Homepage/That Night When My Life Changed/
CHAPTER 12
Chapter 12
Jenny's Point of View
Kaagad akong lumabas ng makarating ako sa bahay nina Nanay Sel at nakita ko itong naglilinis ng garden kaya nag doorbell ako...
"Teka lang po, sino po ba sila?" Rinig kong tanong ni Nanay Sel habang papalapit ng papalapit sa gate...
"Si Jenny po ito Nanay Sel" tugon ko naman.
"Ikaw pala anak, happy birthday" masayang bati niya saakin sabay bukas ng gate. "Napadalaw ka anak?".
"Sa totoo lang po ay may gusto akong itanong sainyo Nanay Sel".
"Ganun ba? Ah sige sa loob nalang tayo anak mag usap" sumunod na ako sakanya papasok samantalang si Manong Jome naman ay itatabi muna ang sasakyan.
Pumasok na kami sa bahay nila at naiwan ako sa sala habang si Nanay Sel naman ay pumunta ng kusina at pagbalik nito ay may dala dala na siyang tray ng juice at sandwich...
"Kain ka muna anak, pasensiya na kase hindi ako nakapaghanda".
"Wala po iyon Nanay Sel, ang sadya ko po talaga rito ay ang tungkol kay Edward".
"May masama bang nangyari kaya Edward anak?".
"Wala naman po, kaso po nakita ko siyang nasa sementeryo kaninang tanghali tapos po pumunta ako ng kompanya and ang sabi ng lahat ay nasa Korea raw ito para sa isang business meeting".
"Ganyan talaga iyang si Edward".
"Pero kaarawan naman po niya ngayon so dapat po ay magpahinga rin naman siya".
"Ganyan rin ang sinabi ko sakanya anak at makailang ulit na nga kaso ay may malalim kaseng dahilan kung bakit hindi niya magawang maging masaya sa araw ng birthday niya"...
"Malalim po?".
"Ah oo anak, napaka lalim talaga".
"Maari ko bang malaman Nanay?" Tanong ko kay Nanay dahil hindi kase simple ang hinihingi ko... Masyadong personal...
"Ah oo naman anak bakit hindi and I'm sure na maiintindihan mo naman".
"Opo naman".
Tumayo si Nanay Sel at nagpaalam muna saakin sandali at may kukunin raw muna siya sandali...
Edward's Point of View
"Nay! Alam niyo po ba na magkakaroon na po ako ng anak, sayang lang po kase hindi ko siya saiyo mapapahawak. Pero promise ko po nay, na hindi ko po tutularan si Tay at aalagaan ko ang magiging anak ko sa abot ng makakaya ko" nilinis ko muna ang lapida ni Nanay at inilagay ang bulaklak na binili ko at nagsindi narin ng kandila...
"Pasensiya ka na nay, kung tuwing birthday mo lang kita nadadalaw dahil ang rami ko po kaseng dapat gawin eh and ito lang ang free time ko. Pero huwag ka pong magaalala dahil nay, hangga't nabubuhay ako ay hindi kita makakalimutan. Nga pala nay, mabait po na mabait saakin si daddy at mommy" kinuha ko ang picture na nasa bag ko kung nasaan nasa tapat kaming tatlo nina mommy at daddy ng eiffle tower sa Paris...
"Di'ba nay, pangarap niyong makarating doon, pero huwag po kayong mag alala nay dahil sinigurado ko naman po na may dala akong maraming pictures ng mga magagandang lugar doon at iiwan ko rito para kung sakaling gusto niyo pong tumingin ay may makita kayo"...
Jenny's Point of View
Nagkita kong pabalik na si Nanay Sel na may dala dala yatang album at iniabot ito saakin...
"Heto ang photo album ng tunay niyang Mommy".
"Tunay po?" Naguguluhan kong tanong sabay kuha ng photo album...
"Ah oo anak, hindi namin tunay na anak si Edward kundi adopted son. Namatay ang mommy niya ng Anim na taong gulang palang siya dahil sa cancer".
"Bakit naman po?".
"Acute na ang cancer at hindi man lang ito nagsabi ng tunay na nararamdaman dahil ayaw niyang iwan siya ng kanyang asawa, ang tatay ni Edward kapag nalamang maysakit siya" nagulat ako sa mga sinabi ni Nanay Sel at binuksan ko naman ang album na inabot niya.
"Iyan si Kristella ang Nanay niya, anak ng kapatid ko kaya bale apo ko na iyang si Edward" kaya pala ang tanda na nila ni Tatay Nito pero bata pa si Edward.
"Bakit po ba natatakot ang Nanay ni Edward? Na curious ako sa rason kaya bigla ko nalang na naitanong kay Nanay Sel.
"Nagmahal noon si Kristella sa isang lalaking anak ng hardinero nila. Hindi alam ng binata na may gusto sakanya si Kristella at ito namang pamangkin ko ay tudo ang lapit sa lalaki. Hanggang sa nalaman ko nalang mula sa kapatid ko na ikakasal na raw si Kristella" tumabi saakin si Nanay Sel.
"Alam naman naming lahat na walang gusto ang binata kay Kristella dahil may mahal na itong iba. Nagalit noon ang mga magulang ni Kristella kaya nagkaroon ng sapilitang kasal".
"Nangyari po ba talaga iyon?".
"Oo naman, kaya nga nagsimulang maging kalbaryo ang buhay ni Kristella mula ng mamatay ang mga magulang niya at panay naman ang alis ng Tatay ni Edward dahil sa pangbabae... Uamlis ito ng birthday ni Edward noong 5 years old palang siya. Hindi nagpakita ang tatay niya at makalipas ang ilaang buwan ay naospital ang Nanay niya. At doon namin nalaman na may cancer napala ito pero pinigilan niya kaming dalawa ni Nito dahil alam niyang wala na daw ibang paraan. Kaya ibinilin niya saamin si Edward" binuksan naman ni Nanay Sel ang album muli at may ipinakitang larawan saakin kung saan naroroon ang Nanay ni Edward na payat na payat habang nakahiga sa hospital bed...
"Iyan si Kristella ng lumala ang sakit niya, halos hindi na natutulog niyan si Edward mabantayan lang ang Nanay niya. At dahil malala na ang sakit ay namatay ang Nanay niya sa mismong kaarawan niya... Mula nga noon ay hindi na namin nakitang masaya si Edward kapag birthday niya dahil ang buwan at araw ng kanyang kapanganakan ay araw rin kung saan kinukuha sakanya ang mga mahahalaga sakanya".
"Ang sakit naman po pala ng karanasan niya".
"Walong taong gulang siya ng bumalik ang tatay niya at kinuha ang kalahati ng kompanya dahil raw may karapatan siya rito. Nangyari ito sa kaarawan niya rin mismo".
"Nasaan na po ba ito ngayon?".
"Wala na kaming narinig na balita tungkol rito labing tatlong taon na ang nakakaraan basta ang alam lang namin ay may pamilya na ito ngayon".
Matapos iyon ay pumunta muna kami sa may pool para magpahangin at makalanghap man lang ng sariwang hangin...
"Iyan po ba Nanay Sel ang malaking problema ni Edward kaya pumupunta siya ng laguna?".
"Hindi"...
"Eh ano po ba?"...
Edward's Point of View
"Kumusta na ang baby ko diyan, pasensiya ka na kase busy si daddy kaya ngayon ay susulitin ko talaga na magkasama tayo" hindi ko na nga mapigilang hindi maluha habang nililinis ang lapida ni Baby Lianne... "Patawarin mo ako baby kung hindi ako naging mabuting ama saiyo".
Hinawakan ko ang pangalan niya na naka ukit sa bato at iniisip kung paano kaya kung hindi siya napahamak...
"Baby Lianne, please forgive daddy ah kase hindi ko nagampanan ang pagiging tatay saiyo. Hindi bale, ibili nalang kita ng mga paborito mong bulaklak... Mahal na mahal kita anak" pagkatapos kong tumayo ay bigla nalang na umulan ng malakas...
"Kahit kailan talaga hindi nakikisama ang panahon saakin"...
Jenny's Point of View
"Baby po na namatay?".
"Yes, college noon si Edward at graduating ng ayain siya ng mga kaibigan niyang uminom. Ayaw niya sana kaso ay mapilit ang mga ito".
"Sa buong buhay ni Edward ay palagi siyang nag iisa at wala man lang kaibigan... Dahil sa hindi siya sanay ay nalasing siya kaagad. Pinag tripan siya at pinagalaw sa isang lasing rin kaya may nangyaring hindi inaasahan. Nangyari iyon ng ika 18th birthday niya. And a year after sa mismong 19th birthday niya ay nalaman niyang nabuntis niya pala ang babae pero pinalaglag na nito dahil ayaw niya sa bata" napatakip ako sa bibig ng marinig iyon...
"Ginawa po iyon nung babae?".
"Oo, kaya nga sobrang nasaktan si Edward eh, sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari. Inaakala niyang hindi siya naging mabuting ama kaya namatay ang baby niya. And simula nga noon ay mas lalo na lang siyang tumutok sa pag aaral at pagtatrabaho dahil hindi na niya gustong mangyari ang ganoon".
Kaya siguro nakita ko sa mukha niya ang labis na kaba ng pagbantaan ko siya na ipapalaglag ang bata. So totoo pala iyon, at hindi lang isang palabas para maawa ako sakanya... Bakit ba basta ka nalang na nanghuhusga Jenny... Kung titiisin nga pala ay mas masakit ang pinagdadaanan niya dahil nasasaktan siya through mentally at emotionally while ako naman ay physical lang at kaunting emotional pero kung umasta ay parang ako pa ang kawawa...
"And kaya noong may mangyari sainyo sa hotel ay hindi na iyan tumigil para hanapin ka. Natatakot siya na magawang muli ang pagkakamali niya dati dahil hindi niya gustong matulad sa Tatay niya".
"Nasaan po ba kaya ngayon si Edward?" Tanong ko dahil gusto ko siyang maka usap about the things I've done to him at humingi narin ng tawad...
"Hindi ko alam anak pero mas best na bukas mo nalang siya kausapin dahil sa ngayon ay mas makakabuti sakanya kung mapag isa muna siya...
"Sige po Nanay Sel at uuwi nalang po ako" sabi ko at tumayo na.
"Eh kung ganun ay magdala ka nitong spaghetti at cake na inihanda ko para saiyo" tumayo rin ito at pumunta ng kusina. Pagbalik nito ay may dala na itong baunan...
"Salamat po rito Nanay Sel".
"Walang anuman anak, happy birthday ulit".
"Thanks po Nanay and goodbye".
"Goodbye rin anak, ingat ka sa pag uwi ah".
Hindi ako sa bahay nagpahatid kay Manong Jome kundi sa Laguna dahil gusto ko munang makapag isip isip ng mabuti at wala namang ibang lugar na relaxing kundi doon...
Pero nagulat ako ng makita ko si Edward na nakahiga sa damuhan habang namumugto ang mga mata na halatang kanina pa umiiyak...
Tumayo ako mula sa malayo at tinanaw ko lang siya. At biglang humampas ang malakas na hangin kaya napatakip ako saaking mata at pagmulat ko ay nawala na ito doon. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta kaya napag isip ko nalang na sorpresahin ko na lang siya sa mamaya paguwi. Paalis na ako ng makita ko siya sa may puno ng mangga sa may bandang kanan at may inilagay na bulaklak sa may ugat nito at napansin kong pagbalik na siya kaya kaagad kong sinabihan si Manong Jome na paandarin na ang sasakyan...
End of #TNWMLC -Chapter 12-I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (159)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
maganda
08/04/2025
0Bagus dan cerita elegan
02/04/2025
0not bad
19/01/2025
0Tingnan Lahat