Homepage/That Night When My Life Changed/
CHAPTER 9
Chapter 9
Jenny's Point of View
Ginising ako ng aking alarm kaya bumangon na ako... Inayos ko kaagad ang aking higaan at tinungo ang full length mirror ko para tingnan ang aking sarili. Napahawak ako sa tiyan ko na medyo malaki na at sabay na napatingin ako sa kalendaryo sa may closet at tatlong buwan na pala akong buntis...
Biglang kumalam ang tiyan ko kaya naisipan ko ng bumaba ng kusina para hingan ng pagkain si Mokong... Teka nga lang, kailan ba ako kumain ng niluto nun na halata namangay lason tsaka ayaw ko na nga palang makita ang pagmumukha niya.
Pagkababa ko ay may naabutan akong babae na medyo mababa saakin at base sa itsura ay nasa mid 40's na ito.
"Magandang umaga po Ma'am Jenny, ako nga po pala si Mrs. Celia Cruz, o Manang Celia po. Ako po ang bagong katulong rito".
Hindi ko masyadong pinansin ang sinabi niya dahil talagang nagugutom ako. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko, kumain naman ako kagabi and I have my midnight snack pero gutom parin ako ngayon...
"May pagkain po ba Manang Celia, I want adobo if meron" hindi ko alam pero gusto ko ngayong kumain ng adobo.
"Ah yes po ma'am, nagluto po ako kanina" sabi naman ni Manang Celia sabay tungo sa may ref at may kinuha. Nauna na ako sa dining room para umupo dahil gutom na gutom na talaga ako...
"Heto na po ma'am" sabay baba ng tray na dala niya. May kanin at lutong adobo. Amoy palang ay natatakam na ako... Mukhang masarap talaga ito.
Kaagad akong kumain habang umalis naman si Manang Celia dahil may gagawin pa raw siya. After finishing my foods ay tinungo ko ang sala at naabutan kong naglilinis si Manang Celia ng mga vase.
"Sarap po Manang ng adobo, I really love it" sabi ko kaya ngumiti naman ito.
"Salamat po ma'am".
"Ah btw manang did you see Mr. Jones?" Tanong ko dahil curious lang ako kung nasaan na ba ito. My alarm was set 5 AM so it's impossible he's on his office.
"Ah pumasok na po ng trabaho kanina".
"Ganito kaaga?".
"Dumaan po kase ako kanina sa trabaho niya dahil may ibinilin po siya saakin".
"Salamat".
"Yes po ma'am, tawagin niyo nalang po ako dahil mag lilinis lang po muna ako ng garden".
"You can drop the 'po' Manang, para naman akomg tumatanda" biro ko kaya ngumiti ito st tumango bago umalis.
Unfairness sa Mokong na iyon at napaaga sa trabaho well mas better nga iyon. Mas masisira lang naman ang araw ko kung makikita ko siya rito and makakasama rin ito sa baby ko.
Tumaas ako ng kwarto para kunin ang susi dahil may bibilhin muna ako sandali. Since, may iniwang kotse si Mokong rito kaya okay lang na umalis ako...
Papunta na ako ng garahe ng may lumapit saakin na isang lalaki na nasa mid 30's at sa suot palang nito ay halatang driver ito.
"Ah ma'am, Manong Jome short for Jomerick po".
"Bakit po Manong Jome?".
"Aalis po ba kayo gamit iyang kotse?" Tanong nito saakin.
"Ah oo po sana, may bibilhin ako tsaka dadaanang kaibigan narin po".
"Ah ako po ang driver na ina sign ni Sir para sainyo kaya po ako ang magmamaneho".
"Ah marunong naman akong mag maneho Manong Jome".
"Pero po kase ma'am, wala po kayong lesensiya kaya po delikado kayo".
"Basta Manong sabihan mo iyang Sir mo na tigil tigil tigilan niya iyang pagiging praning niya saakin at sa anak ko dahil marunong naman akong mag ingat" pagkasabi ko noon ay kaagad akong pumasok at pinaandar ang kotse kaso bigla ko itong naibangga sa gate dahil hindi ako sanay laman nito. Mabuti nalang at nakapasok kaagad si Manong Jome at naitigil ang kotse bago pa nito tuluyang masira ang gate.
"Sabi ko naman sainyo ma'am na ako nalang po an mag mamaneho eh".
"Sige na nga po Manong" arghhh bakit kase ibang iba ito sa nasubukan ko at tsaka nakalimutan ko na ang iba...
Pumunta muna kami ng department store ag market para bumili ng mga kakailanganin ko dahil balak kong puntahan si Bes ngayon at magluluto kami ng adobo sakanila.
Inabot rin kami ng isang oras sa pamimili dahil ang hirap pumili eh...
Sinabi ko kay Manong ang address ng kaibigan ko at tumango naman si Manong.
Malapit na kam kina Bes ng maipit kami sa traffic kaya wala kaming nagawa kundi ang maghintay nalang muna...
"Ah pasensiya na po ma'am, tanong ko lang po since magkasama naman po kayo ni Sir sa isang bahay kung may problema po ba siya?" Tiningnan ko si Manong dahil sa tanong niya saakin.
"Wala naman akong narinig na may problema siya eh".
"Salamat po ma'am, sa kompanya lang po siguro".
"Bakit niyo naman po nasabi iyon Manong?".
"Kase, iyang si Sir po kase kapag may problema ay isinusubsob ang sarili sa trabaho kapag may problema. Hindi tulad ng iba na ang tuloy ay bar at iinom ng alak. Si sir po kase ibang iba, nag aalala lang po ako sa health niya".
"Wala naman, maybe he's just busy about work cause I'm pregnant right now and means that mas madadagdagan ang responsibilidad niya".
"May punto po kayo ma'am diyan".
Matapos ang usapang namin ni Manong ay kakatapos palang ng tracfic kaya nakarating rin ako sa wakas sa apartment ni Bes muli. It's been three months since huli akong pumunta rito.
"Bes, si Jenny ito" tawag ko sakanya kaya pinagbuksan niya rin naman ako kaagad ng pinto at isang mainit na yakap ang pinagsaluhan namin kaagad. Hindi na sumama saakin rito sa taas si Manong dahil may gagawin pa raw daw siya sa loob ng kotse and hindi ko alam kung ano iyon...
"Swerte mo bes ah nakakita ka ng mabait na tao na handa kang tulungan tapos iyon pang nakabuntis saiyo. Bes naman, eh pang drama lang yata iyan o libro na may romantic na author".
"Hay naku Bes, kung ikaw natutuwa ako naman naiirita".
"Harsh mo naman teh. Ikaw na nga itong tinutulungan tapos pang asawa pa ang level ng pag aalaga saiyo and ikaw itong choosey masyado".
"Hindi ko lang kayang makita ang mulha niya dahil palagi ko lang na naalala kung paano niya sinira ang lahat".
"Well, nasasayo rin naman iyan Bes but hoping ako na sana ay hindi mo iyan pagsisihan"
Matapos iyon ay nagluto na kami ng adobo at sinabi ko sakanya kung gaano kagaling magluto si Manang Celia...
Edward's Point of View
Wala man lang akong idea na kagagawan nanaman ng lahat ng staffs ang kalokohan na iyon. Kakain sana kami ni Jenny dahil parte iyon ng pagbawi ko sakanya pero hindi natuloy dahil sa emergency na pinagsasasabi nila... Haysst!!! Ilang beses ko pa kayang dapat sabihin na itigil nalang nila ang pagpilit saakin taon taon dahil wala namang mangyayari...
But thanks to them that because now I know kung ano ang dapat kong gawin...
Maaga akong pumasok ng trabaho dahil ang sabi niya'y ayaw niyang makita ang pagmumukha ko. I understand her point dahil if I keep myself near her, I just keep on reminding her what I've been done that night....
I'm really sorry Jenny because I can't be a father to our baby the way you want and I feel like I'm just doing what I really hate my dad used be back then...
"Good morning Sir, you have a flight this afternoon in Italy" sabi ng secretary ko kaya tiningnan ko siya...
"I'll be there" tugon ko naman at tumango ito.
I just need to focus on my job cause this is the least thing I can do to her...
Inabot ng gabi ang meeting ko with Mr. De Luca but gladly I closed the deal.
Pagkatapos na pagkatapos ay sumakay na kaagad ako ng eroplano pauwi... I still need to be with her but just to be a shadow at least...
Jenny's Point of View
Gumagabi na kaya napag desisyunan ko na na umuwi na dahil mag isa lang doon si Manang Celia...
"Bes, birthday ko na bukas kaya gala tayo".
"Wow! First time mo ito Ms. Jenny Kim Liansa Valdez na mag aya saakin to celebrate your birthday".
"May masama ba doon?" Tanong ko sakanya na pataray...
"Wala naman Bes, J just felt that your life will gonna really changed".
"Hay naku! Naging manghuhula ka pang eh".
Matapos iyon ay umuwi na kami ni Manong Jome...
Maayos naman kaming naka uwi at diretso ako ng aking kwarto para mag bihis. Bumababa ako ng makapagpalit na ako at naabutan ko silang nakaupo sa sofa habang nakayuko na pareho na parang may mga ginawang kasalanan saakin...
"May problema po ba Manong at Manang?" Tanong ko kaagad at umupo sa couch na nakaharap sakanila.
"Eh kase po ma'am, gusto po sana naming magpaalam".
"Bakit po Manang Celia?".
"Kase ma'am, nagkasakit ang anak ko and kailangan niya po ng mag aalaga".
"Wala pong problema pero mukhang aabutan na po kayo ng dilim sa daan niyan".
"Magpapasundo nalang po ako ma'am sa isa kong anak diyan sa labasan".
"Sige po manang, mas kailangan ka nga po ng anak mo ngayon. Eh ikaw po Manong Jome?".
"Ako po ma'am, uuwi daw anak ko galing abroad eh gusto ko lang po sanang makita dahil limang siyang namasukan ng Saudi Arabia".
"Walang problema po Manong" tugon ko naman kaya pareho silang ngumiti.
Sinamahan ako ni Manang Celia sa kusina para sa sabihin saakin kung nasaan nakalagay ang niluto niyang pagkain.
Stay in kase silang pareho rito sabi nila nung dito daw tumitira si Mokong lalo na kapag may mga projects kaya pinapagamit sakanila ang dalawang guest rooms...
Nagligpit muna sila ng kaunting gamit tsaka parehong lumabas. Pagkaalis nila ay kaagad akong pumasok sa loob at naisipan kong gumawa muna ng snacks dahil wala pa naman akong balak na kumain ng dinner eh.
Dinala ko ang snacks na ginawa ko sa mini library dahil gusto ko munang maglibang at makakasama naman saakin kung cellphone ang gagamitin ko kaya sa pagbabasa nalang...
Namangha ako pagkapasok ko palang dahil napakaraming libro ang naririto, kung hindi lang ako sinabihan na mini library lang ito ay baka akalain ko talagang library ito. May mga lebel ang bawat shelves and ang kumuha talaga saakin ay ang Education na section. May mga libro doon na ginagamit ko noong hindi pa ako umaalis sa university kaya natuwa talaga ako.
Kumuha ako ng mga limang libro at sinimulang basahin... Nagulat ako dahil sa bawat end ng lesson ay may summaries about the whole topic at detalyado talaga. Sa ilalim ng mga notes ay may pangalan ni Mokong na naka printed which means na siya ang gumawa ng mga ito.
Natapos ko ang limang libro na kinuha ko sa tulong narin ng mga summaries na sinulat niya. I opened my cellphone at nagulat ako ng tingnan ko ang oras. It's already 12 A.M... hindi ko man lang namalayan.
Itinago ko ang mga libro at kinuha ang dala kong tray para ilagay sa kusina at nadaanan ko ang kwarto ni Mokong pero mukhang wala pa ito sa loob
Bumaba ako at patungo ng kusina at hindi ko man lang ito nakita... Umupo muna ako sa couch ng mga 10 minutes para hintayin siya kaso wala naman kaya napagdesisyunan ko nalang na tingnan ko siya sa buong bahay pero wala talaga ito.
Wait... Bakit ko nga ba ang Mokong na iyon... Mabuti nga na wala para tahimik ang mundo ko lalo na at wala rito sina Manang Celia at Manong Jome...
Bumuntong hininga muna ako bago pumasok ng kwarto. Hindi ko nalang papatayin ang mga ilaw sa buong bahay. Nagpalit na ako ng pantulog at humiga na. Pinatay ko ang ilaw ng kwarto at ang binuksan lang ay ang lampshade na nasa side table ko. Binuksan ko rin ang phone ko para mag music habang hindi pa naman ako dinadalaw ng antok...
Bumibigat na ang talukap ng aking mga mata sign na antok na ako ng biglang mawalan ng kuryente kaya napasigaw ako.
Paano ba naman kase ay may takot ako sa brownout tapos wala pa akong kasama sa bahay... Tinakpan ko ang sarili ko ng kumot ng biglang kumulog at kumidlat na nagpatalon saakin paalis ng kama...
Why???!!! Bakit nagsama sama pa lahat ng trauma ko sa iisang sitwasyon. Hindi ko namalayan na nanginginig na pala ako at umiiyak. Kumulog at kumidlat muli kaya kaagad na akong lumabas ng kwarto at tumakbo. Hindi ko alam pero kailangan ko...ay nakita akong liwanag sa office room ni Mokong kaya doon ang tinungo ko...
"Tulungan mo ako Edward" sigaw ko habang tumatakbo at bigla nanamang kumidlat at mas lalo ko pang binilisan...
"May problema ba Jenny?".
"Edward?" Para akong nabuhayan ng loob ng marinig ko ang boses niya kaya kaagad akong pumasok kaso ay palabas rin ito. Dahil sa dilim ay hindi ko siya nakita kaya nagkabanggaan kaming dalawa at pumaibabaw ako sakanya at halos one inch nalang ang lapit ng labi namin sa isa't isa sakto namang tumama sa mukha niya ang liwanag ng kandila rito...
Jenny stop what's you're thinking right now!!! Galit kong asik sa sarili ko... Wala lang ito...
"E-edward".
"J-jenny?".
End of #TNWMLC -Chapter 09-I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (159)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
maganda
08/04/2025
0Bagus dan cerita elegan
02/04/2025
0not bad
19/01/2025
0Tingnan Lahat