ko dahil sigurado akong wala na ito...
Itinago ko muna ang earphones sa bag ko bago naisipang lumabas dahil kumakalam na ang sikmura ko. Pagbukas ko ng pinto ay kaagad na natumba sa harapan ko si Edward na nakatulog na pala at nakadantay ang likod sa pinto. Dahil sa pagkabagsak ay kaagad naman itong nakatayo at lumapit saakin. Binilisan ko naman ang lakad ko pababa ng hagdan...
"Honey usap naman tayo oh".
"Wala ako sa mood" cold kong tugon saka mas binilisan pa ang paglalakad.
"May binili akong mga gamot para sa sakit ng tiyan".
"I'm okay just leave me alone!" Sigaw ko kaya nabigla naman ito.
"Honey may problema ba talaga? Bakit parang nag iba ka naman?".
"Wala ka na doon kaya please just leave me alone" walang gana kong saad at binigyan siya ng isang blankong ekspresyon.
"Honey na—"
"Matulog ka na dahil may trabaho ka pa bukas" saad ko bago ko sinara ang pinto ng banyo.
Tumambay ako sa loob ng C.R for almost an hour siguro pero pagbukas ko ay nakatulog itong naka upo sa isang plastic na silys...
Wala na akong nagawa kaya hinayaan ko nalang siyang matulog sa silya. Hangga't kaya ko ay iiwasan kita dahil ayokong maging hadlang sa buhay mo. Tama na iyong supportang ibibinibigay mo dahil ako lang naman ang masasaktan sa huli dahil habang tumatagal ay mas lalo lang na lalalim ang nararamdaman ko saiyo...
Bumalik na ako sa kwarto at nawala nalang ang gutom ko dahil sa ginawa kong pagtago sa C.R...
Kinaumagahan ay nangulit nanaman ito saakin...
"Usap na tayo honey oh" hindi ko siya pinansin dahil nangungulit nanaman eh. Kahit masakit ay pinilit kong gawin. Nakikita ko kase ang sakit sa mga mata niya pero kailangan kong tiisin dahil ito ang tama...
Pagkatapos kong kumain ay nag ayos na ako dahil doon muna ako kay Bes tatambay ngayon...
"Saan ka pupunta?" Hinawakan niya ang kamay ko kaya natigilan ako sa paglalakad at pinilit niya akong paharapin sakanya...
"Wala ka na doon" cold kong tugon.
"May nagawa ba akong mali? Sabihin mo naman please Jenny. Hindi ko na kase alam kung ano ang dapat kong gawin para maibalik ka sa dati" nakita ko ang mga nangingilid niyang mga luha...
"I'm just doing the right thing" walang gana kong sabi at akmang yayakapin niya ako ng biglang may dumating na babae kaya itinulak ko siya papalayo saakin...
"Mr. Monticello, let's go we have a flight today" nagulat ako sa dumating na babae. Matangkad siya saakin ng kaunti at napaka sexy. Naka shade ito kaya hindi ko makita ang mukha niya...
"Ms. Miller I'm—"
"Paalis narin naman ako" kaagad akong tumakbo palabas. So siya pala iyong Miller na nakausap ko kahapon sa cellphone. Para akong sinampal ng katotohanan dahil sa malaking kaibahan namin...
Umiiyak akong sumakay ng taxi dahil iniisip ko parin ang pangyayari kanina... Hindi naman talagang malayo na magustuhan rin siya ni Edward...
Hindi naman tumagal ang naging biyahe ko papunta kay bes. Pagkatapos kong magbayad ay kaagad akong lumabas. Nakita ko naman kaagad si Bes at tumakbo ako papalapit sakanya...
"May problema ba bes?" Nag aalala nitong tanong pero tanging yakap at paghikbi lang ang ginawa ko.
Inalalayan niya ako papasok at pinaupo sa sala habang siya naman ay naghanda ng maiinom naming dalawa. Pagbalik niya ay may dala na itong tray ng juice at cookies...
"Kain ka muna Bes" tumango nalang ako pero wala talaga akong gana kumain...
"Bes bakit ganun?".
"Bes, are you okay?".
"Bakit palagi nalang ganito?".
"Bes, can you hear me!" Hinarap ko siya then hugged her tightly...
"Ang sakit na Bes".
"Tell me Jenny ano bang nangyayari saiyo?" Nag aalalang tanong niya at mas umiyak pa ako...
"Nasasaktan ako kahit wala naman kami".
"So minahal mo na nga siya" tumango ako bilang pag sang ayon.
"His actions and words makes me fall in love with him".
"Then tell him".
"I can't".
"Bakit? Natatakot ka?".
"He love someone".
Nagulat naman si Bes sa sinabi ko kaya hinawakan niya ang mga kamay ko... Pinigilan ko na ang sarili ko sa pag iyak at pinunas ang mga luha na nasa pisngi ko...
"Paano mo naman nalaman Bes".
"Yesterday someone answered his phone, at babae ito. Alam ko naman na wala akong karapatang masaktan dahil wala naman talagang kami hindi ba? Sino ba naman ako para mahalin niya" then I started crying again.
"Eh ano naman naging reaksiyon niya dahil sure ako na iniiwasan mo na siya".
"He keeps on asking me if what's the problem".
"Then bakit hindi mo sabihin Bes?".
"Dahil ayaw kong sirain ang buhay niya. Kahit naging ganito kami, may karapatan parin naman siyang piliin kung sino ang mamahalin niya".
"Pero Bes naman, maging totoo ka naman sa nararamdaman mo. Hindi ka parin ba natututo sa mga nangyari sa buhay mo dahil sa hindi mo pagharap sa nararamdaman mo".
"Bes naman, alam mo naman eh"...
"Bes, kailan ka pa magpapakatotoo? Kung kailan wala na siya sa tabi mo? Bes naman, alam mo na malaki ang parte niya sa kung sino ka ngayon and huwag mo namang sayangin ang lahat ng iyon".
"Pero mas mabuti narin siguro ito Bes dahil pipilitin ko nalang na maging masaya para sakanya" those words are like knife stabbing me continually...
Edward's Point of View
"Didn't I tell you to not go here?".
"Oh I forgot about it Mr. Monticello".
Hindi ko parin maalis sa isipan ang nangyari kanina... Bakit bigla nalang akong iniiwasan ni Jenny at bakit bigla nalang siya g umamalis?... Edward focus muna sa mga meetings mo for today...
"Ah Mr. Monticello, can I take a picture with you?" Kaagad nitong saad ng makababa kami ng airport dito sa LA dahil may meeting ako...
"Please Ms. Miller be professional. We're not a couple to do that silly things...
"But soon".
"Did you say something?".
"Nope" kaagad nitong sagot kaya sinimulan ko ng maglakad.
I can't focus on my meeting for today dahil ginugulo parin ako ng mga nangyayari...
"We're here" nabalik lang ako sa realidad ng tawagin ako ni Ms. Miller dahil nakarating na kami sa hotel kung saan magpapahinga muna kami.
Nagulat ako ng pumasok rin si Ms. Miller sa parehong kwarto and kaagad na humiga sa kama like wala siyang pakialam kun may kasama ba siya.
"Why are you here?" Tanong ko sakanya kalaunan dahil hinintay ko talagang siya ang magsalita pero mukhang wala talaga siyang balak...
"This is my room" simpleng sagot nito st nag simula ng mag hubad kaya napatalikod ako...
"This is my room and why are you undressing in front of me, there is a bathroom" tumwa lang ito na parang walang pakealam.
"Oh come on Mr. Monticello, why don't just enjoy this" I can hear her voice na parang nangaakit. Bakit ang layo niya sa Miller na nakilala ko? And nagulat nalang ako ng bigla ako nitong yakapin at halikan sa leeg while her front is pressing my back...
Kaagad akong umatras at hinarap siya. Wala na talaga siyang suot kaya kaagad kong hinubad ang polo ko sabay tapon sa katawan niya...
"What do you think your doing!?" Hindi ko napigilang hindi mapalakas ang boses ko doon dahil sa gulat.
"Why? Is there any problem with that?" Parang nawala ang gap namin sa isa't isa sa pananalita niya and the way she talk was so different from her earlier...
"Yes, it's definitely wrong" saad ko naman sabay sapo sa ulo ko. May problema na nga ako tungkol kay Jenny dumagdag pa ito.
"But why!? We both are single and I love you" para akong naestatwa sa kinatatayuan ko dahil sa mga sinabi niya. What! Are you serious... Paanong nangyari iyon eh wala pa ngang one week siya sa kompanya.
"You're just imagining things Ms. Miller" bawi ko naman pero wala akong makitang pag aalinlangan sa mga mata niya.
"I said I love you!".
"Ms. Miller, we haven't known each other for a long time but you can say that you love me? Are joking?".
"I'm not joking" madiin and pagkakasabi niya kaya napagdesisyunan ko ng tapusin nalang ang kalokohan na ito...
"I don't know what you're thinking Ms. Miller but I can't love you back because I love someone and were having a baby soon" pagkasabi ko 'non lumabas na ako para lumipat ng kwarto at naiwan siyang tulala habang ako naman ay mas lalong naguguluhan...
End of #TNWMLC -Chapter 17-I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (159)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
maganda
08/04/2025
0Bagus dan cerita elegan
02/04/2025
0not bad
19/01/2025
0Tingnan Lahat